You are on page 1of 3

MORIONES FESTIVAL

MGA NILALAMAN
1. INTODUKSYON
2. DISKASYON
3. KONKLUSYON
INTRODUKSYON
“Ang maskara ay mayroong kasaysayan, ang kasaysayan ay maskara ng nagdaan.”

MARINDUQUE
 Ang Marinduque ay bahagi ng rehiyon IV-B na kilala rin bilang kabilang sa MIMAROPA o
Mindanao, Marinduque, Romblon, at Palawan
 Ang Marinduque ay binubuo ng (6) anim na munisipiyo ito ay mga Boac, Mogpog, Sta. Cruz,
Torrijos, Buenavista, at Gasan

DISKASYON
MORIONES
 Ang Moriones Festival ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap tuwing Semana Santa sa isla
ng Marinduque.
 Ang Moriones ay mga lalaki at babae na naka-kostume at naka-maskara na ginagaya ang
kasuotan ng mga Romanong sundalo sa Bibliya ayon sa Interpretasyon ng mga local.
 Ang mga maskara na may mabangis na anyo, kadalasan may balbas at gawa sa kahoy na hinugot
o papel-mache na may hawig sa helmet na pinapalamutian ng iba’tibang kulay na papel na
bulaklak ang karaniwang kasuotan sa Moriones.
 Tinuturing na pangunahing kagamitan ang mga tulos na kahoy na espada, sibat, at kalasag.
 Ito rin ay isang Folk-Religious Festival

SINO SI FATHER DIONASIO SANTIAGO?

 Si Fr. Dionasio Santiago ay nagmula sa bayan ng Mogpog mga 1880s.


 Siya ang nagsimula ng Moriones Festival bilang paraan ng pagpopokus sa pansin ng kaniyang
mga parokyano sa mga relihiyosong gawain sa kuwaresma.
Kasaysayan
 Sa Valencia, Espanya mayroong katulad na pagdiriwang (Moors and Christians Festival).
 Ang sailtang “Moriones” ay nagmula sa “moros”
 Ang isa pang posibleng pinagmulan ay mula sa salitang Espanyol na “murio” (ugat na pandiwa:
muto) na nangangahulugang namatay.
Ang mga pari ay naimpluwensiyahan ng kwento ni Longinus.
Sino si Longinus?
 Si Longinus ay isang Romanong Senturion
 Naroroon sa panahong pinapako si Jesu Kristo
 Mayroong kapansanan (bulag ang isang mata)
Mga Pangyayari at Dahilan ng pagtuligsa kay Longinus
Pangyayari
 Tinusok ni Longinus sa tagiliran si Jesus Kristo upang alamin kung ito ba ay patay na, sa hindi
inaasahang pagkakataon ang dugo ni Jesus Kristo ay pumatak sa mata ni Longinus at gamaling ito
at siya’y nakakita na
Dahilan
 Naging dahilan ito ni Longinus upang magbagong-loob sa Kristiyanismo (paglipat sa kristiyanismo)
na nagdulot ng galit sa kaniyang mga kapwa senturion.
Kaganapan
 Simula sa Banal na Lunes / Lunes Santo, ang mga penitente ay nagbibihis bilang mga Romanong
Senturion sa makukulay na kasuotan na may mabibigat at makukulay na maskara.
 Ang pagtitiis sa gitna ng initan habang nakamaskara ay bahagi ng kanilang sakripisyo bilang
penitente.
 Sa pagkakaporma bilang mga matapang na sundalo na may itim nab albas at helmet, sila ay
naglilibot sa bayan na naglalaro ng mga biro sa mga tao, pananakot sa mga bata, at nang-aakit sa
mga babae.
 Tinatago/binabago rin nila ang kanilang mga boses sa pamamagitan ng paggawa ng tunog na
tulad ng ibon kaysa sa pagsasalita.
 Nang kanilang makita si Longinus agad nila itong dadakipin at ihaharap sa gumaganap na Poncio
Pilato at sa mga gumaganap na mga Pariseo na humuhusga sa kanya
 Natatapos ang dulaan pagsapit ng Linggo ng pagkabuhay kung saan hahatawan ng bitay si
Longinus sa pamamagitan ng pagpugot ng kaniyang ulo.
Konklusyon

Ang Moriones Festival ay isang dulaang itinatanghal sa daan o kalye sa pamamagitan ng


pagpapakita ng pagtuligsa nila kay Longinus ng (7) pitong araw dahil sa pagbabagong loob nito sa
Kristiyanismo. Maging ang pari ay naipluwensiyahan nito at ginawang daan upang magkaroon ng
papopokus o pansin ang kniyang mga parokyano sa mga relihiyosang gawain sa kwaresma.
Ang karanasan ni Longinus ang naging dahilan ng pagsibol ng Moriones Festival at naging dahilan
ng pagbuo ng ibat-iba pang festival sa Pilipinas.

Trivia: Alam niyo bang isa si Longinus sa nagbabantay sa libingan ni Jesus Kristo at nakasaksi sa muling
pagkabuhay nito.

You might also like