You are on page 1of 1

REVIEWER

FILIPINO SA PILING LARANG


AKADEMIKONG PAGSULAT

APAT NA PANGUNAHING LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


 Manghikayat
 Magbigay kaalaman
 Makipagtalo
 Magpaliwanag

MGA AKATANGIAN AT KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


 BALANSE
 KATOTOHANAN
 MAY MALINAW NA LAYUNIN AT PANANAW
 LOHIKAL NA ORGANISASYON
 KOMPLEKS
 EKSPLISIT
 OBHETIBO
 TUWIRAN

MGA ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT


PAGLALAGOM - Ito ay ang pagpapasimple o pagpapaikli ng mga nabasang sulatin o akda upang
maipabatid sa target na mambabasa ang buod nito.

SINOPSIS
Ang Sinopsis ay uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo katulad
ng Sanaysay, Maikling kwento, nobela at iba pa.
-Julian & Lontoc (2016)
MGA DAPAT TANDAN SA PAGSULAT NG SINOPSIS:
1. Banggitin ang pamagat, may akda, at pinanggalingan ng akda.
2. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat.
3. Isulat batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito.
4. Isama ang mga pangunahing tauhan, kanilang mga gampanin at suliraning kinakaharap.
5. Maaaring buoin ang buod ng isang talata, maging ng ilang pangungusap lamang.
6. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbaybay, at mga bantas sa ginamit sa pagsulat.
7. Huwag kalimutang isulat ang Sangguniang ginamit kung saan hinango ang orihinal na sipi ng akda.

HAKBANG SA PAGSULAT NG SINOPSIS


1. Basahin at unawaing mabuti ang buong akda hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa
nito.
2. Hanapin at suriin ang pangunahing kaisipan ng akda.
3. Habang nagbabasa, magtala o kaya ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o kuro-kuro ang isinusulat.
5. Ihanay ang ideya ayon sa orihinal.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaiikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay
laloong mabisa ang isinulat na buod.

ABSTRAK
- Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad
ng tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report.
- Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng akdang akademiko o ulat.

BIONOTE
- Buhay ng isang tao
- Madalas makita rito ang deskriptibong pahayag patungkol sa “achievements” ng tao.

You might also like