You are on page 1of 1

The Story of Moth

Rizal’s Mother, Teodora Alonzo, was the first teacher of Rizal who taught him to read
and write. Most times, when Rizal got tired reading, Teodora Alonzo was the one
reads a story to Rizal while Rizal is listening. They use a lamp most of the time to
provide light while reading. One night, seeing that Rizal is tired her mother started to
read a story. The story goes like this:
Mayroon daw dalawang ga gamugamo, isang matanda at isang bata. Maibigin silang
maglaro sa tabi ng ilaw na kandila. Isang gabi ang batang gamugamo ay lumipad
nang lubhang malapit sa ningas ng kandila. “Mag-ingat ka!” ang tawag ng
matandang gamugamo. “Baka masunog ang pakpak mo ay hindi ka na makalipad.”
“Hindi ako natatakot,” ang mayabang na sagot ng batang gamugamo. At nagpatuloy
siya ng palipad sa paligid-ligid ng magandang ningas. Minsan, sa kanyang paglipad
ay nadikit sa ningas ang kanyang pakpak at siya ay nalaglag sa mesa. 
“Sinabi ko na nga ba sa iyo,” ang sabi ng matandang gamugamo. “Ngayon ay hindi
ka na makalilipad na muli. Samantalang nakikinig si Rizal sa kwento nalilibang
naman siya sa maliliit na gamugamong naglalaro sa kanilang ilaw. Napansin nya
ang malaking hangad ng maliliit na kulisap na makalapit sa ilaw sa paghanap ng
liwanag kahit mapanganib. At nang masunog ang pakpak at malaglag sa mesa ang
batang gamugamo sa kwento ay siya ring pagkasunog ng pakpak at pagkalaglag ng
isang tunay na gamugamo sa langis ng tinghoy.
Rizal was too focused on watching the moth in the flame that he didn’t notice that her
mother was done reading the story. Then there’s one thing that he learned that is very
important in history since it helped mold Rizal to becoming a hero for our nation. He
never thought that a moth could give him a lesson that he would carry forever.
“Ang mga gamugamo pala ay hindi natatakot mamatay sa paghanap ng liwanag.”
That lesson struck Rizal until he grew older. Hindi siya tumigil na hanapin ang
liwanag para iligtas ang bansang Pilipinas na kahit ito ay kanyang ikamatay. Ang
maliit na kulisap ay parang si Rizal, hindi siya natakot lumapit sa liwanag kahit na
marami pang banta o balakid ang naroroon, kahit pa ito’y ikamatay niya.
Naging matigas man ang ulo ni Rizal sa di pagsunod sa pangaral ng kanyang ina na:
“Huwag mong paparisan ang ginawa ng batang gamugamo. Makikinig ka sa pangaral
upang ikaw ay hindi mapahamak.”
Ngunit, ito naman ang nagturo kay Rizal upang maging matapang sa pakikipaglaban
para sa kanyang inang bayan.

You might also like