You are on page 1of 14

Si

Julius Caesar
Bilang Diktador
Noong 60 BCE, binuo ni Julius Caesar, Gnaeus
Pompey, Marcus Licinius Crassus ang First
Triumva
First Triumvate– ito ay isang union ng tatlong

makapangyarihang tao na nangasiwa ng


pamahalaan.
Silang tatlo ang humawak ng kapangyarihang
militar at politikal.
First Triumvirate
Julius Caesar- Isang gobernador ng Gaul kung saan matagumpay niyang
napalawak ang mga hangganan ng Rome hanggang France at Belgium.
Gnaeus Pompey- Kinilala bilang isang bayani dahil sa kanyang tagumpay
na masakop ang Spain.
Marcus Licinus Crassus- Pinaka
mayamang tao sa Rome na naguna sa
pagpapakalma sa isa rebelyon ng mga
alipin.
Noong 53 BCE, napatay sa isang
labanan si Crassus. Tanging si
Caesar at Pompey nalang ang
maghahati sa naiwang
kapangyarihan. Sa pananaw ng
mga nasa Senate, higit na may
pag-asa silang makitungo kay
Pompey kumapara kay Caesar.
Hindi lingid sakanila ang
tagumpay at galing ni Caesar.
Julius Caesar
Pinatunayan ni Caesar ang kanyang kahusayan
sa pamumuno ng hukbong Romano. Ipinabatid

niya sa mga mamamayan ng Rome ang


kanyang mga tagumpay sa pamamagitan ng
mga nakasulat na mga ulat na ito na tinawag na
"Mga Komentaryo Ukol sa Digmaang Gallic".
Si Caesar ay naging
Gobernador ng Gaul
kung saan
matagumpay niyang
napalawak ang
hangganan ng Rome
hanggang sa France at
Belgium.
Gnaeus Pompey
Itinalaga niya ang kanyang sarili bilang
isang konsul at inatasan niya ang
senado na utusan si Caesar na buwagin
ang kanyang hukbo sa Ilog Rubicon at
magbalik sa Rome ng nag-iisa.
Hindi sinunod ni Caesar ang utos ng senado sapagkat
nangangahulugan ito ng kanyang kamatayan sa kamay ng hukbo ni
Pompey. Bagkus tinawid ni Caesar at ng kanyang hukbo ang Ilog
Rubicon at nagbalik sa Rome.
Si Ceasar sa Roma
Ipinagbunyi ng mga tao ang kanyang pag
dating ngunit si Pompey ay tumakas patungong
Greece.
Tinugis siya ni Ceasar at nagsagupaan sa isang
labanan. Muling tumakas si Pompey patungong
Egypt kung saan napatay siya sa utos ni
Ptolemy,ang hari ng Egypt.
Noong 45 BCE, itinalaga siyang diktador habang
buhay dahil sa labis niyang kapangyarihan.
Tinagurian siyang PATER PATRIEA na
nangangahulugang "Ang Ama ng kanyang
Bansa".
Pinanatili niya ang republika at ipinailalim sa sa
kanyang kontrol ang senado sa pamamagitan
ng pagdadagdag ng miyembro sa bilang na 900.
Ipinagpatuloy niya ang
panananakop hanggang sa mga
lugar ng Asya at Africa. Sa Egypt,
nagkaroon siya ng kaugnayan kay
Cleopatra at naging kaalyansa ito
ng Rome. Cleopatra
Si Caesar sa Masang Romano
-Iginawad sa kaniya ang titulong master ng daigdigang Romano sa
kanyang pagbabalik sa Roma.
-Isa siyang mahusay na pinuno sa larangan ng digmaan at maging
sa larangan ng pamamahala, bagamat isa siyang diktador
pinatawad niya ang kanyang mga kaaway.
-Tinanggap niya ang mga plebeian sa Senado, binalewala niya ang
mga utang ng mga mahihirap.
-Binigyang trabaho niya ang mga tao at binago ang sistema ng
pagbubuwis. Napalapit siya sa puso ng pangkaraniwang
mamamayan.
Nabuo ang isang sabwatan upang
patayin si Caesar dahil nangamba ang
mga Senate na maaring ideklara ni
Caesar ang sarili bilang hari at
magwakas ang Republika. Ang matalik
na kaibigan ni Caesar na si Marcus

Brutus ay nakisali rin dito.


Noong March 15, 44 BCE isinakatuparan ang pagpatay kayCaesar. Sa isang
pagpupulong, sinaksak si Caesar ng unanggrupong senador sa pangnguna ni
Brutus at Gaius Cassius.
DAGDAG KAALAMAN
- Sa pagpasok ni Julius Caesar nakilala ang Roma hindi lamang sa
Mediterranean kundi pati na rin sa buong Europa at sa Asya.

- Sa pagpanaw ni Julius Caesar, nagsimula na ring bumagsak ang


republika. Ang kamatayan niya ang nagbigay wakas sa pamumuno
ng iisang tao at muling nasadlak ang Roma sa digmaang sibil.

You might also like