You are on page 1of 1

Masama naman ang naging epekto ng mga digmaan sa pagsasaka.

Ang timog
na bahagi ng Italy ay lubos na nasira dahil sa pamiminsala na gawa ng hukbo ni
Hannibal. Nilisan ng maraming magsasaka ang kanilang bukirin. Hindi sila
nakahanap ng trabaho sa malalaking lupain ng mayayaman sapagkat ang
magsasaka ay alipin o bihag ng digmaan. Tumungo ang mga magsasaka ng Rome
upang maghanap ng trabaho ngunit wala naman malaking industriya ang Rome na
magbibigay ng kanilang trabaho.
Ang yaman na pumasok mula sa napanalunan sa mga digmaan ay
napakinabangan lamang ng mga mayayaman. Higit na lumawak ang agwat sa
pagitan ng mayayaman at mahihirap. Binago ng lumalaking yaman ang ugali ng
tao tungo sa pamahalaan. Pinalitan ng kasakiman at marangyang pamumuhay ang
tradisyon ng pagsisilbi at disiplina sa sarili.

Si Julius Caesar Bilang Diktador


Sa unang siglo ng BCE, matindi ang agawan sa kapangyarihan ng heneral at
pinunong military sa Rome. Karaniwang nauuwi sa digmaang sibil.
Noong 60 BCE, binuo ni Julius Causa, Pompey, at Marcus Licinius Crassus ang
First Triumvirate, isang union ng tatlong makapangyarihang tao na nangasiwa ng
pamahalaan. Hinawakan nila ang kapangyarihang political at military. Si Crassus
ang pinakamayamang tao sa Rome na nanguna sa pagpakalma sa isang rebelyon ng
mga alipin. Samantala, si Pompey ay kinilala bilang isang bayani dahil sa kanyang
tagumpay na masakop ang Spain. Si Caesar ay isang gobernadora ng Gaul kung
saan matagumpay niyang napalawak ang hangganan ng Rome hanggang France at
Belgium. Bagama’t nagkasunduan silang pamunuan ang Rome, may namagitang
inngit at kompetisyon sa bawat isa.

Noong 53 BCE, napatay sa isang labanan si Crassus. Tanging si Caesar at Pompey


na lamang ang naiwang maghahati sa kapangyarihan. Sa pananaw ng mga nasa
Senate, higit na may pag-asa sila kay Pompey kumpara kay Caesar. Hindi lingid sa
kanila ang tagumpay ni Caesar.

You might also like