You are on page 1of 2

Pangalan: ________________________________________________________________

Baitang at Pangkat:_______________________________________ Marka: _________

IKALAWANG MARKAHAN
ARALING PANLIPUNAN 1
Written Test No. 4
A. Panuto: Basahing mabuti ang tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Oras nang recess napansin mong walang baon ang iyong kaklase at siya ay yumuko na
lamang. Ano ang iyong gagawin?

A. Lapitan at bigyan siya ng baon mong pagkain.


B. Pilitin ang isang kaklase na bigyan siya ng baon nito.
C. Hayaan at inggitin mo siya sa baon mong pagkain.

2. Nakasalubong mo ang iyong guro na may dalang gamit. Ano ang gagawin mo?
A. Magkukunwaring wala kang nakita.
B. Tumakbo at magtago para hindi ka makita.
C. Lalapitan ang guro at tutulungan buhatin ang dalang gamit.
3. Habang kayo ay nag- iikot sa mall nakakita ka ng magandang damit ngunit hindi ito
mabibili ng iyong nanay. Ikagagalit mo ba ito?
A. Oo, dahil gustong gusto ko iyon.
B. Hindi, pero hindi ko papansinin ang aking Nanay.
C.Hindi, dahil may mas mahalagang bagay pa na dapat bilhin.
4. Habang naglalakad ka nakita mong nahulog ang pera ng batang nasa unahan mo. Ano
ang iyong gagawin?
A. Dadamputin at itatago ko ito.
B. Kukunin at ibibigay ko sa aking kaibigan.
C. Dadamputin at ibibigay sa may-ari ang nahulog na pera.
5. Pupunta ang iyong nanay sa palengke at binilinan ka na bantayan ang nakababatang
kapatid. Ano ang iyong gagawin?
A. Susundin ko siya.
B. Sasama na lang ako sa kanya.
C. Maglalaro ako sa labas at iiwan ko sa bahay ang kapatid ko.

6. May sakit ang iyong tatay Tony. Ano ang iyong gagawin?
A. Aalagaan ko siya.
B. Mag-iingay ako habang naglalaro.
C. Pipilitin ko siyang tumayo at makipaglaro sa akin.

7. Biglang bumuhos ang malakas na ulan, kaya’t nanghihiram ng payong ang iyong
kapitbahay. Anong sasabihin mo?
A. Hindi po maaari baka masira ninyo.
B. Sa kabilang bahay po na lang kayo manghiram.
C. Sige po, gamitin muna ninyo ang payong ko.

8. Ang magkakapitbahay ay dapat na nagkakasundo at nagkakaisa. Ito ay ______


A. Mali, dapat sila ay nag-aaway.
B. Maaari, dahil ito ay dapat na gawin.
C. Tama, upang maging masaya at maayos ang pamumuhay natin.

9. Si Mel ay madalas naglilinis sa tapat ng kanilang bahay. Ano ang kanyang ipinakikita?
A. malasakit sa pamayanan
B. kaayusan sa kanyang sarili
C. galit sa ibang tao sa paligid

10. Bakit mahalaga ang pakikiisa ng pamilya sa ating komunidad?


A. Upang mabuo ang pag iingitan sa komunidad
B. Upang mabuo ang pagka kanya - kanya sa komunidad.
C. Upang mabuo ang pagtutulungan at pagdadamayan sa kumunidad.

You might also like