You are on page 1of 2

Ang Mga Gamugamo at Si Jose Rizal

Ito ang napili kong larawan dahil sa pangyayaring ito sa buhay ni Dr. Jose Rizal ay
may mga bagay tayong matutunan. Bilang ang ina ni Rizal ang unang nagturo sa kanya ng
pagbasa. Hindi rin nagtagal at ang bata ay napagod sa pakikinig. Siya ay nalibang ng mabuti
sa mga gamugamo na naglalaro sa ilaw. Minsan, si Rizal ay naghikab at napansin ng ina na
hindi na ito nakikinig. Huminto ito ng pagbasa at saka nagwika. "Ngayon ay babasahin ko sa
iyo ang isang marikit na kwento. Makinig kang mabuti". Nang marinig ni Rizal ang salitang
"kwento," nadilat ang kanyang mga mata at tumingin sa Ina. Dagling nawala ang kanyang
antok. Pinagmasdan niya ang kanyang ina habang binubuksang isa'isa ang mga dahon ng
libro sa paghanap ng kwentong babasahin. Mayamaya'y nagsimula ang Ina ng pagbasa.

“Pinagsabihan ng ina ng gamu-gamo ang kanyang anak na huwag lumapit sa apoy


ng lampara para hindi siya masunog ngunit hindi nakinig ang anak. Siya ay lumipad at
naglaro malapit sa apoy ng lampara at walang anu-ano ay nahagip siya ng apoy at
namatay. Kung nakinig sana ang anak sa kanyang ina, sana ay hindi siya napahamak.”

Natural sa isang bata ang maging mausisa lalo na kapag may isang bagay na
nakakapukaw ng atensyon. Sa kwento ng gamu-gamo at lampara, may isang batang gamu-
gamo na binalaan ng kaniyang ina na huwag lumapit sa apoy dahil matutupok siya nito.
Hindi nakinig ang batang gamu-gamo at patuloy pa rin sa kaniyang pagkamausisa
hanggang sa nangyari na nga ang ikinatatakot ng kaniyang ina: natupok ng apoy ang mga
pakpak ng batang gamu-gamo na siyang naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Sa ating buhay, may mga bagay na pinagbabalaan tayong huwag gawin dahil sa
panganib na dulot nito. Ngunit sabi nga nila, habang mas lalong ipinagbabawal ang isang
bagay, may nagiging interesado tayong gawin ito. Dahil na rin siguro ito sa kagustuhan
nating hanapin ang ating limitasyon at subukin kung ano nga ba ang mayroon sa mga
ipinagbabawal na mga bagay at ayaw itong iparanas sa atin. Ang interes na subukin ang
limitasyong ibinibigay ng lipunan sa atin ay maaring isang kahibangan o isang pagpapakita
ng tunay na katapangan.

Katulad ng gamu-gamo sa kwento, si Rizal ay isang taong sinusubok ang mga


limitasyong ibinibigay ng lipunang kaniyang kinabibilangan noon. Ang istorya ng gamu-gamo
marahil ang isa sa naging impluwensiya sa kaniyang kabataan na gawin ang mga
mapanganib na bagay. Ang apoy, katulad ng pag-aaklas laban sa mga makapangyarihan,
ay napakamapanganib. Paulit-ulit siyang pinipigilan ng kaniyang ina at ng kaniyang pamilya
na itigil ang pagsalungat sa mga Kastila dahil sa panganib na magiging dala nito sa
kaniyang buhay. Simula pagkabata, nakakitaan na siya ng katangiang sumalungat sa
karaniwang daloy ng mga tao. Isa siyang henyong hindi napipigilang gawin ang isang bagay
dahil laman idinidikta ng mga taong ito ay bawal. Ito ang dahilan kung bakit siya nasangkot
sa maraming gulo simula pagkabata, ngunit ito rin ang dahilan kung bakit siya nakagawa ng
pagbabago sa bayan at hanggang ngayon ay ipinagbubunyi natin ang kaniyang kagitingan.

Si Rizal, tulad ng gamu-gamo, ay lumapit sa apoy kahit na alam niyang matutupok


siya nito. Sumulat siya ng mga subersibong mga aklat na nagpahayag ng pagsalungat sa
mga Kastila upang mapalapit sa nakakapukaw at mapanganib na apoy ng pagbabago ng
lipunan. Ang kwento ng gamu-gamo ay isa sa mga metapor na isinabuhay ni Rizal simula
pagkabata. Naging kapalit man nito ay ang kaniyang buhay, si Rizal ay naging mas higit pa
sa isang Pilipinong may tunay na katapangan, siya ay naging isang bayani.

You might also like