You are on page 1of 3

Cedula Personal

- Noong 1884 ipinatupad ng mga


Espanyol ang cedula personal
- Ito ay kapirasong papel na mula sa
pamahalaan
- Katibayan ito ng pagbabayad ng buwis
ng mga katutubo
- Kailangan dala ito palagi ng mga
katutubo.. bakit?
- Dahil ito ay ang nagpapatunay ng
kanilang pagkakakilanlan at ng lugar ng
kanilang paninirahan
- At kung wala nito ay maari siyang
pagbintangan bilang isang tulisan
- Siya ay pagmumultahin at kung walang
pangmulta siya ay ikukulong.
- Maraming mga katutubo ang naghirap
ng dahil sa cedula personal.
Iba pang buwis na ipinataw
- Bukod sa tributo marami pang ibang buwis ang ipinataw
sa mga katutubo.
- Ang denativo de Zamboanga, falua at vinta ay mga
buwis na kailangan bayaran upang suportahan ang
hukbong military sa pagsugpo sa pananalakay ng ilang
muslim sa mga pagkakataong nagbibihag sila ng
katutubo upang ibenta bilang alipin.
- Ang isa pang anyo ng buwis ay ang Bandala na
nagsimula sa panahon ni Gobernador-Heneral Sebastian
Hurtado de Corcuera noong ika-17 siglo.
- Sa sitemang Bandala nagtatala ang pamahalaan ng
tamang quota ng mga produkto sa mga lalawigan na
kailangan nilang ibenta sa pamahalaan.
- Ang quota ay ang limitadongg dami ng partikular na
kailangan maabot.
- Gayon pa man hindi naman sila kadalasan nababayaran
ng pamahalaan kung kaya sa halip na bilhin ay tila
kinukumpiska lamang sa kanila ng pamahalaan ang
kanilang produkto.
- Sa kabuuan Malaki ang naging papel ng tributo sa
pagpapatupad ng kolonyalismo
- Ang pagbabayad ng tributo ay pagkilala sa
kapangyarihan ng hari ng spain.
- Para sa mga espanyol nagbigay daan din ito upang
mabawasan ang mataas na pagtingin ng mga katutubo
sa kanilang sarili sapagkat ginagawa nila ang isang bagay
na alam nila na hindi naman nila kailangan gawin.
- Naging dahilan din ito upang makapangamkam ng pera
ang mga tiwaling espanyol na walang hangad kundi ang
magpayaman bago bumalik sa spain.
- Sa bandang huli napagtanto ng mga katutubo na sa halip
mapakinabangan nila ang tributo para matugunan ang
kanilang pangangailangan lalo pa itong nagsadlak sa
kanila sa kahirapan.

You might also like