Professional Documents
Culture Documents
Sa pagbubukas ng ikalawang set, nabuhayan ng pag-asa ang mga Red Bull nang
tambakan ng kanilang pambato ang Yellow Eagle, na nagresulta sa labing-apat
na puntos bentahe, 11-25.
Lalong uminit ang laban nang nagsimulang makahabol ang Red Bull at naging
tabla ang dalawang koponan, 5-5, dahil sa service error mula sa Yellow Eagle.
Lumakas ang puwersa ng Yellow Eagle nang umukit ng kalamangan ang spike
na ipinamalas ni Patrick, ngunit nakahabol ang Red Bull at muling naging tabla
ang kanilang iskor, 15-15, matapos mapalakas ang atake ni Kian na nagresulta
sa karagdagang puntos sa kalabang grupo. Nakuhang muli ng Yellow eagle ang
ikatlong set sa iskor na 25-21.
Muling umarangkada ang magandang depensa ng Red Bull sa panimula ng
pang-apat na set sa pangunguna ni Kelley John na nagtala ng service ace para sa
kaniyang koponan.
Sa huling set ng laban, ramdam ang tensyon sa covered court nang maghabulan
para sa isang puntos ang dalawang koponan, sa huli tinapos ni Mark Justin mula
Yellow Eagle ang laban,15-13.