You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
RESPONSIBLE VILLAGE LEADERS LEARNING ACADEMY (REVILLA) HIGH SCHOOL

IKATLONG MARKAHAN
FILIPINO 7
SY 2023-2024
PAKSA: ELEMENTO NG KUWENTO
LAYUNIN: Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito, alamat, kuwentong bayan, maikling kuwento mula sa Mindanao,
Kabisayaan at Luzon batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan at mga aspetong pangkultura

Elemento:
Banghay – pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento
1. Saglit na kasiglahan – Pagtatagpo ng mga pangunahing tauhang masasangkot sa suliranin
a. Tauhan – gumaganap sa isang kuwento
i. Protagonista
ii. Antagonista
b. Tagpuan – saan at kailan naganap ang kuwento
c. Suliranin – problemang kahaharapin ng pangunahing tauhan
2. Kasukdulan – Pinakamadula at pinakakapana-panabik na bahagi sa kuwento
3. Tunggalian – Pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kahaharapin niya
a. Tao vs tao
b. Tao vs sarili
c. Tao vs kalikasan
d. Tao vs Lipunan
4. Kakalasan – unti-unting nasosolusyunan ang problema
5. Katapusan – resolusyon sa kuwento. Maaaring ang wakas ay masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo
6. Kaisipan – mensahe o aral sa kuwento

GAWAIN 1: Basahin ang kuwento at suriin ito batay sa elemento.


Si Mangita at si Larina
(BuodngAlamat ngWaterLily)

Maraming taon na ang nagdaan mula nang manirahan ang isang mangingisda sa pampang ng Laguna de Bay.
Mayroon siyang dalawang anak. Si Mangita at Larina. Kapwa napakaganda ng dalawa. Si Mangita ay isang mabait na
dalaga na mahal ng lahat, siya ang katulong ng ama sa pagtatahi ng lambat nito. Si Larina naman ay isang tamad na
dalaga, na walang ginawa kundi magsuklay ng kanyang buhok. Hindi maganda ang kanyang ginagawa sa mga
paruparo. Dahil sa kanyang masamang ugali siya
ay iniwasan ng mga tao.
Isang araw mayroong dumating na pulubi sa kanilang bakuran na humihingi ng makakain. Ngunit ito ay itinulak
at sinigawan ni Larina. Natumba ang matanda at nasugatan. Nang marinig ni Mangita ang ingay ay agad siyang
pumunta. Doon, nakita niya ang matandang pulubi na sugatan, ginamot niya ito at binigyan ng makakain. Sinabi ng
pulubi kay Mangita na di niya makalilimutan ang tulong naibigay nito sa kanya at ito ay umalis na. Pagkaraan ng ilang
taon ang kanilang ama ay pumanaw dahil sa sakit na lumalaganap. Si Mangita ay naghanapbuhay upang silang
magkapatid ay mayroong makain. Nakiusap siya kay Larina na tumulong sa kanya upang lumaki ang kanilang kita
ngunit wala itong ginawa.
Ang paglaganap ng sakit ay nagpatuloy pa rin kung kaya si Mangita ay nagkasakit din. Lumala nang lumala ang
kanyang sakit. Hindi siya inalagaan ni Larina kung kaya patuloy siyang nanghina. Ngunit nang siya ay malapit nang
mamatay, ang matandang pulubi ay bumalik at siya ay sinubuan ng buto at bahagyang gumaling. Bago umalis ang
matanda binilinan nito si Larina na subuan siMangita ng buto oras-oras upang ito ay tuluyang gumaling. Ngunit
itinago ni Larina angbuto sa kanyang buhok. Hinayaan niyang lumala muli ang sakit ni Mangita.
Muling bumalik ang matandang pulubi, tinanong niya si Larina kung ginawa nito ang ipinagbilin niya. Sumagot ito ng
oo. Noon sumabog ang liwanag ng matandang pulubi at naging diwata.Sinabi nito ang ginawang mali ni Larina kung
kaya ito ay kanyang parurusahan.
Mula sa araw na iyon siya ay luluhod sa ilalim ng lawa upang magsuklay nang masuyod ang mga buto na
itinago niya sa kanyang buhok. Si Mangita ay isinama ng diwata sa kanyang tahanan. Mula nga noon dahil sa walang
tigil na pagsuyod ni Larina ng kanyang buhok sa ilalim ng lawa ang mga buto ay sumibol at lumutang sa lawa.

Si Mangita at Larina
Tauhan Tagpuan Suliranin
(Sino-sino ang mga tauhan sa (Saan naganap ang mga (Ano ang problemang
kuwento?) pangyayari?) kinahaharap nila?)

Kasukdulan Tunggalian Kakalasan Katapusan Kaisipan


(Ano ang pinakakapana- (Anong uri ng tunggalian ang (Paanoo unti-unting (Paano nagwakas ang (Ano ang mensaheng nais
panabik na bahagi?) makikita dito? Ipaliwanag.) nasolusyunan ang problema?) kuwento?) iparating nito sa atin?)

Address: Maliksi I, City of Bacoor, Cavite


Contact Numbers: +63 919 076 9113 (046) 434-7341
E-mail Address: 305689@deped.gov.ph

You might also like