You are on page 1of 1

Pista sa Gitna ng Pandemya

Ang Moriones ay isang taunang pista na ginaganap tuwing Mahal na Araw sa pulo ng
Marinduque, Pilipinas. Sa Moriones, nakadamit at nakamaskara ang mga tao bilang
mga sundalong Romano ayon sa nasaad sa Bibliya sa kuwento ng pagpapasakit ni
Hesus. Naging inspirasyon ang Moriones or Moryonan para gumawa ng iba pang mga
pista sa Pilipinas kung saan ang mga pang-kalinangang gawi ay nagiging pista sa
lansangan Hango ang salitang Moriones mula sa salakot noong ikalabing-anim at
ikalabingpitong siglo na morion. Ginugunita ito taon taon ng mga tao dun. Ang mga tao
ay gumagawa at nagsusuot ng kasuotan ng mga sundalong Romano. Pinagdiwang
nila nung isang taon ngunit unti lamang ang mga tao dahil nga sa pandemya. Nagsindi
ng mga kandila ang mga tao dun bilang pugay. Ang mga tao ay pinagdasal ng pari.
Binantayan ng mga sundalo ang mga gumanap sa Fiesta. Ginawan ng Morion ang
mga gaganap para sa pagtatanghal. Inukit at sinunog ng mga gumagawa para lalong
gumanda ang maskara

You might also like