You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


The National Engineering University
Pablo Borbon Campus
Rizal Avenue Ext., Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 1128
Email Address: cte.pb@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: https://batstate-u.edu.ph/

Luna, Gianne Kimberly S. Marso 3, 2024


BSED-FIL-1201 Sanaysay at Talumpati

“Liwanag sa dilim; Daan tungo sa kinabukasan”

Sa bawat larawan, may kwento. Sa bawat kwento, may pag-asa. May mga sandali sa buhay
natin na bukod-tangi at hindi malilimutan. Ngunit, tunay nga bang may liwanag pagkatapos ng
masalimuot na dilim?

Sa tuwing tayo ay nagbubukas ng isang panibagong yugto sa ating buhay, hindi natin alam
kung ano ang mga hamon at kasiyahan na ating mararanasan. Ang pagtuntong ng kolehiyo ay isa
sa may pinakamahalagang yugto ng aking buhay na nagbigay sa akin ng mga bagong oportunidad
at mga pagkakataon dahil alam kong hindi lahat ng mga mag-aaral ay nabibigyan ng pagkakataon
upang makapag-aral sa kolehiyo. Ang kolehiyo ay isang mundo ng mga pagkakataon, ngunit hindi
ito madaling lakbayin. Ang Pambansang Pamantasan ng Batangas ang siyang naging ilaw para sa
akin sa masalimuot kong mga karanasan. Tulad na lamang na pagbibigay sa akin ng pagkakataon
na makapasok dito kahit na ilang libong estudyante ang nagtangkang maging parte ng pamantasang
ito. Bilang isang Red Spartan, napagtanto kong, ang kolehiyo ay hindi lamang pumapatungkol sa
mga pag-aaral tulad na lamang ng mga takdang-aralin, mahabang pagsusulit, at iba pa. Dahil para
sa akin, naging ilaw siya upang mas makita o makilala ko pa ang aking sarili at tuklasin pa ng
maigi ang aking mga bagong interes at mga talento. Sa mundong puno ng mga pagbabago, ang
pagpasok ko sa kolehiyo ay isang malaking hakbang tungo sa aking kinabukasan. Marami akong
natuklasan sa aking sarili at ganun na rin sa aking mga nakakasalamuha. Hindi lahat ng tinuturing
mong kaibigan ay kaibigan na rin ang turing sa iyo. Mahalaga na huwag umasa o maging palaasa
at huwag basta-basta magtiwala sa mga nakapaligid sa iyo. Ang pagiging Red Spartan ay tunay
kong ipinagmamalaki dahil tinanggap ako ng pamantasan na ito kahit na ako ay isang
pangkaraniwan at hindi gaanong katalinuhan na mag-aaral lamang. Ang Pambansang Pamantasan
ng Batangas ay hindi lamang basta isang pamantasan ngunit ito ang simula ng mga pangarap na
nabubuo at nagkakatototoo.

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Pablo Borbon Campus
Rizal Avenue Ext., Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 1128
Email Address: cte.pb@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: https://batstate-u.edu.ph/

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation

You might also like