You are on page 1of 4

FOURTH QUARTER TEST IN FILIPINO 6

Name: _______________________________________________________________ Iskor: _________


I. Basahin at unawain. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Piliin ang mga salitang magkaugnay.

1. Alin ang naiiba sa pangkat?


A. Burol B. bundok C. dagat D. talampas

2. Ang mga sumusunod ay mga salitang magkaugnay, maliban sa isa. Ano ito?
A. Burol B. dagat C. golpo D. sapa

3. Ang kama ay para sa tulugan, ang banyo ay para sa ________.


A. Kainan B. lutuan C. paliguan D. tanggapan

4. Sabon – panlaba; tubig- _____________.


A. pangluto B. pandilig C. pabango D. pang-inom

5. May guro sa paaralan, may doktor sa ___________.


A. Ospital B. palenke C. simbahan D. tindahan

Isulat ang titik ng angkop na reaksiyon sa sumusunod ayon sa pangyayari.


Barko, Lumubog!
Isang barko na nagbuhat sa Cebu at patungong Maynila ang lumubog sa kalagitnaan ng dagat.
Tinatayang mahigit isandaang tao ang namatay. Sinasabing ang dahilan ng paglubog ay ang kalumaan na ng
barko at may diprensya ang makina nito. Agad na sumaklolo ang mga marino, ngunit tila yata ilan
lamang ang nailigtas.

6. Tungkol saan ang balita?


A. Tungkol sa isang sunog. C. Tungkol sa isang pandemya.
B. Tungkol sa lumubog na barko. D. Tungkol sa aksidente sa daan.

7. Bakit lumubog ang barko?


A. Dahil sa mga marino.
B. Dahil sa mga pasahero.
C. Dahil sumabog ang makina ng barko.
D. Dahil may kalumaan na ang barko at may diprensiya ang makina nito.

8. Paano naligtas ang ibang pasahero?


A. Binalewala nila ang pangyayari.
B. Walang tumutulong sa kanila.
C. Sapagkat agad na sumaklolo ang mga marino.
D. Maraming tumulong sa kanila na taga bantay dagat.

9. Madalas ay ubod ng taas ang ating lipad at nalilimutan nating tayo’y nakayapak sa lupa.
A. Gustong lumipad paitaas.
B. Maging makasarili sa kapwa.
C. Mahilig makipagkuwentuhan sa ilan.
D. Iwasang maging mapagmataas sa pagsasalita, tingnan muna ang sarili.

10. Upang lumusog at lumakas, mag-eehersisyo tayo. Ngunit sa pagmamadali, kulang naman tayo sa tulog
at pahinga. Kaya sa halip na lumakas tayo ay nanghihina’t nagkakasakit.
A. Ang kalusugan ay ating kayamanan.
B. Hindi nakabubuti sa katawan ang ehersisyo.
C. Minsan, hindi natin iniintindi ang ating sariling kakayahan.
D. Sa lahat ng panahon, ang ehersisyo ay nakabubuti sa tao.
11. Ikaw ay binibigyan ng pagkakataong baguhin ang takbo ng panahon upang maibalik ang dating ganda
ng kapaligiran.
A. Mag-aral nang mabuti.
B. Palaging iikutin ang paligid.
C. Magtapon ng basura kahit saan.
D. Iwasan ang paggawa ng nakasisira sa ating kapaligiran.
12. Sa mga liblib na pook, ang mga manggagamot ay kailangang-kailangan.
A. Malaking pera ang kikitain doon.
B. Gusto ko maging doktor paglaki ko.
C. Napakarami nang doktor sa siyudad.
D. Dumulog sa pamahalaan at humingi ng doktor na maipadadala roon.

13. Ang manggagawa ay nagpatulo ng pawis sa bukid.


A. Mag-aaral na lamnag ako.
B. Pahalagahan ang produkto ng mga manggagawa.
C. Tulungan ang manggagawa sa paghahanap ng Gawain.
D. Ang mga mangagawa ay hindi masipag sa Gawain sa bukid.

14. Naibibigay ng magulang ang lahat ng pangangailangan ng kanilang mga anak.


A. Magtatrabaho na lmang ako.
B. Huwag humingi sa mga magulang.
C. Magpasalamat sa mga magulang.
D. Balewalain ang ibinigay ng mga magulang.

Pag-aralan ang tsart sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Mag-aaral Bilang ng Mag aaral Bilang ng may Gadgets


Unang Baitang 15 10
Ikalawang Baitang 18 15
Ikatlong Baitang 22 20
Ikaapat na Baitang 17 13
Ikalimang Baitang 15 10
Ikaanim na Baitang 19 14

15. Tungkol saan ang tsart?


A. Bilang ng may sakit at gadget
B. Bilang ng mag-aaral na may libro
C. Bilang ng mag-aaral na may gadget
D. Bilang ng mag-aaral na may sariling upuan

16. Anong baitang ang may pinakamaraming mag-aaral?


A. Unang Baitang C. Ikatlong Baitang
B. Ikalawang Baitang D. Ikaanim na Baitang

17. Anong baitang ang may parehong dami ng mag-aaral?


A. Una at Pangalawang Baitang C. Ikaanim at Ikalimang Baitang
B. Una at Ikalimang Baitang D. Ikatlo at Ikalimang Baitang

18. Alin sa mga sumusunod na baitang ang may pinakamadaming mag-aaral na may gadget?
A. Ikatlong Baitang C. Ikalimang Baitang
B. Ikaapat na Baitang D. Ikaanim na Baitang
19. Ilan ang kabuuang bilang ng mag-aaral?
A. 102 B. 103 C. 105 D. 106

20. Ilan ang kabuuang bilang ng mag-aaral na may gadget?


A. 80 B. 81 C. 82 D. 83

II. Basahin at unawain. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. piksyon, B. di-piksyon, C. komedi, D. diksyunaryo, E. ensiklopidya, F. atlas


______1. Ito ay aklat na naglalaman ng piling mga salita ng isang wika na nakaayos nang paalpabeto at may
kaukulang paliwanag o kahulugan; talatinigan.
______2. Ito ay aklat o katipunan ng mga aklat na nagbibigay ng kaalaman sa lahat ng sangay ng
karunungan, kung saan ang mga lathalain ay inayos nang paalpabeto.
_______3. Ito ay isang uri ng aklat na nagsasaad ng mga pinakabagong impormasyon at pangyayari sa loob
ng isang taon.
_______4. Ito ay isang uri ng babasahin na kung saan dito matatagpuan ang mga bagay na nagyayari sa
labas at loob ng bansa araw-araw.
_______5. Ito ay teknolohiyang maaring pagkunan ng impormasyon gamit ng kompyuter, tablet o piling
telepono.
_______6. Ang ________ ay binubuo ng mga likhang isip o imahinasyon ng may akda na inilalaahad sa
paraang pasalaysay o pakuwento.
_______7. Ang babasahing __________ ay kinapapalooban ng mga pangyayari. Ito ay maaaring talaarawan,
editorial, artikulo, sanaysay o paglalahad.
_______8. ___________ – mga nagpapatawang pelikula kung saan ang mga karakter ay inilalagay sa mga
hindi maisip na situwasyun.

III. Basahin ang talata sa ibaba. Gumamit ng dayagrama upang pagtambalin ang sanhi at bunga base sa talatang
binasa. Isulat ang sagot sa loob ng dayagram.

Kailangan ng mga batang mamamahayag ang sipag at tiyaga upang sila ay magtagumpay. Sapagkat
ang pamamahayag ay mahirap na gawain, marami ang nag-aatubiling sumali sa pagsusulat para sa
pampaaralang pahayagan. Wala silang dapat ipangamba sapagkat anumang kontribusyon nila ay
makatutulong sa mithiin ng paaralan. Matagal na pagsasanay ang ginawa ng mga mag-aaral kaya maganda
ang kinalabasan ng panayam sa senador. Dahil magagaling ang mga batang mamamahayag sila ay nananalo
sa paligsahan.

IV. Basahin at sundin ang dapat gawin. Isulat sa kahon ng usapan ang kanilang pinag-uusapan.

Si Ana at Bea ay nag-uusap tungkol sa sakit na kumakalat ngayon sa ating bansa. Nag-uusap usap sila
sa mga paraan kung paano ito maiiwasan. Gumawa ng usapan gamit ang mga bahagi ng pananalita.
V. Isulat muli ang balitang-isport na naaayon sa wastong pagkaayos ng mga pangyayari. Isulat ito sa sagutang
papel.

Tabunsuka, Paknoon pinulbos nina Cordapya, Ginaling 21-18, 15-21, 21-18

2. Sa simula pa lamag ng salpukan ay may iringan na kung sino ang mas matimbang, ang mga
matataas( Tabunsuka at Paknoon) o ang mga mabibilis, subalit sa huli ay pinatunayan nina Cordapya at
Ginaling na hindi lang sa taas masusukat ang galing ng mga manlalaro.

3. Nagmimistulang see-saw ang laro sa unang yugto ng nagpalitan ang magkabilang panig ng mga
puntos, 16-14, 16-17, 19-17, ngunit hindi nagpaiwan sina Cordapya at Ginaling ng magpasabog sila ng 8
attacks upang makuha ang 21-18.

5. Nanibasib ng husto ang bangis nina Cordapya at Ginaling sa loob ng korte ng nagpasabog sila ng 6
backhand smashes at 2 side drops upang makuha 21-18 na panalo.
Sa huling sagupaan, kontrolado na nina Cordapya at Ginaling ang lahat na kung saan hindi na
makayanan nina Tabunsuka at Paknoon ang momentum ng kanilang kalaban.

6. Bumandera si Cordapya ng 18 attacks at Ginaling 17 mula umpisa hanggang sa huling minute ng


laro upang masiguro ang kanilang panalo.
“ Ipinakita at pagiging masunurin sa coach ang sikreto naming para manalo”, pahayag nina Cordapya
at Ginaling matapos ang mainit na laro.
Huling resulta: 21-18, 15-21, 21-18.

1. Cebu City- Dumaan sa butas ng karayom sina Cordapya at Ginaling laban nina Tabunsuka at
Paknoon bago makuha ang 21-18, 15-21, 21-18 na panalo sa larong Badminton na ginanap kaninang
umaga sa UC Main Gym.
4. Sa harap ng nagkukumpulan mga estudyanteng manunulat pang-isports, ipinamalas nina Tabunsuka at
Paknoon ang kanilang kayod-marinong laro sa pagtipak ng 7 tricky placings at 5 side drops upang makuha
ang ikalawang yugto , 15-21.

You might also like