You are on page 1of 1

Si Imperador Gaius Julius Caesar Divus (CAIVS IVLIVS CAESAR o GAIVS IVLIVS CAESAR sa

Klasikong Latin) (Hulyo 12, ca. 100 BCE–Marso 15, 44 BCE) ay isang Romanong politiko, heneral, at
dakilang manunulat ng prosang Latin. Susi siya sa pagbagsak ng Republikang Romano tungo sa pag-usbong
ng Imperyong Romano. Ipinalawak ng kaniyang pagsakop ng Gallia ang daigdig Romano hanggang sa Dagat
Atlantiko at nagbigay-daan ito sa pagpapakilala ng mga impluwensiyang Romano sa ang ngayon ay Pransiya,
kung saan ang mga bunga nito ay kapuna-puna. Nagdulot din ito sa pagkalipol ng mga wikang Keltik sa
Gallia. Noong 55 BCE inilunsad ng Caesar ang kauna-unahang paglusob ng mga Romano sa Britanya.
Nakipaglaban at nanalo ang Caesar sa isang digmaang sibil na nag-iwan sa kaniya bilang tunay at kaisa-isang
punò ng daigdig Romano. Nagsimula siya ng malawakang pagbabago ng lipunan at pamahalaang Romano.
Iprinoklama siyang panghabambuhay na diktador, at lubos niyang isinentralisa, o isinaisa, ang humihina at
nagwawatak-watak nang pamahalaan ng Republika. Nakipagsabwatan ang kaibigan ng Caesar na si Marcus
Brutus upang patayin siya nang pataksil sa pag-asang mailigtas ang Republika. Siya ay pinatay sa loob ng
senado ng kaniyang kaibígan na si Brutus, pagpatay nang pataksil noong Ides of March ay nagsiklab ng
panibagong digmaang sibil sa pagitan ng Caesarians—Octavianus, Mark Antony (Marcus Antonius), at
Marcus Lepidus—at ng mga Republikano—Brutus, Cassius, at Cicero, kasáma ng mga iba. Nagtapos ang
alitang ito sa pagtagumpay ng Caesarians sa Labanan sa Fílippoi, at sa pormal na pagtatatag ng Ikalawang
Triumviratus nang sa pamamagitan ay kinontrol nina Octavianus, Antonius, at Lepidus ang Roma. Napatubog
na naman ang Roma sa isa pang digmaang sibil dahil sa tensiyon sa pagitan nina Octavianus at Antonius na
nauwi sa pagkatalo ng pangalawa sa Labanan sa Actium at ang pag-iwan kay Octavianus bílang tunay at
kaisa-isang pinúnò ng daigdig Romano.
Nagdulot ang panahong ito ng mga digmaang sibil sa pagpalit-anyo ng Roma mula Republika patungong
Imperyo kung saan ang pamangkin ng Caesar sa tuhod at inampon niyang anak na si Octavian ang naging
unang Emperor nito sa pangalang Caesar Augustus. Ang mga namúnò sa mga unang panahon ng Imperyong
Romano ay ang kaniyang angkan na tinawag na Dinastiyang Hulio-Claudian.
Kilalá nang detalyado ang mga kilusang militar ng Caesar mula sa kaniyang sariling sinulat
na Commentarii (Mga Pagpupuna) at maraming bahagi ng kaniyang búhay ay itinalâ ng mga mananalaysay
tulad nina Suetonius, Ploútarchos, at Dio Cassius.

You might also like