You are on page 1of 2

QUARTER 3 – 2nd SUMMATIVE TEST

ESP VI
S.Y. 2022 – 2023

NAME: ______________________________________ DATE: _________________ SCORE:________

I. Basahin at unawain ang bawat pahayag ang piliin ang wastong sagot. Bilugan ang titik
lamang.
1. Ikaw at ang iyong mga kaibigan ay aakyat sa isang bundok para mag hiking. Bago ka umalis ay
nagbilin ang iyong ate na ikuha mo siya ng halamang ligaw sa bundok.Alam mo na bawal ang
pagkuha ng halaman doon. Ano ang iyong gagawin?
a. Ikukuha ko pa rin ang aking ate ng mga halaman sa bundok.
b. Sasabihin ko sa kaniya na ipinagbabawal ang pagkuha ng mga halaman sa bundok.
c. Itatago ko na lang sa aking bag upang walang makakita na kumuha ako ng halaman.
2. Dahil madalang ang pagkolekta ng basura sa inyong lugar , sinusunog ng iyong nanay ang
inyong mga basura. Natandaan mo ang itinuro ng inyong guro na may batas na nagbabawal sa
pagsusunog. Ano ang iyong gagawin?
a. Hahayaan ko na lang si nanay na magsunog.
b. Ipapaliwanag ko sa aking nanay na tigilan na ang pagsusunog at sasabihin na may batas
tungkol dito.
c. Tutulungan ko si nanay sa pagsusunog upang hindi kami mahuli.
3. Mahilig kang mag-alaga ng mga kakaibang hayop na nahuhuli lamang sa mga kagubatan.
Minsan nagpunta ka kasama ang iyong kaibigan sa isang kuweba upang humuli ng ahas para
alagaan. Nakakita kayo ngunit nagbabala ang iyong kaibigan na ipinagbabawal ang paghuli nito.
Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ko siya papakinggan at kukuhanin ko pa rin ito.
b. Kukuhanin ko na lang pagtalikod ng aking kaibigan.
c. Makikinig nalang ako sa kaniya
4. Ilang beses na kayong pinagsasabihan ng inyong guro na itapon ang mga basura ayon sa uri
nito ngunit hindi ginagawa ng iyong mga kamag-aral. Dahil ikaw ang pangulo ng inyong klase, ano
ang iyong gagawin?
a. Kakausapin ko ang aking mga kamag-aral na magtapon sa tamang tapunan.
b. Hindi ko nalang sila papansinin.
c. Hihikayatin ko pa sila na magtapon kung saan nila gusto.
5. Dahil ikaw ay bata at nag-aaral pa, dapat bang sundin mo ang mga batas na naglalayong
pangalagaan at protektahan ang kalikasan?
a. Hindi dahil bata pa ako at gagawin ko kung ano ang gusto ko.
b. Oo dahil kahit bata pa ako ay susunod ako sa mga batas dahil ito ay ipinaguutos at para na rin
sa kapaligiran.
c. Bahala na.

II. Iguhit ang masayang mukha ( 😊 ) kung ang isinasaad sa pangungusap ay tama at malungkot na

mukha ( ☹ ) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

______1. Si Mang Pedro ay iligal na nanghuhuli ng isang uri ng ibon sa kagubatan na malapit ng
maubos.
______2. Ang pamilya ni Marissa ay hindi nagsusunog ng kanilang basura bilang pagsunod sa
ordinansa ng kanilang barangay.
______3. Patuloy ang paggamit ng dinamita sa pangingisda ni Glen kahit na marami na ang
nahuli dahil sa gawaing ito.
______4. Dahil alam ni Aling Marie na may karampatang parusa ang hindi pagbubukod ng mga
basura, hinikayat niya ang kaniyang mga anak na ihiwalay ang nabubulok sa di-nabubulok.
______5. Si Ron at ang kaniyang mga kasama ay iligal na nagmimina sa isang kuweba.

III. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagsunod sa pamantayan at kalidad ng
paggawa at Mali kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.
_________1. Naiinip ako kapag gumagawa kami ng mga proyekto sa asignaturang TLE.
_________2. Hindi ako nanghihinayang sa oras at pera na ginugugol ko sa isang gawain na gusto
kong palitan kapag hindi pumasa sa aking pamantayan.
_________3. Masaya akong naglilinis ng bahay at pinagbubuti ko ito upang matuwa ang aking
mga kasambahay. _________4. Nakahanda akong makipagtulungan sa aking mga kamag-aral
upang madaling masolusyunan ang tanong at problemang di-inaasahan.
_________5. Buong kahusayan kong ginagawa ang isang gawaing iniatas ng guro sa akin.
_________6. Hindi ko pagbubutihan ang pag-uulat sa harap ng klase dahil laging ako ang
kanilang inuutusan.
_________7. Ibibigay ko ang tamang paggalang sa aking mga kamag-aral dahil iyon ang
nararapat.
_________8. Iiwasan kong manggaya sa gawain ng iba upang mapadali ang aking paggawa.
_________9. Ang salitang “puwede na ‘to” ay iwawaksi ko sa paggawa bagkus ay pag-iibayuhin
pa upang maging “puwedeng-puwede na”.
_________10.Ipapasa ko agad sa aking guro ang aking proyekto kahit alam kong may kulang pa
rito

You might also like