You are on page 1of 2

Di-masusing Banghay Aralin

sa Filipino 8
Ika-5 ng Enero
Joemer L. Cajipe G. Edmar T. Fabi
Gurong Nagsasanay Gurong tagapagsanay

I. Layunin

Sa pamamagitan ng mga inihandang gawain, ang mga mag-aaral sa ika-


walong baitang seksyon Water ay makakamit ang mga sumusunod na
layunin ng may mataas na katumpakan.

a. Nakikilala ang mga elemento ng pelikula


b. Nasusuri ang pinanood na dokumentaryong palabas.

II. Paksa at Kagamitan


Paksa; Elemento ng Pelikula (Dokumentaryong palabas)
Kagamitan: TV, laptop, isang bidyo (dokumentaryong palabas)

III. Pamamaraan (4 P’s)

A. Paunang Gawain

Bago magsimula ang talakayan, magkakaroon muna ng laro na


tatawaging 4 pics one word.

B. Paghahalaw

Magpapakita ang guro ng mga larawan ng mga halimbawa ng mga


programang pandokumentaryong palabas sa mga mag-aaral. Pagkatapos
ay magtatanong ang guro sa mga mag-aaral batay sa mga larawan.

C. Pagsusuri

Magpapalabas ang guro ng isang partikular na bidyo sa isang


programang.Pagkatapos ay susuriin ang palabas sa pamamagitan ng
mga sumusunod na mga tanong.

Gabay na mga tanong:


1. Isulat ang mga nakitang elementong ginamit sa dokumentaryong
pelikula na pinanood.
2. Ano ang gampanin o naitutulong ng mga elemento ng pelikula sa
pagbuo ng palabas?
3. Isulat ang eksenang tumatak sa iyong isipan habang pinanonood ang
palabas at Ipaliwanag kung bakit.

D. Paglalapat
Gamit ang larawan sa loob ng gallery ng mga Cellphone, magpapakita sila
ng mga halimbawa ng iba’t ibang anggulo o kuha ng kamera.

IV. Ebalwasyon
1. Anong elemento ng pelikula na nagpapalutang ng bawat tagpo o eksena, dahil
dito napupukaw ang interes ang interes ng manonood?
a. Tunog at musika c. Pag-eedit
b. Pagdidirihe d. Sinematograpiya
2. Anong elemento ng pelikula na napakahalaga lalo na sa pagbuo ng isang
dokumentaryong palabas?
a. Tunog at musika c. Pananaliksik
b. Pagdidirihe d. Sinematograpiya
3. Anong elemento ng pelikula ang kumukuha sa wastong anggulo gamit ang
kamera upang maipakita sa manonood ang mga pangyayari?
a. Pag-eedit c. Pananaliksik
b. Pagdidirihe d. Sinematograpiya
4. Anong elemento ng pelikula ang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng
pangyayari ng isang kuwento sa pelikula?
a. Pag-eedit c. Pananaliksik
b. Sequence Iskrip d. Sinematograpiya
5. Anong elemento ng pelikula ang tawag sa paraan at diskarte ng direktor sa
isang pelikula?
a. Pag-eedit c. Pagdidirihe
b. Sequence Iskrip d. Sinematograpiya
V. Takdang Aralin
Magsaliksik ng iba’t bang dokumentaryong palabas sa Pilipinas.

You might also like