You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS

LALAWIGAN NG QUEZON
BAYAN NG ATIMONAN
TANGGAPAN NG CFLC BUILDING
BRGY. ZONE 4 POB.

Sipi ng katitikan ng karaniwang pulong ng ATIMONAN BANTAY DAGAT ng ginanap noong Ika-
15 ng Disyembre sa CFLC Building Brgy. Zone 4 Pob. Atimonan, Quezon sa ganap na ika 1:00 ng
hapon.

MGA DUMALO:

Eufronio G. Acuna
Lucito G. Acuna
Nonito Z. Briz
Jason R. Villanueva
Felixberto N. Parapina
Luisito A. Nera Jr.
Alberto O. Dapula
Juanito Campomanes
Nestor Q. Restom
Ameil Bobera
Jonathan Bojador
Jennylen U. Garcia
Edwin Ortiz
Elaizza Liwanag

DI DUMALO:
WALA

AGENDA:
1. Operation Planning for Yr. 20202
2. Duty & Responsibility

Nagsimula ang pagpupulong sa ganap na ika 1:00 ng hapon. Sa panalangin ni G. Felixberto N.


Parapina sinundan ng pag-tawag ng mga kasapi at bago binasa ang nakaraan katitikan.

Sapagkat wala na puna sa nakaraan katitikan, iminungkahi ni G. Nonito Briz at pinangalawahan


ni G. Lucito Acuna ang nakaraang katitikan ay ganap na pinagtibay.

Simula na ang unang Agenda na Pagplano para sa mga operasyon ng Bantay Dagat laban sa
Ilegal na panghuhuli ng isda tulad ng mga huli sa paputok, pagkalason at pagkakuryente .

Sinabi din ni Sir Edwin Ortiz na pati sa loob ng Fishing Port ay dapat regular na imonitor ng
Bantay Dagat para siguraduhin walang magsusulit ng mga huli sa ilegal.

Sumagot naman ang Pangulo ng Bantay Dagat na si G. Eufronio G. Acuna na araw araw ang
bawat duty bantay dagat ay magkakaroon ng monitoring sa fishing Port at ang lahat ng mga makikitang
ilegal ay papabalikin kung saan bayan ito hinuli hindi pamamayagan sa Fish Port ng Atimonan.
Nagbigay ng schedule si G. Edwin Ortiz ng mga operation ng Bantay Dagat sa bawat linggo ay
magkaroon ng dalawang Seaborne operation sa Municipal water at kahit isang Operation sa Fishing Port
para sa ilegal na huli sa putok para sa taon 2022.

At ito naman ay pinamayagan ng lahat ng Bantay Dagat.

Dahil dito ay iminungkahi ni G. Jason R. Villanueva na simulan na ang ikalawang Agenda.


Pinangalawahan ni G. Jonathan Bobera.

Simulan na ang ikalawang Agenda. Simulan talakayin ni Bb. Jennylen U. Garcia ang mga
responsibilidad ng Bantay Dagat . Tulad ng Pagduty sa tamang Oras at ang pakikiisa sa mga operasyon
ng Bantay Dagat. Tinalakay din ang pangangalaga sa pangalan at imahe ng Bantay Dagat.

At ito naman ay naintindihan ng lahat ng Bantay Dagat.

Sapagkat walang paksang dapat pang talakayin iminungkahi ni G. Juanito V. Campomanes at


pinangalawahan ni G. Nestor Restom isara na ang kapulungan sa ganap na ika-3:30 ng hapon.

Inihanda ni:

NONITO Z. BRIZ
Kalihim

Patotoo ni :

EUFRONIO G. ACUNA
MFARMC Chairman

You might also like