You are on page 1of 13

7

ARALING PANLIPUNAN
Unang Markahan- Modyul 1
(Unang Linggo)
Alamin Natin

KASANAYANG PAMPAGKATUTO (AP 7HAS.1a1.1) – WEEK

LAYUNIN:
Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating – heograpiko:
Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Timog Silangang Asya.

PAKSA:

Katangiang Pisikal ng Asya

Sa modyul na ito ay matutuklasan ang mga angking katangian ng Asya bilang isang kontinente
at ang implikasyon nito sa kaunlaran ng mga bansang Asyano. Dito ay naipamamalas ang
malailim na pag-unawa at pagpapahalaga sa rehiyong Asya sa mayamang katangian at
kakayahan ng heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunan at sa iba’t ibang larangan ng buhay
tungo sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.

Subukin Natin

Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral sa Heograpiya ng Asya, subukin mo munang sagutin ang

unang pagtataya upang iyong masukat kung hanggang saan ang iyong kaalaman tungkol sa aralin.

PANUTO: ang Asya ay hinati sa mga heologo sa mga rehiyon. Ano-ano ang rehiyon ng Asya?
Tukuyin ang mga ito sa mapa.

Silangang Asya
.
Hilagang Asya

Timog Asya
Kanlurang Asya

Tmog Silangang Asya


MT.EVEREST-ito ay matatagpuan sa
pagitan ng Nepal at Tibet

KHYBER PASS-ito ay matatagpuan sa


pagitan ng Pakistan at Afghanistan

ILOG HUANG HO-ito ay matatagpuan sa


Tsina

BANAUE RICE
TERRACES-ito ay matatagpuan
Banaue,Ifugao

LAKE BAIKAL-itpo ay matatagpuan sa


Timog Rusia sa rehiyon ng Silberia
DEAD SEA-ito ay matatagpuan sa Israel

Isaisip Natin

ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon: ang Silangang Asya, Timog Silangang Asya, Timog Asya,
Kanlurang Asya at Hilagang Asya/Gitnang Asya. Ang pagkakabahagi ng Asya mga rehiyon ay
naaayon sa ipinahihiwatig na pagkakakilanlan at kaugnayan ng mga lupaing sakop nito ayon sa
pisikal, political, kiltural at historikal na pagkakaiba sa isat-isa. Ang rehiyon ay tumutukoy sa
pagkakabahagi ng lupain sa daigdig sa higit na maliit na bahagi. Tunghayan sa mapa ng asya ang
mga bansang sakop ng bawat rehiyon. Ang pagkakahati ng asya sa mga rehiyon ay isinasagawa
upang higit na maging madal i at maayos na mapag-aralan ang mga heologo ang mga lupaing bahagi
nito.

Pinakamalaki ang kontinente ng Asya sa daigdig. Ito ay may kabuuang sukat na mahigit 17
milyong milya kuwadrado (humigit kumulang 44,579, 000 sq.km).

Katumbas nito ang pinag-sama-samang lupain ng North America, South America at Australia. Halos
¼ lamang nito ang Europe. Tinatayang 1/3 na bahagi ng kabuuang lupain ng daigdig ang kabuuang

sukat ng Asya..

TIYAKIN NATIN

a. Pagsagot sa journal Prompts


1.Ano ang Heograpiya? Ang Heograpiya ay ang paglalarawan sa daigdig.

2. Bakit mahalagang maunawaan ito ay mahalaga dahil para maunawaan natin ang

natin an gating heograpiya? Maraming bagay tungkol sa ating daigdig..

3. Ano ang kontenente? Ang kontente ay ang pinaka malawak na uri ng

Anyong lupa

5. Ano ang rehiyon? Ang rehiyon ay isng salita o katawagang heograpiya

4. Ano kaya kung ang daigdig ay magkakagulo mag aagawan sa mga lupa

hindi nahahati sa kontenente?

6. Bakit hinati-hati ng mga dahil binatay nila ito sa lugar at lokasyon

heologo ang mga kontenete sa

rehiyon?

Ibuod ang inyong sagot sa tatlong pangungusap.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________

Pagyamanin Natin

Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Kontinente ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng

lupain sa daigdig. Isa sa mga paraan ng pagkuha ng lokasyon ng isang kontinente at bansa ay sa
pamamagitan ng pagtukoy ng Latitude (distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng Equator)
at Longitude (mga distansyang angular na tinutukoy sa silangan at kanluran ng Prim e Meridian) nito.

Ang Equator ay ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere nito, at
ang Prime Meridian naman ay ang zero-degree longtitude. Nasasakop ng

Asya ang mula 10 degree timog hanggang 90 degree Hilagang Latitude at mula 11 degree hanggang 175
degree Silangang Longitude.

Suriin Natin

MGA ANYONG LUPA SA ASYA

Halos lahat ng uri ng anyong lupa at matatapuan sa Asya. Sa katotohanan, sa asya matatagpuan
ang halos lahat ng uri ng anyong lupa sa daigdig. Ang kontenente ay katatagpuan ng nagtataasang
hanay ng mga bundok, mga aktibong bulkan, malawak na nagtataasang talampas, mga saganang
lambak at kapatagan, naglalakihang tangway at mayayamang pulo at kapuluan. Dahil dito, natural
lamang na nagkakaiba -iba ang buhay at kultura ng mga asyanong naninirahan dito.
TIYAKIN NATIN

Pagbuo ng Matrix

Sinasabing ang asya ay lupain ng mga kasukdulan o land of extremes. Patunayan ito. Buuin ang
mantrix na maghahayag sa mga kilalang anyong lupang matatagpuan sa Asya.
Anyong lupa Mga halimbawa Mga Bansa/Rehiyon
katangian
Mga bundok MT.EVEREST Pinakamataas na
Na budok

Mga talampas
Mga kapatagan at lambak

Mga pulo at kapuluan

Mga tangway

Mga disyerto
MGA ANYONG TUBIG SA ASYA

Ang anyong tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig, kadalasang tinatakpan ang
ibabaw ng isang planeta katulad ng Daigdig. Hindi kinakailangan na hindi gumagalaw o nakapaloob
ang isang anyong tubig; ang mga ilog, sapa, kanal, agusan, bambang at ibang katangiang pang-
heograpiya kung saan dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar hanggang sa isa

pang lugar ay tinuturing ding anyong tubig.

TIYAKIN NATIN
Pagbuo ng Tsart: Buuin ang chart ayon sa hinihingi nito.
kinalulugaran
Anyong tubig Halimbawa/katangian
Mga Ilog

Mga Lawa

Mga Golpo, Dagat, at Kipot

a. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

BAKIT?

1. Tinawag na puso at kaluluwa ng timog-silangan ang Mekong River?


2. Itinuturing na biyaya at pighati ng China ang Huang Raiver?
3. Itinuturing na gulugod ng Pakistan ang Indus River?
4. Tinatawag na dead sea ang Dead Sea?
5. Nagingmahalagang bahagi ng buhay ng mga Hindu ang Ganges River?

b. Bumuo ng isang paglalahat na maghahayag sa naging implikasyon ng mga anyong tubig


ng asya sa kabihasnang asyano.

Suriin Natin

Ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng mundo ay tinatawag na Heograpiya. Ang bawat salik
nito ay nakapagbibigay impluwensya sa pagbuo at paghubog ng kabihasnan ng mga Asyano at patuloy
na humuhubog sa kanilang kabuhayan.

Pagmasdan ang iyong paligid. Alin sa mga nakikita o nararanasan mo ang maituturing
mong bahagi ng pisikal na katangian ng daigdig? Sagutan mo ito sa pamamagitan ng isang concept
map. Isulat ang mga sagot sa loob ng bilog.
HEOGRAPIYA

Isagawa Natin

Sumulat ng mga natatangi/magagandang lugar sa ating bansa. Alin sa mga lugar na ito ang iyong
napuntahan o napasyalan.

Tayahin Natin

PANUTO: Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa guhit bago
ang bilang.

_____1. Ito ay ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng mundo.

a. Sosyolohiya b. Heograpiy c. Sikolohiya d. Kasaysaya


______2. Ito ang tawag sa pinakalamaking bahagi ng lupain sa daigdig.

a. Kapatagan b. Talampas c. Bulubundukin d. Kontinente

______3. Itinuturing na pinakalamaking kontinente ng daigdig.

a. Asya b. Africa c. Antarctica d. Australia

______4. Rehiyong kinabibilangan ng India, Afghanistan, Pakistan, Bangladesh, Nepal,


Bhutan, Sri Lanka at Maldives.

a. Silangang Asya b. Kanlurang Asya c. Hilagang Asya d.Timog Asya

______5. Rehiyong kinabibilangan ng China, Japan, North at South Korea at Taiwan

a. Timog Asya b. Silangang Asya c. Hilagang Asya d. Kanlurang Asya

______6. Hinati-hati ang Asya sa iba’t ibang rehiyon. Ilan ang mga ito?
a.5 b.4 c.3 d.6
______7. Anu-ano ang mga naging batayan sa paghahati-hati ng mga bansa sa Asya
sa iba’t ibang rehiyon?

a. Pisikal at historikal na aspeto


c. Historikal at kultural na aspeto
b.Pisikal at Kultural na aspeto
d.Pisikal, kultural at historical na aspeto

______8. Isa sa mga maunlad na bansa sa Asya ay ang Singapore. Saang rehiyon ito
matatagpuan?

a.Hilagang Asya c.Timog Silangang Asya


b.Timog Asya d.Kanlurang Asya
_______9. Distansiyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator.

a. Prime Meridian b. Longitude c. Latitude d. International Date line

_______10. Ang mga sumusunod ay mga linyang matatagpuan sa globo maliban sa


isa.

a. Prime Meridian b. Equator c. Latitude d. Linear

Sanggunian:

Aklat sa Araling Panlipunan

Google Search Wikipedia Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul Para sa Mag-aaral

Inihanda ni:

JUDY ANN JALOS


Guro sa Araling Panlipunan

You might also like