You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
BANYAGA NATIONAL HIGH SCHOOL
BANYAGA, AGONCILLO, BATANGAS

BANYAGA Baitang/ 7
Paaralan NATIONAL HIGH Antas
SCHOOL
CATCH- UP FLORENCE V. Asignatu FILIPINO-
FRIDAY MANDIGMA ra PAGBASA
Guro
BANGHAY (INTERVENTIO
ARALIN SA N)
PAGBASA Pebrero 9, 2024- Markaha Ikatlo
Petsa/ Biyernes n
Oras Unang Bahagi
7:00-8:30 am

Kompetensi Oras Gawain at Pamamaraan

Pang-araw-araw na Gawain - Panalangin


- Pagbati
- Pagsuri sa mga dumalo

I. LAYUNIN a. Natutukoy at nakukuha ang mga impormasyon,


at kaalaman sa tekstong binasa;
b. Napauunlad ang wika sa pamamagitan ng
pagbibigay kahulugan sa mga talasalitaan;
c. Naipamamalas ang kahalagahan ng pagtanggap
at pagharap sa hamon ng buhay.
II. PAKSANG ARALIN
1. Paksa Pag-unawa sa tekstong binasa “SANDAANG DAMIT” ni
Fanny Garcia

2. Mga Kagamitan Sipi ng akda mula sa,


https://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/2013/02
/sandaang-damit-ni-fanny-garcia.html
3. Iba pang Sipi ng Kuwento, kard ng mga tanong
Kagamitang
Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Bago bumasa 30 mins 1. Bago bumasa ay lilinangin ang kakayahan ng mga
mag-aaral sa pagbibigay kahulugan sa mga
talasalitaan.

Unang Gawain : Paggamit ng mga salitang


matatagpuan sa teksto sa sariling pangungusap batay
sa pagkaunawa.
1. ipinagkit
2. paanas
3. ipinabatid
4. pambubuska

Address: Banyaga, Agoncillo, Batangas, 4211 Agoncillo


0917-871-9973
 301076@deped.gov.ph
DepEd Tayo- Banyaga NHS- Batangas Province
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
BANYAGA NATIONAL HIGH SCHOOL
BANYAGA, AGONCILLO, BATANGAS

5. lumiban

B. Habang bumabasa 30 mins 1. Pagbasa ng kuwento sa kanilang mga tahanan


kasama ang kanilang magulang at karagdagang gabay
ng guro sa mesendyer.

2. Habang binabasa ang teksto, itala sa isang buong


malinis na papel ang naturang impormasyon tulad ng:

a. Pamagat ng kuwento
b. Mga Tauhan at kanilang pagkakakilanlan
c. Saan at kailan nangyari ang kuwento
d. Pangunahing tunggalian o conflict ng
kuwento
e. Pangunahing mensahe o aral na nais iparating ng
kwento

f. Pagkatapos bumasa 30 mins A. Gumuhit ng poster tungkol sa kahalagahan ng


pagtanggap at pagharap sa hamon ng buhay.

Inihanda ni:

FLORENCE V. MANDIGMA
Guro Binigayng pansin ni:

CECILIA V. PORDONZALAN
Gurong Katiwala

Address: Banyaga, Agoncillo, Batangas, 4211 Agoncillo


0917-871-9973
 301076@deped.gov.ph
DepEd Tayo- Banyaga NHS- Batangas Province
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
BANYAGA NATIONAL HIGH SCHOOL
BANYAGA, AGONCILLO, BATANGAS

“Sandaang Damit”
Ni: Fanny Garcia

May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin


ang kaniyang pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang
sulok. Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap ang mga mata,
sasagot lamang kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung magsalita. Naging
mahiyain siya sapagkat maaga niyang natuklasang kaiba ang kaniyang kalagayan
sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kaniya. Mayayaman sila.
Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan. Malimit nila
siyang tuksuhin sapagkat ang kaniyang damit, kahit nga malinis, ay halatang
luma na, palibhasa’y kupasin at punung-puno ng sulsi.
Ilarawan ang pisikal at emosyunal na kalagayan ng batang babae. Kapag
oras na ng kainan at labasan na ng kani-kanilang pagkain, halos ayaw niyang
ilitaw ang kaniyang baon. Itatago niya sa kandungan ang kaniyang pagkain,
pipiraso ng
pakonti-konti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase
ang kaniyang dalang pagkain. Sa sulok ng kaniyang mata ay masusulyapan niya
ang mga pagkaing nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase: mansanas,
sandwiches, kending may iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara. Ang
panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kaniyang mga damit.
Tatangkain nilang silipin kung ano ang kaniyang pagkain at sila’y magtatawanan
kapag nakita nilang ang kaniyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na
karaniwa’y walang palaman. Kaya lumayo siya sa kanila. Naging walang kibo.
Mapag-isa. Ang nangyayaring ito’y hindi naman lingid sa kaniyang ina. Sa bahay
ay di minsan o makalawa siyang umuuwing umiiyak dahil sa panunukso ng mga
kaklase, at siya’y magsusumbong. Mapapakagat-labi ang kaniyang ina, matagal
itong hindi makakakibo, at sabay haplos nito sa kaniyang buhok at paalong
sasabihin sa kaniya, hayaan mo sila anak, huwag mo silang pansinin, hamo,
kapag nakakuha ng maraming pera ang iyong ama, makakapagbaon ka na rin ng
masasarap na pagkain, mabibili na rin kita ng maraming damit.
At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang ama’y hindi pa rin nakapag-uwi ng
maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ngunit ang bata’y unti-
unting nakaunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang makibahagi sa
malaking suliranin ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang
pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase. Hindi na siya umuuwing umiiyak.
Hindi na siya nagsusumbong sa kaniyang ina.
Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng kaniyang mga kaklase na
siya’y kanilang talun-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska.
Lumang damit. Di masarap na pagkain. Mahirap. Isinalaksak nila sa kaniyang isip.
Hanggang isang araw ay natuto siyang lumaban. Sa buong pagtataka nila’y bigla
na lamang nagkatinig ang mahirap na batang babaeng laging kupasin, puno ng
sulsi, at luma ang damit, ang batang laging kakaunti ang baong pagkain. Yao’y isa
na naman sanang pagkakataong walang magawa ang kaniyang mga kaklase at siya
na naman ang kanilang tinutukso.

Address: Banyaga, Agoncillo, Batangas, 4211 Agoncillo


0917-871-9973
 301076@deped.gov.ph
DepEd Tayo- Banyaga NHS- Batangas Province
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
BANYAGA NATIONAL HIGH SCHOOL
BANYAGA, AGONCILLO, BATANGAS

“Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalaking tinig, “ako’y may sandaang damit
sa bahay.”
Nagkatinginan ang kaniyang mga kaklase, hindi sila makapaniwala.
“Kung totoo ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot mo?”
Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit.
Ayokong maluma agad.”
“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami maniwala!” Iisang tinig na
sabi
nila sa batang mahirap.
“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto n’yo’y
sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay,
kung may laso o bulaklak.”
At nagsimula na nga siyang maglarawan ng kaniyang mga damit. Ayon sa kaniya’y
may damit siya para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang pambahay, pantulog,
pampaaralan, pansimbahan, at iba pa. Naging mahaba ang kaniyang
pagkukuwento. Paano’y inilarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ang bawat
isa sa kaniyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na pandalo niya
sa pagtitipon. Makintab na rosas ang tela nito na sinabugan ng pinaggupit-gupit
na mumunting bulaklak at makikislap na rosas at puting abaloryo. Bolga ang
manggas. May tig-isang malaking laso sa magkabilang balikat. Hanggang sakong
ang haba ng damit.
O kaya’y ang kaniyang dilaw na pantulog na may prutas sa kuwelyo, manggas, at
laylayan. O ang kaniyang puting pansimba na may malapad na sinturon at
malalaking bulsa.
Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang naging
tagapagsalita at sila naman ang kaniyang tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa
kaniyang kuwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kaniyang
pagkamahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang kaniyang
pamamayat kahit ngayo’y nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang baong
mansanas o sandwich, isa o dalawang kendi.
Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaeng may
sandaang damit. Saka ng sumunod na araw. At nang sumunod pa. At pagkaraan
ng isang linggong hindi niya pagpasok ay nabahala ang kaniyang mga kaklase at
guro.
Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase.
Ang natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan.
Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy
sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa
anumang
marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang lumang teheras at doon
nakaratay ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad
ang maysakit ang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na maayos na
maayos na nakahanay at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng teheras.
Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa
dingding ay ang drowing ng bawat isa sa kaniyang sandaang damit. Magaganda,
makukulay. Naroong lahat ang kaniyang naikuwento. Totoo’t naroon ang sinasabi
niyang rosas na damit na pandalo sa pagtitipon. Naroon din ang drowing ng

Address: Banyaga, Agoncillo, Batangas, 4211 Agoncillo


0917-871-9973
 301076@deped.gov.ph
DepEd Tayo- Banyaga NHS- Batangas Province
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
BANYAGA NATIONAL HIGH SCHOOL
BANYAGA, AGONCILLO, BATANGAS

kaniyang pantulog, ang kaniyang pansimba, ang sinasabi niyang pamasok sa


paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa kaniya’y
nakatago’t iniingatan niya sa bahay. Sandaang damit na pawang iginuhit lamang.

Kompetensi Oras BANY B 8Gawain at Pamamaraan


AGA ai
P
Pang-araw-araw na Gawain NATI ta
- Panalangin
a
ONAL n
a - Pagbati
HIGH g
r - Pagsuri sa mga dumalo
SCHO /
CAT al
OL A
I. LAYUNIN CH- a d. Natutukoy at nakukuha ang mga impormasyon,
n
UP n at kaalaman sa tekstong binasa;
ta
FRI e. Napauunlad
s ang wika sa pamamagitan ng
DAY pagbibigay
FLOR A FILI kahulugan sa mga talasalitaan;
BAN f. Naipamamalas
ENCE si PIN ang kahalagahan ng pagtanggap
GHA V. at pagharap
g O- sa hamon ng buhay.
II. PAKSANG ARALIN Y G MAN n PAG
ARA u Pag-unawa
DIGM atsaBAS
4. Paksa tekstong binasa “SANDAANG DAMIT” ni
LIN r Fanny
A Garcia u A
SA o ra (INT
PAG ERVsa,
5. Mga Kagamitan Sipi ng akda mula
BAS ENT
https://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/2013/02
A ION)
/sandaang-damit-ni-fanny-garcia.html
6. Iba pang Pebre M Ikat
Sipi ng Kuwento, kard ng mga tanong
Kagamitang ro 09, ar lo
P
Panturo 2024- k
e
Biyer a
III. PAMAMARAAN ts
nes h
C. Bago bumasa 30 mins a 1.Unan
Bago bumasa
a ay lilinangin ang kakayahan ng mga
/ mag-aaral sa pagbibigay ng kahulugan o AKRONIM ng
g n
O salitang DAMIT
Baha
r
gi
a Unang Gawain : Ibigay ang akronim ng salitang DAMIT
8:30-
s gamit ang tema tungkol sa epekto ng kahirapan at
10:00
diskriminasyon
am sa buhay ng isang tao.
D-
A-
M-
I-
T-
D. Habang bumabasa 30 mins 1. Pagbasa ng kuwento sa kanilang mga tahanan
kasama ang kanilang magulang at karagdagang gabay
ng guro sa mesendyer.

Address: Banyaga, Agoncillo, Batangas, 4211 Agoncillo


0917-871-9973
 301076@deped.gov.ph
DepEd Tayo- Banyaga NHS- Batangas Province
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
BANYAGA NATIONAL HIGH SCHOOL
BANYAGA, AGONCILLO, BATANGAS

2. Habang binabasa ang teksto, itala sa isang buong


malinis na papel ang naturang impormasyon tulad ng:

a. Pamagat ng kuwento
b. Mga Tauhan at kanilang pagkakakilanlan
c. Saan at kailan nangyari ang kuwento
d. Pangunahing tunggalian o conflict ng
kuwento
g. Pangunahing mensahe o aral na nais iparating ng
kwento
f. Paano nagwakas ang kuwento?

g. Pagkatapos bumasa 30 mins B. Gumuhit ng poster/slogan tungkol sa


kahalagahan ng pagtanggap at pagharap sa
hamon ng buhay.

Inihanda ni:

FLORENCE V. MANDIGMA
Guro Binigyang pansin ni:

CECILIA V. PORDONZALAN
Gurong Katiwala

Address: Banyaga, Agoncillo, Batangas, 4211 Agoncillo


0917-871-9973
 301076@deped.gov.ph
DepEd Tayo- Banyaga NHS- Batangas Province
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
BANYAGA NATIONAL HIGH SCHOOL
BANYAGA, AGONCILLO, BATANGAS

Address: Banyaga, Agoncillo, Batangas, 4211 Agoncillo


0917-871-9973
 301076@deped.gov.ph
DepEd Tayo- Banyaga NHS- Batangas Province

You might also like