You are on page 1of 4

IKATLONG-MARKAHANG PAGSUSULIT

SA ARALING PANLIPUNAN 3

Pangalan:___________________________________ Petsa: _____________


Baitang: ____________________________________ Marka: _____________

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagpili ng tamang sagot sa kahon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
niyog Cagayan Magat Dam opisina at kumpanya
Quirino Tiger grass 2nd Rice Granary of the Philippines

1. Ano ang karaniwang pananim na pinagkakikitaan sa Nueva Vizcaya?


2. Isa sa pinakamalaking dike sa lalawigan Isabela.
3. Ang Governor’s Rapids ng probinsiya ng __________ ay dinarayo ng mga turista at mga bakasyunista sa
kaakit-akit nitong tanawin.
4. Dahil sa maganda ang paglago ng negosyo sa pang-agrikultura sa Cagayan Valley, tinatawag itong
___________________________________.
5. Saan malimit nagtatrabaho ang mga tao ng urban na lugar gaya ng Cauayan City at Tuguegarao City?

Panuto: Unawain ang mga pangungusap. Iguhit sa sagutang papel ang masayang mukha kung ikaw ay
sang-ayon at malungkot na mukha kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

________ 6. Naaayon sa klima at lokasyon ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
________ 7. Ang hanapbuhay, tirahan, kasuotan at gawain ay nakaiimpluwensiya sa pamumuhay ng mga tao.
________ 8. Magkakatulad ang uri ng pamumuhay sa lahat ng lugar.
________ 9. Karaniwang yari sa kugon at atip ang mga bahay sa bulubunduking lugar.
________ 10. Mababa at yari sa bato ang mga bahay sa mabagyong lugar.

Panuto: Basahin ang mga pahayag at tukuyin kung anong pagdiriwang ang nagpapakilala sa iyong lalawigan.
Piliin ang tamang sagot na nasa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ivatan Festival Bambanti Festival Aggao Nac Cagayan
Panagdadapun Festival Ammungan Festival

________ 11. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ika-7 hanggang ika-10 ng Setyembre na kasabay ng Quirino’s
Foundation Day.
________ 12. Ito ay hango sa salitang iloko na ang kahulugan ay scarecrow sa Ingles at ipinagdiriwang ito
tuwing huling linggo ng Enero ng mga taga-Isabela.
________ 13. Itinutuon ito sa pagdiriwang ng Araw ng Batanes taon-taon tuwing ika 26 ng Hunyo.
________ 14. Tinatawag dati itong Panagyaman Festival na kinikilalang taunang paggunita ng Nueva Vizcayano
sa pagkakatatag ng kanilang lalawigan.
________ 15. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ika-23 hanggang 29 ng Hunyo bilang paggunita sa pagkakatatag ng
gobyernong sibil ng probinsiya ng Cagayan.

Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI kung hindi wasto ang isinasaad
ng pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

________ 16. Magkatulad ang Rehiyon I at Rehiyon II sa kaugalian na nagmamano sa tuwing darating ang
kanilang mga magulang.
________ 17. Ang Rehiyon I at Rehiyon II ay magkaiba sa kanilang mga pagdaraos ng pistang panrelihiyon.
________ 18. Magkakapareho ang tradisyon ng mga lalawigan sa Rehiyon II at Rehiyon III.
________ 19. Naniniwala ang mga taga Rehiyon I at Rehiyon II na may darating na bisita kapag nalaglag ang
tinidor habang kumakain.
________ 20. Magkakaiba ang uri ng paghahanda ng mga pagkain ng Rehiyon I at Rehiyon II.
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pagtugon sa bawat sitwasyon ay nagpapakita ng pagpapahalaga
sa pangkat etniko at MALI naman kung ang pagtugon ay hindi nagpapakita ng pagpapahalaga sa pangkat
etniko. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

________ 21. Pinagtatawanan ni Nena ang kaklase na naiiba ang diin ng pananalita.
________ 22. Binibili ni Justine ang mga produktong gawa ng mga pangkat etniko sa kanilang lalawigan.
________ 23. Tinuturuan ni James ang kaklase na Agta na magsalita ng salita nilang Gaddang.
________ 24. Hindi pinipili ni Juana ang kaniyang mga kalaro.
________ 25. Hindi pinapansin ni Peter ang bago nilang kaklase dahil naiiba ang pananamit nito.

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga katanungan. Gumuhit ng masaya kung ang pangungusap ay tama at
gumuhit ng malungkot kung ang pangungusap ay mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

________ 26. Dapat nating igalang ang bawat pangkat ng tao.


________ 27. Hindi hadlang ang anumang anyo o katayuan upang magtagumpay.
________ 28. Dapat tuksuin ang ibang tao na kabilang sa ibang pangkat.
________ 29. Piliin mo ng mabuti ang mga taong kakaibiganin mo.
________ 30. Maging matulungin sa mga kapwa mong nangangailangan.
ANSWER KEYS FOR ARALING PANLIPUNAN
1. Tiger grass

2. Magat Dam

3. Quirino

4. 2nd Rice Granary of the Philippines

5. opisina at kumpanya

6.

7.

8.

9.

10.

11. Panagdadapun Festival

12. Bambanti Festival

13. Ivatan Festival

14. Ammungan Festival

15. Aggao Nac Cagayan

16. Tama

17. Tama

18. Mali

19. Tama

20. Tama

21. Mali

22. Tama

23. Tama

24. Tama

25. Mali

26.

27.
28.

29.

30.

You might also like