You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino – 8

I – LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin ang lahat ng mga mag-aaral ay inaasahan na;

a. matutukoy ang mga karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera


sa Pelikula,
b. maiisa-isa ang mga karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera sa
Pelikula,
c. mabibigyang halaga ang mga karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng
Kamera sa Pelikula.

II – PAKSANG ARALIN

Paksa: Mga Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera sa Pelikula

Sanggunian: DLL, TM p. 71 – 73, LM p. 75 - 80

Iba pang Kagamitan: Larawan, Biswal eyds, Panulat(marker),

III – PAMAMARAAN

1. Pambungad na panalangin

Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro para pangunahan ang panalangin.

2. Pagbabalik – Aral

2.a. Katanungan: Ano ang ating napag-aralan noong nakaraang talakayan?

2.b. Magiging Sagot: Ang napag-aralan natin noong nakaraang talakayan ay


ang mga elemento sa pagkuha ng dokumentaryong pampelikula.

3. Pagganyak

Magpapakita ng mga larawan ng iba’t – ibang uri ng anggulo at kuha ng


Kamera at ipatukoy sa mga mag-aaral kung ano ang napapansin nila sa mga
larawan.

4. Pagpapakilala sa aralin

Sa araw na ito ang ating tatalakayin ay ang tungkol sa mga karaniwang


Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera sa Pelikula,

5. Pagtatalakay
Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera sa Pelikula - ito
ay pagtukoy sa mga uri ng camera shots & angles, ang mga pahiwatig
nito ay mahalagang matalakay upang mabigyang-diin maging ang mga
simbolismo na ginamit at pinalitaw sa pelikula.

1. Establishing / Long Shot – Sa ibang termino ay tinatawag na “scene-


setting”. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang
bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o
dokumentaryo.

2. Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang


paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa
pagitan ng dalawang taong nag-uusap. Gayundin, kapag may ipakikitang
isang maaksiyong detalye.

3. Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang,


hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus
sa ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang papel.

4. Extreme-Close Up – Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot”.


Ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up . Halimbawa,
ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip na sa buong mukha.

5. High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang
anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.

6. Low Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang
anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.

7. Birds Eye-View – Maari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na


sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi.
Halimbawa nito ay ang senaryo ng buong karagatan at mga kabundukan
na ang manonood ay tila isang ibong lumilipad sa himpapawid.

8. Panning Shots – Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang


kamera upang masundan ang detalyeng kinukunan. Halimbawa nito ay
ang kuha sa isang tumatakbong sasakyan o isang taong kumakaripas ng
takbo.

5.a. Activity/Gawain

Panuto: Pangkatin ang klase sa dalawa, tutukuyin ng unang pangkat ang


iba’t – ibang Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera sa
Pelikula ayon sa nakikita nila sa mga larawan at ipaliwanag ito, at ang
pangalawang pangkat naman ay isa-isahin at isulat ang kahulugan ng
mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera sa Pelikula.

Unang Pangkat.

Tukuyin ang iba’t – ibang Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng


Kamera sa Pelikula ayon sa nakikita ninyo sa mga larawan at ipaliwanag ito.
Pangalawang Pangkat.

Isa-isahin at isulat ang kahulugan ng mga Karaniwang Uri ng Anggulo at


Kuha ng
Kamera sa Pelikula na nakasulat sa ibaba;

Birds Eye-View Medium Shot

Establishing / Long Shot Low Angle Shot

5.b. Analysis/Pagsusuri

5.b. 1 Ano ang naramdaman ninyo na kayo ang nanguna sa gawaing ito?
5.b. 2 Ano naman ang naramdaman ninyo ng nahirapan kayo sa gawaing
ito?
5.b. 3 Sa susunod na bigyan kayo ng gawain, ano ang nararapat ninyong
gawin?

5.c. Abstraction/Paghahalaw

Kung kayo ang magtuturo sa araling ito, paano ninyo maipapaintindi ito sa
mga mag-aaral?

5.d. Application/Paglalapat

Panuto: Pangkatin ang klase sa dalawa at paunahan sa pagdikit sa pisara


ng mga larawan na nagpapakita sa kung ano ang sinasabi ng guro.

5.d.1 Larawan na nagpapakita ng Panning Shots.


5.d.2 Larawan na nagpapakita ng High Angle Shot.
5.d.3 Larawan na nagpapakita ng Low Angle Shot.
5.d.4 Larawan na nagpapakita ng Extreme Close – Up.
5.d.5 Larawan na nagpapakita ng Close-up.

5.e Generalization/Paglalahat

Ano ang natutunan ninyo sa aralin natin ngayon?

IV – PAGTATAYA

Panuto: Piliin sa kahon at Isulat sa patlang ang wastong kasagutan. Titik lamang
ang isulat.

a. Establishing / Long Shot e. High Angle Shot


b. Medium Shot f. Low Angle Shot
c. Close-Up Shot g. Birds Eye-View
d. Extreme-Close Up h. Panning Shots

1. Ang pukos ng kamera ay nasa mata lamang sa halip na sa buong mukha.

2. Halimbawa nito ay ang kuha sa isang tumatakbong sasakyan o isang taong


kumakaripas ng takbo.
3. Ang pukos ng kamera ay nasa isang partikular lamang, hindi binibigyang-diin
ang mga nasa paligid.
4. Ang kamera ay nasa ibabang bahagi, kaya ang anggulo o pokus ay sa itaas.

5. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng


Ideya ang mga nanunuod sa magiging takbo ng pelikula.
V – TAKDANG ARALIN

Panuorin ang isang Indie Film na “Ang Babae sa Septic Tank” sa


direksiyon ni Marlon Rivera, ito ay isang pelikulang nagkamit ng maraming
parangal na ang pangunahing tema ay suliraning panlipunan at itala ang mga
eksina kung saan nagpapakita ng mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng
Kamera.

Inihanda ni:

MICHAEL E. COS
Gurong Mag-aaral

MARK ANTHONY O. ROSERO


Kritikong Guro

Iwinasto nina:

HAROLD M. BENZON ROSA M. DIMEN


Punong Guro (JHS) Retiradong Punong Guro

Sinang-ayunan ni:

SANNY S. MAGLENTE
Dekano ng Kolehiyo ng Edukasyon

You might also like