You are on page 1of 1

Landfill sa Mameltac: Susi sa maayos na Solid Waste Management

Ang sanitary landfill ay isang pangunahing panmatagalang solusyon para sa solid waste disposal
na pinahihintulutan ng batas ngunit tanging 108 sanitary landfills ang naitatag sa loob ng 20 taon matapos
inilunsad ang Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act.

Kabilang sa mga nasabing sanitary landfills ang Mameltac Sanitary Landfill na matatagpuan sa
San Fernando, La Union. Ito ay naging sentro ng debate sa komunidad dahil sa mga epekto nito sa
kapaligiran at kalusugan ng mga residente.

Sa kabilang banda, ito ay nagbibigay rin ng kabuhayan sa ilang mga residente. May mga
mangangalakal ng basura na umaasa sa pagkokolekta at pag-recycle para sa kanilang kabuhayan.
Subalit, kahit na ito ay nagbibigay ng kabuhayan sa ilan, hindi ito sapat upang balansihin ang negatibong
epekto nito sa kapaligiran.

Upang malutas ang problema sa Mameltac Sanitary Landfill, mahalaga na magkaroon ng


komprehensibong plano at pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan, mga komunidad, at mga sektor
ng industriya. Ang pagpapatupad ng tamang pamamahala ng basura, recycling programs, at edukasyon
sa komunidad ay ilan lamang sa mga hakbang na maaaring gawin upang mapangalagaan ang kalikasan
at kalusugan ng mga tao sa Mameltac at sa buong San Fernando, La Union.

You might also like