You are on page 1of 3

KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura

Nakasaad sa dyaryong Abante Tonte (2013), ang teknolohiya ay malaking epekto para sa mga kaisipan
ng mga bata. Maaaring positibo at negatibo ang pananaw ng mga kabataan dito. Sila ay mabilis na
makakasabay sa malawak na pag-unlad ng makabagong teknolohiya. Ang mabilis na paglaganap ng
iba’t ibang impormasyon ay dahil sa social media.
Ang social media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag ugnayan na kung saan lumilikha, nag
babahagi at nakikipag palit ng impormasyon at mga ideya ng isang virtual na komunidad at mga
network. (Soriano L., 2016).
Ayon kay Erni (2014), ang internet ay isang tsanel kung saan madalian kang makakasagap ng
impormasyon at madali ding makakapag-bigay nito. Isa nga sa pinaka pakinabang nito ay ang
pakikipag komunikasyon sa mga taong malalayo satin kaya naman nauso o nagawa ang napakaraming
social networking sites.
Ang social media ay hindi maikakaila na produkto ng makabagong teknolohiya, ang social media ay
nagkaroon ng epekto sa paghubog sa ugali at kaisipan ng bawat tao. Ito ay nagdudulot na magpalakas
o magpahina sa mga positibong pananaw ng bawat mag-aaral. Ang social media ay isang instrumento
upang mapabilis ang pakikipagkonekta sa ibang tao. Nagsisilbi itong gabay sa mga tao lalaong lalo na
sa mga mag-aaral. Sa social media napataas ang kalidad ng edukasyon magpahanggang ngayon.
(Alyssa Sadorra, 2019)

Wodzicki et al (2012), ang social media ay maaaring makatulong sa mga mag aaral na mapabuti ang
mga kasanayan sa pag aaral na nakatuon sa sarili sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang forum para
sa kanila upang galugarin ang mga paksa at makalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pag access
sa mga umiiral na data sa internet o pakikipag ugnayan sa mga mag aaral na may katulad na pag iisip
upang konstruktibong magbahagi ng mga ideya at lumikha ng kamalayan sa pamamagitan ng
impormal at pormal na mga gawain.

Ang social media ay ginagamit para sa pakikipag usap, pakikibahagi ng impormasyon at iba pa. May
iba’t ibang uri ng social media. Ito ay ang facebook, twitter, google, Wikipedia, ilan sa kadalasang
ginagamit sapanahon ngayon ng bawat indibiduwal, karaniwan na sa mga kabataan. (Rouse Margaret,
2016)
Ayon sa University College of London (2017), ang social media ay nakapagbibigay ng mas malakas
na control sa larangan ng komunikasyon kung ikukumpara ito sa mga naunang uri ng gamit parasa
komunikasyon.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Pag-aaral sa Loob ng Bansa

Ayon sa ginawang pag-aaral ni Pascual L (2016), na may pamagat na “Ang epekto ng social media sa
mga mag-aaral atedukasyon”, mas pinaliit ng social media ang mundo dahil inuulantayo ng maraming
impormasyon, mas malawak na kaalaman at mas mabuting oportunidad upang magamit ang mga ito.
Nakapaloob sa pag-aaral nina Ogatia et. al (2019) ang mga dahilan ng pag sali sa mga
socialnetworking websites. Halimbawa nito ay pakikisalamuha sa ibang tao sa internet. Naglalaan
lamang sila ng kaunting oras sa pagbisita ng mga sites na ito sapagkat mas binibigyang halaga nilaang
mas emportanteng mga bagay o gawain tulad ng mga pag-aaral.
Ayon kay Rivera (2016), Maraming naaapektohan ang internet at social media dahil nga sa malakas na
impluwensya nito ay marami sa mga kabataan ngayon ang

nahuhumaling dito. At dahil nagiging uso na ang social media kailangan nilang makiuso at gumawa
nang account dito. Marami din ang nagkakapikunan dito dahil sa mga pinopost nila na hindi
nagugustuhan nang iba, madalas itong humahantong sa batuhan ng mga mararahas at hindi kanais nais
na salita Minsan naman ay nagiging masyadong mapanghusga ang mga kabataan ngayon marahil na
din sa mga nakikita nila sa social media na kalayaan sa pagpapahayag kahit nakakasakit na tayo. Isa pa
sa mga masasamang epekto nito ay ang pagbawas ng produktibidad ng mga kabataan, ang sobrang
pagkahumaling dito ay nakakabawas ng oras ng mga kabataan sa mas importanteng bagay na mas
dapat pagbuhusan ng pansin. Gaya ng pag-aaral, mga gawaing pangbahay at kung ano ano pa. kahit
naman madaming masamang epekto ang social media at internet ay marami din naman itong
naitutulong at kahalagahan.
Ayon kay Dreemur (2016), dahil sa pagkaimbento ng social media, maari na makipagusap sa mga
kaibigan, kamag-anak o kapamilya na nasa malalayong lugar. Maaaring magbahagi ng mga bagay
kung san ka interesado tulad ng mga larawan o bidyu at mga kakaibang kahulugan sa pang-araw-araw
na buhay. Malaing tulong din ang social media pagdating sa pag-aaral. Subalit may hindi magandang
epekto rin ang social media lalo na sa mga kabataang lumalala ang pagkahumaling dito. Maraming
kabataan ang napupuyat dahil sa paggamit ng Facebook. Hindi ito maganda sa kalusugan.
Nakakaapekto rin ito sa pag-aaral. Kapag masyadong maraming oras ang inilalaan sa social media,
maaring nakakalimutan ng mag-aral para sa mga pagsusulit. Kapag hindi ito tinutukan ng mga
magulang ay maaari pa itong lumala. Ang masasamang epekto ng social media ay naiiwasan kung may
sapat na patnubay ng mga magulang ng mga kabataan at lalong-lalo na ang disiplina sa sarili.
Ang social media ay isang channel kung saan mo makikita ang iba’t ibang klase ng social networking
sites gaya ng Facebook, Twitter, Instagram at marami pang iba. Sa panahon ngayon, marami na ang
nahuhumaling sa paggamit ng mga ito. Ayon sa mga eksperto, nakaka-apekto ang madalas na internet
access sa kalusugan ng ating utak. Nagdudulot ito ng “sleep deprivation” o dahilan upang hindi tayo
makatulog sa gabi. Sa kabilang banda, nagiging dahilan din ito sa pagkakaroon natin ng maikling
pasensya o pokus sa isang bagay. Masaya man o nakakadulot ng aliw ang araw-araw na pag-access sa
internet, hindi pa rin maganda na mauubos ang oras mo dito. Higit sa lahat, mas maigi pa rin ang
personal na interaksyon sa kapwa dahil daan ito upang siya ay mas higit mong makilala at makita ang
kanyang tunay na emosyon, ugali at kilos (Asidao, 2017).
Pag-aaral sa Labas ng Bansa

Sa pag-aaral na isinagawa nina Hyllegard et. al (2011), nalaman nilang madalas gamitin na social
media ng mgaestudyante ay ang mga facebook. Ito’y ginagamit nila upang magtatag ng personal na
koneksyon sa ibang tao, mailbas ang tunay napagkatao, at makilala ang kanilang sarili.
Batay kay Abhishek Karadkar, manunulat ng technician online (2015), na mayroong mga rason ang
mga mag-aaral kung bakit silanag lalaan ng oras sa mga social media. Isa sa kabataan upang magawa
ang kanilang ninanais. Nakakasalamuha sila ng mga bagong tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Maari silang gumamit ng hindi totoong impormasyon.
Ang pinaka sikat na website ngayon ay ang facebook, dahil sa patuloy na pagtangkilik at pagdami ng
mga aktibong gumagamit nito. Hindi matatawaran
angkabutihang naidudulot nito upang pag-ugnayin ang iba’t ibang uring indibiduwal. (Wasta
Fari ,2010)
Tezer et al., (2017) ay nagsaliksik upang suriin ang pangkalahatang saloobin ng mga mag aaral sa
paggamit ng social media sa liwanag ng mga variable na sosyo demograpiko tulad ng kanilang klase,
kasarian, kasaysayan ng akademiko ng kanilang mga magulang, katayuan sa socio economic, pagiging
miyembro sa mga tool sa social media, mga konteksto ng social media, mga tool na ginagamit upang
maiugnay ang mga social media account. Napag alaman na ang mga saloobin ng mga mag aaral sa
paggamit ng social media ay matatag at optimistiko.
Internet o social media ay nakakaapekto sa pagganap ng akademiko at nauugnay sa pagkonsumo ng
sangkap sa pag-uugali. Ang mga estudyante ay gumugol ng mas maraming oras sa social media kaysa
sa ginagawa nila gamit ang mga tauhan ng email. Kahit na, may pagkawala ng privacy at kaligtasan,
ang social media ay nagbibigay ng mga pagkakataon para sa pagkonekta sa mga kaibigan, mga
kaklase, at mga taong may kapaki-pakinabang na interes. Gayunpaman, maraming mga mag-aaral ang
umaasa sa pagkakaroon ng impormasyon sa social media. Ang ibig sabihin nito ay nabawasan ang
pagtuon sa pag-aaral at pagpapanatili ng impormasyon. Ang mga social networking site at social
media ay nagbago ng mundo, na nagdadala sa amin nang mas malapit kaysa kailanman. Gayunpaman,
maaari itong gamitin ng mga mag-aaral at gamitin ito para sa isang mas mahusay na buhay, isang mas
mahusay na bukas. Dapat gamitin ang social media upang kumonekta, manatiling nakikipag-ugnay,
magbahagi ng mga tanawin ngunit hindi nag-aaksaya ng oras (Rithika & Selvaraj, 2013).

Ang umuusbong na bagong media na humuhubog sa komunikasyon sa lipunan ngayon ay ang social
media. Ang pagpaparami ng paglago ng social media ay ginagawa itong bahagi ng pang-araw-araw na
komunikasyon ng ating mga kabataanang kanilang paggamit ay nakakaimpluwensya sa paraan ng mga
tao na nakikipag-ugnayan at nakikipag-ugnay sa bawat isa. Pinapayagan din nila ang mga tao na
makipag-usap at humingi ng impormasyon mula sa iba't ibang mga mapagkukunan. Ang social media
kung saan ang mga gumagamit ay ang mga may-ari ng buksan ang mga pinto na dating hindi umiiral
sa mga araw ng aming mga ninuno. Sa panahong ito ang ating mga kabataan ay may buong mundo sa
punto ng kanilang mga dulo ng daliri. Ang pagtaas ng mga social media ay humuhubog sa paraan ng
pakikipag-usap ng ating mga kabataan. Pero may mga ilang posibleng epekto sa pag uugali na
maaaring maidulot ng social media sa ating nakababatang henerasyon ngayon (K.A. Jalil et al.,2010)

You might also like