You are on page 1of 81

The Church in God’s Story

Leader’s Guide for Reproducing GraceCommunities

Baliwag Bible Christian Church

2015 Edition
Table of Contents

Process Overview......................................................................................................................................................................2

12-Week Overview ...................................................................................................................................................................3

Ano ang GraceCommunity? .................................................................................................................................................4

Gospel, Community, Mission ..............................................................................................................................................8

WEEK 1: Jesus and His Church ....................................................................................................................................... 15

WEEK 2: The Spirit and the Church ............................................................................................................................ 19

WEEK 3: Witnessing and Wonders.............................................................................................................................. 23

WEEK 4: Persecution and Boldness ............................................................................................................................ 27

WEEK 5: Unity and Purity ................................................................................................................................................. 32

WEEK 6: Leading and Serving ........................................................................................................................................ 36

WEEK 7: Radical Transformation ................................................................................................................................ 41

WEEK 8: Listening and Going.......................................................................................................................................... 46

WEEK 9: Sending Help ......................................................................................................................................................... 51

WEEK 10: Joining God’s Work ........................................................................................................................................ 56

WEEK 11: Gospel-Driven Ministry .............................................................................................................................. 61

WEEK 12: Advancing God’s Kingdom ........................................................................................................................ 66

GraceComm Leader Role Description ....................................................................................................................... 71

GraceComm Leader Personal Evaluation ............................................................................................................... 73

GraceComm Planning Guide............................................................................................................................................ 75

Isang Gabay sa Pagdiriwang ng Komunyon (Lord’s Supper) ..................................................................... 77

Isang Gabay sa S-M-A-R-T na Pagpaplano............................................................................................................... 78

References .................................................................................................................................................................................. 80

1
Process Overview
Ikuwento
Makinig ang kuwento
sa kuwento ng ng buhay MO
buhay NILA Tulay:
“Bagong-buhay
ang ibinibigay ni
Pag-isipan: Jesus sa mga tao
Paano kaya natin mula pa noon…”
siya matutulungang Ikuwento
ilapit kay Jesus?
ang Changed-
Man Story

Ikuwento Tanong: “Gusto mo bang


ang 12-Min magkaroon ng bagong-buhay
Story of God tulad ng lalaki sa kuwentong ito?

Tanong: “Gusto mo na bang


maging tagasunod ni Jesus? Tanong: “Gusto mo bang makinig sa
ilan pang mga kuwento? Puwede mo bang
isama ang pamilya mo (o mga kamag-
anak at kaibigan)?

Kapag handa na, gabayan Pagkuwentuhan


sila sa pagdedesisyong
ang 12-Week Story of
sumunod kay Jesus.
God (Overview)

Baptism Sanaying
One2One ikuwento din ang
Story of God sa iba

Disciplemaking:
Pagsunod kay Pagkuwentuhan
Jesus Grace
ang 12-Week Story of
God’s Church (Acts)
Community

Grace Fight Clubs Pagkuwentuhan


Communities ang 12-Month Story of
God (Whole Bible)
2
12-Week Overview

Weeks Stories Biblical References


Week 1 Jesus and His Church
 Scene 1 ~ Ang Pag-akyat ni Jesus sa Langit Gawa 1:1-14
Week 2 The Spirit and the Church
 Scene 2 ~ Ang Pagbaba ng Espiritu Gawa 2:1-47
Week 3 Witnessing and Wonders
 Scene 3 ~ Ang Pagpapagaling sa Pulubing Lumpo Gawa 2:43-47; 3:1-26; 4:1-4
Week 4 Persecution and Boldness
 Scene 4 ~ Ang Pag-uusig kina Pedro at Juan Gawa 4:5-31
 Scene 5 ~ Ang Pag-uusig sa Labindalawa Gawa 5:12-42
Week 5 Unity and Purity
 Scene 6 ~ Si Bernabe at ang Mag-asawang Gawa 4:32-37; 5:1-16
Ananias at Sapphira
Week 6 Leading and Serving
 Scene 7 ~ Ang Pitong Lalaki Gawa 6:1-7
 Scene 8 ~ Ang Pagpatay kay Esteban Gawa 6:8-15; 7:1-2, 51-60; 8:1-2
 Scene 9 ~ Si Felipe sa Samaria Gawa 8:1-26
Week 7 Radical Transformation
 Scene 10 ~ Ang Pagpapakita ni Jesus kay Saulo Gawa 8:1-3; 9:1-31
Week 8 Listening and Going
 Scene 11 ~ Ang Ipinakita ng Diyos kina Cornelio Gawa 10:1-23
at Pedro
 Scene 12 ~ Ang Pagkikita nina Pedro at Cornelio Gawa 10:23-48; 11:1-18
Week 9 Sending Help
 Scene 13 ~ Ang Iglesia sa Antioch Gawa 11:19-30
 Scene 14 ~ Ang Iglesia sa Jerusalem Gawa 12:1-24
Week 10 Joining God’s Work
 Scene 15 ~ Ang Unang Paglalakbay ni Pablo Gawa 13-14
Week 11 Gospel-Driven Ministry
 Scene 16 ~ Ang Pag-uusap sa Jerusalem Gawa 15:1-35
 Scene 17 ~ Ang Ika-2 Paglalakbay ni Pablo Gawa 15:36–16:40
Week 12 Advancing God’s Kingdom
 Scene 18 ~ Si Pablo sa Athens Gawa 17:16-34
 Scene 19 ~ Si Pablo sa Efeso Gawa 19:8-20

3
Ano ang GraceCommunity?
Ang GraceCommunity o GraceComm ay isang GraceComm = God’s family
pamilya ng Diyos (community) na nabuo at being formed by God’s Story,
binubuo ng Kuwento ng Diyos (gospel) at sama-
samang nakikibahagi sa misyon ng Diyos (mission): participating in God’s mission.

 Isang pamilya (FAMILY)


 na binubuo ng mga anak ng Diyos na tinawag para sambahin siya (WORSHIPPERS)
 at ipamuhay ang misyon ng Diyos (MISSIONARIES) sa lugar (barangay at bayan) na
kinabibilangan nila at sa iba pang mga lugar (ibang bayan at ibang lahi sa Pilipinas man o sa
ibang bansa)
 sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagpapalang hatid ng Diyos sa ibang tao (SERVANTS)
 at pagpapahayag ng mabuting balita (gospel) sa mga kapatid kay Cristo at sa iba pang di pa
lubos na nakakakilala sa kanya (LEARNERS).
Ang GraceComm ay hindi:
× Bible study group – hindi sa pag-aaral ng Bibliya ang focus, kundi sa pagsasabuhay nito.
× Small group – ito ay maituturing na isang church, ayon sa biblikal na kahulugan nito.
× Social gathering – ito ay pamumuhay bilang isang pamilya.
× Lingguhang pagtitipon – ito ay araw-araw na pamumuhay bilang isang church.
× Simbahan – hindi nakadepende sa lugar na pinagtitipunan kundi sa mga taong kabilang ito.

PAANO MABUBUO ANG GRACECOMM?

1. Magsimulang manalangin para sa isang pamilya sa isang barangay na wala pang


GraceComm. Ipanalangin din ang buong barangay (prayer walk) at ang pamahalaan nito.
2. Pagkuwentuhan ang The 12-Week Story of God (SOG) sa pamilyang iyon at bautismuhan
sila.
3. Sanayin silang ikuwento din ito sa iba sa pamamagitan ng tatlong linggong Training for
Trainers (T4T).
4. Pagkuwentuhan ang The 12-Week Story of God (SOG) kasama ang mga bagong trainers
sa dalawa o tatlong pamilya pa. Bautismuhan sila at sanaying magkuwento din sa iba sa
pamamagitan ng tatlong linggong Training for Trainers (T4T).
5. Maaari nang pagsama-samahin ang mga pamilya at buuin ang GraceComm gamit ang The
12-Week Story of God’s Church (ACTS).

PAANO MAGPAPATULOY ANG GRACECOMM?

1. Ipanalangin at pumili ng leaders – tagapagturo (prophetic), tagapangalaga (priestly), at


tagapanguna (kingly).

4
2. Ipagpatuloy ang pagkukuwento ng Story of God sa iba at sa isa’t isa para maalala ang
kapangyarihan ng Diyos sa pagliligtas sa atin (gospel power), ang bago nating pagkakilanlan
kay Cristo (gospel people), ang misyon nating mag-akay pa ng mga tagasunod ni Jesus
(gospel purpose), at ang araw-araw nating gawain para makapamuhay sa loob ng Kuwento
ng Diyos (gospel practices).
3. Hikayatin ang bawat miyembro na ikuwento ang kuwento ng kanilang buhay at
pakinggan ang kuwento ng buhay ng mga kasama.
4. Tiyaking malinaw sa bawat isa ang misyon n’yo bilang isang GraceComm at kung saang
lugar kayo tinatawag ng Diyos na magmisyon at kung paanong lahat makikibahagi sa
misyong iyon.
5. Simulang i-adjust ang buhay ng inyong GraceComm sa misyong binigay sa inyo ng Diyos –
tulad ng araw at lugar ng weekly gathering, panahon para sa pagtitipon ng mga Grace
Communities sa isang bayan para sa pagsamba (karaniwang tuwing Linggo) at mga
karagdagang pagsasanay, at panahon para sa makilahok sa buhay ng iba pang mga tao sa
barangay at mga karatig-barangay.
6. Manatiling konektado sa isang tagapangasiwa o coach para sa evaluation, pagtutulungan
para matugunan ang ilang mga bahagi na dapat pagbutihin at magplanong magkakasama.
7. Magplano para sa multiplication (dumaraming GraceComms at liders na nasasanay).

SINO TAYO: GRACECOMM IDENTITY

We are LEARNERS. Tayo ay mga estudyante (disciples) ng Panginoong Jesus na sineseryoso ang
responsibilidad para sa ating paglago sa ugnayan kay Jesus at sa ibang tao.

 Sa anu-anong paraan kailangan pa nating lumago sa taong ito?


 Sa anu-anong bahagi pa nangangailangan ang GraceComm at mga miyembro nito na matuto
o masanay?
 Anu-anong paraan ang puwede nating gawin para mas lalo pang matutunan, maisabuhay at
maibahagi sa iba ang Salita ng Diyos?

We are FAMILY. Tayo ay isang pamilya ng magkakapatid sa Panginoong Jesus at ang Diyos ang
ating Ama. Tayo ay itinuturing niyang mga anak dahil kay Jesus. Nagmamahalan tayo sa isa’t isa
bilang magkakapatid.

 Anu-ano ang gagawin natin para maipakita sa bawat isa na tayo’y mga anak ng Diyos at
tayo’y magkakapatid sa Panginoon?
 Paano natin mahihikayat ang lahat na makibahagi sa isang Fight Club (grupo ng 3-4 lalaki o
babae)?
 Anu-ano ang gagawin natin sa isa’t isa para maipakitang tayo’y isang pamilya (“Mahalin ang
isa’t isa,” “Magpatawad sa isa’t isa”)?
 Paano natin maipadarama sa mga taong hiwalay pa sa Diyos ang saya ng pagiging bahagi
ng kanyang pamilya?

We are WORSHIPPERS. Tayo ay nilikha ng Diyos upang masayang sumamba sa kanya at bigyan
siya ng karangalan sa lahat ng bahagi ng ating buhay.

5
 Paano natin sasanayin ang sarili natin (personal) at ang grupo natin (corporate) para mas
maging mainit ang relasyon at pagsamba sa Diyos?
 Anu-anong paraan ang gagawin natin para mas masanay pa sa mga ito?
 Paano natin matitiyak na ang bawat isa ay personal na lumalago sa kanyang relasyon kay
Jesus?

We are SERVANTS. Tayo ay nagpapasakop bilang mga alipin o lingkod ng Panginoong Jesus.
Anumang lakas, oras, at yaman na pinagkatiwala sa atin ay sabik at masayang ginagamit natin
bilang mga katiwala na naglilingkod sa mga kapatid natin at sa iba pang taong nangangailangan ng
tulong.

 Sa anong lugar, mga tao, o gawain tinatawag tayo ng Diyos para magbigay ng paglilingkod?
Paano natin ito gagawin?
 Paano natin mapaglilingkuran ang bawat isa?
 Anu-anong proyekto o events ang gagawin natin o sasalihan natin sa ating barangay o bayan
para maipakitang tayo’y mga lingkod ng Panginoong Jesus?
 Paano natin maipapakita sa mga taong pinagmimisyunan natin na ang dala-dala natin sa
salita at sa buhay natin ay Magandang Balita (gospel/good news)?

We are MISSIONARIES. Tayo ay mga misyonerong isinugo ng Panginoong Jesus at pinalalakas ng


Banal na Espiritu. Dala-dala natin sa salita at sa buhay ang mensahe ng Panginoong Jesus saanman
tayo naroroon at saanman tayo dadalin ng Espiritu.

 Anu-anong grupo ng tao (sariling barangay, ibang barangay, ibang bayan at ibang lahi) ang
magiging focus natin para makasunod sa tagubilin ng Panginoong Jesus na gawing
tagasunod niya ang lahat ng mga bansa (lahi)?
 Anong grupo ng tao o lahi ang ipananalangin natin at makikipagtulungan sa ibang
organisasyon para maipagpatuloy o masimulan ang isang Church Planting Movement sa
lugar nila? Paano natin ito gagawin?

PAANO TAYO MAMUMUHAY: GRACECOMM PRACTICES

KUWENTUHAN (Storying) – Nauunawaan, nararanasan at naipamumuhay natin ang Story of God.

 Nasaan na ang mga miyembro natin sa SOG? Lahat ba ay nakatapos na nito at sanay nang
magkuwento din sa iba? Sinu-sino ang di pa nakapag-SOG?
 Anu-ano ang gagawin natin para mas maging pamilyar pa sa Kuwento ng Diyos?
 Paano natin mas makikilala ang bawat isa sa mga kuwento ng buhay natin at ang ibang tao
sa kuwento ng buhay nila?

PAKIKINIG (Listening to God) – May regular na oras ang inilalaan natin sa pakikinig sa Diyos – sa
mga ginawa na niya (backward) at sa mga gagawin pa niya (forward).

 Paano natin sama-samang gagawin ang listening prayer?


 Paano natin nakikita ang sarili natin at ang grupo natin na magiging bahagi ng buhay o
lifestyle ang listening prayer?
 Ano ang gagawin natin para mas masanay pa sa listening prayer?

6
PAGDIRIWANG (Celebration) – Regular tayong nagtitipon para ipagdiwang ang umuulang
pagpapala ng Diyos sa buhay natin.

 Gaano tayo kadalas magtitipon bilang isang GraceComm (halimbawa, tuwing Martes ng
gabi) at makikipagtipon kasama ang iba pang mga GraceComm sa ating bayan (halimbawa,
tuwing Linggo)?
 Anu-anong events ang sama-sama nating ipagdiriwang at paano natin ito gagawin?
 Paano tayo makikibahagi sa mga pagdiriwang na ginagawa ng mga tao sa ating barangay at
sa barangay na pinagmimisyunan natin?

PAGPAPALA (Blessing) – Sinasadya nating maging pagpapala sa iba sa pamamagitan ng ating


mga salita, mga gawa at mga regalo o maiaabot na tulong sa kanila.

 Paano natin sasadyaing ibahagi ang mga pagpapalang tinatanggap natin sa isa’t isa at sa
ibang taong nangangailangan?
 Sa paanong paraan tayo magbibigay – pinansiyal (10% o higit pa), pisikal, emosyonal,
atbp…?
 Anu-anong paraan ang gagawin natin para maging pagpapala pa sa iba?

PAGKAIN (Eating) – Regular tayong kumakaing kasama ang iba para anyayahan din sila sa
pamilya ng Diyos.

 Paano natin ipagdiriwang ang Banal na Hapunan (communion)?


 Tuwing kailan tayo sama-samang kakain?
 Paano natin iimbitahan ang iba na makasama nating kumain?
 Saan tayo regular na kakain (kainan/canteen) para maging paraan na maabot ang may-ari
at makuwentuhan din ng SOG?

PAGLIKHA (ReCreation) – Naglalaan tayo ng oras para magpahinga, maglaro, lumikha at


ipanumbalik ang kagandahan para maipakita ang kagandahan ng Diyos na Manlilikha sa iba.

 Anu-ano ang sama-sama nating gagawin na may kinalaman sa paglikha at pagpapahinga?


 Ano ang kailangang pagandahin sa lugar na ating pinagmimisyunan?
 Paano natin maipapakita ang kagandahan ng Diyos sa paglikha at pagpapanumbalik ng
kanyang nilikha sa maganda nitong kalagayan?

7
Gospel, Community, Mission
Kaya’t ako, na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay nakikiusap sa inyo na mamuhay
kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. 2 Kayo’y maging mapagpakumbabá,
mahinahon at matiyaga. Magmahalan kayo at magpasensiya sa isa’t isa. 3 Sikapin
ninyong mapanatili ang pagkakaisa na kaloob ng Espiritu, sa pamamagitan ng
kapayapaang nagbubuklod sa inyo. 4 May iisang katawan at iisang Espiritu, tulad ng may
iisang pag-asa nang kayo’y tawagin ng Diyos. 5 Tayo’y may iisang Panginoon, iisang
pananampalataya at iisang bautismo, 6 iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa
lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat (Efeso 4:1-6 MBB).

MGA MALING PANANAW TUNGKOL SA “CHURCH”

Kapag “church” ang pinag-uusapan, maraming mga Pilipino hindi nagkakaintindihan, o kaya
naman ay mali o kulang ang pagkakaunawa. Matagal na kasing ganito ang nakasanayan natin.
Mahirap palitan o baguhin ang tradisyon, nakaukit na sa isip natin iyan.

Kung tatanungin mo ang isang tao, “Para kanino ang church?”, ang sagot, “Para sa mababait na tao
lang iyan. Hindi para sa akin iyan. Para sa asawa at nanay at lola ko iyan. Hindi naman ako
relihiyosong tao. Hindi ako pwede dyan. Baka masunog pa ko.” Akala tuloy ng marami, ang church
para sa mga mababait o mabubuting tao.

Kung tatanungin mo naman, “Tuwing kelan ang church?”, ang karaniwang sagot, “Linggo.” Minsan
Sabado. O kaya kapag may prayer meeting o Bible study. Kaya pag may di nakakadalo sasabihin
natin, “Hindi ka nagchurch?” Ayun tuloy, para bang walang epekto ang church sa Lunes hanggang
Biyernes.

Kung ang tanong naman ay, “Saan ang church?”, ang sagot natin, “Doon...” Kapag sinabing church,
ibig sabihin natin “simbahan” o “kapilya” o lugar kung saan tayo nagtitipon. Ayun tuloy, parang
walang epekto ang church sa bahay, sa trabaho o sa eskuwelahan.

THE CHURCH AS A GRACE COMMUNITY

Pero kung titingnan mo ang 74 beses na lumitaw ang salitang “church” o “iglesia” sa New
Testament, ni isang beses hindi ito tumukoy na limitado sa isang partikular na klase ng tao. Judio
man o Hentil, edukado man o hindi, lalaki man o babae, mayaman man o mahirap, bata man o
matanda, ito ay para sa lahat ng makasalanan. Grace for all. This is the message of the gospel of
Jesus.

Hindi rin ito tumukoy sa simbahan o isang partikular na lugar, kundi sa kalipunan o komunidad ng
mga taong sama-samang namumuhay ayon sa biyaya ng Diyos. This is God’s family. Children of
God. Brothers and sisters in Christ.

Hindi rin ito tumukoy sa isa o dalawang araw lang na nagkakatipon sila. Kundi araw-araw,
ipinamumuhay nila kung ano ang ibig sabihin ng kabilang sa church, ipinapakita sa mga tao saan

8
man sila naroroon kung paano silang binabago ng biyaya ng Panginoon. They were on mission
with God.

This is the biblical definition of church. Para sa lahat ng uri ng tao, saan mang lugar, pang-araw-
araw. Ang proposal ko ay tawagin natin itong Grace Community o GraceComm. Ibig sabihin, God’s
family being formed by God’s Story participating in God’s mission.

GRACE OVERFLOWS

Sumulat si Pablo sa church (o GraceComm!) na nasa Efeso habang siya naman ay nasa kulungan
dahil sa kanyang tapat na paglilingkod sa Panginoon. Sabi niya sa kalagitnaan ng sulat niya, “Kaya’t
ako, na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay nakikiusap sa inyo na mamuhay kayo gaya ng
nararapat sa mga tinawag ng Diyos” (4:1 MBB). Sa ESV, “to walk in a manner worthy of the calling
to which you have been called.” (4:1). Sila, na dating patay dahil sa kasalanan (2:1), ay “tinawag ng
Diyos” o binuhay ng Diyos. Natanggap nila ang kaligtasan dahil sa biyaya ng Diyos, hindi sa sariling
gawa (2:8-9). Dahil sila ngayon ay nakay Cristo na, lahat ng biyaya ng Diyos ay ibinubuhos niya
para sa kanila (1:3). Sa chapters 1-3, makikita ang katotohanan ng biyaya ng Diyos na tinanggap
natin dahil kay Cristo.

Sa chapters 4-6 naman ay ang klase ng pamumuhay ng isang tumanggap ng biyaya ng Diyos. Kaya
sabi ni Pablo, “Kaya’t (dahil sa chapters 1-3)...nakikiusap sa inyo na mamuhay kayo gaya ng
nararapat (tulad ng mga sasabihin niya sa chapters 4-6).” “Mamuhay” o “walk” (ESV), ibig sabihin,
ang epekto ng grace ng Panginoon ay sa araw-araw na buhay natin - sa bahay, sa school, sa
workplace. Ang “gaya ng nararapat” o “worthy” ay galing sa salitang axios (kung saan galing ang
English word na axiom). Ibig sabihin, balanse ang isang bahagi sa isa pang bahagi. Ang biyaya ng
Diyos ay nag-uumapaw sa buhay ng bawat isa sa atin. Kaya GraceComm ang tawag natin. The
grace of God overflows in our relationships. Hindi tayo dapat umiwas sa church. Kung tinanggap
natin ang biyaya ng Panginoon, at walang ebidensya ng “grace” sa pakikitungo natin sa iba, lalo na
sa mga kapatid sa Panginoon, merong disconnect, imbalance. Something is seriously wrong. Kaya
passionate si Pablo sa kanyang apela na makinig silang mabuti sa sasabihin niya: “Nakikiusap ako
sa inyo...”

BEING FORMED BY GOD’S STORY (GOSPEL) GraceComm = God’s family


being formed by God’s Story,
Sa verses 4-6 makikita natin ang basehan ng
participating in God’s mission.
panawagan ni Pablo sa mga taga-Efeso kung paano
mamuhay at makitungo sa isa’t isa. Kaya bago natin
tingnan kung paano ba tayo mamumuhay bilang isang Pamilya - magkakapatid kay Cristo -
tingnan muna natin ang pundasyon nito, kung saan tayo nanggaling o nagmula, kung paano nabuo
ang Pamilyang ito. Paano nabuo o mabubuo ang ganitong klaseng Pamilya o GraceComm? Ang
sagot - God’s Story! We are a Story-formed people. Nabuo tayo sa pamamagitan ng Diyos, ng gawa
ng Diyos, ng biyaya ng Diyos, ng Magandang Balita o Kuwento na nakasulat sa Bibliya.

9
Bakit mahalaga iyon? Ang pinagmulan natin ay may malaking epekto sa patutunguhan natin. Hindi
ba’t kung lasenggo o babaero ang isang lalaki - malamang na ang tatay niya, mga tito niya, lolo
niya, lolo ng lolo niya ay lasenggo at babaero rin? Naalala n’yo ang kasabihan ng mga Pilipino?
“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan hindi makararating sa paroroonan.” Kung sino ang Tatay
natin, o ang Diyos natin, malaki ang epekto sa kung sino tayo ngayon at anong klaseng
pamumuhay meron tayo.

Sa verses 4-6, makikita natin ang iisang Kuwento. Pansinin ang pitong bagay na binanggit niya na
“iisa” na mahahati natin sa tatlong grupo ayon sa koneksyon nito sa tatlong persona ng Trinity -
Father (v. 6), Son (v. 5, “Lord”), and Spirit (v. 4). The family relationship (community) among the
Trinity is the basis for our grace community. Anong kuwento ang nakapaloob dito?

Unahin natin ang verse 6: “iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa
lahat, at nananatili sa lahat.” Ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay. Siya ang nagbigay ng buhay
sa lahat ng tao. Siya rin ang bumabawi nito. Siya ang nagpapanatili sa pagtakbo ng mundong
ginagalawan natin. Siya ang hari na may karapatan o awtoridad na mamahala sa lahat. Pero lahat
ng tao ay nagrebelde sa kanyang pamamahala. Ang buhay natin ay ginamit natin hindi para sa
kanyang karangalan, kundi sa sarili nating kagustuhan. Nararapat lang na parusahan tayo. Hindi
natin kaya sa sarili nating lumapit at bumalik sa Diyos. Wala tayong karapatang tumawag sa kanya
na “Ama” - maliban na lang kung kilala natin ang Tagapagligtas - “ang daan, ang katotohanan, ang
buhay” - ang nag-iisang paraan para makalapit tayo sa Ama (Juan 14:6). Walang iba kundi ang
kanyang Anak na si Jesus.

Verse 5: “Tayo’y may iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo.” Si Jesus,
nag-iisang Tagapagligtas. Siya rin ang isang Panginoon. Tunay na tao. Tunay na Diyos. Namuhay
siya nang matuwid, perfectly obedient, ipinako siya sa krus at itinuring na parang isang
makasalanan. Siya ang pumalit sa atin. Nagbayad ng utang nating di natin kailanman
mababayaran. Nabuhay siyang muli. Nagtagumpay sa kasalanan at kamatayan. Umakyat siya sa
langit. Siya ang tagapamagitan natin sa Diyos. Pananampalataya sa natapos nang ginawa ni Jesus
para sa atin, hindi sa sarili nating gawa, ang paraan para makalapit tayo sa Diyos. Ang bautismo sa
tubig ay nagpapahayag na tayo’y nakipag-isa na kay Jesus sa kamatayan at sa bagong buhay - na
nagsisisi na tayo, tumatalikod sa kasalanan, nagtitiwala sa kanya at susunod sa kanya bilang
Panginoon ng ating buhay. Pero ang pagsunod na ito ay hindi kanya-kanyang biyahe lang.

Verse 6: “May iisang katawan at iisang Espiritu, tulad ng iisang pag-asa nang kayo’y tawagin ng
Diyos.” Ilang araw ang nakalipas nang umalis ang Panginoon, bumaba naman ang Espiritu ng
Diyos, tulad ng ipinangako niya. Nanahan at nanatili siya sa bawat isang tagasunod ni Jesus.
Nagbigay-kapangyarihan sa kanila para patuloy na makasunod, maging tulad ng Panginoon, at
matupad ang misyong iniwan niya, ang ipangaral ang magandang balita sa lahat ng lahi at
maipakita sa buhay kung ano ang klase ng buhay ng nasa kaharian ng Diyos. Nangako si Jesus na
babalik siya, ito ang ating pag-asang pinanghahawakan. Sa pagbabalik niya, babaguhin niya ang
lahat, bagong langit at bagong mundo. Lahat ng tagasunod niya, kabilang sa pamilya ng Diyos ay
makakasama siya magpakailanman - wala nang kasalanan, sakit at kamatayan.

10
We are formed by God’s Story. We live inside God’s Story. Ibig sabihin, hindi lahat nakapaloob sa
magandang Kuwentong iyan. Ito ang mga taong gusto nila sila ang magsusulat ng kuwento ng
buhay nila. Wala ang Diyos sa sentro. Sa pagbabalik ni Jesus, nasa labas din sila ng kaharian ng
Diyos, itatapon sa lawa ng apoy kasama ang diyablo at mga demonyo. Kaya inaanyayahan natin
ang lahat ng tao, sino man sila, ano man ang background nila, gaano man kalala ang buhay nila, na
pumasok sa Kuwentong ito. Napakaraming broken families ngayon. Mga sirang relasyon ng mag-
asawa, ng magulang sa anak, ng magkakapatid. Nandoon ang longing sa mga tao na maranasan ang
isang totoong relasyon - merong love, grace, acceptance. At tayo na mga binabago ni Jesus, because
of his grace, nag-ooverflow ngayon ito sa relasyon natin sa bawat isa.

LIVING AS GOD’S FAMILY (COMMUNITY) GraceComm = God’s family


being formed by God’s Story,
We are God’s family formed by God’s Story. Hindi
ibig sabihing perpekto ang Pamilyang ito o participating in God’s mission.
GraceComm. This is not about us but about the
grace of God in us. Walang perfect church family.
Kung makikibahagi ka talaga, makikita mo ang maraming brokenness, hindi lang sa iba, kundi sa
iyo rin. But in our brokenness, the grace of God is made more manifest.

Hindi solusyon ang pag-iwas sa problema o conflict. Paano ka nga naman makakasunod sa
Panginoon kung iiwas ka sa church? Paano mo magagawa ang mga utos tungkol sa relasyon natin
sa “isa’t isa” (love one another, encourage one another...), kung mag-isa ka? Hindi naman tayo
nakabilanggo. Pero si Pablo nga, kahit nasa kulungan, sumulat sa kanyang mga kapatid sa Efeso
para iencourage sila, paalalahanan sila. Kasi ito ang meaning ng baptism. “...tayong lahat ay
binautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan” (1 Cor. 12:13). Sa GraceComm, we
reflect the community in the Trinity (One God, Three Persons). Ang bautismo natin ay sa pangalan
ng Ama, ng Anak at ng Espiritu (Mat. 28:19).

Kung meron tayong iisang Kuwento - God’s Story - at tayo ngayon ay God’s Family, paano ngayon
tayo makikitungo sa isa’t isa? “Kayo’y maging mapagpakumbabá, mahinahon at matiyaga.
Magmahalan kayo at magpasensiya sa isa’t isa. Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisa na
kaloob ng Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo” (Ef. 4:2-3).

As servants of Jesus. Dahil tayo’y mga tagasunod, lingkod o alipin ng Panginoong Jesus, tulad
niya, dapat rin tayong maging “mapagpakumbaba at mahinahon” (“with all humility and
gentleness”) sa isa’t isa. Tularan natin siya na nagsabing “ako’y maamo at mapagkumbabang loob”
(Mat. 11:29). Hindi niya itinuring ang sarili na mataas kesa sa iba. “Huwag kayong gumawa ng
anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba,
ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili...Nawa’y magkaroon kayo ng kaisipan na
tulad ng kay Cristo Jesus” (Fil. 2:3, 5). Bagamat Diyos siya, hindi niya itinuring ang sarili niyang
kapantay ng Diyos, namuhay siya bilang isang alipin, at namatay para sa atin na mga di naman
karapat-dapat. Kung ganoong pagpapapakababa ang ginawa ng Panginoon natin, anong karapatan
nating itaas ang sarili natin? Kung sa tingin man nating tayo ang tama, hindi natin kailangang
ipagpilitan ang sarili natin, hindi natin kailangang makipagtalo, kundi maging mahinahon,
11
mapagparaya. Kung meron man tayong di makasundo, hindi na mahalaga sa atin na tayo ang
manalo sa argumento.

As children of God. Tulad ng Diyos nating Ama, tayo na mga anak niya ay dapat maging
“matiyaga. Magmahalan kayo at magpasensiya sa isa’t isa” (“with patience, bearing with one
another in love”). Tulad ng Diyos Ama, minahal niya tayo hindi noong tayo’y nagpakatino na, kundi
habang tayo’y makasalanan pa at mga kaaway niya (Rom. 5:8, 10). Nagtiis siya at nagtiyaga sa atin.
Sa relasyon natin sa kapatid natin, ganito rin dapat ang ipakita natin. “Dahil kayo’y mga anak na
minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya” (Ef. 5:1). Tayong mga magulang, kapag lumalaki na ang
mga anak natin, magulo, sumusuway sa utos, at makalat. Madalas nasusubok ang pasensya natin.
Kung tayo ay mga anak ng Diyos, isipin mo nga kung gaano kahaba ang pasensya at tiyaga niya sa
atin, at kung gaano kalalim ang pag-ibig niya sa atin. Diyan tayo huhugot ng pag-ibig at pasensya
sa isa’t isa, kung lumalabas ang mga kahinaan ng iba, kung nakikita mo ang magaspang na ugali sa
iba, kung may nangutang sa iyo na ilang taon nang di makabayad, kung may nagtsismis sa iyo sa
iba. “We love each other because he loved us first” (1 John 4:19 NLT).

As sent by the Spirit. “Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisa na kaloob ng Espiritu, sa
pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo” (Ef. 4:3). Isinugo ng Diyos ang kanyang
Espiritu para buuin at hubugin ang iglesia. Tulad niya, tayo rin ay isinugo ng Diyos para gumawa
sa ikapapanatili ng pagkakaisa sa church. “Sikapin,” ibig sabihin, we “make every effort.” Hindi
passive, kundi active. Sasabihin ng iba, “Wala naman akong ginagawa para masira ang pagkakaisa
sa church.” Oo nga, pero may ginagawa ka ba para mapatibay ang pagkakaisa sa church? Nakikiisa
ka ba sa misyong ibinigay ng Diyos sa church? Meron ka bang ginagawa kapag may napansin kang
nawawala na o kung may mabalitaan kang may nagkatampuhan? Ilang taon na ang nakakaraan,
nagkaroon ng matinding away-away, tsismisan, siraan sa church. Muntik nang masira. Merong
mga umalis, ang iba hindi na bumalik. Pero ngayon, marami na ang nakikiisa at tumutulong kasi
para sa kanila, this is their family, this is their home. Kung mahirap man ang pinagdadaanan ng
pamilya, may tampuhan, may gulo na nangyari, hindi lalayas. Hindi maghahanap ng ibang pamilya.
We will stick together, for better or worse.

Maybe you are hurt in relationships. Parang di ka na naniniwala na posibleng magkaroon ng


meaningful at totoong relationships. Para sa iyo, mas mainam pa sigurong magsettle ka na lang sa
mga mapagkunwari o superficial relationships tulad ng “friends” sa Facebook. Meron akong
magandang balita sa iyo. Merong isang pamilya, na merong perfect Father, perfect Savior, at Holy
Spirit na nag-aanyaya sa iyo at tatanggap sa iyo at sasabihing, “Welcome back home.” A church is a
grace community. Hindi perfect. Pero merong iisang pag-asa na darating ang araw, sa pagbabalik
ng Panginoon, it will be perfectly beautiful. Habang hinihintay natin iyon, meron tayong misyong
dapat tapusin.

12
PARTICIPATING IN GOD’S MISSION

We are God’s family formed by God’s Story GraceComm = God’s family


participating in God’s mission. May misyon ang Diyos. being formed by God’s Story,
May plano siyang gusto niyang matupad. At tiyak na participating in God’s mission.
matutupad dahil nasa makapangyarihang kamay ito
ng Diyos. Ito ang sinabi ni Pablo sa kanila sa Efeso
1:9-10, “...ipinaunawa sa atin ng Diyos ang hiwaga ng kanyang kalooban na isasakatuparan sa
pamamagitan ni Cristo pagdating ng takdang panahon. (Anong plano niya?) Layunin niyang
tipunin ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa, at ipasailalim ang mga ito kay Cristo.” Iisa lang ang
Diyos, hindi tulad ng sinasabi ng iba. Iisa lang ang Panginoon at daan tungo sa iisang Diyos na iyon.

Habang hinihintay ko ang anak ko sa school niya, narinig kong nag-uusap ang ibang mga
guardians. “Bakit kaya ang dami-daming relihiyon, hindi ba pwedeng isa na lang?” tanong ng isa.
Sagot naman ng isa, “Madami nga, pero pare-pareho lang naman iyan. Pare-parehong Diyos din
iyon. Magkakaiba lang ang paniniwala.” Sa isip-isip ko lang, “E di hindi pare-pareho. Magkakaiba
pala.” Pansinin n’yo ang diin ni Pablo sa “iisa” sa teksto natin, “iisang katawan (one church) at
iisang Espiritu...iisang pag-asa...iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo,
iisang Diyos at Ama nating lahat...” (4:4-6).

Ibig sabihin, kung meron mang mga tao na merong ibang diyos maliban sa Diyos na nasa Bibliya, o
merong ibang pinaniniwalaang Jesus na iba sa Jesus na nasa Bibliya (Diyos at Tao), o merong
ibang itinuturong daan ng kaligtasan (tulad ng pag-anib sa samahan nila o paggawa ng mabuti o
pagsunod sa tradisyon) na taliwas sa “one way” o “gospel of the grace of God” na itinuturo ng
Bibliya, meron tayong misyong sabihin sa kanila nang may kahinahunan at pag-ibig na mali sila at
gusto nating ipakilala sa kanila ang nag-iisang tunay na Tagapagligtas. We will tell them The Story
of God. One Story. One God.

Lahat tayo may pakikibahagi o participation dito. Ito ang sinasabi ni Pablong dapat nating
pagsikapan, ang magkaisa sa isang layunin o misyon. We are all participants in God’s mission.
Walang spectators. Iniligtas ka upang maglingkod. Pinagpala ka upang maging pagpapala sa iba.
Inialay ni Jesus ang buhay niya para sa iyo para ialay mo rin ang buhay mo para sa iba. Bawat
GraceComm, ang pangarap natin maikalat ang grace ng Panginoon sa bawat bahay, bawat
barangay, bawat bayan, bawat lahi, bawat bansa, hanggang bumalik na ang Panginoon Jesus.

Siyempre hindi madali iyan. Wala naman ako sinasabing ang panawagan ng Diyos ay buhay na pa-
easy-easy lang. Nasanay kasi tayo sa ganyang mindset patungkol sa church. Kung anong church
ang gusto mo, kung anong preferences mo, kung saan at kailan ka maluwag at kumportable. To be
a Christian is to belong to a church on mission with God. Kailangan ng commitment. Kaya nga sa
simula pa lang sabi ni Pablo, na siya’y “isang bilanggo dahil sa Panginoon” (4:1; sa 3:1 din). Dahil
sa misyong ito, dahil sa commitment niya dito, nakulong siya, at ito ang ikinamatay niya nang
siya’y pugutan ng ulo. Pati rin ang ibang kapartner niya sa misyong ito ay nagdusa ng hirap alang-
alang sa misyong ibinigay ng Panginoon sa kanila.

13
Walang magkukulong sa atin dito, maliban na lang kung ikukulong natin ang sarili natin sa bahay o
sa comfort ng ating kalagayan ngayon sa buhay. Ibibigay natin ang buhay natin para sa misyong ito
- buong lakas, lahat ng oras, lahat ng meron tayo - alang-alang sa Panginoon at sa biyayang
tinanggap natin, para sa karangalan ng Diyos Amang nagmahal sa atin, sa tulong ng Espiritung
nasa atin at sa pakikipag-isa ng lahat ng tagasunod ng Panginoong Jesus.

14
WEEK 1: Jesus and His Church

TANDAAN NG TRAINER

Ito ang mga pangunahing ideya o mga katotohanang gusto nating lumabas sa pagkukuwentuhan:

1. Si Jesus (at wala nang iba!) ang dapat na nasa sentro ng iglesia. Siya at ang kanyang ginawa
at ginagawa at gagawin ang pundasyon at basehan ng lahat ng dapat nating ginagawa sa
iglesia.
2. Si Jesus ay namatay, inilibing, nabuhay na muli, umakyat sa langit, ngayo’y naghahari at
muling babalik.
3. Ang bawat isang tagasunod niya ay nananampalataya sa kanyang natapos nang ginawa
para sa atin, ikinukuwento ang kanyang muling pagkabuhay, sumasamba sa kanya, at sabik
na naghihintay sa kanyang pagbabalik.
4. Mahalaga ang regular na pagdiriwang ng Banal na Hapunan para maalala ang ginawa ni
Jesus at masabik sa kanyang muling pagbabalik.
5. Mahalaga sa iglesia ang regular at sama-samang pananalangin.

PANIMULA (10 MIN)

1. Batay sa naobserbahan mo sa maraming mga churches ngayon, ano sa tingin mo ang


nagiging mahalaga sa kanila o ano ang nagiging sentro ng kanilang church? Ano ang
ibig sabihin ng salitang “church” para sa marami ngayon?
2. Kung ganito, anu-ano ang nakikita n’yong problema ng mga churches ngayon na
dapat baguhin?
Sa patuloy nating pagkukuwentuhan (The Story of God’s Church), pag-uusapan natin kung
anu-ano ang mahalagang dapat paniwalaan at gawin para mamuhay tayo bilang isang iglesia
na naaayon sa plano ng Dios. Titingnan natin kung paano nagsimula ang iglesia sa aklat ng
Mga Gawa at kung ano ang nais ituro sa atin ng Dios tungkol sa kanya, tungkol sa pagbubuo
ng ating iglesia at ng iba pang mga iglesiang itatayo natin, tungkol sa mga pagbabagong
dapat nating gawin, tungkol sa kung paano tayo makakasunod sa kanyang kalooban.
Magkakasama natin itong gagawin at pagtutulungan.

15
PAGKUKUWENTUHAN (45 MIN)

Ikuwento… (Galing sa Lucas 22:14-20; 24:46-53; Gawa 1:1-14)


Scene 1 ~ Ang Pag-akyat ni Jesus sa Langit. Sa huling gabi ni Jesus bago
siya patayin, nakasama niya ang labindalawang tagasunod niya sa hapunan.
Dumampot siya ng tinapay, nagpasalamat sa Dios, pinagpira-pisaso iyon at
sinabi, ”Ito ay simbolo ng aking katawan na ibinibigay ko para sa inyo.
Gawin ninyo ito para maalala ninyo ang ginawa ko para sa
inyo.” Pagkatapos kumain, kinuha niya ang inumin at sinabi, ”Ang inuming
ito ay simbolo ng bagong kasunduang pinagtibay sa pamamagitan ng aking
dugong ibinubuhos para sa inyo. Gawin ninyo ito para alalahanin ang
ginawa ko para sa inyo.”

Kinabukasan, ipinako si Jesus sa krus, namatay, inilibing.

Sa ikatlong araw, muli siyang nabuhay. Lahat ng ito ay nangyari bilang


katuparan ng mga ipinangako ng Dios.

Ilang beses din siyang nagpakita sa mga tagasunod niya sa loob ng 40 araw
para patunayan sa kanila na muli siyang nabuhay at turuan sila tungkol sa
kaharian ng Dios. Sa panahong ito, nag-iwan siya ng mga utos sa kanila.
Isang araw, nakasamang kumain ni Jesus ang kanyang mga tagasunod.
Sinabi niya, “Huwag muna kayong umalis sa Jerusalem. Hintayin n’yo ang
pagdating ng Espiritu na ipinangako ng Dios Ama. Ito ang sinabi ko na sa
inyo noon na kung paanong nagbautismo si Juan sa tubig, ako naman ang
magbabautismo sa inyo sa Espiritu.”

Nang magkatipon sila ulit sa may Bundok ng Olibo, tinanong si Jesus ng


kanyang mga tagasunod, “Panginoon, ito na po ba ang panahon na ibabalik
n’yo ang kaharian ng Israel?” Sumagot si Jesus, “Hindi pinahihintulutan ng
Ama na malaman ninyo kung kailan mangyayari ang mga bagay na itinakda
niya. Ngunit pagdating ng Banal na Espiritu sa inyo, bibigyan kayo ng
kapangyarihan. At ikukuwento ninyo sa iba ang mga bagay tungkol sa akin,
mula sa Jerusalem hanggang sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa
buong mundo.”

16
Pagkasabi nito, umakyat na si Jesus pabalik sa langit, natabingan ng mga
ulap, at di na nila nakita.

Habang nakatingala pa sila, may lumitaw na dalawang anghel at sinabi sa


kanila, “Si Jesus ay muling babalik sa mundo kung paano n’yo rin siya
nakitang umakyat sa langit.”

Pagkatapos noon, masayang-masayang bumalik ang mga tagasunod ni


Jesus sa Jerusalem – gaya ng ibinilin niya sa kanila. Sa loob ng halos isang
linggo, palaging nagtitipon sa isang kuwarto ang 120 sa kanila para
sumamba at manalangin kay Jesus. Kasama dito ang labing-isang apostol, si
Mariang ina ni Jesus pati ang iba pang babaeng tagasunod niya, at ang mga
lalaking kapatid niya.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag-usapan…
1. Ano o sino ang nasa sentro ng kuwentong ito? Ano ang nakita mong kaibahan nito sa
mga nangyayari sa maraming iglesia ngayon?
2. Anu-ano ang natutunan mo sa kuwentong ito tungkol sa Dios Ama? Dios Anak
(Jesus)? Dios Espiritu Santo?
3. Ano ang misyong ibinigay ng Dios sa iglesia? Sinu-sino ang dapat gumawa nito?
4. Ano ang kahalagahan ng Banal na Hapunan sa buhay ng iglesia? Paano natin ito
dapat isagawa?
5. Paano naghihintay ang mga tagasunod ni Jesus sa pagdating ng Espiritu? Anu-ano sa
tingin n’yo ang mga hinihiling nila sa panalangin?
6. Sino si Maria sa kuwentong ito? Ano ang kaibahan nito sa debosyon ng maraming
mga Pilipino sa kanya? Paano natin sila kakausapin tungkol dito?
7. Anu-ano ang matututunan natin sa kuwentong ito tungkol sa iglesia at sa mga unang
tagasunod ni Jesus? Saan natin makikita ang identity ng church bilang:
a. Learners?
b. Family?
c. Worshippers?
d. Servants?
e. Missionaries?
8. Ano ngayon ang sinasabi sa iyo ng Dios na gawin mong pagbabago sa buhay mo? Sa
pagsunod mo kay Jesus?

17
PAGPAPLANO (20 MIN)

Kailangang ang mga plano ay S-M-A-R-T (specific-measurable-attainable-relevant-timebound).


Isulat din ang mga napag-usapan.
Anu-ano ang dapat nating baguhin o simulang gawin tungkol sa…
1. Regular na pagtitipon bilang isang pamilya?

2. Sama-samang panalangin?

3. Pagsamba kay Jesus?

4. Banal na Hapunan?

5. Pagtupad ng misyon natin?

PANANALANGIN (15 MIN)

Ayon sa kuwento ngayon, anu-ano ang dapat nating ipanalanging gawin ng Dios para sa
ating iglesia at sa iba pang iglesiang sisimulan natin? [Isulat ang mga hiniling sa panalangin at
tingnan sa mga susunod na araw kung paano sumasagot ang Dios sa panalangin.]

18
WEEK 2: The Spirit and the Church

TANDAAN NG TRAINER

Ito ang mga pangunahing ideya o mga katotohanang gusto nating lumabas sa pagkukuwentuhan:

1. Ang Banal na Espiritu ang nagbibigay kapangyarihan sa mga tagasunod ni Jesus para
matupad ang ibinigay na misyon. Siya rin ang bumabago sa puso ng mga tao para makinig
at maniwala sa mensahe ng Dios.
2. Ang iglesiya ay binubuo ng mga tagasunod ni Jesus na nagsasama-sama na parang isang
pamilya – nagmamahalan sa isa’t isa, sama-samang nag-aaral ng salita ng Dios, sama-
samang sumasamba, sama-samang nagtutulungan sa pagtupad ng misyong bigay ng Dios,
sama-samang ikinukuwento din sa iba ang tungkol kay Jesus.
3. Ang bautismo sa tubig ay tanda ng pananampalataya at pagsunod kay Jesus at pagiging
kabilang sa kanyang iglesia.
4. Ang Kuwento ng ginawa ng Diyos sa kasaysayan – lalo na sa pagkamatay at pagkabuhay na
muli ni Jesus – ang nagbubuklod sa iglesia.

PAGKUKUMUSTAHAN (10 MIN)

1. Paano mo nakitang sumagot ang Dios sa mga hiniling natin sa kanya sa panalangin?
2. Paano mo nasunod ang napag-usapan natin noong nakaraang linggo?

PAGKUKUWENTUHAN (45 MIN)

Ikuwento…(Galing sa Gawa 2)
Scene 2 ~ Ang Pagbaba ng Espiritu. Tulad ng ibinilin ni Jesus, nanatili sa
Jerusalem ang mga tagasunod ni Jesus para hintayin ang ipinangakong
Espiritu. Habang naghihintay sila, may 120 tagasunod ni Jesus ang nagtipon
sa isang kuwarto para manalangin isang araw makaraan ang pitong linggo
nang muling mabuhay si Jesus.

Habang nananalangin sila, bigla na lang may dumagundong, parang isang


malakas na hangin at kulog, sa bahay na pinagtitipunan nila. Bigla na lang
may parang mga dilang apoy ang dumapo sa bawat isa sa kanila. Bawat isa
sa kanila ay napuno ng Espiritu ng Dios at nagsimulang magsalita sa mga
wikang hindi naman nila nakasanayan!

19
Lumabas sila sa kalye at nagsimulang ibalita ang lahat ng nakita nilang
ginawa ni Jesus. Narinig ang malakas na tunog na ito sa buong siyudad, at
dumagsa ang maraming tao sa labas ng bahay para makita kung ano ang
nangyayari. Sa mga panahong iyon, maraming mga Judio (mga galing sa lahi
ni Abraham) na galing pa sa iba’t ibang bansa ang nasa Jerusalem para sa
isang pista.

Nang marinig ng mga tao na nagsasalita ang mga tagasunod ni Jesus sa iba’t
ibang wika, nagtaka sila, “Paano nangyari ‘to? Hindi ba’t mga taga-rito sila,
pero paanong nakapagsalita sila sa wika ng mga bansang pinanggalingan
natin tungkol sa mga kamangha-manghang bagay na ginawa ng Dios?”
Namangha sila at nagtanungan sa isa’t isa, “Anong ibig sabihin nito?”

Pero ang ilan ay kinutya ang mga tagasunod ni Jesus at sinabi, “Mga lasing
lang iyan!” Nagsalita si Pedro, isa sa mga pinakamalapit na tagasunod ni
Jesus, at ipinaliwanag sa mga tao kung ano ang nangyayari, “Akala n’yo ba’y
lasing ang mga ito? Nagkakamali kayo. Maaga pa masyado, alas-nuwebe pa
lang.

”Ang nakikita n’yo ngayon ay katuparan ng mga sinabi ng Dios sa mga


mensahero niya daan-daang taon na ang nakakaraan. Sinabi nilang darating
ang araw na ibubuhos ng Dios ang kanyang Espiritu sa lahat ng uri ng tao -
lalaki man o babae, bata man o matanda - para ipahayag nila ang kanyang
mga salita.”

”Makinig kayong mabuti,” tuloy ni Pedro. “Pinatunayan ng Dios na siya ang


nagpadala kay Jesus sa pamamagitan ng mga himalang ginawa niya. Pero
anong ginawa ninyo? Pinatay n’yo siya! Pero, muling siyang binuhay ng Dios.
Kami’y mga saksi sa lahat ng ito.

”Ngayon, nakaupo siya sa pinakamataas na posisyon sa langit, sa kanang


kamay ng Dios. At dahil sa ginawa niya, ipinadala ng Dios ang Espiritung
ipinangako niya, gaya ng nakikita at naririnig n’yo ngayon. Malinaw na ang
Dios ang nagpasyang si Jesus - na inyong pinatay - ang siyang Panginoong at
Tagapagligtas.”

Nabagabag ang mga tao sa narinig nila, kaya tinanong nila, “Ano na ngayon
ang dapat naming gawin?”

20
Sumagot si Pedro, “Bawat isa sa inyo ay dapat tumalikod na sa inyong mga
kasalanan, magsimulang lumapit sa Dios, at magpabautismo sa pangalan ni
Jesus para sa kapatawaran ng inyong mga kasalanan. Pagkatapos,
matatanggap n’yo ang regalo ng Dios - ang kanyang Espiritu. Ang
pangakong ito ay para sa inyo at sa inyong mga anak at maging sa mga hindi
lahi ni Abraham.”

Nang araw ding iyon, tatlong libo ang naniwala sa sinabi ni Pedro, nagsisi
sila at nagtiwala kay Jesus. Tumalikod sila sa mga kasalanan nila para
sumunod kay Jesus at mamuhay sa paraang gusto ng Dios. Binautismuhan
sila at naging kabilang sa iglesia - ang pamilya ng Dios. Binigyan din sila ng
kapangyarihang maipamuhay ang pangako ng Dios na maging pagpapala
sila sa lahat ng mga tao.

Inilaan ng mga tagasunod ni Jesus ang kanilang buhay para sa Dios at sa


isa’t isa…kung may nangangailangan, tinutulungan...nagtitipon sa mga
bahay-bahay para magkakasamang nakikipag-usap sa Dios, sama-samang
nag-aaral kung paano mamuhay sa paraang gusto ng Dios. Masayang-
masaya nilang ginagawa ang mga ito, at hindi sila maramot sa isa’t isa.
Araw-araw magkakasama silang kumakain para bigyang karangalan at
alalahanin ang buhay ni Jesus na ibinigay para sa kanila.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag-usapan…
1. Ano ang ginagawa ng mga tagasunod ni Jesus bago dumating ang Espiritu? Ano sa
tingin mo ang ipinapanalangin nila? Ano ang kaugnayan nito sa nangyari pagkatapos
noon?
2. Ano ang nangyaring kamangha-mangha sa kuwento? Paano nangyari ito?
3. Ano ang mensaheng sinabi ni Pedro? Bakit mahalaga itong malaman ng mga tao?
4. Ano ang kamangha-manghang nangyari pagkatapos ng mensahe ni Pedro? Paano ‘to
nangyari?
5. Ano ang itinuturo ng kuwentong ito tungkol sa Dios? Tungkol kay Jesus? Tungkol sa
Banal na Espiritu?
6. Anu-ano ang matututunan natin sa kuwentong ito tungkol sa iglesia at sa mga unang
tagasunod ni Jesus? Saan natin makikita ang identity ng church bilang:
a. Learners?
b. Family?
c. Worshippers?
d. Servants?
e. Missionaries?

21
7. Bilang mga tagasunod ni Jesus, anu-ano ang dapat nating sundin sa kuwentong ito?
Anu-anong hakbang ang gagawin mo para makasunod dito?

PAGPAPLANO (20 MIN)

Kailangang ang mga plano ay S-M-A-R-T (specific-measurable-attainable-relevant-timebound).


Isulat din ang mga napag-usapan.
Anu-ano ang dapat nating baguhin o simulang gawin tungkol sa…
1. Regular na pagtitipon bilang isang pamilya?

2. Pansarili at sama-samang panalangin?

3. Pansarili at sama-samang pag-aaral ng Salita ng Dios?

4. Sama-samang kainan at kuwentuhan?

5. Pagbabautismo?

6. Pagtupad ng misyon?

PANANALANGIN (15 MIN)

Ayon sa kuwento ngayon, anu-ano ang dapat nating ipanalanging gawin ng Dios para sa
ating iglesia at sa iba pang iglesiang sisimulan natin? [Isulat ang mga hiniling sa panalangin at
tingnan sa mga susunod na araw kung paano sumasagot ang Dios sa panalangin.]

22
WEEK 3: Witnessing and Wonders

TANDAAN NG TRAINER

Ito ang mga pangunahing ideya o mga katotohanang gusto nating lumabas sa pagkukuwentuhan:

1. Lumalago ang iglesia dahil sa makapangyarihang gawa ng Diyos sa pamamagitan ng mga


anak niyang nagtitiwala at sumusunod sa nais niya.
2. Sa pagkilos ng Diyos, hindi lang addition ang mangyayari sa paglago ng iglesia kundi
multiplication.
3. Ipinapakita ng iglesia ang awa ng Diyos sa mga taong nangangailangan sa pamamagitan ng
pagtulong sa kanila ayon sa kakayahang bigay ng Diyos.
4. Gumagawa ang Diyos ng himala sa pamamagitan ng mga panalangin natin para maipakilala
kung sino si Jesus at matanyag ang kanyang pangalan.
5. Hindi nananahimik ang iglesia kundi matapang na ipinapangaral ang mensahe ni Jesus.
6. Ginagawa ng iglesia ang lahat – pananalangin, pangangaral, paggawa ng mabuti – “sa
pangalan ni Jesus” – dahil sa kanya, sa pamamagitan niya, at para sa kanya.

PAGKUKUMUSTAHAN (10 MIN)

1. Paano mo nakitang sumagot ang Dios sa mga hiniling natin sa kanya sa panalangin?
2. Paano mo nasunod ang napag-usapan natin noong nakaraang linggo?

PAGKUKUWENTUHAN (45 MIN)

Ikuwento…(Galing sa Gawa 2:43-47; 3:1-26; 4:1-4)


Scene 3 ~ Ang Pagpapagaling sa Pulubing Lumpo. Araw-araw, parami
nang parami ang mga idinaragdag ng Dios sa bilang ng mga tagasunod ni
Jesus. At patuloy na gumagawa ang Dios ng maraming mga himala at mga
kamangha-manghang bagay sa pamamagitan nila para ipakilala kung sino
talaga si Jesus.

Isang hapon, kasama ni Pedro si Juan na pumunta sa bahay-sambahan


(templo) para manalangin. Nang malapit na sila, may isang pulubi - lumpo
mula pa pagkabata - na buhat-buhat ng ilang lalaki. Araw-araw kasi,
dinadala siya rito para humingi ng limos sa mga taong papasok dito.

23
Nang makita niya sina Pedro at Juan, humingi siya ng limos. Tinitigan silang
dalawa ng lalaking lumpo, at naghihintay na malimusan.

Pero sinabi ni Pedro sa kanya, “Wala akong perang maibibigay sa iyo. Pero
ibibigay ko sa iyo kung anong meron ako. Sa pangalan ni Jesus, tumayo ka at
maglakad!”

Pagkatapos, hinawakan ni Pedro ang kamay niya at tinulungang tumayo.


Ang dating lumpo ay magaling na ngayon!

Tumayo siya agad, nagpalakad-lakad, tumalun-talon, at nagpupuri sa Dios.


Nang mapansin ng mga tao na ang lalaking ito ang lumpong namamalimos,
lubos silang namangha dahil magaling na siya.

Ito namang lalaking ito, parang ayaw nang humiwalay kina Pedro. Lagi
siyang kasama kung saan sila magpunta. Kaya lahat ng mga namangha sa
nangyari ay nagtakbuhan palapit sa kanila. Sinamantala ni Pedro ang
pagkakataon, at sinabi niya sa mga tao, “Mga kababayan ko, bakit kayo
nagtataka sa nangyari? Bakit kayo ganyang makatitig sa amin na para bang
napalakad namin siya dahil meron kaming espesyal na kapangyarihan o
dahil mabuti kami sa harapan ng Dios. Hindi!”

”Ang Dios ang gumawa nito para parangalan si Jesus. Oo, si Jesus na itinakwil
n’yo at pinatay - siya na nagbigay ng buhay sa inyo ang pinatay n’yo - ngunit
muli siyang binuhay ng Dios!”

”Kami mismo ang makapagpapatunay na nangyari nga ito. At kayo rin ang
mga saksi na dahil sa pangalan ni Jesus - sa pamamagitan ng
pananampalataya sa kanya - kaya lubos na gumaling ang taong ito.”

24
”Kaya ngayon,” tuloy ni Pedro, “Magsisi na kayo at lumapit sa Dios, para
patawarin niya ang inyong mga kasalanan, at matanggap n’yo ang bagong
buhay mula sa Panginoong Jesus.”

Habang nagsasalita pa sina Pedro at Juan, nilapitan sila ng ilang mga pinuno
ng kanilang relihiyon. Nabahala kasi sila dahil nagtuturo sila tungkol kay
Jesus. Ipinaaresto sila at ipinakulong. Pero kahit ganito ang nangyari sa
kanila, marami sa mga nakarinig sa kanilang mensahe ang sumampalataya.
Umabot ng 5,000 lalaki ang nadagdag sa lumalaking pamilya ng Dios.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag-usapan…
1. Anu-anong mga kamangha-manghang bagay ang nangyari sa kuwentong ito? Paano
ito nangyari?
2. Anong klaseng paglago ng iglesia ang nakita natin sa kuwentong ito? Posible pa bang
mangyari iyan ngayon?
3. Paano natin nakita ang pakikibahagi ng mga tagasunod ni Jesus sa pagkilos ng Diyos?
4. Posible pa bang mangyari ang mga himala ngayon? Bakit o bakit hindi?
5. Ano ba ang layunin ng Diyos sa mga himalang ginagawa niya? Ano ang ipipakita nito
sa dapat maging focus natin?
6. Ano ang nakita nating kahalagahan at kahulugan ng paggamit ng “pangalan ni Jesus”?
7. Sa kuwentong ito, paano natin mas nakilala ang Diyos Ama? Si Jesus? Ang Espiritu?
8. Anu-ano ang matututunan natin sa kuwentong ito tungkol sa iglesia at sa mga unang
tagasunod ni Jesus? Saan natin makikita ang identity ng church bilang:
a. Learners?
b. Family?
c. Worshippers?
d. Servants?
e. Missionaries?
9. Bilang mga tagasunod ni Jesus, anu-ano ang dapat nating sundin sa kuwentong ito?
Anu-anong hakbang ang gagawin mo para makasunod dito?

25
PAGPAPLANO (20 MIN)

Kailangang ang mga plano ay S-M-A-R-T (specific-measurable-attainable-relevant-timebound).


Isulat din ang mga napag-usapan.
Anu-ano ang dapat nating baguhin o simulang gawin tungkol sa…
1. Pansarili at sama-samang panalangin?

2. Pagkukuwento ng “Story of God” sa iba?

3. Pagpapakita ng awa ng Dios sa mga taong nangangailangan – sa pagtulong at


panalangin para sa kanila?

4. Pagpaplano para sa multiplication?

PANANALANGIN (15 MIN)

Ayon sa kuwento ngayon, anu-ano ang dapat nating ipanalanging gawin ng Dios para sa
ating iglesia at sa iba pang iglesiang sisimulan natin? [Isulat ang mga hiniling sa panalangin at
tingnan sa mga susunod na araw kung paano sumasagot ang Dios sa panalangin.]

26
WEEK 4: Persecution and Boldness

TANDAAN NG TRAINER

Ito ang mga pangunahing ideya o mga katotohanang gusto nating lumabas sa pagkukuwentuhan:

1. Ang pagkatawag sa atin ng Diyos bilang mga tagasunod ni Jesus at bahagi ng kanyang iglesia
ay hindi para sa isang kumportableng pamumuhay – kundi para magtiis ng hirap alang-
alang kay Jesus.
2. May mga taong kakalaban at uusig sa atin kung tapat tayo sa pangangaral ng magandang
balita ni Jesus – na si Jesus lamang ang daan ng kaligtasan.
3. Normal ang pag-uusig sa mga tapat sa pagsunod kay Jesus.
4. Sa kabila ng mga pag-uusig, nananawagan ang Diyos na magpatuloy tayo at huwag hihinto
sa pagsunod, na maging matapang at hindi duwag, na patuloy na manalangin at huwag
magsawa.
5. Itinakda ng Diyos na ang kanyang iglesia ay usigin at dumanas ng iba’t ibang klaseng
paghihirap para sa ikaliligtas ng maraming tao, para sa paghubog sa kanyang mga anak na
maging katulad ni Jesus, at para sa ikararangal ng kanyang pangalan.

PAGKUKUMUSTAHAN (10 MIN)

1. Paano mo nakitang sumagot ang Dios sa mga hiniling natin sa kanya sa panalangin?
2. Paano mo nasunod ang napag-usapan natin noong nakaraang linggo?

PAGKUKUWENTUHAN (45 MIN)

Ikuwento…(Galing sa Gawa 4:5-31)


Scene 4 ~ Ang Pag-uusig kina Pedro at Juan. Kinabukasan, matapos na
ipakulong sina Pedro at Juan ng mga pinuno ng kanilang relihiyon,
inembistigahan sila at tinanong,

”Sa anong kapangyarihan o sa kaninong pangalan ninyo pinagaling ang


lalaking ito?”

27
Sumagot si Pedro, na puspos ng Espiritu, “Ang lalaking ito ay gumaling sa
pangalan at sa kapangyarihan ni Jesus. Wala nang ibang ibinigay ang Dios
na paraan sa buong mundo para maligtas tayo malibang sa pamamagitan ni
Jesus.”

Namangha sila sa lakas ng loob nina Pedro at Juan, lalo na nang malaman
nilang mga ordinaryong tao lang ang mga ito at walang mataas na pinag-
aralan. Napansin din nilang sila’y kasa-kasama ni Jesus noon. Magsasalita
pa sana sila pero dahil nakatayong katabi nila ang lalaking pinagaling, wala
na silang masabi.

Pagkatapos nilang mag-uusap-usap kung anong gagawin kina Pedro at


Juan, pinatawag ulit sila at sinabihang…

…huwag na ulit magsalita o magturo tungkol kay Jesus.

Pero sumagot sila, “Isipin nga ninyong mabuti kung alin ang tama sa
paningin ng Dios: ang sumunod sa inyo o ang sumunod sa Dios? Hindi
puwedeng hindi namin ipagsabi ang mga kamangha-manghang bagay na
nakita namin at narinig.”

Pagkatapos silang pagbawalan ulit, pinaalis na sila baka kasi magkagulo


ang mga tao dahil nagpupuri ang mga ito sa Dios dahil sa pagpapagaling sa
lumpong 40 taong gulang na.

Pagkatapos, dali-daling pumunta sina Pedro at Juan sa iba pang mga


tagasunod ni Jesus at ikinuwento sa kanila kung anong nangyari.
Pagkatapos, sama-sama silang nanalangin, “Panginoong makapangyarihan
sa lahat, kung paanong natupad ang noon pang binalak ninyo tungkol sa
pagsasabwatan ng mga pinuno laban kay Jesus, ganoon din ang ginagawa
nilang pagbabanta sa amin ngayon. Pero alam din naming ito ay ayon sa
inyong kalooban. Kaya dalangin namin na bigyan mo pa kami ng dagdag na
lakas ng loob para magpatuloy sa pangangaral. Gumawa ka pa ng
maraming mga himala sa pangalan ni Jesus.”

28
Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang bahay na kinaroroonan nila.
Lahat sila’y napuspos ng Espiritu at buong tapang na nangaral ng salita ng
Dios.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…

Ikuwento…(Galing sa Gawa 5:12-42)


Scene 5 ~ Ang Pag-uusig sa Labindalawa. Samantala, ang Labindalawa ay
gumagawa ng maraming mga himalang kinamamangha ng maraming mga
tao. Regular na nagtitipun-tipon ang mga tagasunod ni Jesus. At parami
nang parami ang mga nadadagdag sa kanila.

Dahil doon, inggit na inggit ang mga pinuno ng kanilang relihiyon. Inaresto
nila ang Labindalawa at ikinulong.

Pero, isang gabi, may isang anghel na galing sa Dios ang dumating,
binuksan ang pintuan ng kulungan, at inilabas sila. Sabi ng anghel,
“Pumunta kayo sa templo at ipahayag ang mensahe ng bagong buhay na
galing sa Dios.” Ganoon nga ang ginawa nila, kaya maagang-maaga pa,
pumunta na sila sa templo at nagsimulang magturo.

Nang ipapatawag na ng mga opisyal ang Labindalawa, nagulat ang mga


guwardiya nang makitang wala na sila sa kulungan samantalang
nakakandado naman ito. Hindi maintindihan ng mga opisyal kung paano
nangyari iyon.

Nang makarating sa kanila ang balitang nagtuturo ulit ang Labindalawa,


ipinaaresto ulit sila at tinanong,

”Hindi ba’t pinagbawalan na namin kayong mangaral tungkol kay Jesus?


Tingnan ninyo’t kumalat na ang inyong aral sa buong Jerusalem at
pinagbibintangan mo pang kami ang pumatay sa kanya!”

29
Pero sumagot si Pedro, “Ang Dios ang dapat naming sundin, hindi ang tao.
Oo nga’t pinatay ninyo siya pero muli siyang binuhay ng Dios. Itinaas siya
ngayon ng Dios bilang Panginoon at Tagapagligtas, para tayong mga Judio
ay magsisi at maibalik sa magandang relasyon sa Dios.”

Galit na galit ang mga opisyal at gusto na silang patayin.

Pero isa sa kanila ang nagpayo, “Pabayaan na lang natin sila at huwag
pansinin. Kung galing lang iyan sa tao, mawawala din iyan. pero kung sa
Dios galing iyan, hindi natin sila mapipigilan. At baka lumabas pa na ang
Dios ang kalaban natin.”

Nakinig naman sila sa payong ito. Kaya’t pagkatapos nilang ipabugbog sila,
muli silang pinagbawalang magturo sa pangalan ni Jesus, at pinaalis na.

Umalis ang Labindalawa na masayang-masaya, dahil binigyan sila ng Dios


ng pribilehiyong magtiis ng hirap alang-alang sa pangalan ni Jesus. Araw-
araw pa rin silang pumupunta sa templo at sa mga bahay-bahay, at patuloy
na nagtuturo ng ganito, “Ang ipinangakong Tagapagligtas na hinahanap at
inaabangan ninyo ay walang iba kundi si Jesus.”

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag-usapan…
1. Paano mo isasalarawan ang karanasan ng mga tagasunod ni Jesus sa kuwentong ito?
2. Ang pag-uusig ba ay normal na karanasan ng isang tagasunod ni Jesus? Bakit
pakiramdam natin ay hindi ito normal ngayon?
3. Paano tayo karaniwang tumutugon sa pag-uusig? Ano ang kakaiba at kahanga-hanga
sa naging pagtugon ng mga tagasunod ni Jesus sa kuwentong ito?
4. Bakit sa tingin n’yo hinahayaan o itinakda ng Diyos na makaranas tayo ng iba’t ibang
pag-uusig at kahirapan na dahil sa pagsunod natin kay Jesus?
5. Ano ang itinuturo ng kuwentong ito tungkol sa Dios? Tungkol kay Jesus? Tungkol sa
Banal na Espiritu?
6. Anu-ano ang matututunan natin sa kuwentong ito tungkol sa iglesia at sa mga unang
tagasunod ni Jesus? Saan natin makikita ang identity ng church bilang:
a. Learners?
b. Family?
30
c. Worshippers?
d. Servants?
e. Missionaries?
7. Bilang mga tagasunod ni Jesus, anu-ano ang dapat nating sundin sa kuwentong ito?
Anu-anong hakbang ang gagawin mo para makasunod dito?

PAGPAPLANO (20 MIN)

Kailangang ang mga plano ay S-M-A-R-T (specific-measurable-attainable-relevant-timebound).


Isulat din ang mga napag-usapan.
Anu-ano ang dapat nating baguhin o simulang gawin tungkol sa…
1. Pansarili at sama-samang panalangin?

2. Pagkukuwento ng “Story of God” sa iba?

3. Pagbabalita ng mga pag-uusig at paghihirap na nararanasan?

4. Pagtulong sa mga kapatid nating nanlalamig at nagsasawa?

PANANALANGIN (15 MIN)

Ayon sa kuwento ngayon, anu-ano ang dapat nating ipanalanging gawin ng Dios para sa
ating iglesia at sa iba pang iglesiang sisimulan natin? [Isulat ang mga hiniling sa panalangin at
tingnan sa mga susunod na araw kung paano sumasagot ang Dios sa panalangin.]

31
WEEK 5: Unity and Purity

TANDAAN NG TRAINER

Ito ang mga pangunahing ideya o mga katotohanang gusto nating lumabas sa pagkukuwentuhan:

1. Ang pamumuhay ng bawat isang tagasunod ni Jesus ay dapat na sang-ayon sa kalooban ni


Jesus dahil dala-dala natin ang kanyang pangalan sa klase ng ating pamumuhay.
2. Dapat makita sa isang iglesia ang pagkakaisa sa pagtulong sa mga taong nangangailangan,
lalo pa kung mga kapatid sa pananampalataya.
3. Ang iglesia ay instrumento ng Diyos para disiplinahin ang kanyang mga anak at para
makita kung sino ang namumuhay bilang mga tunay na anak ng Diyos.
4. Ang mga ginagawa natin bilang tagasunod ni Jesus ay hindi dapat bilang pagsunod lang sa
isang tungkuling dapat gampanan (not out of duty) kundi ayon sa kalayaang tinanggap na
natin kay Jesus (but out of the freedom we already have in Christ); hindi ayon sa pag-ibig sa
pera kundi ayon sa pusong mapagbigay; hindi pakunwari lang kundi ayon sa katotohanan o
integridad; at hindi ayon sa udyok ng Kaaway kundi ayon sa paggabay ng Espiritu.
5. Ang matinding parusa ng Diyos sa kasalanan ay dapat magdala ng takot sa mga
namumuhay sa kasalanan; ang dakilang kagandahang-loob ng Diyos ay dapat namang
magbigay ng kapangyarihan sa mga namumuhay sa kanyang kalooban.

PAGKUKUMUSTAHAN (10 MIN)

1. Paano mo nakitang sumagot ang Dios sa mga hiniling natin sa kanya sa panalangin?
2. Paano mo nasunod ang napag-usapan natin noong nakaraang linggo?

PAGKUKUWENTUHAN (45 MIN)

Ikuwento…(Galing sa Gawa 4:32-37; 5:1-16)


Scene 6 ~ Si Bernabe at ang Mag-asawang Ananias at Sapphira. Noong
panahong iyon, nagkakaisa ang damdamin at isipan ng mga tagasunod ni
Jesus. Itinuturing nilang ang mga pag-aari nila ay hindi kanila kundi para sa
lahat.

Walang kinakapos sa kanila dahil ibinubuhos ng Dios ang kanyang


pagpapala sa kanilang lahat at bawat isa ay ibinabahagi ang kanilang
pagpapala sa mga kapatid na nangangailangan.

32
Ganyan din ang ginawa ng isang lalaki na ang pangalan ay Barnabas.
Ipinagbili niya ang kanyang bukid at ibinigay sa mga apostol ang
pinagbilhan para ibigay sa kung sinuman ang nangangailangan.

Mayroon pang isang lalaki na ang pangalan ay Ananias. Ibinenta nila ng


kanyang asawang si Safira ang ilan sa kanilang pag-aari. Ibinigay niya ang
ilan sa mga napagbilhan sa mga apostol, pero ang sabi niya ay iyon na ang
buong halaga ng napagbilhan. Kasabwat niya ang kanyang asawa dito.

Kaya’t sinabi ni Pedro, “Ananias, bakit ka nagpadala kay Satanas at


nagsinungaling ka sa Espiritu Santo? Bakit mo binawasan ang pinagbilhan
mo ng lupa?

”Bago mo ipinagbili ang lupa, hindi ba iyo iyon? At nang maipagbili na, hindi
ba iyo rin ang pinagbilhan? Bakit mo naisipang gawin iyon? Hindi ka sa amin
nagsinungaling kundi sa Diyos.”

Nang marinig ito ni Ananias, siya’y patay na bumagsak, at lahat ng


nakabalita sa pangyayaring iyon ay pinagharian ng matinding takot.
Lumapit ang ilang binata, binalot ang bangkay, at siya’y inilibing.

Pagkaraan ng may tatlong oras, dumating naman ang kanyang asawa na


walang kamalay-malay sa nangyari.

Kinausap siya ni Pedro, “Sabihin mo sa akin, ito nga ba lamang ang


kabuuang halagang pinagbilhan ninyo ng inyong lupa?” “Oo, iyan lamang,”
sagot ng babae.

Kaya’t sinabi sa kanya ni Pedro, “Bakit nagkaisa kayong subukin ang


Espiritu ng Panginoon? Hayan! Kadarating pa lamang ng mga naglibing sa
iyong asawa, at ikaw naman ngayon ang isusunod nilang ilibing!”

33
Noon di’y nabuwal si Safira sa paanan ni Pedro at namatay. Pagpasok ng
mga binata, nakita nilang patay na siya kaya’t inilibing siya sa tabi ng
kanyang asawa. Nakadama ng matinding takot ang buong iglesya at ang
lahat ng nakabalita nito.

Marami pang mga himala ang ginawa ang mga apostol - nakapagpapagaling
sila ng mga maysakit na dinadala sa kanila pati mga inaalihan ng mga
demonyo. Namamangha ang mga tao dito. Parami nang parami ang bilang
nila, pero mayroon ding ibang hindi mangahas na sumama sa kanila.
Regular silang nagtitipun-tipon bilang magkakapatid sa Panginoon.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag-usapan…
1. Bakit hindi magandang pakinggan ang kuwentong ito? Anong nararamdaman mo
habang iniisip ang mga nangyari dito?
2. Ano ang malaking kaibahan nina Bernabe at Ananias/Safira? Sa paanong paraan
nagiging katulad tayo ni Bernabe? Sa paanong paraan naman nagiging katulad tayo
ng mag-asawang Ananias at Safira?
3. Bakit ganoon katindi ang parusa sa mag-asawa? Ano ang ipinapakita nito sa
kalagayan ng puso nila?
4. Ano ang gustong patunayan dito ng Diyos? Ano ang hangad ng Diyos para sa kanyang
iglesia?
5. Paanong ang pera o materyal na bagay na pagmamay-ari natin ay makahahadlang o
makatutulong sa pagsulong ng misyong bigay ng Diyos sa ating iglesia?
6. Sa paanong paraan maipatutupad natin ang pagdidisiplina sa mga kasama natin sa
iglesia bilang isang pamilya?
7. Ano ang itinuturo ng kuwentong ito tungkol sa Dios? Tungkol kay Jesus? Tungkol sa
Banal na Espiritu?
8. Anu-ano ang matututunan natin sa kuwentong ito tungkol sa iglesia at sa mga unang
tagasunod ni Jesus? Saan natin makikita ang identity ng church bilang:
a. Learners?
b. Family?
c. Worshippers?
d. Servants?
e. Missionaries?
9. Bilang mga tagasunod ni Jesus, anu-ano ang dapat nating sundin sa kuwentong ito?
Anu-anong hakbang ang gagawin mo para makasunod dito?

34
PAGPAPLANO (20 MIN)

Kailangang ang mga plano ay S-M-A-R-T (specific-measurable-attainable-relevant-timebound).


Isulat din ang mga napag-usapan.
Anu-ano ang dapat nating baguhin o simulang gawin tungkol sa…
1. Pagpapakita ng awa ng Dios sa mga taong nangangailangan?

2. Pagkakaloob (offerings)?

3. Pagdidisiplina sa mga kapatid na nagkakasala?

4. Pagtiyak na ang mga kasama natin sa iglesia ay mga tunay na tagasunod ni Jesus?

5. Pagkakaisa sa pagsulong ng misyon natin?

PANANALANGIN (15 MIN)

Ayon sa kuwento ngayon, anu-ano ang dapat nating ipanalanging gawin ng Dios para sa
ating iglesia at sa iba pang iglesiang sisimulan natin? [Isulat ang mga hiniling sa panalangin at
tingnan sa mga susunod na araw kung paano sumasagot ang Dios sa panalangin.]

35
WEEK 6: Leading and Serving

TANDAAN NG TRAINER

Ito ang mga pangunahing ideya o mga katotohanang gusto nating lumabas sa pagkukuwentuhan:

1. Natural na mararanasan ng iglesia ang iba’t ibang klase ng problema. Dapat nakahanda
tayong tumugon doon nang may karunungang galing sa Diyos.
2. May tatlong dimensyon ang paglilingkod ng mga tagasunod ni Jesus
a. Ang paglilingkod sa pamamagitan ng pagbabahagi ng salita ng Diyos (prophetic);
b. Ang paglilingkod sa pamamagitan ng panalangin para sa iba (priestly); at
c. Ang paglilingkod sa pamamagitan ng pagpapakita ng pag-ibig (kingly).
3. Ang bawat isang tagasunod ni Jesus ay dapat italaga ang kanyang sarili sa paglilingkod…
a. Sa anumang pagkatawag ng Diyos;
b. Na paglaanan ito ng sapat na atensiyon;
c. Na buong buhay, habang buhay;
d. Na buong puso at may malinis na puso;
e. Ayon sa patnubay ng Espiritu na nagbibigay ng espirituwal na kaloob,
kapangyarihan, pananampalataya at karunungan sa atin.

PAGKUKUMUSTAHAN (10 MIN)

1. Paano mo nakitang sumagot ang Dios sa mga hiniling natin sa kanya sa panalangin?
2. Paano mo nasunod ang napag-usapan natin noong nakaraang linggo?

PAGKUKUWENTUHAN (45 MIN)

Ikuwento…(Galing sa Gawa 6:1-7)


Scene 7 ~ Ang Pitong Lalaki. Nang panahong parami na nang parami ang
mga tagasunod ni Jesus, nagreklamo ang mga Judiong nagsasalita ng Griego
laban sa mga Judiong nagsasalita ng Hebreo. Hindi kasi nabibigyan ng mga
tulong ang mga biyuda nila.

Kaya ipinatawag ng mga apostol ang lahat ng mga tagasunod ni Jesus at


sinabihan sila, “Hindi mabuting mapabayaan namin ang pangangaral ng
salita ng Dios para mag-asikaso ng mga materyal na tulong. Pumili kayo sa
mga kasamahan n’yo ng pitong lalaki na may magandang reputasyon,
marunong, at puspos ng Espiritu.

36
”Sila ang mangangasiwa sa gawaing ito, at ilalaan naman namin ang mga
oras namin sa pananalangin at pag-aaral ng salita ng Dios.”

Kaya pumili sila ng pitong lalaki, iniharap sa mga apostol, ipinanalangin


sila, at pinatungan ng kamay bilang pagtatalaga sa tungkulin.

Kaya patuloy na kumalat ang salita ng Dios at patuloy na dumami ang


bilang nila, kasama na dito ang maraming mga pari.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…

Ikuwento…(Gawa 6:8-15; 7:1-2, 51-60; 8:1-2)


Scene 8 ~ Ang Pagpatay kay Esteban. Si Esteban ay isa sa pitong lalaking
ito. Pinagkalooban siya ng Dios ng pambihirang kapangyarihan. Kaya
maraming mga namamangha sa mga himalang ginagawa niya…

…pero ang ilan ay kumakalaban sa kanya. Pero kahit makipagtalo sila sa


kanya, hindi nila matalo si Esteban dahil sa karunungang bigay sa kanya ng
Espiritu.

Kaya pinaratangan nila si Esteban na nagsasalita ng laban sa Dios at kay


Moises. Dinala siya sa Korte at pinagpaliwanag.

Sinabi niya sa kanila, “Mga kapatid at mga magulang, makinig kayong


mabuti sa akin...” Pagkatapos noon ay ikinuwento niya ang mga bagay na
ginawa ng Dios simula kay Abraham hanggang sa pagdating ni Jesus. Sabi
pa niya, “Matitigas talaga ang mga ulo ninyo. Hindi kayo nakikinig sa mga
mensahe ng Dios. Hindi kayo sumusunod sa mga utos niya.”

37
Nang marinig ito ng mga miyembro ng Korte, galit na galit sila kay Esteban.

Sinugod nila si Esteban, kinaladkad palabas ng lungsod at pinagbabato.

Habang nangyayari ito sa kanya, nanatili siyang puspos ng Espiritu…

…hanggang siya ay mamatay. Inilibing siya at marami ang labis na


nagdalamhati sa pagkamatay niya.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…

Ikuwento…(Gawa 8:1-26)
Scene 9 ~ Si Felipe sa Samaria. Sa pangunguna ni Saulo na sumang-ayon
sa pagpatay kay Esteban, nagsimula na ang matinding pag-uusig sa mga
mananampalataya sa Jerusalem. Nagsumikap siyang wasakin ang iglesia.
Pinapasok niya ang mga bahay-bahay, dinadakip ang mga
mananampalataya, lalaki man o babae, at ikinukulong. Kaya kumalat sila sa
buong lalawigan ng Judea at Samaria at doon nagpatuloy na mangaral ng
Magandang Balita.

Isa sa mga ito si Felipe, na isa rin sa pitong lalaking napiling mangasiwa sa
pamamahala ng mga gawain sa iglesia. Sa isang lungsod sa Samaria,
nakikinig na mabuti ang mga tao sa kanyang ipinapangaral tungkol kay
Cristo at humahanga sa mga himalang ginagawa niya - nakapagpapalayas
siya ng mga masasamang at nakapagpapagaling ng mga maysakit.

Dahil doon, maraming sumampalataya at nagpabautismo. Isa na rito si


Simon na maraming napapahanga dahil sa kahusayan sa salamangka. Pati
siya ay hangang-hanga sa ginagawa ni Felipe. Kaya masayang-masaya ang
mga tao doon.

38
Nang mabalitaan nina Pedro at Juan ang nangyari sa Samaria, pinuntahan
nila ito. Ipinatong nila ang mga kamay nila sa mga mananampalataya roon
at natanggap nila ang Banal na Espiritu.

Nakita ito ni Simon, kaya inalok niya ng pera sina Pedro at Juan at sinabi,
“Bigyan ninyo ako ng ganyang kapangyarihan, para sinumang patungan ko
ng kamay ay makatanggap din ng Banal na Espiritu.”

Sumagot si Pedro, “Hindi mo mabibili ng pera ang kaloob ng Dios. Wala kang
bahagi sa gawain namin, dahil marumi ang puso mo sa paningin ng Dios.
Pagsisihan mo ang masamang balak mo at manalangin kang patawarin ka
ng Dios, dahil nakikita kong pinaghaharian ka ng inggit at ng kasalanan.”

Pagkatapos nilang mangaral ng mensahe ng Panginoon, bumalik na sina


Pedro at Juan sa Jerusalem. At nangaral din sila ng Magandang Balita sa
mga baryo na nadaanan nila pabalik. Habang si Felipe naman ay pumunta
kung saan sabihin sa kanya ng Espiritu.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag-usapan…
1. Anong problema ang kinaharap ng iglesia sa kuwentong ito? Paano sila tumugon sa
problemang iyon?
2. Anong klaseng paglilingkod ang ipinakita ng mga tagapanguna? Anong halimbawa
ang iniiwan nito sa iglesia?
3. Anong klaseng paglilingkod ang ipinakita ni Esteban? Ano ang kahanga-hanga sa
ginawa niya? Paano ka katulad o hindi katulad ni Esteban?
4. Anong klaseng paglilingkod ang ipinakita ni Felipe? Ano ang kahanga-hanga sa
ginawa niya? Paano ka katulad o hindi katulad ni Felipe?
5. Kung mga ordinaryong tao lang sila Esteban at Felipe, paano nila nagawa ang
ganoong klaseng paglilingkod? Anong encouragement ang ibinibigay ng kuwentong
ito sa ating paglilingkod?
6. Ano ang itinuturo ng kuwentong ito tungkol sa Diyos? Tungkol kay Jesus? Tungkol sa
Banal na Espiritu?
7. Anu-ano ang matututunan natin sa kuwentong ito tungkol sa iglesia at sa mga unang
tagasunod ni Jesus? Saan natin makikita ang identity ng church bilang:
a. Learners?
b. Family?

39
c. Worshippers?
d. Servants?
e. Missionaries?
8. Bilang mga tagasunod ni Jesus, anu-ano ang dapat nating sundin sa kuwentong ito?
Anu-anong hakbang ang gagawin mo para makasunod dito?

PAGPAPLANO (20 MIN)

Kailangang ang mga plano ay S-M-A-R-T (specific-measurable-attainable-relevant-timebound).


Isulat din ang mga napag-usapan.
Anu-ano ang dapat nating baguhin o simulang gawin tungkol sa…
1. Pagsasanay at pagtatalaga ng mga mangunguna sa paglilingkod?

2. Paghikayat sa lahat na makibahagi sa paglilingkod?

3. Pagtugon sa iba’t ibang pangangailangan sa ating iglesia?

4. Pagkukuwento ng “Story of God” sa iba?

PANANALANGIN (15 MIN)

Ayon sa kuwento ngayon, anu-ano ang dapat nating ipanalanging gawin ng Dios para sa
ating iglesia at sa iba pang iglesiang sisimulan natin? [Isulat ang mga hiniling sa panalangin at
tingnan sa mga susunod na araw kung paano sumasagot ang Dios sa panalangin.]

40
WEEK 7: Radical Transformation

TANDAAN NG TRAINER

Ito ang mga pangunahing ideya o mga katotohanang gusto nating lumabas sa pagkukuwentuhan:

1. Ang tunay na pagbabago ay hindi lang iyong pagbabago ng mga nakikita sa panlabas kundi
iyong pagbabago ng puso ng tao. Imposible ito sa tao, ngunit walang imposible sa Diyos.
2. Tulad ng ginawa ng Diyos kay Pablo, kaya din niyang baguhin ang puso ng bawat tao mula
sa galit patungo sa pag-ibig sa iba (lalo na sa mga kapatid kay Cristo), mula sa
pagmamataas at pagkamakasarili tungo sa pagkakaroon ng awa sa mga naliligaw ng landas,
mula sa pusong walang pakialam kay Jesus tungo sa pusong umiibig sa kanya, mula sa
pagtitiwala sa sariling gawa tungo sa pagtitiwala sa gawa ni Jesus.
3. Nakasalalay ang pagbabago ng puso ng isang tao sa laki at lalim ng awa, habag, at pag-ibig
ng Panginoon sa pamamagitan ng mga tagasunod niyang magpapakita rin ng malalim na
awa, habag at pag-ibig sa pangalan ni Jesus.

PAGKUKUMUSTAHAN (10 MIN)

1. Paano mo nakitang sumagot ang Dios sa mga hiniling natin sa kanya sa panalangin?
2. Paano mo nasunod ang napag-usapan natin noong nakaraang linggo?

PAGKUKUWENTUHAN (45 MIN)

Ikuwento…(Galing sa Gawa 8:1-3; 9:1-31)


Scene 10 ~ Ang Pagpapakita ni Jesus kay Saulo. Si Saulo, isang pinuno ng
relihiyon ng mga Judio, ang siyang pumayag sa pagpatay kay Esteban.
Habang ang mga tagasunod ni Jesus ay kung saan-saan nakakarating para
ipamalita ang tungkol kay Jesus, ito namang si Saulo ay kung saan-saan din
nagpupupunta para subukang wasakin ang iglesia.

Patuloy ang pagbabanta niya sa buhay ng mga tagasunod ni Jesus.


Pinuntahan pa niya ang punong pari para humingi ng mga sulat bilang
katibayan na binibigyan siya ng kapangyarihang hulihin ang sinumang
sumusunod kay Jesus.

Nang malapit na siya sa lungsod ng Damascus, bigla siyang napalibutan ng


nakakasilaw na liwanag mula sa langit. Natumba siya at may narinig siyang
boses na nagsasabi, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?” Sumagot si Saulo,
“Sino po ba kayo?”

41
Sinagot naman siya, “Ako si Jesus na iyong inuusig. Tumayo ka at pumunta sa
lungsod, at doon ay may magsasabi sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.”

Natahimik lang ang mga kasama ni Saulo dahil nakarinig lang sila ng boses,
pero wala silang nakita. Nang tumayo si Saulo, napansin niyang hindi na
siya makakita.

Kaya inakay siya ng mga kasama niya hanggang sa Damascus. Tatlong araw
siyang hindi nakakita.

Sa lungsod na iyon, nagpakita si Jesus kay Ananias, isa sa mga tagasunod


niya.

Sinabi sa kanya ni Jesus sa isang pangitain, “Puntahan mo si Saulo.


Nananalangin siya sa akin ngayon. At pinakita ko sa kanya sa isang
pangitain na pupunta ka sa kanya at ipapatong mo ang kamay mo sa kanya
para muli siyang makakita.”

Pero sumagot si Ananias, “Panginoon naman, marami po akong nabalitaan


tungkol sa kalupitan ng taong iyon sa mga kapatid ko sa Jerusalem.”

Pero sinabi ng Panginoon, “Lumakad ka na at gawin ang pinapagawa ko,


dahil pinili ko siyang maglingkod sa akin, para ipakilala niya ako hindi lang
sa mga Judio, kundi pati sa mga hindi Judio at sa mga hari nila.”

Kaya pinuntahan ni Ananias si Saulo. Ipinatong niya ang kamay niya kay
Saulo at sinabi, “Kapatid na Saulo, pinapunta ako rito ng Panginoong Jesus
para muli kang makakita at mapuspos ng Banal na Espiritu.”

42
Pagkatapos noon, biglang nakakita ulit si Saulo. Tumayo siya at
nagpabautismo. Ilang araw siyang nanatili roon kasama ang iba pang
kapatid sa Panginoon.

Pumunta siya sa mga bahay-sambahan ng mga Judio at nangaral, “Si Jesus


nga ang Anak ng Diyos!”

Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya at sinabi, “Hindi ba’t ito ang taong
umuusig sa mga tagasunod ni Jesus sa Jerusalem?”

Lalong humusay si Pablo sa pangangaral. Pinatunayan niya sa kanila na si


Jesus nga ang Ipinangakong Tagapagligtas.

Paglipas ng ilang araw, nagplano ang mga pinunong Judio para patayin siya.

Pero may nakapagsabi sa kanya ng plano nila, kaya isang gabi, isinakay siya
ng ilang mga kapatid sa isang malaking basket at ibinaba sa labas ng pader
ng lungsod.

Pagdating niya sa Jerusalem, gusto niya sanang makisalamuha sa mga


tagasunod ni Jesus doon, pero takot sila sa kanya. Akala nila ay
nagpapanggap lang si Saulo na isa na sa kanila.

Pero isinama siya ni Bernabe at dinala sa mga apostol. Ikinuwento ni


Bernabe sa kanila kung paanong nagpakita ang Panginoon kay Saulo.
Ikinuwento din niya kung paanong buong tapang siyang nangaral tungkol
sa Panginoon tulad din ng iniutos sa kanya.

43
Pagkatapos siyang tanggapin ng mga apostol, patuloy siyang matapang na
nangaral tungkol kay Jesus.

Ilang mga lalaking nakadebate niya ang nagplanong patayin siya. Nang
malaman ito ng ilan, pinauwi muna nila si Saulo sa Tarsus, sa bayang
kinalakhan niya.

Pagkatapos noon, naging matiwasay ang pamumuhay ng iglesia sa buong


Judea, sa Galilea at sa Samaria. Lalo pa silang dumami nang nagpatuloy na
lumakas ang kanilang pananamapalataya, namuhay na may takot sa
Panginoon, at pinalakas ng Banal na Espiritu.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag-usapan…
1. Sinu-sinong tao sa lipunan natin ngayon ang karaniwang inaakala nating imposibleng
magbago?
2. Ano ang nakita natin sa kuwento na parang imposibleng mangyaring pagbabago sa
buhay ni Saulo pero nangyari?
3. Ayon mismo kay Pablo (dating Saulo), anong klaseng pagbabago ang nangyari sa
kanya? Tingnan ang 1 Timoteo 1:12-17 at Filipos 3:4-11.
4. Ano ang pagkakaiba ng panlabas at panloob na pagbabago? Ano ang mas mahalaga
ayon sa nakita natin sa nangyari kay Pablo?
5. Ayon sa kuwento at sa mga talatang binasa, paanong nangyari ang ganito kalaking
pagbabago kay Pablo? Ano ang ginawa ng Diyos? Paano siya kumilos sa pamamagitan
ng ibang tao?
6. Ano ang layunin ng Diyos sa lahat ng ito?
7. Ano ang itinuturo ng kuwentong ito tungkol sa Dios? Tungkol kay Jesus? Tungkol sa
Banal na Espiritu?

8. Anu-ano ang matututunan natin sa kuwentong ito tungkol sa iglesia at sa mga unang
tagasunod ni Jesus? Saan natin makikita ang identity ng church bilang:
a. Learners?
b. Family?
c. Worshippers?
d. Servants?
e. Missionaries?
44
9. Bilang mga tagasunod ni Jesus, anu-ano ang dapat nating sundin sa kuwentong ito?
Anu-anong hakbang ang gagawin mo para makasunod dito?

PAGPAPLANO (20 MIN)

Kailangang ang mga plano ay S-M-A-R-T (specific-measurable-attainable-relevant-timebound).


Isulat din ang mga napag-usapan.
Anu-ano ang dapat nating baguhin o simulang gawin tungkol sa…
1. Panalangin para sa mga kaibigan at kamag-anak?

2. Pagkukuwento ng kuwento ng ginawa ng Diyos na pagbabago sa buhay natin?

3. Pagkukuwento ng “Story of God” sa iba?

4. Pag-abot sa mga taong mukhang imposibleng magbago (tulad ng lasenggo, drug


addicts, homosexuals, prostitutes, atbp.)?

PANANALANGIN (15 MIN)

Ayon sa kuwento ngayon, anu-ano ang dapat nating ipanalanging gawin ng Dios para sa
ating iglesia at sa iba pang iglesiang sisimulan natin? [Isulat ang mga hiniling sa panalangin at
tingnan sa mga susunod na araw kung paano sumasagot ang Dios sa panalangin.]

45
WEEK 8: Listening and Going

TANDAAN NG TRAINER

Ito ang mga pangunahing ideya o mga katotohanang gusto nating lumabas sa pagkukuwentuhan:

1. Hanggang ngayon, patuloy pa ring nakikipag-usap ang Diyos sa anumang uri ng tao at sa
iba’t ibang paraan.
2. Kinakausap ng Diyos ang mga di-pa-Cristiano para ihanda ang puso nila sa pagtanggap ng
mensahe ng mabuting balitang ipapangaral ng mga Cristiano.
3. Kinakausap ng Diyos tayong mga Cristiano para iayon at panatilihing nakaayon ang puso
natin sa kanyang misyon.
4. Nagsasalita ang Diyos sa pamamagitan ng kanyang Salita sa Bibliya (pangunahing paraan),
sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ng pangitain, larawan o panaginip, ng mga anghel, ng
mga mangangaral, ng Iglesia, at ng mga pangyayari sa buhay.
5. Ang tanging dapat na tugon sa salita ng Diyos ay pagsunod – kung ano ang gusto ng Diyos sa
kanyang paraan hindi kung ano ang gusto o pamamaraan natin, na walang pag-aalinlangan
at pag-aatubili, kahit na taliwas ito sa tradisyon o nakasanayan, at kahit na may mga taong
tutuligsa sa atin dahil dito.
6. Ang pangunahing layunin ng pagsasalita ng Diyos sa atin at ng ating pakikinig ay hindi lang
para sa mga gawain kundi unang-una ay sa malapit na relasyon natin sa kanya.

PAGKUKUMUSTAHAN (10 MIN)

1. Paano mo nakitang sumagot ang Dios sa mga hiniling natin sa kanya sa panalangin?
2. Paano mo nasunod ang napag-usapan natin noong nakaraang linggo?

PAGKUKUWENTUHAN (45 MIN)

Ikuwento…(Galing sa Gawa 10:1-23)


Scene 11 ~ Ang Ipinakita ng Diyos kina Cornelio at Pedro. Habang
inihahanda ng Diyos si Pablo na dalhin ang Mabuting Balita tungkol kay
Jesus sa mga hindi Judio, inihahanda rin niya ang mga taong ito para
sumampalataya kay Jesus at matanggap ang kanyang Espiritu.

Merong isang lalaking ang pangalan ay Cornelius. Isa siyang kapitan ng


batalyon ng mga sundalong Romano. Hindi man siya isang Judio, siya at ang
kanyang pamilya ay may takot sa Diyos. Tumutulong siya sa mga Judio at
palagi siyang nananalangin sa Diyos.

46
Isang hapon, may nagpakita sa kanya na isang anghel ng Diyos. Tinawag
siya nito at sinabi, “Cornelius!” Tumitig siya at takot na takot na sinabi, “Ano
po iyon?” Sumagot ang anghel, “Pinakinggan ng Diyos ang mga panalangin
mo at natutuwa siya sa pagtulong mo sa mga mahihirap. Ngayon,
magpadala ka ng mga tao mo at hanapin ang isang lalaking ang pangalan
ay Pedro. Nasa ibang lungsod siya at nasa isang bahay na nasa tabi ng dagat.
Ipasabi mo sa kanyang puntahan ka at bisitahin.” Pag-alis ng anghel, agad
niyang ginawa ang sinabi nito.

Kinabukasan, habang ang mga tauhang ipinadala ni Cornelius ay papalapit


na sa lungsod, umakyat si Pedro sa bubungan ng bahay para manalangin.
Tanghaling tapat noon, kaya gutom na siya. Habang hinihintay niya ang
tanghalian, may ipinakita ang Diyos sa kanya. Nakita niyang bumukas ang
kalangitan at parang may bumababang malapad na kumot na may dala-
dalang iba’t ibang uri ng mga hayop - mga hayop na ipinagbabawal sa
kanilang kanin.

Pagkatapos noon, narinig ni Pedro ang salitang nagsabi sa kanya, “Pedro,


tumayo ka! Katayin mo ang mga ito at kainin.” Sumagot si Pedro,
“Panginoon, hindi ko magagawa iyan dahil hindi po talaga ako kumakain ng
mga hayop na itinuturing na marumi at ipinagbabawal kainin.” Sabi ng
Diyos, “Huwag mong ituring na marumi ang anumang bagay na nilinis na ng
Diyos.” Tatlong ulit itong nangyari, at pagkatapos, hinila agad iyon pataas.

Naguluhan si Pedro. At habang iniisip pa niya kung ano ang ibig sabihin
nito, dumating na ang mga tauhan ni Cornelius. Sinabi sa kanya ng Espiritu,
“May mga taong naghahanap sa iyo. Bumaba ka na at sumama sa kanila.
Huwag kang mag-alinlangan, dahil ako ang nag-utos sa kanila.”
Kaya bumaba si Pedro at hinarap ang mga bisita niya.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…

Ikuwento…(Galing sa Gawa 10:23-48; 11:1-18)


Scene 12 ~ Ang Pagkikita nina Pedro at Cornelio. Kinabukasan, sumama
na si Pedro at ang ilan sa iba pang tagasunod ni Jesus sa mga tauhan ni
Cornelius at nagsimulang maglakbay papunta sa lungsod na tinitirhan nito.
Nakarating sila doon nang sumunod na araw. Pagdating nila Pedro,
nandoon sa bahay ni Cornelius ang pamilya niya pati mga kamag-anak at
mga kaibigang inimbitahan niya.

47
Nagsalita si Pedro, “Alam ninyong labag sa tradisyon naming pumasok sa
bahay ng mga hindi Judio. Pero ipinakita sa akin ng Diyos na hindi ko dapat
isiping marumi ang sinuman. Kaya pumunta ako rito. At ngayon, gusto kong
malaman kung ano ang sadya n’yo sa akin.”

Ikinuwento sa kanya ni Cornelius ang mga sinabi sa kanya ng anghel. Sinabi


pa niya, “Sinabi sa akin ng anghel na ipasundo kita dahil ikaw ang magsasabi
kung paano ako maliligtas at ang aking buong pamilya. Kaya ngayon,
naghihintay na kaming marinig kung ano ang mensahe ng Diyos sa amin.”

Sumagot si Pedro, “Kitang-kita ko na na walang pinapaboran ang Diyos. Sa


anumang lahi, tinatanggap niya ang sinumang may takot sa kanya at
gumagawa kung ano ang mabuti.”

Sinabi pa ni Pedro sa kanila ang tungkol sa Mabuting Balita ni Jesus, kung


paanong mapapatawad ang kasalanan ng lahat ng sasampalataya kay Jesus.

Habang nagsasalita pa si Pedro, dumating ang Espiritu ng Diyos at pinuspos


ang lahat ng nakinig sa mensahe niya. Nagpuri silang lahat sa Diyos at
nagpabautismo kaagad. Sina Pedro naman ay nanatili sa bahay ni Cornelius
nang ilang araw.

Agad na nakarating sa iba pang mga apostol at mga tagasunod ni Jesus ang
balitang pati mga hindi Judio ay tumanggap na sa mensahe ng Diyos. Pero
pagbalik ni Pedro sa Jerusalem, mayroong ilang mga kasamahan nila ang
pumuna sa kanya, at sinabi, “Pumasok ka sa bahay ng mga hindi Judio at
kumain ka pang kasama nila!”

Ikinuwento naman ni Pedro sa kanila ang lahat ng nangyari. Sabi niya,


“Kung ganoon ang gustong mangyari ng Diyos, sino ba naman ako para
hadlangan siya?” Nang marinig nila ang paliwanag ni Pedro, hindi na sila
sumalungat pa at nagsimula silang magpuri sa Diyos. Sabi nila, “Kung
ganoon, ibinigay din ng Diyos sa mga hindi Judio ang tunay na pagsisisi para
makatanggap din sila ng buhay na walang hanggan.”

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag-usapan…

48
1. Paano nagsasalita ang Diyos sa kuwentong ito? Anu-anong paraan ang ginagamit
niya?
2. Sa tingin mo ba’y nagsasalita pa rin ang Diyos ngayon? Sa anu-anong paraan?
3. Sinu-sino ang kinakausap ng Diyos sa kuwentong ito? Ano ang layunin ng Diyos sa
mga iyon?
4. Sinu-sino ang kinakausap ng Diyos ngayon? Sa anong layunin?
5. Ano ang naging tugon ng mga taong kinausap ng Diyos sa kuwento? Anu-ano ang mga
dapat nating tularan? Anu-ano naman ang mga di dapat tularan?
6. Ano ang itinuturo ng kuwentong ito tungkol sa Dios? Tungkol kay Jesus? Tungkol sa
Banal na Espiritu?
7. Anu-ano ang matututunan natin sa kuwentong ito tungkol sa iglesia at sa mga unang
tagasunod ni Jesus? Saan natin makikita ang identity ng church bilang:
a. Learners?
b. Family?
c. Worshippers?
d. Servants?
e. Missionaries?
8. Bilang mga tagasunod ni Jesus, anu-ano ang dapat nating sundin sa kuwentong ito?
Anu-anong hakbang ang gagawin mo para makasunod dito?

PAGPAPLANO (20 MIN)

Kailangang ang mga plano ay S-M-A-R-T (specific-measurable-attainable-relevant-timebound).


Isulat din ang mga napag-usapan.
Anu-ano ang dapat nating baguhin o simulang gawin tungkol sa…
1. Pakikinig sa Diyos sa panalangin (listening prayer)?

2. Pagdadala ng salita ng Diyos sa mga kapatid kay Cristo?

3. Pagdadala ng salita ng Diyos sa mga di-pa-Cristiano?

4. Pagkukuwento ng “Story of God” sa iba?

5. Pag-abot sa ibang lahi at ibang kultura (tulad ng mga Muslim at Indian)?

49
PANANALANGIN (15 MIN)

Ayon sa kuwento ngayon, anu-ano ang dapat nating ipanalanging gawin ng Dios para sa
ating iglesia at sa iba pang iglesiang sisimulan natin? [Isulat ang mga hiniling sa panalangin at
tingnan sa mga susunod na araw kung paano sumasagot ang Dios sa panalangin.]

50
WEEK 9: Sending Help

TANDAAN NG TRAINER

Ito ang mga pangunahing ideya o mga katotohanang gusto nating lumabas sa pagkukuwentuhan:

1. Gumagawa ang Diyos para alisin sa puso ng bawat tagasunod ni Jesus ang pagkamakasarili -
para maging tulad tayo ni Jesus na ibinigay ang kanyang sarili para sa atin.
2. Mas maisusulong ang misyong ibinigay sa atin na Diyos (abutin ang lahat ng lahi para
maging tagasunod ni Jesus) kung mawawala sa puso natin ang pagkamakasarili.
3. Kung makita natin ang pangangailangan, ipadala natin ang anumang tulong na maibibigay
natin.
4. Kung lalapit tayo sa Diyos sa panalangin, makakaasa tayo na ang Diyos ang magpapadala ng
tulong na kailangan natin para matupad ang misyong iniwan niya sa atin.

PAGKUKUMUSTAHAN (10 MIN)

1. Paano mo nakitang sumagot ang Dios sa mga hiniling natin sa kanya sa panalangin?
2. Paano mo nasunod ang napag-usapan natin noong nakaraang linggo?

PAGKUKUWENTUHAN (45 MIN)

Ikuwento…(Galing sa Gawa 11:19-30)


Scene 13 ~ Ang Iglesia sa Antioch. Samantala, ang mga tagasunod ni Jesus
na nangalat noong panahong inuusig sila pagkatapos mamatay si Esteban
ay kung saan-saan pumunta. Ibinalita ng karamihan sa kanila ang tungkol
kay Jesus sa ibang mga kapwa nila Judio.

Pero may ilan din na pumunta sa Antioch at ibinalita ang tungkol kay Jesus
pati sa mga hindi Judio. Dahil sa kapangyarihan ng Diyos, maraming mga
tao roon ang tumanggap sa mensaheng narinig nila at nagbalik loob sa
Panginoon.

Nang marinig ng iglesia sa Jerusalem ang nangyari, ipinadala nila si


Bernabe sa Antioch. Pagdating niya doon at nang makita niya ang mabuting
pagkilos ng Diyos doon, tuwang-tuwa siya at hinikayat niya ang mga
kapatid doon na manatiling tapat kay Jesus. Mabuting tao si Bernabe,
pinapatnubayan ng Espiritu at malakas ang pananampalataya. Dahil doon,
lalo pang dumami ang mga tagasunod ni Jesus sa lugar na iyon.

51
Pagkatapos, hinanap ni Bernabe si Saulo at isinama sa Antioch. Sa loob ng
isang taong pamamalagi nila doon, tinuruan nila ang maraming tao. Dito sa
Antioch unang tinawag na Cristiano ang mga tagasunod ni Jesus.

Sa panahong ito, may ilang mga propeta (mga mensahero ng Diyos) mula sa
Jerusalem ang nagpunta sa Antioch. May isa sa kanilang nagsabi, ayon sa
sinabi ng Espiritu, na may darating na matinding taggutom sa maraming
mga lugar. Kaya nagpasya ang mga Cristiano sa Antioch na magpadala ng
tulong sa mga kapatid nila sa Jerusalem at sa paligid nito, at bawat isa sa
kanila ay nagbigay ayon sa kaya nila.

Kaya dinala nina Barnabas at Saulo ang mga kaloob na ito sa iglesia sa
Jerusalem at ipinaubaya sa mga namumuno sa iglesia.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…

Ikuwento…(Galing sa Gawa 12:1-24)


Scene 14 ~ Ang Iglesia sa Jerusalem. Nang panahon ding iyon,
nagsimulang usigin ni Haring Herodes (Herodes Agrippa I na apo ni Haring
Herodes nang ipanganak si Jesus) ang mga Cristiano. Ipinapatay niya si
James (Santiago), isa sa labindalawang apostol.

Ipinaaresto din niya si Pedro at ipinakulong.

Habang nakakulong si Pedro, masigasig namang nananalangin ang iglesia


para sa kanya.

52
Isang gabi, habang natutulog si Pedro, nakagapos at mahigpit na
binabantayan ng mga sundalo, biglang may lumitaw na isang nakakasilaw
na liwanag sa loob ng kanyang selda. At may isang anghel ang humarap kay
Pedro. Ginising siya nito at sinabi, “Dalian mo! Tumayo ka!” At biglang
nalagot ang pagkakatali ng kanyang mga kamay.

Sinabi ng anghel sa kanya, “Magbihis ka na at sumunod ka sa akin.” Kaya


lumabas na si Pedro ng kanyang selda at sinundan ang anghel. Akala ni
Pedro noong una ay nananaginip lang siya. Nilagpasan nila lahat ng mga
guwardiya at dumaan sa mga pintuang kusang bumukas.

Nang nasa kalye na sila, biglang nawala ang anghel. Pagkatapos, sigurado
na si Pedrong hindi panaginip ang nangyari. Sabi niya sa sarili, “Totoo nga!
Ipinadala ng Diyos ang anghel niya at iniligtas ako.”

Pagkatapos ay pumunta si Pedro sa isang bahay kung saan maraming mga


kapatid niya ang magkakasamang nananalangin. Kumatok siya at isang
babae at nagtungo sa may pintuan para pagbuksan siya.

Nang marinig niyang boses ni Pedro iyon, masayang-masaya siya kaya


imbes na buksan ang pinto, pumasok siya ulit at sinabi sa lahat, “Nandoon si
Pedro sa may pintuan!”

Pero sabi nila, “Nahihibang ka ba? Baka anghel iyon ni Pedro.”

Samantala, patuloy sa pagkatok si Pedro. Nang sa wakas ay pagbuksan na


nila si Pedro, namangha sila. Ikinuwento sa kanila ni Pedro kung ano ang
nangyari at kung paano siyang pinalabas ng Diyos sa kulungan. Sabi niya sa
kanila, “Ikuwento n’yo rin sa iba kung anong nangyari.” At pagkatapos ay
pumunta na si Pedro sa ibang lugar.

Ito namang si Herodes ay pinarusahan ng anghel ng Panginoon dahil sa


kanyang pagmamataas. Inuod siya at namatay. Patuloy namang kumalat
ang salita ng Diyos at lalo pang dumami ang mga tagasunod ni Jesus.

53
Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag-usapan…
1. Ano ang misyon natin bilang isang iglesya? Bilang mga tagasunod ni Jesus?
2. Sa anu-anong paraan nakakahadlang sa misyong ibinigay sa atin ng Diyos ang isang
pusong makasarili? Magbigay ng mga halimbawa.
3. Sa mga napagkuwentuhan natin nitong mga nakaraang linggo, paano mo nakita sa
mga tagasunod ni Jesus noon na hindi sila naging makasarili?
4. Sa unang kuwento ngayon, anu-anong pangangailangan ang nakita mo? Paano sila
tumugon sa pangangailangang iyon? Ano ang naging resulta?
5. Sa ikalawang kuwento, anong pangangailangan ang nakita mo? Paano sila tumugon sa
pangangailangang iyon? Ano ang naging resulta?
6. Anu-ano ang matututunan natin sa kuwentong ito tungkol sa iglesia at sa mga unang
tagasunod ni Jesus? Saan natin makikita ang identity ng church bilang:
a. Learners?
b. Family?
c. Worshippers?
d. Servants?
e. Missionaries?
7. Bilang mga tagasunod ni Jesus, anu-ano ang dapat nating sundin sa kuwentong ito?
Anu-anong hakbang ang gagawin mo para makasunod dito?

PAGPAPLANO (20 MIN)

Kailangang ang mga plano ay S-M-A-R-T (specific-measurable-attainable-relevant-timebound).


Isulat din ang mga napag-usapan.
Anu-ano ang dapat nating baguhin o simulang gawin tungkol sa…
1. Pagtatalaga ng mangunguna sa iba’t ibang gawain?

2. Masaganang pagkakaloob at pagdadala ng tulong sa mga nangangailangan?

3. Sama-samang panalangin?

4. Pagkukuwento ng “Story of God” sa iba?

5. Pagsasanay sa mga bagong tagasunod ni Jesus?

54
PANANALANGIN (15 MIN)

Ayon sa kuwento ngayon, anu-ano ang dapat nating ipanalanging gawin ng Dios para sa
ating iglesia at sa iba pang iglesiang sisimulan natin? [Isulat ang mga hiniling sa panalangin at
tingnan sa mga susunod na araw kung paano sumasagot ang Dios sa panalangin.]

55
WEEK 10: Joining God’s Work

TANDAAN NG TRAINER

Ito ang mga pangunahing ideya o mga katotohanang gusto nating lumabas sa pagkukuwentuhan:

1. Nais ng Diyos na ikuwento natin sa mga tao ang kanyang mga ginawa at kung paano sila
dapat tumugon at maging kabahagi nito.
2. Nais ng Diyos na maging ambisyon natin ang ipakilala si Jesus sa lahat ng lahi sa buong
mundo.
3. Ang kumpiyansa natin sa pagmimisyon ay nasa kapangyarihan ng Diyos na tumawag sa mga
taong pinili niya upang maligtas.
4. Itinalaga ng Diyos na ang kanyang mga lingkod ay makaranas ng mga paghihirap upang
matapos ang misyon ng Diyos na abutin ang lahat ng mga tao.
5. Nais ng Diyos na lahat ng mga iglesia at lahat ng mga miyembro nito ay maging bahagi ng
pag-abot sa lahat ng lahi sa buong mundo.

PAGKUKUMUSTAHAN (10 MIN)

1. Paano mo nakitang sumagot ang Dios sa mga hiniling natin sa kanya sa panalangin?
2. Paano mo nasunod ang napag-usapan natin noong nakaraang linggo?

PAGKUKUWENTUHAN (45 MIN)

Ikuwento…(Galing sa Gawa 13-14)


Scene 15 ~ Ang Unang Paglalakbay ni Pablo. Kabilang sina Pablo at
Bernabe sa mga tagapagturo sa iglesia sa Antioch. Habang sumasamba sila
sa Panginoon at nag-aayuno, sinabi ng Espiritu sa kanila, “Ibukod ninyo
para sa akin sina Pablo at Bernabe para sa nais kong ipagawa sa kanila.”

Kaya pagkatapos nilang manalangin, pinatungan nila ng kamay ang dalawa


at pinahayo na.

56
Ayon sa sinabi ng Espiritu, pumunta sila sa Seleucia. Mula doon, naglayag
sila patungo sa isla ng Cyprus. Pagdating sa bayan ng Salamis, nangaral sila
ng salita ng Diyos sa bahay-sambahan ng mga Judio. Inikot nila ang buong
isla hanggang makarating sila sa Paphos. Nakasama din nila si Juan Marcos.

Doon, may isang salamangkerong Judio na nagkukunwaring propeta na ang


pangalan ay Elimas. Ginagawa niya ang lahat ng paraan para hindi
sumampalataya ang gobernador kay Jesus.

Pero itong si Pablo, pinapatnubayan ng Espiritu, ay tinitigang mabuti si


Elimas at sinabi, “Anak ka ng diyablo! Kinakalaban mo ang mabubuting
ginagawa ng Diyos. Mandaraya at manloloko! Parurusahan ka ngayon ng
Panginoon!”

Noon di’y nagdilim ang paningin ni Elimas at nabulag. Nang makita ng


gobernabor ang nangyari, sumampalataya siya at namangha sa salita ng
Diyos.

Pagkatapos, bumiyahe na sila papuntang Perga. Pagdating nila roon, iniwan


na sila ni Juan Marcos at bumalik siya sa Jerusalem. Nagtuloy naman sina
Pablo sa Antioch na sakop ng Pisidia.

Sa isang bahay-sambahan ng mga Judio, nagkaroon ng pagkakataon si


Pablong magsalita. Sa mga kapwa niya Judio at maging sa mga hindi Judio,
ikinuwento niya sa kanila ang mga ginawa ng Diyos mula sa pagliligtas sa
kanila sa Egipto hanggang sa pagdating sa lupang pangako hanggang sa
panahon ng mga hari at mga propeta hanggang sa pagdating ng
ipinangakong Tagapagligtas na si Jesus.

Sabi niya, “Kaya nga mga kapatid, dapat ninyong malaman na sa


pamamagitan ni Jesus ay ipinapahayag namin sa inyo ang balita na
patatawarin tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan. Ang sinumang
sumasampalataya kay Jesus ay itinuturing ng Diyos na matuwid. Hindi ito
magagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan.”

57
Pagkatapos nito, inanyayahan pa silang bumalik ulit sa susunod na linggo.
Maraming mga Judio at mga di-Judio ang sumunod sa kanila. Pinayuhan sila
ni Pablo na magpatuloy sa pagtitiwala sa biyaya ng Diyos.

Nang sumunod na linggo, marami nang pinuno ng mga Judio ang naiinggit
sa kanila. Sinalungat sila at pinagsalitaan ng masama.

Kaya sabi ni Pablo, “Mula ngayon sa mga hindi Judio na kami mangangaral
ng Magandang Balita.” Nang marinig ito ng mga hindi Judio, natuwa sila at
namangha sa salita ng Panginoon. At ang lahat ng itinalaga ng Diyos para sa
buhay na walang hanggan ay naging mananampalataya.

Kumalat ang salita ng Panginoon sa lugar na iyon. Dumami din ang mga
sumasalungat sa kanila kaya pinalayas sila sa lugar na iyon.

Kahit saan sila magpunta - sa Iconium, Lystra at Derbe - maraming


kumakalaban sa kanila habang ipinapangaral nila ang salita ng Diyos.

Mula sa Derbe, binalikan nila ang mga lugar na napuntahan nila at


pinatatag nila ang kalooban ng mga tagasunod ni Jesus doon at pinayuhang
magpatuloy sa kanilang pananampalataya.

Sinabi pa nila, “Maraming kahirapan ang dapat nating danasin para


mapabilang sa paghahari ng ng Diyos.”

Pumili sila ng mga mamumuno sa bawat iglesya at ipinanalangin sila at


ipinagkatiwala sa Diyos. Pagkatapos, nagpaalam na sila sa kanila at bumalik
sa Antioch.

58
Pagdating nila sa Antioch, tinipon nila ang mga mananampalataya at
ikinuwento sa kanila ang lahat ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila, at
kung paanong binigyan ng Diyos ang mga hindi Judio ng pagkakataong
sumampalataya. At nanatili sila nang matagal doon kasama ang mga
tagsunod ni Jesus.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag-usapan…
1. Anu-ano ang nakita n’yong ginagawa ng Diyos sa kuwentong ito tungkol sa
pagmimisyon?
2. Sa bawat nakita n’yong ginagawa n’ya, paano tayo dapat tumugon doon at maging
bahagi ng ginagawa niya sa pagmimisyon?
3. Ano ang itinuturo ng kuwentong ito tungkol sa Dios? Tungkol kay Jesus? Tungkol sa
Banal na Espiritu?
4. Anu-ano ang matututunan natin sa kuwentong ito tungkol sa iglesia at sa mga unang
tagasunod ni Jesus? Saan natin makikita ang identity ng church bilang:
a. Learners?
b. Family?
c. Worshippers?
d. Servants?
e. Missionaries?
5. Bilang mga tagasunod ni Jesus, anu-ano ang dapat nating sundin sa kuwentong ito?
Anu-anong hakbang ang gagawin mo para makasunod dito?

PAGPAPLANO (20 MIN)

Kailangang ang mga plano ay S-M-A-R-T (specific-measurable-attainable-relevant-timebound).


Isulat din ang mga napag-usapan.
Anu-ano ang dapat nating baguhin o simulang gawin tungkol sa…
1. Sama-samang pagsamba, pag-aayuno at pananalangin?

2. Pagkukuwento ng “Story of God” sa iba?

3. Pagsisimula ng iba pang iglesia?

4. Pagtatalaga ng mga mamumuno sa iglesia at pagsuporta sa kanila?

59
5. Pagtatalaga ng ipapadalang misyonero at pagsuporta sa kanila?

6. Pag-abot sa ibang lahi (tulad ng mga Muslim, mga Indians)? (Halimbawa, sa


pamamagitan ng mga OFWs)

PANANALANGIN (15 MIN)

Ayon sa kuwento ngayon, anu-ano ang dapat nating ipanalanging gawin ng Dios para sa
ating iglesia at sa iba pang iglesiang sisimulan natin? [Isulat ang mga hiniling sa panalangin at
tingnan sa mga susunod na araw kung paano sumasagot ang Dios sa panalangin.]

60
WEEK 11: Gospel-Driven Ministry

TANDAAN NG TRAINER

Ito ang mga pangunahing ideya o mga katotohanang gusto nating lumabas sa pagkukuwentuhan:

1. Kung sa misyon ikaw ay gumagawa, tiyak meron kang makakabangga. Pero hangga’t dala-
dala mo ang Magandang Balita, wala kang dapat ipag-alala.
2. Sinuman o anuman ang makabangga natin, dapat tumugon tayo nang may karunungan at sa
paraang maisusulong pa rin ang misyong ipinapagawa sa atin ng Diyos.

PAGKUKUMUSTAHAN (10 MIN)

1. Paano mo nakitang sumagot ang Dios sa mga hiniling natin sa kanya sa panalangin?
2. Paano mo nasunod ang napag-usapan natin noong nakaraang linggo?

PAGKUKUWENTUHAN (45 MIN)

Ikuwento…(Galing sa Gawa 15:1-31)


Scene 16 ~ Ang Pag-uusap sa Jerusalem. Pagkatapos ng ilang buwang
paglalakbay ng mga misyonerong sina Pablo at Bernabe, bumalik na sila sa
iglesia nila sa Antioch. Ikinuwento nilang lahat sa mga kasama nila doon
ang mga ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila.

Maraming natuwa sa narinig nilang ibinukas ng Diyos ang pintuan para sa


mga di-Judio. Pero may mga ilang taong galing sa Judea ang pumunta doon
at nagsimulang magturo na silang mga di-Judio ay hindi maliligtas maliban
na lang kung sila ay patutuli at susunod sa mga Kautusan ni Moises.

Naging mainit ang pagtatalo nila Pablo tungkol sa usaping ito. Kaya
nagkaisa ang iglesya doon na ipadala sina Pablo at Bernabe sa mga apostol
at mga lider sa Jerusalem para pag-usapan ito.

Pagdating nila sa Jerusalem, natuwa ang mga apostol doon sa narinig nilang
ibinalitang maging ang mga di-Judio ay sumampalataya na rin sa
Panginoong Jesus.

61
Pero tumayo ang ilang mananampalatayang miyembro ng grupo ng mga
Pariseo at nagsabi, “Kailangang tuliin ang mga di-Judio at utusang sumunod
sa Kautusan ni Moises.” Nagkaroon sila ng mahabang pag-uusap tungkol
dito.

Pagkatapos, tumayo si Pedro at ipinaalala sa kanila ang pagkatawag sa


kanya ng Diyos para ipangaral si Jesus sa mga di-Judio na tulad ng pamilya
ni Cornelio. Sabi pa niya, “Ngayon, bakit n’yo sinusubukan ang Diyos? Bakit
n’yo pinipilit ang mga di-Judiong tagasunod ni Jesus na sumunod sa mga
kautusan na kahit ang ating mga ninuno at tayo mismo ay hindi nakasunod?
Naniniwala tayo na maliligtas tayo sa pamamagitan ng biyaya ng
Panginoong Jesus, at ganito rin naman sa mga di-Judio.”

Sabi ni Santiago (James), “Huwag na natin silang pahirapan sa paglapit nila


sa Diyos. Sabihan na lang natin silang umiwas sa mga pagkaing inihandog sa
mga dios-diosan, sa pagkain ng may dugo at sa sekswal na imoralidad,
alang-alang sa mga kapatid nilang Judio.”

Nagkasundo sila at inihatid ang sulat na ito sa pamamagitan nina Pablo at


Bernabe.

Pagdating nila sa Antioch at pagkabasa ng sulat, tuwang-tuwa ang mga


tagasunod ni Jesus doon sa sulat na nakapagpasigla pa sa kanila.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…

Ikuwento…(Galing sa Gawa 15:36–16:40)


Scene 17 ~ Ang Ika-2 Paglalakbay ni Pablo. Makalipas ang ilang araw,
inaya ni Pablo si Bernabe na balikan ang mga lugar na napuntahan nila para
makumusta ang mga kapatid doon. Gustong isama ulit ni Bernabe si Juan
Marcos pero ayaw naman ni Pablo dahil iniwan niya sila noong unang
naglakbay sila. Matindi ang kanilang naging pagtatalo…

62
…kaya naghiwalay sila. Isinama ni Bernabe si Juan Marcos at pumunta sila
sa Cyprus. Si Pablo naman ay isinama si Silas papunta sa Syria at Cilicia.

Pagdating ni Pablo sa Lystra, nagkita sila ni Timoteo na ang tatay ay


Griyego at ang nanay ay Judio. Isinama din ni Pablo si Timoteo pero tinuli
muna ito para walang masabi ang mga Judio laban kay Timoteo.

Naglakbay sila sa iba’t ibang bayan at ipinaalam ang napagkasunduan sa


Jerusalem. Kaya lalong tumibay ang pananampalataya ng mga iglesya, at
araw-araw ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga tagasunod ni Jesus.

Pagkatapos nagpunta sila sa mga lugar na sakop ng Phrygia at Galatia dahil


hindi sila pinayagang magpunta sa lalawigan ng Asia.

Gusto rin sana nilang pumunta sa Bitinia pero hindi rin sila pinahintulutan
ng Espiritu, kaya sa Mysia sila dumaan at pumunta sa Troas.

Nang gabing iyon, pinakita ng Diyos kay Pablo sa panaginip ang isang taga-
Macedonia na nagsabi sa kanya, “Pumunta ka dito sa amin at tulungan mo
kami.” Kaya pumunta sila sa lugar na nais ng Diyos na puntahan nila.

Pagdating nila sa Filipos, isang pangunahing siyudad ng Macedonia,


nangaral sina Pablo sa mga babaeng nagtitipon sa tabi ng ilog.

Isa sa mga ito si Lydia, isang negosyante at sumasamba sa Diyos ng mga


Judio. Binuksan ng Panginoon ang puso niya para tanggapin ang mensahe
ni Pablo. Nagpabautismo siya at ang kanyang pamilya.

63
Isang araw, may sumalubong kina Pablo na isang dalagitang alipin na
sinasaniban ng masamang espiritung nagbibigay sa kanya ng kakayahang
manghula.

Hinarap ni Pablo ang babaeng ito at sinabi, “Sa pangalan ni Jesus, inuutusan
kitang lumabas sa kanya!” At agad namang lumabas ang masamang
espiritu.

Ipinahuli ng amo ng babaeng ito sina Pablo at ipinakulong.

Pagdating ng hatinggabi, biglang lumindol nang malakas. Lahat ng pintuan


ay bumukas at nakalag ang mga kadena nina Pablo.

Pagkakita ng guwardiya kina Pablo, sabi niya, “Ano ang dapat kong gawin
para maligtas?” Sabi ni Pablo, “Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus at
maliligtas ka at ang iyong buong pamilya.”

Pagkatapos ipangaral ni Pablo ang mabuting balita sa kanya at sa kanyang


buong pamilya, masaya silang sumampalataya kay Jesus at nagpabautismo.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag-usapan…
1. Saan sa kuwento may nakabangga si Pablo na ibang katuruan o paniniwala? Anong
naging tugon niya? Ano ang matututunan natin doon?
2. Saan sa kuwento may nakabangga si Pablo na ibang kultura o tradisyon? Anong
naging tugon niya? Ano ang matututunan natin doon?
3. Saan sa kuwento may nakabangga si Pablo na isang kapatid na may ibang gusto sa
misyon? Anong naging tugon niya? Ano ang matututunan natin doon?
4. Saan sa kuwento nakabangga ni Pablo ang Diyos o nasabihan siya ng salungat sa una
niyang plano? Anong naging tugon niya? Ano ang matututunan natin doon?
5. Saan sa kuwento may nakabangga si Pablo na mga demonyo? Anong naging tugon
niya? Ano ang matututunan natin doon?
64
6. Bakit sa tingin n’yo pinakamahirap na makabangga natin ang sarili nating puso na
nagmamatigas sa Diyos? Ano ang solusyon ng Diyos doon?
7. Ano ang itinuturo ng kuwentong ito tungkol sa Dios? Tungkol kay Jesus? Tungkol sa
Banal na Espiritu?
8. Anu-ano ang matututunan natin sa kuwentong ito tungkol sa iglesia at sa mga unang
tagasunod ni Jesus? Saan natin makikita ang identity ng church bilang:
a. Learners?
b. Family?
c. Worshippers?
d. Servants?
e. Missionaries?
9. Bilang mga tagasunod ni Jesus, anu-ano ang dapat nating sundin sa kuwentong ito?
Anu-anong hakbang ang gagawin mo para makasunod dito?

PAGPAPLANO (20 MIN)

Kailangang ang mga plano ay S-M-A-R-T (specific-measurable-attainable-relevant-timebound).


Isulat din ang mga napag-usapan.
Anu-ano ang dapat nating baguhin o simulang gawin tungkol sa…
1. Pagtugon sa paglabas ng mga maling katuruan o doktrina?

2. Pagresolba ng mga conflicts?

3. Spiritual warfare (tulad ng demon possession)?

4. Paghikayat sa mga miyembrong hindi pa nakikibahagi sa misyon?

PANANALANGIN (15 MIN)

Ayon sa kuwento ngayon, anu-ano ang dapat nating ipanalanging gawin ng Dios para sa
ating iglesia at sa iba pang iglesiang sisimulan natin? [Isulat ang mga hiniling sa panalangin at
tingnan sa mga susunod na araw kung paano sumasagot ang Dios sa panalangin.]

65
WEEK 12: Advancing God’s Kingdom

TANDAAN NG TRAINER

Ito ang mga pangunahing ideya o mga katotohanang gusto nating lumabas sa pagkukuwentuhan:

1. Ang kaharian ng Diyos ay higit na malaki kaysa sa iglesia o church. Ito ay saan man ang
Diyos ay naghahari, lalo na sa mga kumikilala sa kanya bilang Hari.
2. Desidido ang Diyos na ipakilala sa lahat ng dako ng mundo ang paghahari niya. Kaya dapat
maging pananaw at pangarap ng lahat ng miyembro ng iglesia ang ipakilala sa lahat ng tao
kung sino ang tunay na Hari at kung ano ang nais niya.
3. Hindi sapat ang pagiging relihiyoso para mapabilang sa kaharian ng Diyos. Ito ay para
lamang sa mga taong tumalikod na sa kanilang mga diyus-diyosan at ang Diyos na ng
prayoridad ng kanilang buhay.
4. Walang makakapigil sa Diyos sa pagsulong ng kanyang kaharian sa buong daigdig.

PAGKUKUMUSTAHAN (10 MIN)

1. Paano mo nakitang sumagot ang Dios sa mga hiniling natin sa kanya sa panalangin?
2. Paano mo nasunod ang napag-usapan natin noong nakaraang linggo?

PAGKUKUWENTUHAN (45 MIN)

Ikuwento…(Galing sa Gawa 17:16-34)


Scene 18 ~ Si Pablo sa Athens. Pagdating ni Pablo sa Athens, lubos siyang
nabahala sa nakita niyang maraming dios-diosan doon. Dahil doon,
nakikipagdiskusyon siya sa mga sumasamba sa bahay-sambahan ng mga
Judio doon pati na rin sa mga tao sa plasa at palengke.

Dalawang grupo ng mga tagapagturo ng pilosopiya ang nakipagtalo sa


kanya - mga Epicureo at Estoico. Sabi ng ilan, “Ano naman ang dinadaldal
ng mayabang iyan?” Ang sabi naman ng iba, “Iba yatang dios ang
ipinapangaral niya.” Sinabi nila iyon dahil ipinapangaral ni Pablo si Jesus at
ang kanyang muling pagkabuhay.

Isinama nila si Pablo sa Areopagus, lugar na pinagtitipunan ng mga


namumuno ng bayan. Sabi nila, “Gusto naming malaman iyang itinuturo
mong bago sa pandinig namin.” Wala kasi silang inatupag kundi
magdiskusyon sa mga bagong aral.

66
Tumayo si Pablo at nagsimulang magsalita, “Mga taga-Athens! Napansin
kong napaka-relihiyoso ninyo. Meron pa kayong altar ‘para sa hindi kilalang
Dios.’

”Siya ngayon ang ipapakilala ko sa inyo.

“Siya ang lumikha ng lahat, ang Panginoon ng langit at lupa. Hindi siya
nakatira sa templong gawa ng tao. Hindi niya kailangan ang tulong natin;
siya pa nga ang nagbigay ng buhay sa atin, at ng lahat ng kailangan natin.

”Siya ang gumawa ng lahat ng lahi at nagtakda ng mga hangganan nito.


Ginawa niya ito upang masumpungan natin siya. Huwag nating isiping ang
Dios ay gawa sa ginto, pilak o bato.

”Oo nga’t noon ay pinalampas ng Dios ang kasalanan ng tao. Ngunit ngayon,
inutusan ng Diyos ang lahat na talikuran na ang kanilang mga kasalanan.
Dahil nagtakda ang Dios na hahatulan niya ang lahat sa pamamagitan ni
Jesus na kanyang muling binuhay mula sa mga patay.”

Nang marinig nila ang tungkol sa muling pagkabuhay, pinagtawanan siya


ng ilan. Ang iba naman sabi, “Bumalik ka uli rito, gusto pa naming
maintindihan ang itinuturo mo.”

Meron din namang ilan na sumang-ayon kay Pablo at sumampalataya kay


Jesus.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…

67
Ikuwento…(Galing sa Gawa 19:8-20)
Scene 19 ~ Si Pablo sa Efeso. Pagdating ni Pablo sa Efeso, tatlong buwan
siyang patuloy na nagpupunta sa bahay-sambahan ng mga Judio. Hindi siya
natatakot sa mga tao roon kahit na ang iba sa kanila’y matigas talaga ang
ulo, ayaw maniwala, at sinisiraan pa sila. Patuloy pa rin niyang
ipinapaliwanag sa kanila ang tungkol sa paghahari ng Diyos. Kahit umalis
na siya sa bahay sambahan, kahit sa harap ng madla nakikipagdiskusyon
siya. Dalawang taon niya itong ginagawa kaya halos lahat ng nakatira sa
lalawigan ng Asia ay nakarinig ng salita ng Dios.

Maraming pambihirang himala ang ginawa ng Dios sa pamamagitan ni


Pablo. Kahit mga panyo at mga epron na ginagamit niya ay dinadala sa mga
may sakit at gumagaling sila, at lumalabas din ang masasamang espiritu.

Samantala, meron namang ilang Judiong gumagala at nagpapalayas ng


masasamang espiritu. Sinubukan nilang gamitin ang pangalan ng
Panginoong Jesus para palabasin ang masamang espiritu. Sabi nila sa
masamang espiritu, “Sa pangalan ni Jesus na ipinapangaral ni Pablo,
inuutusan ko kayong lumabas!”

Pero sinagot sila ng masamang espiritu, “Kilala ko si Jesus, ganoon din si


Pablo, pero sino naman kayo?”

At nilundag sila ng taong sinaniban ng masamang espiritu at sinaktan. Wala


silang magawa kaya tumakbo sila palabas ng bahay na hubad at sugatan.
Nabalitaan ito ng mga taga-Efeso. Natakot sila, at lalo pang naparangalan
ang pangalan ng Panginoong Jesus.

Marami sa mga sumampalataya ang lumapit at nagtapat ng kanilang


masasamang gawain. At marami ring mga salamangkero ang nagdala ng
kanilang aklat at sinunog nila mismo ang mga ito sa harap ng lahat. Ang
halaga ng aklat na sinunog ay umabot ng ilang daang milyon. Dahil sa
pangyayaring ito, lalo pang lumaganap ang kapangyarihan ng salita ng Dios.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag-usapan…
1. Ano ang ibig sabihin ng “Kaharian ng Diyos” o “Paghahari ng Diyos”?

68
2. Paano ipinapakilala ni Pablo ang Diyos bilang nag-iisang Hari?
3. Ano ang gusto ng Diyos na mangyari o gawin tungkol sa kanyang Kaharian? Kung
ganoon, ano dapat ang maging pananaw natin sa buhay?
4. Ayon sa kuwento, sinu-sino ang kabilang sa kaharian ng Diyos? Sinu-sino naman ang
hindi? Ano ang pinagkaiba ng mga taong ito? Isalarawan.
5. Ano ang dapat nating ipangaral sa mga tao tungkol sa Kaharian ng Diyos? Anong
magandang halimbawa ang matututunan natin sa pagmimisyon ni Pablo?
6. Paano mo nakita sa kuwento ang kapangyarihan ng Diyos na maisulong ang kanyang
Kaharian? Ano ang matututunan natin doon?
7. Ano ang itinuturo ng kuwentong ito tungkol sa Dios? Tungkol kay Jesus? Tungkol sa
Banal na Espiritu?
8. Anu-ano ang matututunan natin sa kuwentong ito tungkol sa iglesia at sa mga unang
tagasunod ni Jesus? Saan natin makikita ang identity ng church bilang:
a. Learners?
b. Family?
c. Worshippers?
d. Servants?
e. Missionaries?
9. Bilang mga tagasunod ni Jesus, anu-ano ang dapat nating sundin sa kuwentong ito?
Anu-anong hakbang ang gagawin mo para makasunod dito?

PAGPAPLANO (20 MIN)

Kailangang ang mga plano ay S-M-A-R-T (specific-measurable-attainable-relevant-timebound).


Isulat din ang mga napag-usapan.
Anu-ano ang dapat nating baguhin o simulang gawin tungkol sa…
1. Pagkakaroon ng malinaw na “vision” at mga “strategic goals” para church natin?

2. Pagkukuwento ng “Story of God” sa iba?

3. Paghahanda sa “spiritual warfare”?

69
PANANALANGIN (15 MIN)

Ayon sa kuwento ngayon, anu-ano ang dapat nating ipanalanging gawin ng Dios para sa
ating iglesia at sa iba pang iglesiang sisimulan natin? [Isulat ang mga hiniling sa panalangin at
tingnan sa mga susunod na araw kung paano sumasagot ang Dios sa panalangin.]

70
GraceComm Leader Role Description
The primary focus of your GraceComm is making disciples of Jesus who make disciples.
With this focus, the goal is to multiply your GraceComm into two within 12 months.

PERSONAL DISCIPLESHIP

1. Araw-araw na pakikinig sa Salita ng Diyos sa Bibliya, pananalangin at pagbubulay sa


Magandang Balita (gospel). (Ano ang pinag-aaralan mo? Ano ang sinasabi at itinuturo sa ‘yo
ng Diyos ngayon?)

2. Pakikilahok sa buwanang pagpupulong at pagsasanay ng mga GraceComm leaders.

3. Pakikilahok sa pagsasanay sa Doulos School of Ministry.

4. Regular na pakikipag-usap (minsan sa isang buwan o mas madalas pa) sa iyong


coach/elder.

5. Personal evaluation na minsan sa isa o dalawang buwan (sa pakikipag-ugnayan sa iyong


coach/elder o kasama ang iba pang GraceComm leaders).

LEADING OTHERS IN DISCIPLESHIP

1. Humanap at pumili ng co-leader(s) sa inyong GraceComm at ihanda sila na manguna ng


sarili nilang GraceComm kapag nakapagsimula na kayo ng panibagong GraceComm.
[Servant/Missionary]

2. Meron kang intensyonal na pakikipagrelasyon sa mga di-pa-Cristiano (dalawa o higit pa)


para maakay sila sa pagsunod kay Jesus. (Meron kang plano kung anu-ano ang mga
susunod na hakbang para sa mga taong iyon) [Servant/Missionary]

3. Alam mo at tinutulungan mo ang bawat isa sa GraceComm n’yo na magkaroon ng isa o higit
pang tao na kanilang aakayin sa pagsunod kay Jesus (disciple-making). (Tinutulungan mo
sila na gumawa ng intensyonal na plano gamit ang Personal Disciple-Making Plan)
[Missionary/Learner]

4. Meron kang buwanang pangungumusta sa bawat isang miyembro ng GraceComm


tungkol sa kanilang personal discipleship at discipleship sa ibang tao. [Family/Learner]

5. Hinihikayat mo ang bawat miyembro ng GraceComm na magkaroon ng lingguhang


pakikipagkita sa ibang miyembro (bukod pa sa weekly gathering) para matutunang
mamuhay bilang “pamilya ng Diyos na nakikibahagi sa misyon ng Diyos.”) [Family]

6. Nananalangin ka para sa bawat miyembro ng GraceComm - minsan sa isang linggo


(Maganda kung meron kang prayer journal na nakasulat ang tatlong bagay: 1) Mga prayer
requests mo na hiniling sa Diyos para sa taong iyon; 2) Mga sagot sa panalangin; 3) Ano ang
sinasabi sa iyo ng Diyos tungkol sa taong iyon.) [Family/Worshiper]

71
7. Fight Clubs - quarterly review (Lahat ba ay may Fight Club na? Gumawa ng listahan o
record para dito para regular na maiupdate. Nasaang level na sila ng kanilang honesty at
accountability? Nakakatulong na ba silang makapagsimula ng mga bagong Fight Clubs?)
[Family/Learner]

8. Regular na tinatanong mo ang mga miyembro mo tungkol sa kanilang pagiging “servants.”


Paano sila naging pagpapala sa buhay ng ibang tao nitong nakaraang isang buwan?
(Obserbahan kung natututo silang manalangin sa Diyos at gumawa ng paraan para
makapaglingkod sa ibang tao. Pangunahan mo sila sa pagpaplano kung paano sila magiging
blessing sa dalawa o tatlong tao sa isang linggo. Pag-usapan sa gathering kung anong
nangyari at ipagdiwang ito ng buong grupo!) [Servant/Worshiper]

LEADING A COMMUNITY OF DISCIPLES

1. Pangungunahan mo ang grupo na magkaroon ng sariling GraceComm Covenant, kung


saan nakadetalye ang misyon n’yo sa susunod na 12 buwan, kasama na ang “finance and
budgeting” na kailangan dito (tutulungan ka ng coach/elder mo para sa prosesong ito)
[Missionary]

2. Buwanang pag-review ng GraceComm covenant at pag-aaral kung nagiging epektibo ito.


Ipagdiwang n’yo ang mga nakikita n’yong natutupad at mga ebidensya ng pagkilos ng
Panginoon sa mga nakasulat sa covenant n’yo. (Kumusta na tayo sa pagtupad sa mga
napagkasunduan nating pagtutulung-tulungan?) [Family, Missionary, Servant, Learner,
Worshiper]

3. Regular na pangunguna sa GraceComm sa: Panalangin para sa mga di-pa-Cristiano;


Paglilingkod sa mga di-pa-Cristiano bilang pagpapakita ng Magandang Balita (gospel);
Pagsasalita at pagbabahagi ng tungkol sa Magandang Balita (gospel) [Missionary]

4. Pangunguna sa GraceComm para magkakilala pa ang bawat isa at mas tumibay ang
relasyon bilang magkakapatid kay Cristo, lalo na ang mga nag-didisciple sa dinidisciple
nila (One2One at Fight Club), pati na rin ang mga bago para maipakilala sa iba at ma-
integrate sa GraceComm.

5. Pangungunahan ang GraceComm na makapag-Story of God (SOG, 12 Weeks) nang tatlong


beses o higit pa sa loob ng isang taon, at masanay ang mga bagong disciples sa The Story of
God Training for Trainers (SOG-T4T).

Nabasa at nauunawaan ko ang Role Description na ito. Nagpapakumbaba akong nagpapasakop na


matutunan pa at lumago sa lahat ng mga bahaging dapat kong gampanan bilang GraceComm
leader. Sa tulong ng biyaya ng Diyos at sa kapangyarihan ng Espiritu, nakikipagtipan ako kasama
ang iba pang GraceComm leaders na tuparin ang mga tungkuling ito sa abot ng aking makakaya,
buong puso, at may malaking kagalakan.

Name: _________________________________________________ Date: _______________________

72
GraceComm Leader Personal Evaluation
Pag-usapan ang mga bahaging kailangan mo ng higit na tulong kasama ang coach o elder na
nangunguna sa iyo.

1. Basahing mabuti at may panalangin ang 1 Timoteo 3.

 Sa mga binanggit dito, paano ko nakikitang lumalago ako sa mga karakter na


kailangan para manguna?

 Anong karakter ang nararamdaman ko ang struggle ngayon?

2. Lumalago ba ang pagnanais kong magbasa at makinig ng Salita ng Diyos?

 Mas hinahangad ko ba ngayon na maglaan ng sapat na panahon sa Salita ng Diyos


(bukod sa pag-aaral nito para sa paghahanda sa pagtuturo)?

 Napapansin ko bang hinahanap ko ang karunungan at kalakasang kailangan ko sa


Salita ng Diyos araw-araw?

3. Lumalago ba ako sa pagkakilala sa sarili kong makasalanan at nangangailangan ng biyaya


at tulong ng Diyos araw-araw?

4. Lumalago ba ako sa kakayahan kong maipahayag nang malinaw ang Magandang Balita
(gospel) sa anumang sitwasyon o pagkakataon?

5. Napoprotektahan ko ba ang kalinisan ng aking mata at isip?

 Tumitingin ba ako ng mga pornographic at sexually explicit na mga larawan o


videos?

 Tumitingin ba ako at nag-iisip nang mahalay sa ibang babae (o lalaki)?

6. Nagtitiwala ba ako sa Banal na Espiritu para gabayan at palakasin ako sa pangunguna sa


aming GraceComm?

7. Nararamdaman ko ba ang kasiyahan, pananabik, pagtitiwala, pagkamangha, at pasasalamat


kapag binabanggit o iniisip ko ang tungkol sa Panginoong Jesus?

8. Namumuhay ba akong may kumpiyansa na “God is great” - kaya di na kailangang ako


ang may kontrol? Ilan sa mga tanda na di ko ito pinaniniwalaan:

 Sinusubukan kong kontrolin ang gawa ng ibang tao sa paraang kinaiinisan nila o
hindi nila nagugustuhan;

 Hindi ako flexible at natatakot akong gumawa ng hakbang na di ko sigurado ang


magiging resulta;

 Nawawalan ako ng pasensya sa mga tao; Iniiwasan ko ang responsibilidad o


tungkulin.

73
9. Namumuhay ba akong may kumpiyansa na “God is glorious” - kaya di na kailangang
matakot ako sa iba? Ilan sa mga tanda na di ko ito pinaniniwalaan:

 Iniiwasan ko ang confrontation;

 Madalas akong naghahanap ng approval ng iba;

 Naiiba ang pagkilos ko kapag kasama ko ang ibang tao;

 Nagpapanggap ako o itinatago ko kung ano ang totoong pagkatao ko.

10. Namumuhay ba akong may kumpiyansa na “God is good” - kaya di na ko kailangang


maghanap pa ng iba? Ilan sa mga tanda na di ko ito pinaniniwalaan:

 Minsan nararamdaman kong burden o pabigat sa akin ang paglilingkod sa


ministeryo;

 Madalas akong nagrereklamo;

 Napaparamdam ko sa mga tao ang dagdag na burden sa mga dapat nilang gawin;

 Nahihirapan akong mag-focus at di ko itinutuloy na tapusin ang mga nasimulang


proyekto o gawain.

11. Namumuhay ba akong may kumpiyansa na “God is gracious” - kaya di ko na kailangang


patunayan ang sarili ko? Ilan sa mga tanda na di ko ito pinaniniwalaan:

 Nahihirapan akong tanggapin ang mga pagkakamali ko at mga pagpuna ng iba sa


akin;

 Nahihirapan akong mag-relax;

 Nagmamataas ako sa maganda kong nagawa at naiinggit naman ako sa success ng


iba;

 Pinararamdam ko sa mga tao na “guilty” sila.

12. Sa mga may asawa:

 Meron ba akong regular na pakikipag-date sa asawa ko?

 Napapangunahan ko ba ang asawa ko (at mga anak) sa mga espirituwal na bagay


(family worship and discipleship)?

 Mas malapit ba ako at mas intimate ang relasyon ko sa asawa ko kung ikukumpara
sa nakaraang anim na buwan?

74
GraceComm Planning Guide







75





76
Isang Gabay sa Pagdiriwang ng Komunyon (Lord’s Supper)
Galing kay Robert French

1. Kung hindi sanay ang grupo ninyo na karaniwang miyembro ang nangunguna para sa Banal na
Hapunan, pwedeng magpaliwanag ng ganito: Ayon sa 1 Pedro 2:4-10, saserdote (pari) ang
lahat ng mananampalataya. Sa Mga Gawa 2:46, nakikitang nagdiriwang ng Banal na
Hapunan sa kani-kanilang mga bahay. Walang nakalagay sa Biblia na espesyal lang na
mananampalataya ang puwedeng manguna sa Banal na Hapunan. Kundi, mukhang
puwedeng magBanal na Hapunan ang sinumang mananampalataya sa kanyang bahay.
Puwedeng gumamit ng karaniwang baso at juice, at karaniwang tinapay at biskuwit,
tulad ng “Skyflakes”.

2. Mag-awitan muna kayo para simulan ang Banal na Hapunan.

3. Ipabasa ang 1 Corinto 11:23-26.

4. Sasabihin ng lider: Puwedeng makibahagi sa Banal na Hapunan ang lahat ng naniniwala


na si Jesus ang nagbayad ng lubos para sa lahat ng kanilang kasalanan. Pero walang
dapat ikahiya kung hindi makikibahagi. Suriin natin ang ating mga puso bago
makibahagi. Ngayon, ipahayag ninyo ng tahimik sa Diyos ang inyong mga kasalanan.

5. Bigyan sila ng ilang minuto para ipahayag ang kanilang kasalanan sa Diyos.

6. Sasabihin ng lider: Nakalagay sa 1 Juan 1:9: Kung ipapahayag natin ang ating mga
kasalanan, maaasahan nating ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo sa
lahat ng ating mga kasamaan sapagkat siya’y matuwid (Magandang Balita Biblia). Noong
gabing Siya’y ipagkanulo, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad na dapat Siyang
alalahanin tuwing kakain sila ng Banal na Hapunan. Ngayon, alalahanin na natin si Jesus
sa ating pagsasama-sama sa pagkain ng tinapay at sa pag-inom ng saro ng Panginoon.

7. Magpapasalamat ang isang miyembro para sa tinapay. Magpapasalamat ang isa pang
miyembro para sa saro.

9. Ipamimigay na ang tinapay at saro sa lahat ng may gustong makibahagi.

10. Kukuha ng tinapay ang lider at sasabihin niya: Noong gabing ipinagkanulo si Jesus,
dumampot Siya ng tinapay at nagpasalamat. Pinagpira-piraso Niya ito at sinabi: “Ito ang
aking katawan na ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin”
(Lucas 22:19, Magandang Balita Biblia)

11. Pagkakain ng lahat, kukuha ng saro ang lider at sasabihin niya: “Hinawakan niya ang saro,
nagpasalamat sa Diyos at ibinigay sa kanila. ‘Uminom kayong lahat nito,’ sabi niya.
‘Sapagkat ito ang dugo ng tipan, ang aking dugo na mabubuhos dahil sa marami, sa
ikapagpapatawad ng mga kasalanan.” (Mateo 26:27-28, Magandang Balita Biblia).

12. Pagkainom ng lahat, mananalangin ang isang miyembro nang pasalamat.

13. Hihingi ang lider ng idadalangin ng mga miyembro. Manalangin kayong magkakasama.

15. Kung gusto ninyo, mag-awitan kayo bilang pangwakas ng Banal na Hapunan.
77
Isang Gabay sa S-M-A-R-T na Pagpaplano
Galing kay Paul J. Meyer

S PECIFIC
Kailangang tiyak at may malinaw na layunin sa halip na masyadong “general.” Para mas maging
tiyak at malinaw, dapat pag-usapan kung ano talaga ang inaasahang maisagawa o matupad, bakit
ito mahalaga, sinu-sino ang dapat makilahok, saan ito gagawin at paano ito isasagawa.

 What: Ano ang gusto nating gawin o maisakatuparan?


 Why: Bakit natin ito gagawin? Ano ang layunin natin? Ano ang resulta kung gagawin natin ‘to?
 Who: Sinu-sino ang kasali dito? Ang mangunguna? Ang makikilahok?
 Where: Saan natin ito gagawin?
 Which: Meron bang mga limitasyon? Mga hadlang?

M EASURABLE
Kailangang merong sukatan para malaman n’yo kung nagkakaroon ba ng progreso o pagsulong
sa pag-abot ng itinakdang layunin. Kung di ito masusukat, imposibleng malaman n’yo kung
naisasagawa n’yo ba ang napagplanuhang dapat gawin. Kung masusukat ninyo, makakatulong ito
sa inyo na matiyak na “on track” kayo, o nasa tamang direksyon, at nagpapatuloy ang kasabikang
maabot nang sama-sama ang layunin o mithiin.

 How much: Magkano ang kailangang gastusin?


 How many: Gaano karami ang kailangan?
 How will I know when it is accomplished: Paano ko malalamang natapos na?

A TTAINABLE
Kailangan ding makatotohanan ang mga goals na napag-uusapan at maisasagawa ito ng grupo.
Hindi ibig sabihing dapat ay madali lang. Maaaring mag-exert kayo ng matinding effort, pero hindi
naman ito imposible. Kapag napag-usapan n’yo ang mga dapat maisagawa, pag-uusapan n’yo din
ang mga paraan para maging realidad ito at magkatotoo. Sinasanay n’yo ang bawat isa para sa
kailangang karakter, abilidad, at pinansiyal na kakayahang maabot ang plano n’yo.

 How: Paano maisasakatuparan ang layunin o plano?

R ELEVANT
Dapat ding tiyaking may kahalagahan ang mga layunin o goals. Mahalaga ito sa boss n’yo, sa team
n’yo at sa buong organisasyon para mapagtulung-tulungan at di magkanya-kanya. Kung mahalaga

78
ito para sa lahat, ito ang magbibigay sa inyo ng kasabikan at commitment na gawin ang lahat ng
dapat gawin para matupad ito. Dapat na “oo” ang sagot sa mga tanong na ito:

 Sulit ba ang lakas, panahon at perang gugugulin natin dito?


 Ito ba ang tamang panahon?
 Nakakonekta ba ito sa iba nating mga kailangang gawin?
 Tayo ba dapat ang gumawa nito?

T IME-BOUND
Kailangan ding may time frame, ito ang magbibigay sa inyo ng target date. Kung may commitment
kayo na may deadline ang planong ito, mas magkakaroon ng focus at prayoridad ang mga dapat
unahing gawin. Ito rin ang magbibigay sa inyo ng sense of urgency, para hindi parelax-relax lang.

 When: Kailan natin ito gagawin?


 Ano ang magagawa natin anim na buwan mula ngayon?
 Ano ang magagawa natin anim na linggo mula ngayon?
 Ano na ang magagawa natin ngayong araw o ngayong linggo?

79
References

 Illustrations are from Distant Shores Media (http://bit.ly/1ooApcG) and produced by Sweet
Publishing (http://sweetpublishing.com)

 GCM Collective. www.gcmcollective.org/

 Storying Training for Trainers (S-T4T). http://www.st4t.org/

 Parfan, Derick. The Story of God’s Church: A Sermon Series on the Book of Acts. Preached at Baliwag
Bible Christian Church, Baliwag, Bulacan (January to June 2013). http://wp.me/Po4gZ-1hZ

 SMART Criteria. http://en.wikipedia.org/wiki/SMART_criteria

80

You might also like