You are on page 1of 1

ANG KUWENTO NG GAMU-GAMU NI JOSE RIZAL

Ang ina ni Rizal ang unang nagturo sa kanya ng pagbasa. Kung sila ay inaabot ng gabi at si Rizal ay pagod na sa pag- aaral
ng pagbasa, si Ginang Rizal naman ang bumabasa at ang anak ang nakikinig. Isang gabi silang dalawa na lamang ang
naiwang gising sa kanilang bahay. Sa kanilang pagbasa ay wala nang ilaw na may sindi maliban sa osang tinghoy. Si Rizal
ay nag-aantok at pagod na sa pagbasa ng librong kangyang pinag-aaralan. Kaya ang Ina naman ang bumasa at si Rizal ay
naking nalamang.

Hindi rin nagtagal at ang bata ay napagod sa pakikinig. Siya ay nalibang ng mabuti sa mga gamugamo na naglalaro sa
ilaw. Minsan, si Rizal ay naghikab at napansin ng ina na hindi na ito nakikinig. Huminto ito ng pagbasa at saka nagwika.
"Ngayon ay babasahin ko sa iyo ang isang marikit na kwento. Makinig kang mabuti". Nang marinig ni Rizal ang salitang
"kwento," nadilat ang kanyang mga mata at tumingin sa Ina. Dagling nawala ang kanyang antok.

Pinagmasdan niya ang kanyang ina habang binubuksang isa'isa ang mga dahon ng libro sa paghanap ng kwentong
babasahin. Mayamaya'y nagsimula ang Ina ng pagbasa.

Mayroon daw dalawang ga gamugamo, isang matanda at isang bata. Maibigin silang maglaro sa tabi ng ilaw na kandila.
Isang gabi ang batang gamugamo ay lumipad nang lubhang malapit sa ningas ng kandila. "Mag-ingat ka!" ang tawag ng
matandang gamugamo. "Baka masunog ang pakpak mo ay hindi ka na makalipad."

"Hindi ako natatakot," ang mayabang na sagot ng batang gamugamo. At nagpatuloy siya ng palipad sa paligid-ligid ng
magandang ningas. Minsan, sa kanyang paglipad ay nadikit sa ningas ang kanyang pakpak at siya ay nalaglag sa mesa.

"Sinabi ko na nga ba sa iyo," ang sabi ng matandang gamugamo. "Ngayon ay hindi ka na makalilipad na muli.
Samantalang nakikinig si Rizal sa kwento nalilibang naman siya sa maliliit na gamugamong naglalaro sa kanilang ilaw.
Napansin nya ang malaking hangad ng maliliit na kulisap na makalapit sa ilaw sa paghanap ng liwanag kahit mapanganib.
At nang masunog ang pakpak at malaglag sa mesa ang batang gamugamo sa kwento ay siya ring pagkasunog ng pakpak
at pagkalaglag ng isang tunay na gamugamo sa langis ng tinghoy.

Dahil sa pagkalibang sa mga gamugamo hindi na niya napansing tapos na sa pagbasa ang kanyang ina. Isa mahalagang
bagay ang kanyang natutuhan. Isang dakilang aral ang kanyang nakuha sa mga gamugamo. Ang maliit na kulisap pala ay
marunong ding magbigay ng pangaral na tulad ng kanyang ina. At ang mga gamugamo pala ay hindi natatakot mamatay
sa paghanap ng liwanag.

Nang sila ay matutulog na nang gabing iyan, sinabi ni Rizal sa kanyang ina, "Huwag mong paparisan ang ginawa ng
batang gamugamo. Makikinig ka sa pangaral upang ikaw ay hindi mapahamak."

Ang pangyayaring ito at namalagi sa alaala ni Rizal hanggang siya ay tumanda. At sa wakas ay nakita nating siya ay
nagpakamatay sa paghanap ng ilaw at liwanag para sa kanyang bayan.

Pinagmulan: Online Health Wellness

You might also like