You are on page 1of 1

Roman Empire: Master of Rome

Reaction Paper

Sa seryeng may pamagat na Roman Empire Season 2: Master of Rome ay mas lubos kong
naintindihan ang politikal na sistema ng Roma. Ang dokyudramang ito ay nakasentro sa buhay ni Julius
Ceasar, isang dakilang heneral at makapangyarihang pinuno. Ayon sa mga taong maykatha ng mga
makaysaysayang aklat at mga mananaysay, ang mga Romano ay nais ng kaluwalhatian o glory. At sila’y
naniniwala na ito ay makakamit sa tulong ng militar at pagkawagi sa mga digmaan. Ang labing-anim na
anyos na si Ceasar ay walang-wala, bagkus siya man ay pinanganak sa maharlikang pamilya, ang yaman
at kabantugan ng kaniyang pamilya ay bumagkas matapos umanib sa maling grupo noong nagkaroon ng
civil war. At naisip nga ni Ceasar na mababalik niya ang ngalan ng kaniyang pamilya kung siya’y aangat sa
militar. Natutunan ko sa bidyong napanood na isang importanteng sangkap ang matinding hangarin
upang matupad ang nais nating abutin. Sa paglipas ng panahon, naging malakas ang Roma at nalupig
ang kanlurang gresya at maging man ang aprika hanggang asya. Sa mga panahon na iyon, sila nga’y
kinilala bilang ang pinakamakapangyarihang estado sa Mediterrenean Sea.

Naipaliwanag ng maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tulong ng timeline.


Noong 73 BC ay naganap ang The Slave Rebellion na pinamumunuan ni Sparticus, isang gladiator. Sa
ginawang pang-aalipin sa kaniya ng Roma, siya’y naghahanap ng kalaayan at paghihiganti. Sa loob ng
dalawang taon at libo-libong pagkamatay, natapos ang Roma ang rebelyon na nagdulot ng sindak at
patayan. Natalo sila ng hukbo ni Marcus Crassus, isang politiko at mayamang tao. Sila ay nagtagumpay
dahil sa tantyadong plano ni Ceasar na atakihin ang kampo nila Sparticus sa bukang liwayway. Sila nga’y
nagtagumpay ngunit ito naman ang naging simula ng away ni Crassus at ang isa pang makapangyarihang
tao sa Roma na si Pompey Magnus. Naayos ang gusot sa pagitan ni Crassus at Pompey sa solusyong
gawing konsul si Caesar at ipatupad ang batas na nais matupad ni Pompey. Dahil ang Roma ay hindi
pinamumunuan ng hari at emperor bagkus sila’y pinamumunuan ng isang senado. Napapayag ni Caesar
ang mga ito gamit ang dahas. Naiwasan nga civil war at naitatag na ang Triumvirate. Sa mga panahon na
ito, naranasan ni Julius Ceasar ang karangyaan hanggang siya’y nais ng palitan ni Crassus at Pompey.
Dahil dito, nagmungkahi si Servilia, ang kirida ni Ceasar ng isang solusyon. Ito nga’y nagtagumpay at mas
dumami ang lupa na kaniyang nalulupig at mas lalo ring dumami ang kaniyang lehiyon ngunit dahil din
dito nakita ng senado na siya’y isang banta sa demokrasya ng Roma. Kalaunan ay namatay si Julius
Ceasar dahil sa assasination bunga ng isang pagsasabwatan ng 60 mga senador na pinamumunuan ni
Brutus, ang anak ni Servilia at ni Gaius Cassius.

Isa sa tumatak na linya mula rito ay ang diyalogo ni Ceasar kausap ang mga sundalo. ‘’They have
nothing to lose. We do. And that’s make us dangerous.’’ Sa linya na ito masasabi kong isang magaling na
pinuno si Ceasar at ang kaniyang mga stratehiya ay tunay na nakatulong sa kanilang pagkakawagi.
Kagaya ni Ceasar, ako rin ay isang mapang-hangad na tao. Kinakailangan natin ng hangarin upang
magtagumpay, ngunit kasama ng hangarin ay ang pagsisikap. Kagaya nalamang ng pagsisikap ni Ceasar
upang tumaas ang kaniyang ranggo. Dahil sa kaniyang kagalingan bilang pinuno, ang kaniyang ngalan na
‘Ceasar’ ay naging kasingkahulugan na rin ng ‘Emperador’. Tunay nga na siya’y isang magaling at
dakilang dete ng militar.

You might also like