You are on page 1of 1

Ang TANAGA ay isang uri o porma ng tagalog na tula na may 4 na taludtod, binubuo ng pitong pantig

sa bawat taludtod at naglalaman ng isang diwa ng makata. Kadalasan itong nagtataglay ng isang tugmaan, a-
a-a-a ngunit ang mga makabagong tanaga ngayon ay kakikitaan na rin ng mga tugma na inipitan - a-b-b-
a, salitan - a-b-a-b at sunuran a-a-b-b. Ito ay bunga ng pagiging malikhain ng mga Filipino at pagnanais na
mapaunlad at madagdagan ang ating mayaman nang kultura, sining at literatura.
Mga Halimbawa:

KURAKOT
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Naitago na kasi.

MATAAS PA
Itong dumapong langaw
Sa tuktok ng kalabaw
Ay tiyak masisilaw,
Sa sikat na tinanaw.

SIPAG
Magsikhay ng mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari.

SLOW
Hindi ko rin malaman,
Hindi maunawaan
Mapurol kong isipan,
Isalang sa hasaan.

TUNAY NA YAMAN
Ako ay Filipino
Kulay tanso ng mundo
Ngunit tunay kong ginto
Nasa aking sentido.
Ang Haiku ay isang uri ng panunulat na nagmula sa bansang Japan. Ito ay pwedeng i hambing sa
“tanaga” o maikling tulang Pilipino. Ngunit, iba yung pamamaraan ng pagsulat nito. Kadalasan, ang mga
tanaga ay gumagamit ng 7777 na estilo ng panunulat ng taludturan. Pero, ang Haiku naman ay gumagamit ng
5/7/5.
HALIMBAWA
Bayan kong mahal
Buhay ay ibibigay
Iyan ay tunay

Wala ng iba
Ikaw lamang at ako
Pang habang buhay

Kung umaraw man


O kaya’t ay uulan
Hindi sasablay

Munting sinta ko
Ikaw na ang tahanan
Ang aking mundo

You might also like