You are on page 1of 1

ILO 14: Malaman ang pag-iral ng sining-biswal na iniwan ng kolonyang Kastila sa Pilipinas.

Sining-biswal ng kolonyal na Katila sa Pilipinas


Ano ang iba’t ibang sining-biswal ng kolonyal na Kastila sa Pilipinas? Pumili ng 5 iba’t ibang sining-
biswal na kaugnay sa buhay pananampalataya at pamamahala.

Isa sa mga makikita ko sa mga sining-biswal ng panahon ng kolonyal na Kastila sa Pilipinas ay ang
retablo. Ito'y isang uri ng pambansang likhang-sining na karaniwang makikita sa simbahan. Ang mga
pinturang relihiyoso at altar piece na may malalaking imahen ng santo at anghel ay karaniwang
bahagi ng mga simbahan noong panahon ng Kastila.
Ang mural painting ay isa rin sa mga paboritong sining-biswal noong panahon na iyon. Ito'y madalas
na nagtatampok ng mga pangyayari sa Bibliya o mga eksena na nagpapakita ng kultura at lipunan sa
panahon ng kolonyalismo.
Ang iba't ibang sining-biswal ay naglalarawan ng kultura ng mga kolonyal na Kastila, kung paano sila
nakikisalamuha sa lokal na kultura at kung paano ito naiimpluwensyahan ng kanilang sariling sining
at pananampalataya.

You might also like