You are on page 1of 1

ANG KWENTO NG INA TUNGKOL SA 

GAMU-GAMO

Pinagsabihan ng inang gamu-gamo ang kanyang anak na huwag lumapit sa apoy ng


lampara para hindi siya masunog ngunit hindi nakinig ang anak. Siya ay lumipad at
naglaro malapit sa apoy ng lampara at walang anu-ano ay nahagip siya ng apoy at
namatay. Kung nakinig sana ang anak sa kanyang ina, sana ay hindi siya napahamak.

Natural sa isang bata ang maging mausisa lalo na kapag may isang bagay na
nakakapukaw ng atensyon. Sa kwento ng gamu-gamo at lampara, may isang batang
gamu-gamo na binalaan ng kaniyang ina na huwag lumapit sa apoy dahil matutupok
siya nito. Hindi nakinig ang batang gamu-gamo at patuloy pa rin sa kaniyang
pagkamausisa hanggang sa nangyari na nga ang ikinatatakot ng kaniyang ina: natupok
ng apoy ang mga pakpak ng batang gamu-gamo na siyang naging dahilan ng kaniyang
pagkamatay.
Sa ating buhay, may mga bagay na pinagbabalaan tayong huwag gawin dahil sa
panganib na dulot nito. Ngunit sabi nga nila, habang mas lalong ipinagbabawal ang
isang bagay, may nagiging interesado tayong gawin ito. Dahil na rin siguro ito sa
kagustuhan nating hanapin ang ating limitasyon at subukin kung ano nga ba ang
mayroon sa mga ipinagbabawal na mga bagay at ayaw itong iparanas sa atin. Ang
interes na subukin ang limitasyong ibinibigay ng lipunan sa atin ay maaring isang
kahibangan o isang pagpapakita ng tunay na katapangan.

Katulad ng gamu-gamo sa kwento, si Rizal ay isang taong sinusubok ang mga


limitasyong ibinibigay ng lipunang kaniyang kinabibilangan noon. Ang istorya ng gamu-
gamo marahil ang isa sa naging impluwensiya sa kaniyang kabataan na gawin ang mga
mapanganib na bagay. Ang apoy, katulad ng pag-aaklas laban sa mga
makapangyarihan, ay napakamapanganib. Paulit-ulit siyang pinipigilan ng kaniyang ina
at ng kaniyang pamilya na itigil ang pagsalungat sa mga Kastila dahil sa panganib na
magiging dala nito sa kaniyang buhay. Simula pagkabata, nakakitaan na siya ng
katangiang sumalungat sa karaniwang daloy ng mga tao. Isa siyang henyong hindi
napipigilang gawin ang isang bagay dahil laman idinidikta ng mga taong ito ay bawal.
Ito ang dahilan kung bakit siya nasangkot sa maraming gulo simula pagkabata, ngunit
ito rin ang dahilan kung bakit siya nakagawa ng pagbabago sa bayan at hanggang
ngayon ay ipinagbubunyi natin ang kaniyang kagitingan.

Si Rizal, tulad ng gamu-gamo, ay lumapit sa apoy kahit na alam niyang matutupok siya
nito. Sumulat siya ng mga subersibong mga aklat na nagpahayag ng pagsalungat sa
mga Kastila upang mapalapit sa nakakapukaw at mapanganib na apoy ng pagbabago
ng lipunan. Ang kwento ng gamu-gamo ay isa sa mga metapor na isinabuhay ni Rizal
simula pagkabata. Naging kapalit man nito ay ang kaniyang buhay, si Rizal ay naging
mas higit pa sa isang Pilipinong may tunay na katapangan, siya ay naging isang bayani.

You might also like