You are on page 1of 2

ANG UNANG PAGBASA AY MULA SA AKLAT NI PROPETA

HOSEA
(KABANATA 11 TALATAAN 1-11)
Ang Pag-ibig ng Diyos sa Rebelde Niyang Bayan
11 “Nang bata pa ang Israel, siya'y aking minahal, at tinawag ko
ang aking anak mula sa Egipto. 2 Ngunit habang siya'y tinatawag
ko,
lalo naman siyang lumalayo. Lagi na lamang siyang
naghahandog sa mga Baal,
at nagsusunog ng insenso sa mga diyus-diyosan. 3 Ako ang
nagturo kay Efraim na lumakad, inakay ko siya sa kanyang
paghakbang; ngunit hindi niya kinilala ang pag-aalaga ko sa
kanya. 4 Pinatnubayan ko siya nang buong pagmamalasakit at
nang buong pagmamahal. Ang katulad ko'y isang nag-aalis ng
busal sa kanilang bibig,
at yumuko ako upang sila'y mapakain.
5
“Magbabalik sila sa Egipto, at paghaharian ng Asiria, sapagkat
ayaw nilang magbalik sa akin.
6
Lulusubin ng kaaway ang kanilang mga lunsod,
wawasakin ang pampinid sa kanilang mga pinto, at lilipulin sila
sa loob ng kanilang mga kuta. 7 Ang bayan ko'y nagpasya nang
tumalikod sa akin; kaya't sa pamatok sila'y itinakda, at walang
sinumang makakapag-alis nito.8 “Pababayaan ba kita, Efraim?
Ikaw ba'y ibibigay ko sa kaaway, Israel?
Maitutulad ba kita sa Adma?
Magagawa ko ba sa iyo ang aking ginawa sa Zeboim? Hindi ito
kayang gawin ng puso ko;
kahabagan ko'y nananaig. 9 Hindi ko ipadarama ang bigat ng
aking poot;
Hindi ko na muling sisirain ang Efraim.
Sapagkat ako'y Diyos at hindi tao,
ang Banal na Diyos na nasa kalagitnaan ninyo,
at hindi ako naparito upang kayo'y wasakin.
10
“Susundin nila si Yahweh; siya'y uungal na parang leon, at mula
sa kanlura'y nanginginig na darating ang kanyang mga anak na
lalaki.
11
Nagmamadali silang darating na parang mga ibong mula sa
Egipto, at mga kalapating mula sa Asiria. Sa kanilang tahana'y
ibabalik ko sila,” sabi ni Yahweh.

ANG SALITA NG DIYOS!

You might also like