You are on page 1of 2

Banghay- Aralin sa Filipino G-9 St.

Therese

Ni: Ricky C. Arabis

June 25, 2023

I- Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakikilala ang mga element ng movie trailer batay sa napanood at napakinggang ulat
2. Nahihinuha ang ang bawat katangian ng mga elemento at natutukoy ang kahalagahan ng bawat isa
sa isang movie trailer
3. Nakakagawa ng iba’t ibang kuha ng larawan gamit ang kamera

II- Paksang –Aralin


1. Paksa: Panitikang pam Pilipino
2. Sanggunian: Filipino Modyul para sa Mag-aaral
3. Kagamitan: mga larawan, led Tv, manila paper

III- Pamamaraan

A. Paghahanda
a. Panalangin
b. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral
c. Pagganyak
B. Paglalahad

Magpapakita ng isang movie clip ang guro sa led tv. Magtatanong sa mga mag-aaral
tungkol sa elementong maaring ginamit sa movie clip.

C. Paglalapat
Pagkatapos talakayan, magtatanong uli ang guro, kung anu-ano ang mga element ginamit
batay sa napakinggang pahayag ng bawat isa (Pangkatang Gawain)

D. Paggamit
Hatiin sa dalawa ang klase.
Unang grupo- I-ulat ang mga elemento ng movie trailer gamit ang Talk Show “ Magandang
Buhay”
Ikalawang grupo- Ibigay ang iba’t ibang angulo ng larawan gamit ang news casting “ TV
Patrol”
E. Paglalahat
Dito inuri ng mga mag-aaral at iniisa-isa ang mga elemento ng movie trailer at anggulo ng
mga kuha ng kamera.

IV- Pagtataya
Gamit ang kanilang kamera, kumuha ng mga anggulo at kuha ng kamera sa labas at loob ng
paaralan. Isalaysay ang nangyari.
V- Takdang aralin
Basahin ang sunod na uri ng mitolohiya ang Maaring Lumipad ang Tao..Pahina 247..

You might also like