You are on page 1of 3

‭NAME: TRISHA MAE G.

AMOY SECTION: MLS 2C‬

‭Yaman Ng Tahanan‬
‭Panitikan.com.ph.‬

‭Yaman ng tahanan namin‬‭ang mga tawanan,‬


‭sa maraming bagay, kami ay may napagkakasunduan.‬
‭Pasiyahin at igalang ang bawat isa’y di nalilimutan,‬
‭kaya naman natatangi ang pagsasamahan.‬

‭Yaman ng tahanan namin ang pagtutulungan,‬


‭laging mayroong kamay na handang umagapay.‬
‭Ibinibigay anuman ang aming mga kailangan,‬
‭handang maglaan ng oras at tiyaking mayro’ng gabay.‬

‭ aman ng tahanan namin ang respeto,‬


Y
‭sumusunod sa mga payo at anumang panuto.‬
‭Batid naming ito ay para sa aming ikabubuti,‬
‭lumaking magalang at mayroong disiplina sa sarili.‬

‭ aman ng tahanan namin ay ang pamilya,‬


Y
‭samahang hindi matatawaran ng iba pang relasyon.‬
‭Sa loob ng bahay ay puno ng pag-asa at saya,‬
‭basta sama-sama ay nakakayanin anumang hamon.‬

‭Mga Akdang Patula‬

I‭ . May-akda:‬‭Ang tulang ito ay nang galing‬‭sa websayt na www.panitikan.com.ph‬


‭ngunit hindi binanggit ito kung ito ay may-akda o manunulat.‬

‭II. Pamagat:‬‭"Yaman Ng Tahanan"‬

‭III. Anyo/Uri ng Panitikan:‬‭Tula o patula‬

I‭ V. Paksa/Tema:‬‭Ang tahanan bilang yaman, pagkaka-isa,‬‭pagtutulungan, respeto, at‬


‭pagmamahal sa pamilya.‬

‭V. Kayarian/Elemento:‬

‭Sukat:‬‭Ito ay isang uri ng libreng tula o tinatawag‬‭na free verse.‬


‭Tugma:‬‭Ang tugma nito ay di-ganap‬

‭tugmang ganap:‬‭Halimbawa ng tugmang ganap: "tawanan"‬‭at "napagkakasunduan."‬

‭tugmang di-ganap:‬‭Halimbawa ng tugmang di-ganap: "pamilya"‬‭at "hamon."‬

‭Taludtod:‬‭: Ang tula na ito ay may malayang‬‭taludturan‬

‭Saknong:‬ ‭Ito ay may apat (4) na linya‬‭o kilala bilang quadtrain.‬

‭Persona:‬‭Ito ay nasa ikatlong panauhan.‬

‭ alinghaga/Tayutay:‬‭"Samahang hindi matatawaran ng‬‭iba pang relasyon" |‬


T
‭"matatawaran" Ito ang salitang napili ko sa taludtod dahil ang ating relasyon sa pamilya‬
‭ay walang makahigit o pantay at walang sinuman ang maaaring magmahal mag‬
‭mag-aalaga higit pa sa ating pamilya.‬

‭ imbolismo:‬‭Ang tahanan ay simbolo ng yaman, pagkaka-isa,‬‭at pagmamahal sa‬


S
‭pamilya.‬

‭ I. Bisa sa Isip:‬‭Nagpapahayag ito ng halaga ng‬‭tahanan at pamilya sa buhay ng isang‬


V
‭tao. Ipinapakita nito na ang tahanan ay puno ng pagmamahal, respeto, at‬
‭pagtutulungan.‬

‭ II. Bisa sa Damdamin:‬‭Nagpapahayag ito ng makulay‬‭at positibong damdamin‬


V
‭patungkol sa tahanan at pamilya, kung saan ang pagmamahal at pag-aalaga ay‬
‭namumutawi.‬

‭ III. Bisa sa Lipunan:‬‭Nagpapahayag ito ng halaga‬‭ng tahanan at pamilya sa buhay ng‬


V
‭isang tao. Ipinapakita nito na ang tahanan ay puno ng pagmamahal, respeto, at‬
‭pagtutulungan.‬

I‭ X. Bisa sa Kaasalan:‬‭Nagpapakita ng kahalagahan‬‭ng mga katangian tulad ng respeto,‬


‭disiplina, at pagmamahal sa isa't isa sa loob ng tahanan.‬

‭ . Mensahe/Pag-uugnay sa sarili/Perspektibo:‬‭Nagbibigay-diin‬‭sa kahalagahan ng‬


X
‭tahanan at pamilya sa buhay ng tao at kung paano ito nagbibigay-lakas at kasiyahan sa‬
‭kabila ng mga pagsubok na kinakaharap. Ang tula na "Yaman Ng Tahanan" ay‬
‭nagpapahayag ng makulay na pagmamahal at pagtutulungan sa loob ng isang pamilya‬
‭at kung paano ang tahanan ay isang mahalagang yaman sa buhay ng tao.‬

You might also like