You are on page 1of 9

PANG ARAW-ARAW

NA PAGNINILAY
TAON B
NILALAMAN:
Mga Gabay para sa pang-araw araw na pagninilay,
Pagsusumikapan ko na mas maging kauna-unawa ang nilalaman
ng aking pang-araw-araw na pagninilay upang maging
kapakinapakinabang hindi upang basahin kundi upang maging
isang gabay sa pagunalad ng Espirituwal na buhay sa
pamamagitan ng pagsisikap na araling maigi ang konteksto ng
ebanghelyo, alamin ang implikasyon nito o pagkakasangkot nito
sa ating pang araw-araw na buhay espirituwal o pisikal at
alamin ang hamon ng ebanghelyo sa bawat araw sa ating buhay.

PETSA AT EBANGHELYO:
Upang mas madaling maunawaan at matukoy ang paksa ng
pagninilay sa bawat araw.

SAGISAG :
P - PAKSA
E - EBANGHELYO
I - IMPLIKASYON
H - HAMON
( Tatlong punto hango kay Fr. WIlly Benito, OFM)

DISYEMBRE 03, 2023


UNANG LINGGO SA PANAHON NG
PAGHAHANDA SA PAGDATING PANGINOON
MABUTING BALITA: MARCOS 13: 33-37
P: "HUMANDA NA MAY PAG-ASA"
E: Ang Mabuting Bakita ngayong araw bahagi ng pangangaral ni
Hesus tungkol sa kahandaan natin sa kaniyang pagdating,
bagaman si Hesus mismo ang nagangaral o nagpapahayag nito,
ang konteksto ng unang linggo ng Adbiyento ay ang
paghahanda sa pagsilang ng ating Panginoong Hesus, kung
ating iaanalyze maigi, kung tayo ay naghahanda pa lamang sa
kaniyang pagdating at pagsilang disin sana'y wala pang Hesus
na nangangaral ngayon sa Ebanghelyo,
I: kung tayo siguro ay mayroong inaasahanga panauhin sa isang
partikular na oras, araw o panahon at hindi ito dumating sa
kabila ng kaniyang pangako ay madidismaya tayo, siguro
ganiyan din ang naging damdamin ng mga mangangaral na
protestante noon na nagsasabing malapit na ang muling
pagbabalik ni Hesus, subalit hindi ito ang punto ng ebanghelyo
ni Marcos ukol sa pagpapahayag ni Hesus sa paghahanda, ang
pinakadiwa nito ay ang "Paghahanda" hind lang dahil sa siya ay
isislang o muling babalik,
H: kundi maging handa tayong lagi sapagkat hindi natin alam
ang araw o oras ng kaniyang muling pagbalik.
DISYEMBRE 04, 2023
LUNES SA UNANG LINGGO SA PANAHON NG
PAGHAHANDA SA PAGDATING PANGINOON
MABUTING BALITA: MATEO 8:5-11
P: "KAMANGHA-MANGHANG PANANAMPALATAYA"
E: Ang Ebanghelyo ngayong araw, ay nagpapakita ng kahigtan
ng pananampalataya sa kabila ng kaibahan at mga bagay na
namamagitan upang magdulot ng pagkakahati-hati at
pagkakahiwalay at sa kabilang banda ay ang tunay na
pananampalatayang hinangaan ni Hesus, sa Ebanghelyong ito
mula kay San Mateo, lumapit ang isang senturyong Romano kay
Hesus upang pagalingin ang kaniyang alipin sinabi ni Hesus na
pupuntahan niya ito upang pagalingin sibalit katangi-tangi ang
pananalig ng Senturyon na sa salita lamang ni Hesus ay gagaling
na ito, ayon kay fr. Manny Flores, S.J. ang isang Paganong may
bahay kapag tinuluyan ng isang Hudyo upang panauhan ay
ituturing na marumi ng sambayanang kaniyang kinabibilangan.
I: Madalas nating banggitin ang salitang "Panginoon hindi ako
karapat-dapat magpatuloy sa iyong ngunit sa isang salita mo
lamang ay gagaling na ako" at ito ay bahagi ng ating buhay
pananampalataya, humingi tayo ng kagalingan hindi lamang
pisikal, emosyonal o saykolohikal kundi maging Espirituwal.
H: Manampalataya tulad ng Senturyon, buong puso.
DISYEMBRE 05, 2023
MARTES SA UNANG LINGGO SA PANAHON NG
PAGHAHANDA SA PAGDATING PANGINOON
MABUTING BALITA: LUCAS 10:21-24

P: "TULAD NG BATA"
E: Ang Ebanghelyong ito mula kay San Lucas ay bahagi ng
Kabanata kung saan pinili ni Hesus ang kaniyang mga alagad,
dahil dito ay napuspos siya ng kagalakan ng Banal na Espiritu
kung saan sinaad niya din ang kaniyang pasasalamat sa
Ama, at sinabing mapalad ang mga taong may kaloobang
katulad sa isang bata higit sa mga marunong at pantas.
I: Ano kaya sa tingin natin ang dahilan bakit nabanggit ito ni
Hesus? Nangangaral ba siya o nagpaparinig? Ang isang taong
nagsasabing marunong ay may mataas na kumpiyansa sa sarili
sapul sa puntong wala na siyang pakialam sa sasabihin ng iba at
tanging sarili na lamang ang pinaniniwalaang tama at matuwid,
samantalang ang isang bata ay walang alam, sumusunod at
nakikinig lamang, at ganun din siguro nais ni Hesus na makilala
natin siya lalo sa panahon na ito ng paghahanda sa pasko ng
kaniyang pagsilang.
H: Ang Hamon sa atin ni Hesus ay magpakumbabang katulad ng
isang bata, manalig at manampalatayang katulad ng isang bata,
sumusunod at nakikinig.
DISYEMBRE 06, 2023
MIYERKULES SA UNANG LINGGO SA PANAHON NG
PAGHAHANDA SA PAGDATING PANGINOON
MABUTING BALITA: MATEO 15:29-37

P: "HINDI TAYO KAPOS"


E: Ang Ebanghelyo sa araw na ito ay bahagi ng paglalakbay ng
Panginoong Hesukristo sa kaniyang ministeryo, dito ay
nagpagaling siya ng mga pingkaw, pilay, bulag at pipi, nagbigay
habag si Hesus ng makita ang napakaramingi taong nais
sumunod at makinig sa kaniya, kaya naman nagpakuha si Hesus
ng makakain mula sa pitong tinapay at maliliit na isda,
pinagpasalamat ito ni Hesus sa Ama siyang ipinamahagi upang
ipakain sa napakaraming mga tao, kamangha-mangaha
sapagkat dumami ang mga ito.
I: Minsan kapag napansin nating ang isang bagay ay tila kapos
ay nakakalimot tayong magpasalamat at kilalanin ang
kakapusang ito bilang biyaya mula sa Diyos, lalo ngayong
magpapasko kaya naman tuloy tila lagi tayong kapos din sa
pagtitiwala at pag-asang nandiyan ang Diyos na kapiling natin
handang magbigay ng ating pangangailangan dahil sa kaniyang
habag sa atin.
H: Ngayong panahon ng paghihintay natin sa pasko ng
pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo, maging pag-asa tayo
sa ating kapuwa sa kabila ng kakapusan.
DISYEMBRE 07, 2023
HUWEBES SA UNANG LINGGO SA PANAHON NG
PAGHAHANDA SA PAGDATING PANGINOON
MABUTING BALITA: MATEO 7:21,24-27

P: "HU U!?"
E: Ang Ebanghelyo ngayong araw ay paalala sa atin kung saan
dapat ang sandigan ng ating pananampalataya, hindi lamang sa
mga bagay na temporal kundi maging Espirituwal at kung
Espirituwal man ay hindi kailangang lantaran, kaya nga sinasabi
ni Hesus na hindi lahat ng tumatawag sa kaniyang "Panginoon,
Panginoon" kikilalanin niya.
I: Ngayong panahon ng Adbiyento, inaanyayahan tayo ng
ebanghelyo na mamuhay hindi lamang sa debosyon sa mga
bagay-bagay na lantaran at nakikita ng ating mga mata,
sapagkat inaanyayahan din tayo upang lumago sa
pananampalataya na may dignidad at katapatan sa
sinasampalatayanan natin, ngayong panahon ng paghahanda sa
kaniyang pagdating, makinig nawa tayo ng may pananalig
upang kung tayo man ay humarap sa kaniya ay kilalanin natin
siya bilang Panginoon at tayo bilang kaniyang mga tapat na
alipin.
H: Ang hamon sa atin ng Ebanghelyo, ay magkaroon ng
dignidad sa pananampalataya hindi lamang sa lantarang
debosyon kundi maging sa ating kalooban.
DISYEMBRE 08, 2023
DAKILANG KAPISTAHAN NG KALINIS-LINISANG PAGLILIHI SA
MAHAL NA BIRHENG MARIA
MABUTING BALITA: LUCAS 1:26-38

P: "BUKANG LIWAYWAY NG KALIGTASAN"


E: Ang Ebanghelyo ngayong araw ay bahagi ng Anunsasyon o
ang pagbabalita ng Arkanghel Gabriel ukol sa pagdadalang-tao
ni Maria, si Hesus na salitang kalauna'y magiging tao, subalit
ano ang koneksyon nito sa immaculada concepcion?
Immaculada concepcion o ang Kalinis-Linisang paglilihi kay
Maria ay ang pagdadalang tao ni Santa Ana kay Maria, siyam na
buwan mula rito ay ipapanganak si Maria, siya na bahagi ng
kalooban ng Diyos alang-alang sa ating kaligtasan sapagkat siya
ang itinakdang magbigay-buhay at katawang tao sa dakilang
manunubos, at ito ay dahil sa matimyas at tapat na
pananampalataya ni Maria.
I: Tumulad tayo kay Maria na mayroong katapatan sa
pananampalataya, maging bahagi tayo ng mapangligtas na
kalooban ng Diyos sa araw-araw nating pamumuhay unang-una
sa ating pamilya, sa ating kapuwa at sa ating pamayanan, sa
munting paraang ito ay maipapamalas natin si Hesus sa marami
sa pamamagitan ni Maria bilang huwaran ng tapat na
pananampalatayang.
H: Tumulad kay Maria sa kaniyang tapat na pananampalataya
sa Ama na may lakip na pag-ibig.
DISYEMBRE 09, 2023
SABADO SA UNANG LINGGO SA PANAHON NG
PAGHAHANDA SA PAGDATING PANGINOON
MABUTING BALITA: MATEO 9:35-10, 1:6-8

P: "ANG MAHABAGING PASTOL"


E: Ang ebanghelyo ngayong araw ay isang paanyaya sa atin
upang maglingkod sa ating Panginoong Hesukristo, marami ang
aanihin subalit kaunti ang aani, marami ang nangangailangan
subalit kaunti ang handang maglingkod, ito marahil ang tunay
na nangyayari hindi lamang sa panahon na ito ng ebanghelyo
kundi hanggang sa kasulukuyan, patuloy itong nangyayari at
patuloy itong kakapusan sa mga handang tumugon sa tawag ni
Hesus
I: Totoong hindi ganoon kadali ang pagtugon sa ating
Panginoon, marami ang balakid, maraming bagay na maaring
maging sagabal sa ating paglilingkod, maraming maaring
maging dahilan upang hindi tumugon, kahit sa mga taong
nakatugon na minsan ay nagkakaroon pa rin ng agam-agam
upang hindi magpatuloy, ang sandigan na maari nating
pagmasdan sa ganitong pagkakataon ay ang pangangailangan
ng marami higit sa ating sarili.
H: Ang Hamon sa pagtugon sa tawag upang maglingkod ay
iwanan ang sarili, ituring na patay ang sarili at mamuhay sa pag-
ibig ng Diyos, sapagkat ang pag-ibig na ito ang taglay ng ating
Mahabaging Pastol.

You might also like