You are on page 1of 6

IPIL NATIONAL HIGH SCHOOL

Ipil Heights, Ipil, Zamboanga Sibugay

Banghay Aralin sa Filipino 9


April 13, 2023
Grade 9
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa pagbuo ng movie trailer ng mga akdang pampanitikan sa asya

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Masining na naitanghal ng mag-aaral ang kulturang


asya sa pamamagitan ng pagbuo ng movie trailer

KASANAYANG PAMPAGKATUTO: F9PB-IIIi-j-55 Naiisa-isa ang kultura ng


Kaunliraning Asyano mula sa mga akdang pampanitikan nito.

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nalilinang ang pagiging malikhain sa pagbuo ng movie trailer


B. Napapahalagahan ang pagbuo ng movie trailer gamit ang teknolohiya
C. Nakabubuo ng movie trailer ng mga akdang pampanitikan ng Asya

II. Nilalaman
Paksa: Movie Trailer
Sanggunian: https://prezi.com/movie-trailer/
Kagamitan: Manila paper, Biswal na kagamitan at pandikit
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

a. Panalangin
Inaanyayahan ko ang lahat na magsitayo
para sa ating panalangin (tatawag ng mag- (nagsitayo ang mga mag-aaral at nagsimula na sa
aaral para panguluhan ito). panalangin)

b. Pagbati
Magandang araw sa lahat! Magandang Araw rin po Ginoo Jayson!

Bago kayo magsiupo pakitingnan at (nagsiayos ang mga mag-aaral)


pakipulot muna ang mga nakakalat na mga
basura sa sahig at pakiayos na rin ang
inyong mga upuan.
c. Pagtala ng Liban
Klas beadle, paki bigay sa akin ang (tatayo ang beadle at ibibigay sa guro ang mga
listahan ng mga pangalan ng inyong pangalan ng mga mag-aaral na liban)
kaklase na liban sa ating klase ngayon.

A. Balik-aral
Ngayon bago tayo dumako sa ating
panibagong talakayan, ano ang
tinalakay natin noong nakaraang (magpapataas ng kamay ang mga mag-aaral)
tagpo?
Mag-aaral: ang atin pong tinalakay noong
nakaraang tagpo ay patungkol po sa Hambingan

Magaling! Wala na bang mga katanungan


patungkol sa ating nakaraang paksa? Mag-aaral: wala na po sir.

B. Paghahabi ng layunin
Dahil mayroon tayong panibagong aralin,
mayroon din tayong panibagong layunin
na kinakailangan nating maisakatuparan
pagkatapos ng ating kabuuang talakayan.

(ipinaskil ng guro ang layunin)

At ngayon ay nais kong sabay-sabay ninyo


itong basahin. (binasa ng mga mag-aaral ang mga layunin nang
sabay-sabay)

Mga Layunin:

A. Nalilinang ang pagiging malikhain sa pagbuo


ng movie trailer
B. Napapahalagahan ang pagbuo ng movie trailer
gamit ang teknolohiya
C. Nakabubuo ng movie trailer ng mga akdang
pampanitikan ng Asya

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa


sa bagong aralin/Pagganyak

Sa puntong ito, bago tayo magpatuloy sa


ating pormal na talakayan ay hahatiin ko
muna ang klase sa limang pangkat.
Magsimula sa pagbilang.
(Ang mga mag-aaral ay magbibilang at pupunta sa
kani-kanilang mga pangkat)
Gawain: Hanapin mo ako!
Panuto: Punan ang mga patlang at ibigay
ang wastong mga letra upang mabuo ang
salita
Sagot:

CLOSE UP
C_O_E UP
ESTABLISHING
ES_AB_ISH_NG
MEDIUM
M_D_UM
EXTREME
E_TR_M_

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto


at Paglalahad ng Bagong
kasanayan #1

(Pipili ng representante para sumagot.)


Panuto: Hanapin ang mga salitang
ibinigay at bilogan ito sa loob ng kahon.

Mag-aaral 1: Close-up
Mag-aaral 2: Medium
Mag-aaral 3: Establishing
Mag-aaral 4: Extreme

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto


at Pagpapahalaga ng Bagong
kasanayan #2

Panuto: Ihanay ang litrato sa tamang


pagkakahulugan nito.
1.Sa ibang termino ay tinatawag itong
scene setting.

2. Ang pinakamataas na lebel ng “close


up”.
3. Ang pokus ay nasa isang particular na
bagay lamang, hindi binibigyan-diin ang
nasa paligid.

4. Ito ay kuha ng kamera mula sa tuhod


paitaas o mula baywang pataas.

F. Paglinang ng kabihasaan

Ano ang Movie Trailer?

- Ay ang sunod-sunod na mga


eksena mula sa isang pelikula.
- Kalimitang pinaikli upang bigyan
ang mga manonood ng “preview”
ng panonooring pelikula.

Mga uri ng anggulo at kuha ng kamera

Establishing shot- Sa ibang termino ay


tinatawag itong scene setting. Mula sa
malayo ay kinukunan ang buong senaryo o
lugar upang bigyan ng ideya ang mga (Magpapaskil sa pisara ng halimbawa na litrato )
manonood sa magiging takbo ng buong
pelikula.

Medium shot- Ito ay kuha ng kamera


mula sa tuhod paitaas o mula baywang
pataas. Karaniwang ginagamit ito sa mga (Magpapaskil sa pisara ng halimbawa na litrato )
senaryong may diyalogo o sa pagitan ng
dalawang taong nag-uusap.

Close-up shot- Ang pokus ay nasa isang


particular na bagay lamang, hindi
binibigyan-diin ang nasa paligid. (Magpapaskil sa pisara ng halimbawa na litrato )
Halimbawa ay ang pagpokus sa
ekspresyon ng mukha.
Extreme close-up shot- Ang
pinakamataas na lebel ng “close up”. Ang
pinakapokus ay isang detalye lamang mula (Magpapaskil sa pisara ng halimbawa na litrato )
sa close-up shot.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Pangkatang Gawain:
Panuto: Gumawa ng isang movie trailer ng mga akdang pampanitikan ng Asya

Pamantayan:

H. Paglalahat ng aralin

Ang movie trailer ay kalimitang pinaikli upang bigyan


Ano ang movie trailer? ang mga manonood ng “preview” ng panonooring
pelikula
Ano ang iba’t ibang anggulo o kuha
ng trailer?
Ang mga halimbawa ng anggulo o kuha ng trailer ay
ang close up, medium, extreme close up at establishing
shot.
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang ang uri ng kuha ng kamera kung saan sa ibang termino ay tinatawag itong scene
setting?
a. Close-up b. Extreme c. Medium d. Establishing
2. Anong uri ng kuha ng kamera kung saan ang pokus ay nasa isang particular na bagay
lamang, hindi binibigyan-diin ang nasa paligid?
a. Close-up b. Extreme c. Medium d. Establishing
3. Anong uri ng kuha ng kamera ang pinakamataas na lebel ng “close up”?
a. Close-up b. Extreme c. Medium d. Establishing
4. Bakit mahalaga ang trailer sa pelikula?
a. dahil ito ang utos ng director
b. upang sisikat pa lalo ang mga tagaganap
c. dahil ito ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari
d. upang mahikayat ang mga manonood na panoorin ang kanilang pelikula
5. Ano sa palagay mo ang kahihiathan ng pelikula kung walang trailer?
a. hindi gaano sisikat ang pelikula at wala masyadong manonood
b hindi naman talaga importante ang trailer
c.hindi maganda ang pelikula
d.wala sa nabanggit

V. Karagdagang gawain

Ipasa ang ginawang movie trailer sa susunod na pagkikita.

Inihanda ni:

Jayson R. Santos
Student Teacher

Ipapasa kay:
Mirasol I. Patagoc
Teacher III

You might also like