You are on page 1of 10

COLLEGE OF MARY IMMACULATE

JP Rizal St., Poblacion, Pandi, Bulacan


(044) 769.2021
https://www.collegeofmaryimmaculate.edu.ph

FIL 03 MALIKHAING PAGSUSULAT


IKA-ANIM NA LINGGO

1. Mga Anyo ng Pagsulat


a. Anyong Pangangatwiran o Argumentasyon
I. Layuning bigyang-paliwanag ang paksa, kaysa sa bigyan-panlunas, para makita at
mapakilalang mabuti ang partikular na bagay na tinatalakay sa pamamagitan ng mga
pruweba’t patunay, sa gayon, malinawan at maintindihan nang walang pagpapasubali ang
pinagmamatuwirang posisyon o pahayag.

II. Isang pahayag na mapagtatalunan

b. Anyong Klasipikasyon o Pag-uuri-uri


Pinararaan ang mga ito sa iba-ibang sistema ng pag-uuri, at walang ibang pinakabasehang
magagawa kundi ang paghahanap na kategorya na napagsama-sama ang mga bagay na
maaaring magkakahiwalay at mapagbubuklud-buklod ang mga magkakaiba.

c. Anyong Pagsusuri o Analisis


Isang pagtataya sa nilalaman ng akda angpagsusuri. Dalawang importanteng gampanin ang
kailangan isakatuparan: una, pagmamasid at pangalawa, pasulat ng mga naobserbahan.
Ang pagsulat sa anyong pagsusuri ay hindi lamang isang pag-uulat ng mga naobsrebahan
kundi isang kasanayan sa pagmamasid.

d. Anyong Pasalaysay
Pagpapahayag na naglalayong maghayag nang sunod-sunod ng isang pangyayari, mga
tauhan at may tagpuan.

Halimbawa: maikling kuwento, talambuhay, dyornal, kasaysayan, kathang-isip.

e. Anyong Paglalarawan
Pagpapahayag na naglalayong magsaad ng larawan ng kabuuan ng isang bagay, pangyayari
o magbigay ng isang biswal na konsepto nga mga bagay-bagay, pook, tao o pangyayari.

f. Anyong Panghihikayat
Pagpapahayag na naglalayong mahikayat ang mambabasa na makiayon o tanggapin ang
pananaw ng manunulat.

Halimbawa: adbertisment at sanaysay.

g. Anyong Eksposisyon
Pagpapahayag na may tungkuling ipaliwanag ang pangyayari, opinion, kabatiran at mga
kaisipan.

h. Anyong Ekspresyon
Pagpapahayag ng saloobin para mapagaan ang loob bilang isang positibong pagbuhos ng
emosyon.

i. Anyong Repleksyon
Nilalaman ang sarili ng distansya at inilalagay sa perpektibong malinaw na masukat ang
sariling pagkatao. Tinutuklas dito ang kahalagahan ng mga karanasang nagdaan at ang
mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan sa buhay.

j. Anyong Direksyon o Panuto

COLLEGE OF MARY IMMACULATE © 2024. All Rights Reserved.


For the exclusive use of Officially Enrolled CMIans only. Unauthorized use,
reproduction, sharing or distribution is strictly prohibited.
COLLEGE OF MARY IMMACULATE
JP Rizal St., Poblacion, Pandi, Bulacan
(044) 769.2021
https://www.collegeofmaryimmaculate.edu.ph

Naipapakita ng manunulat ang kanyang pag-intindi sa mga mambabasa, gayundin,


naipasusunod niya ang tamang pagsasaayos ng mga bagay-bagay sa proseso ayon sa mga
tuntuning dapat gabayin.

2. Mga Uri ng Pagsulat


a. Akademik – pormal ang istraktura. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap upang
maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya. Kadalasang seyoso, nakabatay sa sinaliksik
na kaalaman. Ang pagbuo ng ganitong uri ng kritikal na pagsulat ay nakadepende sa kritikal
na pagbasa ng isang indibidwal. Ang mga pamanahaunang-papel, tesis, disertasyon, suring-
basa, panunuring pampanitikan, malikhaing pagsulat oanumang sulating may paksang pag-
akademik ay nabibilang sa uring ito.
b. Jornalistik – Ang mga salitang hango sa mga pahayagan gaya ng balita, editorial,
lathalain at mga balitang isports ay halimbawa ng jornalistik na pagsulat.
c. Teknikal – panglibrong pang-akademiko
d. Reperensyal – Ang pagtatala ng mga sangguiniang gagamitin ay nakatutulong nang
malaki sa pagpapadali ng gagawing pagsulat. Maaring ang mga ito’y mulasa mga aklat,
pahayagan, magazine, on-layn sorses, diksyunaryo, jornal, tesis at disertasyon.

3. Uri ng Sulatin
Malikhain- ang tawag sa genreng may kaugnay sa malikhaing pagsusulat. Ito ay may
dalawang uri:

1. Tuluyan o komposisyong nagsasalaysay ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari na lagi nang may tauhan, tagpuan at paksa. May iba’t ibang uri ito:

a. Maikling kwento- isang akdang nagsasalaysay ng mga pangyayari na kadalasan


nang may suliraning nilulutas ng pangunahing tauhan, may tagpuan, kasukdulan at
wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Nababasa sa sangdaling panahan
lamang.
 Kwento ng Katutubong Buhay – ang binibigyang pagpapahalaga ay ang tungkol
sa uri ng pamumuhay, kapaligiran, hanapbuhay at pananamit.
 Kwento ng Madulang Pangyayari – ang mga kapana-panabik na pangyayari na
nakapagbabago sa katauhan ng tauhan ang binibigyang linaw sa nasabing
kuwento.
 Kuwento ng Pakikipagsapalaran – ang matinding interes at kawilihan ay nasa
balangkas at walasa mga tauhang nagbibigay kulay sa kuwento.
 Kuwentong Kababalaghan – ang mga di-kapani-paniwalang pangyayari at ang
katatakutan ang nilalaman ng kwento.
 Kuwento ng Tauhan – ang interes nito ay nakasalalay sa pangunahing tauhan.
 Kuwento ng Sikolohiya – mangilan-ngilan lamang ang sumusulat ng kuwentong
ito sa kadahilanang may kahirapan ilarawan ang pag-iisip ng isang tao. Ang higit
na kakailanganin ay maipadam sa mga bumabasa ang damdamin ng isang tao
sa harap ng isang pangyayari.
 Kuwento ng Katatawanan – ang magpatawa at bigyang aliw ang mga bumabasa
ang tanging layunin ng nasabing kuwento.

 Nobela- isang akdang naiiba, higit na marami ang mga tauhan, may masalimuot na
mga pangyayari at may kahabaan ang sakop na panahon. Kadalasang nahahati sa
mga kabanata.

COLLEGE OF MARY IMMACULATE © 2024. All Rights Reserved.


For the exclusive use of Officially Enrolled CMIans only. Unauthorized use,
reproduction, sharing or distribution is strictly prohibited.
COLLEGE OF MARY IMMACULATE
JP Rizal St., Poblacion, Pandi, Bulacan
(044) 769.2021
https://www.collegeofmaryimmaculate.edu.ph

1. Nobela ng Pangyayari – ang mahalagang kinakatawan ay ang pagkakasulat o


pagkakagawa ng nasa pangyayari ng nobela.
2. Nobela ng Tauhan – ang kahalagahan ay ang pangunahing tauhan at hangarin
ng mga tauhan
3. Nobela ng Romansa- ang binibigyang halaga rito ay ang pag-iibigan.
4. Nobela ng Pagbabago – ang mga ibig manyaring pagbabago sa lipunan o
pamahalaan na kanyang kinabibilangan ang hangad ng may-akda.
5. Nobela ng Kasaysayan – ang binibigyang halaga ng may-akda ay ang kasaysayan
ng ating pinagmulan at ang paglalarawan ng mga bayaning may malaking ambag
sa pagtatanggol sa bayan.

a. Talambuhay- isang akdang nagsasalaysay tungkol sa buhay na pinagdaanan ng isang


kilalang tao.
b. Dula- isang uri ng akda na nagsisimula sa tula o sa tuluyang pagnugnusap na
naglalarawan ng buhay o ugali sa pamamagitan ng mga usapan at kilos ng mga
tauhang tumutupad upang itanghal sa dulaan.
c. Anekdota- isang uri ng akdang tuluyan na karaniwang kakatwa, maikli, subalit nag-
iiwan ng aral.
d. Talaarawan- isang kalipunan ng mga salaysay o pangyayaring naranasan ng may
akda.
e. Sanaysay- ito ay isang akdang tumatalakay sa isang mahalaga aat napapanahong
usapin sa lipunan. Malawak ang saklaw nito dahil anumang bagay tungkol sa
pagbabagong ekonomika, pulitika, sosyal, kultural at maging personal ay maaaring
talakayin.
f. Talumpati- isang akdang pasalita na naglalayong talakayin ang isang napapanahong
isyu sa lipunan.
g. Pabula- ang mga karakter ay mga hayop, naglalayong gisingin ang isipan ng mga bata
sa mga pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali.
h. Parabola-mga hango sa bibliya na tulad ng anekdota ay nagbibigay aral sa mga
mambabasa.

a. Apat na Uri ng Anyong Patula


 Patula – isang akdang pampanitikan na nagpapahayag ng tiyak na diwa’t damdamin
at pagkaunawa ng makata sa mga karanasan niya sa buhay. Maaaring may sukat o
tugma o di kaya’y malaya.

1. Tulang pasalaysay – naglalarawan ng makahulugang mga tagpo sa buhay.


a. Epiko – nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat
nauukol sa nga kababalaghan.
b. Awit at korido – may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa
pagkamaginoo at pakikipagsapalaran at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna,
prinsipe at prinsesa. Ang awit ay may sukat na 12 pantig at inaawit nang
mabagal sa saliw ng gitara o bandurya samantala, ang korido ay may sukat na
walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa.
c. Balad – Himig na awit dahil ito ay inaawit habang may nagsasayaw. Ito ay
nilikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan ito ay na sa mga tulang
kasaysayan na may anim hanggang walong pantig.

2. Tulang Pandamdamin – Nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o


ng ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guniguni ng makata na
batay sa karanasan. Karaniwang maikli, likas at madaling maunawaan.

COLLEGE OF MARY IMMACULATE © 2024. All Rights Reserved.


For the exclusive use of Officially Enrolled CMIans only. Unauthorized use,
reproduction, sharing or distribution is strictly prohibited.
COLLEGE OF MARY IMMACULATE
JP Rizal St., Poblacion, Pandi, Bulacan
(044) 769.2021
https://www.collegeofmaryimmaculate.edu.ph

a. Awiting Bayan – karaniwang paksa ay pag-ibig, kawalang pag-asa o


pamimighati, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.
b. Soneto – May labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may
malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y naghahatid ng
aral sa mambabasa.
c. Elehiya – Nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o
kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.
d. Dalit – Awit ng pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng
kaunting pilosopiya sa buhay.
e. Pastoral – naglalayong maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.
f. Oda – nagpapahayag ng papuri, panaghoy o iba pang masiglang damdamin,
walang tiyak na binibilang na pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang
saknong.

3. Tulang Pandulaan – Ang tulang ito’y karaniwang itinatanghal sa isang dulaan o


entablado. Ang usapan ng mga gumaganap ay patula.
a. Komedya – Ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may
layong pukawin ang kawilihan ng manonood. Nagwawakas nang masaya, ang
tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na
siyang nakapagpasiya ng damdamin ng manonood.
b. Melodrama –Karaniwang para sa musical, kasama na ng opera, ang sangkap ay
malungkot, ngunit kasiya-siya ang katapusan para sa pangunahing tauhan ng
dula.
c. Trahedya – Tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng
pangunahing tauhan ng dula.
d. Parsa – naglalayong magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na
pangyayaring nakatatawa.
e. Saynete – paksa ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook.

4. Tulang Patnigan – karaniwan ng may pantig ang bawat taludturan at tumatakay sa


isang paksang pinagtatalunan.
a. Karagatan – batay sa alamat ng sensing ng isang prinsesa na naihulog niya sa
dagat sa hangaring makapang-asawa ang kasintahang mahirap. Ang
makakukuha ng singsing ay pakakasalan siya.
b. Duplo – humahalili sa karagatan, paligsahan ng husay sa pagbigkas at
pangangatwiran nang patula. Ang pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa mga
sawikain at sa mga kasabihan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang
namatayan.
c. Debate o Balagtasan – isang pagtatagisan ng katuwiran sa anyong pasalita ukol
sa isang paksa o usapin pinag-uusapan. Kaiba naman ang balagtasan sa
debate bagamat isa ring pagtatalo ngunit ang mga pangangatwiran dito ay
kailangang may sukat at tugma.

COLLEGE OF MARY IMMACULATE © 2024. All Rights Reserved.


For the exclusive use of Officially Enrolled CMIans only. Unauthorized use,
reproduction, sharing or distribution is strictly prohibited.
COLLEGE OF MARY IMMACULATE
JP Rizal St., Poblacion, Pandi, Bulacan
(044) 769.2021
https://www.collegeofmaryimmaculate.edu.ph

FIL03 MALIKHAING PAGSUSULAT


IKA-PITONG LINGGO

4. Sulatin na Nangangailangan ng Pagsusuri sa Pormat, Nilalaman, Pananalita


at Layunin

a. Teknikal
Ito ay genre na may layuning magbigay ng impormasyon sa anyong transaksyunal,
prosidyural, pag-uulat, ekspositori at panghihikayat.
b. Transaksyonal – ito ay teknikal na genre na ginagamit sa anumang transaksyon o
komunikasyong nangangailangan ng pagtugon o tuwirang sagot.

Halimbawa: E-Mail, Liham, Pagbati, imbitasyon, text message at


pakikipanayam.
Liham – ito ay pagbibigay ng mensahe o impormasyon sa pamamagitan ng pagsulat.

 Bahagi ng Liham
1. Pamuhatan - Ang parte na ito ay tumutukoy kung saan nanggaling ang sulat at
kailan ito isinulat.
2. Bating Panimula o Pambungad - Ang bahagi na ito ay nagsasaad kung ano ang
pangalan ng sinusulatan.
3. Ang Katawan ng Liham - Ang parte na ito ay napapakita kung ano ang mensahe ng
liham.
4. Bating Pangwakas - Isinasaad sa bahaging ito ang huling pagbati ng sumulat o ang
relasyon ng taong sumulat sa sinusulatan.
5. Lagda – pangalan ng sumulat.
6. Istilo ng Pagsulat
a. Istilong Blak - ito ay may mga linyang nagsisimula sa kaliwang palugit.
b. Istilong semi-blak - ang petsa, bating pangwakas at lagda ay nakasulat sa
may kanang palugit ng papel, nakapasok din ang bawat bahagi ng katawan
ng liham.
c. Uri ng Liham
- Liham pangkaibigan - Ang liham na pangkaibigan ay kadalasang ginagamit upang
binabalita, kinukumusta, nag-aanyaya, bumabati o nakikiramay sa namatay.
a. Pagbabalita – madalas itong sulatin. Ipinabbaatid natin ang balita ng ating
buhay o mga nangyayari sa atin sa ating mga kaibigan o mahal sa buhay.
b. Paanyaya – ginagamit ito upang umanyaya sa tao sa isang mahalagang
okasyon o pagtitipon. Nakalahad nito ang ano ito, kailan, at saan ang
magaganap.
c. Pagtanggap – nakasaad ang pagtiyak sa pagdalo. Ang pagpapadala ng liham
nito upang matiyak ang nag-anyaya kung ilang bisita ang aasahin niya ay
isang mabuting kaugalian.
d. Pagtanggi – kabutihang-asal rin ang pagpapadala ng pagtanggi upang hindi na
aasa ang nag-aanyaya na dadalo ang inaaanyayahan.
COLLEGE OF MARY IMMACULATE © 2024. All Rights Reserved.
For the exclusive use of Officially Enrolled CMIans only. Unauthorized use,
reproduction, sharing or distribution is strictly prohibited.
COLLEGE OF MARY IMMACULATE
JP Rizal St., Poblacion, Pandi, Bulacan
(044) 769.2021
https://www.collegeofmaryimmaculate.edu.ph

e. Pakikiramay – ito naman ang pakikiisa sa kalungkutan o nararamdaman ng


sinusulatan at kadalasan itong sinusulat para sa namatayan.
f. Paumanhin – ito ay nagsasaad ng paghingi ng tawad o dispensa sa
pagkakamaling ginawa, sadya man o hindi.

- Liham Pangangamusta – pangangamusta sa kaibigan, kamag-anak, kakilala na


matagal ng hindi nagkikita.
- Liham Pasasalamat - Ito ay isang natatanging uri ng liham tungkol sa pagtanaw ng
utang na loob sa kabutihang gawa ng isang tao.
Liham Paanyaya - Ito ay isang uri ng dokumento na tumutulong sa amin na
humiling ng presensya o pagdalo sa isang partikular na kaganapan. Ang kahilingang
ito ay maaaring sa isang tao, isang organisasyon, isang kumpanya, isang grupo ng
pamilya o isang grupo ng mga taong katulad ng pag-iisip.

Ang mga uri ng liham na ito ay maaaring gawin nang impormal o pormal, depende sa
uri ng kaganapan at kung kinakailangan ito ng okasyon. At tulad ng karamihan sa
mga titik, maaari itong i-print at ipadala sa pamamagitan ng postal system, o
gamitin nang digital sa pamamagitan ng email.

Dapat itong isulat sa isang palakaibigan, kaaya-ayang tono, upang ang nagpadala ay
makapagbigay ng positibong tugon sa imbitasyon, at magpakita sa kaganapan o
pulong.

- Liham Pagbati - Sa liham na ito ay ating ipinababatid sa mga kaibigan o mahal sa


buhay ang mga balita o anumang pangyayaring nais nating malaman nila tungkol sa
atin.
- Liham Paghingi ng Payo - Ito'y isang uri ng liham kung saan ang sumusulat ay
humihingi ng payo mula sa padadalhan ng liham.
- Liham Pakikiramay – uri ng liham na nagsasaad ng pangungumusta sa kalagayan
ng isang nalayong kaibigan o mahal sa buhay. Naglalaman ng pagbati at
pangangamusta sa kalagayan ng namatayan.
- Liham Paumanhin - ay liham na humihingi ng paumanhin sa kausap/tao kung
may nagawang mali.
- Liham Pangangalakal - Isang formal na uri na nagsasaad ng makapag-ugnayan sa
mga tanggapan o opisina. Kailangan nito ng mga katangiang malinaw, maikli,
magalang, tapat, mabisa, maayos, malinis at makinilyado.
a. Pagpapakilala – isinulat upang irekomensa ang isang tao sa trabaho o ang
isang bagay o produkto na inendorso
b. Aplikasyon – sinusulat upang humanap ng trabaho
c. Pamimili – nagsasaad ng mga bagay o panindang bibilhin na ipinadadala sa
koreo
d. Subskripsyon – naglalahad ng intensyon sa pagsubskribo ng pahayagan,
magasin at iba pa.
e. Nagrereklamo – naglalahad ng reklamo o hinaing.
f. Nagtatanong – nagsasaad ng paghihingi ng impormasyon

COLLEGE OF MARY IMMACULATE © 2024. All Rights Reserved.


For the exclusive use of Officially Enrolled CMIans only. Unauthorized use,
reproduction, sharing or distribution is strictly prohibited.
COLLEGE OF MARY IMMACULATE
JP Rizal St., Poblacion, Pandi, Bulacan
(044) 769.2021
https://www.collegeofmaryimmaculate.edu.ph

FIL03 MALIKHAING PAGSUSULAT


IKA-WALONG LINGGO

5. Ang Pagtuturo ng mga Kasanayan sa Pagsulat


1. Proseso ng Pagsulat
 Bago sumulat (pre-writing)
 Sa bahaging ito, ang mga mag-aaral ay dumaraan muna sa
brainstorming. Dito ay malaya silang mag-isip at magtala ng kanilang
mga kaalaman at karanasan na may kinalaman sa paksa. Dito rin
mapagpapasiyahan kung ano ang susulatin ng mag-aaral, ano ang
layunin sa pagsulat, at ang estilong kanyang gagamitin.
 Pagbasa ng sinulat na akda ng iba.
 Paggamit ng larawan, text tuwirang sipi upang gumana ang isipan.
 Aktwal na pagsulat (writing stage)
 Pagkuha ng pinakamahahalagang ideya mula sa panimulang pagsulat at
pagpapalusog ng mga ideyang ito.
 Muling Pagsulat (rewriting)
 Rebisyon
 Pagbasa sa teksto at paglilimi sa kasapatan o kakulangan ng pagkakasulat
 Pagkuha ng fidbak mula sa kasamahan
 Pag-organisa ng mga ideya
 Editing
 Nasunod ba ang panuntunan sa pagsulat tulad ng talataan, sintaks, pagpili ng mga
salita, ispeling, bantas at gamit ng malalaking titik at kabuuan

1. Mga Katangian ng Pagsulat


 Kaisahan ng Paksa
Pagkakaisa ng paksa ay mahalaga sa pagsulat dahil malalaman
kung ano ang nais ipahiwatig ng mga may-akda.
 Diin
Para malaman ang emosyon na ipinahihiwatig ng manunulat sa
kaniyang isinulat.
 Orihinal at Makatotohanan
Dito nagpapakita ng malikhain ng isang tao. Isa sa mga
katangian nito ang pagkamakatotohanan ng manunulat.
 Napapanahon
Ito ay nagpapakita ng galing ng isang manunulat.
Ang mga napapanahon ng mga sulatin ay tumatalakay sa mga
mainit na isyung pang lipunan na dapat malaman ng lahat ng
tao.

COLLEGE OF MARY IMMACULATE © 2024. All Rights Reserved.


For the exclusive use of Officially Enrolled CMIans only. Unauthorized use,
reproduction, sharing or distribution is strictly prohibited.
COLLEGE OF MARY IMMACULATE
JP Rizal St., Poblacion, Pandi, Bulacan
(044) 769.2021
https://www.collegeofmaryimmaculate.edu.ph

2. Pangunahing Layunin ng Pagsulat


 Pagsulat ng Impormatibo (expository)
 Ito ay naghahangad na makapagbigay ng impormasyon at mga paliwanag.
 ay nagtataglay ng mahahalaga at tiyak ng impormasyon tungkol sa mga tao,
bagay, lugar at pangyayari. Kalimitan itong tumutukoy sa mga tanong na ano,
sino at paano.
 Pagsulat ng Mapanghikayat (persuasive writing)
 Ang mapanghikayat na pagsulat ay isang anyo ng non-fiction na pagsulat na
naghihikayat ng maingat na pagpili ng salita, pagbuo ng mga lohikal na
argumento, at isang magkakaugnay na buod.
 Sa madaling salita, ang persuasive writing ay "isang sanaysay na nag-aalok at
sumusuporta sa isang opinyon". Ang ganitong uri ng pagsulat ay kadalasang
ginagamit para sa kopya ng advertising, na isinulat sa pagtatangkang makuha
ang mga mamimili na bumili ng mga partikular na produkto. Isa rin itong anyo
ng pagsulat kung saan sinusubukan ng isang tao na sumang-ayon ang mga
mambabasa sa isang posisyon.
 Pagsulat na Malikhain (creative writing)
 Sa mas malalim na pagpapaliwanag, ang sulatin ay naglalayon na
maipahayag ang saloobin ng manunulat at maiparating sa mga tao ang
mensahe na nais nitong iparating. Pinupukaw ng isang sulatin ang
imahinasyon at damdamin ng mga mambabasa.

1. Uri ng Pagsulat Ayon sa Anyo
 Pormal na pagsulat
 Ito ay madalas nababasa sa mga aklat at iba pang babasahin
 Tagalay nito ang datos na mabusising kinalap at pinag-aralan
 Ang pormal ay gumagamit ng pormal na wika

Halimbawa: pananaliksik, sanaysay, talumpati, ulat, panunuring


pampanitikan, pampelikula, reaksyong papel

 Di-pormal na pagsulat
 Nakatuon sa pagbabahagi ng karanasan, pag-uugnay ng damdamin at pagpapakita
ng kaisipan na mas personal na paraan.

Halimbawa: talaarawan, liham, panayam, sanaysay, travelogue, photo essay,


lathalain, talambuhay, blog

6. Ang Apat na Uri ng Pagpapahayag sa Pagbuo ng Sulatin


1. Pagsasalaysay (Narativ)
 Ito ay naglalayonh maglahad ng sunod-sunod na pangyayari palasak at madalas
kailangan ito ng tao.
 Layunin ng pagsasalaysay ay upang mapag-ugnay ang mga pangyayaring naging
karanasan, namasid o nasaksihan.
 Ang pagpapahayag ay matapat, walang kinikilingan at mabisa

COLLEGE OF MARY IMMACULATE © 2024. All Rights Reserved.


For the exclusive use of Officially Enrolled CMIans only. Unauthorized use,
reproduction, sharing or distribution is strictly prohibited.
COLLEGE OF MARY IMMACULATE
JP Rizal St., Poblacion, Pandi, Bulacan
(044) 769.2021
https://www.collegeofmaryimmaculate.edu.ph

 Iniiwasan din ang mga maliligoy na pananalita upang maiangkop ang salita’t
pangungusap sa bagay o pangyayaring isinasalaysay.

2. Paglalahad (Expositori)
 Ang paglalahad ay ginagamit sa pagpapaliwanag ng pamamaraan o proseso ng
paggawa ng isang bagay at ng pagsasakatuparan ng isang layuni o
simulain.Pagbibigay ng direksiyon at pagpapaliwanag ng mga
hakbang.Natutugunan ng paglalahad ang mga tanong tungkol sa isang
usapin.Sinasaklaw ng paglalahad ang malawak na bahagi ng sinusulat at
binabasa ng tao.
 Ang ekspositori ay isang anyo ng diskursong nagpapaliwanag. Anyo ng
diskurso kung saan nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya, kaisipan at
impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman na inihanay sa isang maayos at
malinaw na pamamaraan.

3. Paglalarawan (Descriptive)
 Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan nagpapahayag ng mga kaisipan o
pala-palagay. Sa diskursong ito ay napapagalw ng isang tagapagpahayag ang
kaniyang imahinasyon, maging sa kanyang mambabasa at tagapakinig. Sa
pangkalahatan, ang diskursong ito ay nagbibigay ng malinaw na imahen ng
isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya upang makalikha ng isang
impresyon o kakintalan. Bunga ng kakintalang nilikha ng limang pandama ng
tao o tinatawag na singko bukales.

4. Pangangatwiran (Argumentativ)
- Nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang
isyu o panig upang makahikayat ng mambabasa o tagapakinig.
- Maisasagawa ito kung mayroon tayong kakayahang ihanay nang maaayos ang
ating kaisipan at ipaliwanag ito upang makahikayat ng kapwa.
- Isa sa mga katangiang dapat taglayin ng tagapagpahayag ng diskursong ito ay
ang pagkakaroon ng matibay na paninindigan sa mga bagay na
pinaniniwalaang tama.
- Mahalaga ang diskursong ito sa ating pagpapahayag ng mga pananaw hinggil
sa mga isyung kinakaharap.
- Ang Pangangatwiran bilang ikaapat na batayang anyo ng pagpapahayag ay
naiiba sa paglalahad, pagsasalaysay, at paglalarawan dahil layunin nitong
hikayatin ang iba na tanggapin ang katoohanan o kawastuhan ng isang
paninindigan o dili kaya’y baguhin ang kanilang pag-iisip o impluwensiyahan
ang kanilang pag-uugali at pagkilos sa pamamagitan ng mga makatwitrang
pahayag.

7. Mga Salik sa Pagbuo ng Isang Sulatin


1. Paksa / Tapik (Topic)
 dito nababatay ang laman ng isang sulatin. Dito iinog ang mga kaalamang nais
na ipabatid sa mga mambabasa.
2. Layunin (Objective)

COLLEGE OF MARY IMMACULATE © 2024. All Rights Reserved.


For the exclusive use of Officially Enrolled CMIans only. Unauthorized use,
reproduction, sharing or distribution is strictly prohibited.
COLLEGE OF MARY IMMACULATE
JP Rizal St., Poblacion, Pandi, Bulacan
(044) 769.2021
https://www.collegeofmaryimmaculate.edu.ph

 ito ay tiyak na mithiin sa pagsulat. Kinakailangang tukoy ang daloy ng


pagsulat. Maaaring nangungumbinsi, nais mag siwalat o nais lamang mang-
aliw.
3. Wika (Language)
 ito ay nauukol sa paggamit ng wastong talasalitaan na angkop sa tema, uri
ng isusulat, edad ng tagapakinig o babasa at panahon kung tanggap pa ang
talasalitaang gagamitin.

COLLEGE OF MARY IMMACULATE © 2024. All Rights Reserved.


For the exclusive use of Officially Enrolled CMIans only. Unauthorized use,
reproduction, sharing or distribution is strictly prohibited.

You might also like