LP A5 Ang Nawawalang Kwintas Done

You might also like

You are on page 1of 5

Ika-22 ng Marso, 2024

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino


I. Layunin:
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang pagkasunod-sunod ng Pabula


b. Naibabahagi ang sariling kaisipan at pananaw hinggil sa pinanood na Pabula
c. Nakaguguhit ng isang poster na nagpapakita ng iba't ibang karanasan ng
mga tao sa kanilang buhay.
Kasanayang pampagkatuto:

II.Paksang Aralin
Paksa: Ang Nawawalang Kwintas
E-Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=iF44dkivTGY
Kagamitan: Pantulong na biswal, laptop, projector, bidyo, speaker.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a1. Panalangin

 Panalangin
 Pag-ayos ng upuan
 Pagpulot ng kalat
a2. Pagbati
Magandang Araw sa ating lahat.
a3. Patala ng mga lumiban
Mayroon bang lumiban sa ating klase?
a4. Pagbibigay ng Alituntunin
Inaasahan ko na magiging MABAIT kayo sa ating talakayan ngayong
araw.
a5. Balik-Aral
Tungkol saan ang ating tinalakay noong nakaraang araw?

B. Pagganyak
GAWAIN 1: making ng mabuti
Panuto: Hulaan ang tunog na maririnig.
Panuto: Ibigay ang hinihinging
salita.
May apat na larawan at ang mga
larawan na iyon ang magiging
gabay
upang mahulaan ang
hinihinging salita.
Panuto: Ibigay ang hinihinging
salita.
May apat na larawan at ang mga
larawan na iyon ang magiging
gabay
upang mahulaan ang
hinihinging salita.
Panuto: Ibigay ang hinihinging
salita.
May apat na larawan at ang mga
larawan na iyon ang magiging
gabay
upang mahulaan ang
hinihinging salita.
C. Pagpapakilala sa Aralin

 Ang paksa natin ngayong araw ay isang Pabula na pinamagatang Ang


Nawawalang Kwintas
 Layunin
D. Pag-alis sagabal
GAWAIN 2: HANAY-PIN MO AKO
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa akda. Piliin ang sagot mula
sa hanay B.

Hanay A
1. Makinang ang kuwintas kaya Hanay B
naakit agad ang inahin dito.
2. Liyad ang dibdib ng inahin a. Nagmamalaki
habang ipinakikita sa ibang
hayop ang suot-suot na kuwintas. b. Makintab
3. Binantaan ng uwak ang inahin
dahil sa pagkawala ng kanyang c. Paniniyak
kuwintas.
4. “Hahanapin ko ang kuwintas mo,” d. Binalaan
ang paniniguro ng inahin.
5. Hanggang ngayon ay patuloy sa e. pagkalay-kay
pagkalahig sa lupa ang mga
inahin na tila may hinahanap.

E. Pagtalakay sa paksa

 Gabay na tanong
 Anong bagay ang nabili ni Uwak na agad niyang ipinakita sa kaibigang
Inahin?
 Bakit naisip hiramin ng Inahin ang bagay na ito?
 Anong katangian ang ipinakita ni Inahin nang hiramin niya ang kuwintas at
isuot ito habang naglalakad nang liyad ang dibdib para makita ng ibang
hayop?
 Anong katangian naman ang ipinakita niya nang mawala ang mahalagang
bagay na hiniram niya?
 Kung ikaw ang nasa kalagayang tulad ng inahin na wala ring kuwintas,
hihiram ka rin ba ng kuwintas ng kaibigan mo para maipakita sa ibang
tao? Bakit oo o bakit hindi?
 Sa iyong palagay, makatwiran ba ang naging kondisyon ng uwak nang
hindi maibalik sa kanya ng inahin ang kanyang kuwintas? Ipaliwanag
 Kung makakausap mo si Uwak, ano ang sasabihin mo sa kanya sa
ginawa niya sa kaibigan nang mawala nito ang kuwintas niya?
 Ano kaya ang magbabago sa inahin pagkatapos ng pangyayaring ito?
 May mga tao ba sa tunay na buhay na may katulad na katangian ni
Inahin? Kung may kaibigan kang tulad niya o kung ikaw mismo ang
katulad niya, ano ang mababago sa iyo simula ngayon? Bakit?
 Sa paanong paraan mo maaaring magamit ang aral na taglay ng binasang
pabula?

kwento
 Manonood ng maikling kwento

Gawain 3: ISIPIN MO’KO!


Panuto: Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat at sasagutin ng unang grupo ang
unang limang gabay na tanong at limang gabay na tanong na natira para sa ikalawang
grupo at ibahagi ito sa klase.

F. Paglalahat

GAWAIN 4: TULUYAN TAYO!


Panuto: Mahahati ang klase sa tatlo at gamit ng Graphic Organizer sa ibabaay punan
ang Simulang pangyayari sa unang grupo, Gitnang pangyayari sa ikalawang grupo, at
Wakas sa pangatlong grupo.

Gawain 5: ROLETA NG KARANASAN!


Panuto: Iikot ang roleta at kung kaninong numero huminto, siya ang magbabahagi ng
kanyang sariling kaisipan o pananaw hinggil sa nabasang Pabula.

IV. EBALWASYON
GAWAIN 6: I-GUHIT MO!
Panuto: Sa isang long bond paper, gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng iba't
ibang karanasan ng mga tao sa kanilang buhay
PAMANTAYAN PUNTOS
NILALAMAN 10
KASININGAN SA PAGGAWA 10
KAAYUSAN NG KWENTO 20
KABUUANG PUNTOS 40

V.Takdang-Aralin
Panuto: Basahin ang kwento ni Pedro L. Ricarte na pinamagatang “Boy Nicolas” at
tukuyin ang mga pinangyarihan ng kwento at mga pangunahing tauhan nito, gayundin ang
mga aral ng kwento. Isulat ito sa inyong kwaderno at ipasa sa susunod nating talakayan.
Inihanda ni:
PRECIOUS A. RICO
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:
AILEEN MELODY DE VERA, LPT
Guro ng Wika

You might also like