You are on page 1of 1

Gheoxel Kate C.

Calde Posisyong Papel August 2, 2018

Grade 12-2

Pagbabawal sa paggamit ng Plastic Bags sa lahat ng tindahan

Ang plastic bags ay ang pangunahing problemang basura sa Pilipinas


ayon kay Gina Lopez kaya ito ay dapat ipagbawal at gawing batas.

Nakalahad sa Senate bill no. 2759 o Total Plastic Bag Ban ni Sen. Loren
Legarda na mahigpit na ipagbabawal ang kahit anong uri ng plastc bags sa
mga mall, restaurant, groceries, supermarket. Kapag hindi ito tinupad ay
may karampatang multa.

Sa katunayan nga ay umaabot na ng 100 na mga lungsod at bayan ang


nagbawal sa paggamit ng plastic bags. Isa na rito ang munisipyo ng Bontoc
kung saan ginawa itong municipal ordinance. Ganon rin sa Lungsod ng
Baguio kung saan tinawag itong Plastic- free Baguio Ordinance. Ipinatupad
ang pababawal na ito para bawasan at unti- unting maalis ang mga platik
na basura. Karamihan rin sa mga nagpatupad ng pagbabawal dito ay mga
lugar na babahain, tulad ng Malabon, Navotas, Valenzuela atb. Kung saan
naranasan na nila ang epekto ng plastic bags.

Ang United Nations rin ay nagdeklara ng kampanya laban sa paggamit


ng plastic bags dahil sa mga masasama nitong epekto sa kapaligiran at sa
mga tao. Tulad ng pagkabara ng mga kanal, estero o mga drainage at
pagkalason ng lupa kung saan nawawala ang taba ng lupa at ang
pagkalason ng dagat o katubigan (Sonia Mendoza, Eco Waste Coalition)

Kaya ang plastic bags ay kinakailangang ibagbawal na sa lahat ng lugar


pero dapat ito rin ay may kaakibat na disiplina.

You might also like