You are on page 1of 12

BALIKTANAW SA PANITIKAN NG

PILIPINAS
Panahon ng Katutubo
■ Ang mga kauna-unahang mga nanirahan sa
Pilipinas ay ang mga negrito o aeta.
■ Ayon sa kasaysayan, ang Pilipinas noon ay
binubuo ng mga bayan na kilala sa tawag na
balangay na pinamumunuan ng datu o sultan.
■ Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga
pasalin-dila lamang gaya ng mga
bulong,bugtong,epiko,salawikain, at awiting
bayan (anyong patula); kwentong bayan, alamat,
at mito( tuluyan)) ; at mga katutubong sayaw at
ritwal ng mga babaylan bilang pinakaunang anyo
ng dula.
■ BAYBAYIN ang pinakaunang alpabeto na binubuo ng 17
titik– tatlong(3) patinig at 4 na katinig na hawig sa
abakadang Malayo-Polinesyo
A. Kuwentong Bayan
■ Salamin ng mayamang kultura, kamalayan,paniniwala ng
ating mga ninuno.
■ Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain
■ Ayon kay Dr. H. Otley Bayer,isang Amerikanong
antropologo at iskolar,ang kuwentong bayan ng Pilipinas
ay higit na mayaman kaysa sa mga kuwentong bayan ng
Indiya,Persya, Rusya, at Hapon.
■ Kadalasang paksa ay tungkol sa kanilang mga Diyos.
■ Ayon naman kay Dr. Damiana Eugenio, may tatlong
mahahalagang pangkat ang kuwentong bayan: ang mito,
alamat, at salaysayin
■ MITO
- Ito ay kuwento o salaysayin hinggil sa pinagmulan ng
tao, kalipunan,at ibat- ibang paniniwala sa mga diyos at
diyosa o mga taong may kapangyarihan at mga katutubong
bayani
■ ALAMAT
- isang uri ng kathang nagsasalaysay sa pinagmulan ng
isang bagay, pook, o lunan,nga halaman, bagay o pangalan
na ang mga pangyayari ay likhang isip lamang at tungkol sa
naging simula ng bagay-bagay.
■ SALAYSAYIN
- maaaring pabula, mga kuwentong engkantado, mga
kuwentong panlinlang, katusuhan, kapilyuhan o katangahan at iba
pa. 
B. Epiko
Tatlong uri ng epiko ayon kay Dr. Arsenio Manuel
■ MICROEPIC- sumasaklaw mula pagsilanf hanggang sa
kamatayan ng bayani ng kuwento
Hal. Biag ni Lam-ang at Bidasari
■ MACROEPIC- nagsasalaysat ng isang pinakamahalagang
bahagi ng buhay ng isang bayani.
Hal. Tuwaang ng mga Bagobo
■ MESOEPIC- tumatalakay sa mga masasalimuot na bahagi
ng buhay ng bayani.
Mga katangian ng Epiko
1. Ang pag-alis ng isang pangunahing tauhan sa sariling tahanan.
2. Pagtataglay ng agimat at anting-anting ng pangunahing tauhan
3. Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang minamahal.
4. Pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
5. Patuloy na pakikidigma ng bayani.
6. Pamamagitnaan ng isang Bathala upang matigil ang labanan.
7. Ang pagbubunyag ng Bathala na ang naglalaban ay magkadugo.
8. Pagkamatay ng bayani.
9. Pagkabuhay muli ng bayani.
10. Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan.
Mga Dakilang Epiko ng Lahing
Filipino
■ Biag ni Lam-ang – ILOKANO
■ Hudhud at Alim- IPUGAW
■ Kumintang- TAGALOG
■ “Ibalon” at “Aslon”- BIKOLANO
■ “Maragtas” at “Haraya” – BISAYA
■ “Indarapatra” at “Sulayman”- MAGUINDANAO
■ Bidasari- MARANAW
C. Awiting Bayan
- Isang tulang inaawit na sumasalamin sa mga
gawain,hanapbuhay at kaugalian ng mga taong nalatira sa
isang pook.
■ OYAYI- awit sa paghele o pagpapatulig ng bata
■ DIINA- awit sa kasalan
■ SOLIRANIN- awit sa paggaod ng bangka
■ TALINDAW- awit sa pamamangka
■ KUMINTANG- awit sa pakikidigma
■ KUNDIMAN- Awit ng pag-ibig
D. Karunungang Bayan
■ Salawikain- may sukat at tugma,patalinhagang pahayag na
kinapapalooban ng mabuting payo tungkol sa kagandahang asal.
Hal. Anumang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa.
■ Sawikain- bagaman patula at may sukat at tugma ay iba kaysa sa
salawikain spagkat ito ay nagpapahayag ng katotohanan at
nagpapakilala sa ugali ng isang tao.
Hal. Ang taong masipag,daig ang masikap.
■ Bugtong- isang larong patula na kawili-wili.
Hal. Bumili ako ng alipin,mataas pa sa akin.(sumbrero)
■ Kasabihan- karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos
ng isang tao.
Hal. Tiririt ng maya,tiririt ng ibon. Ibig mag-asawa,walang ipalamon.
■ Palaisipan- mga suliraning binibigkas nang tuluyan at naghahanap
ng kasagutan
- Mga tanong na batay sa pang araw-araw na buhay ng tao.
Hal. May isang balong ang lalim ay dalawampung dipa. Sa balong ito
may isang palaka. Ang palaka ay nakaahon ng tatlong dipa sa isang
araw,ngunit nadudulas ng dalawang dipa.
TANONG: Ilang araw aakyatin ng palaka ang balon?
■ Ditso o tulambata- ginagamit sa paglalaro ng mga bata na
nagtataglay ng sukat at tugma.
Hal. Tutubi tutubi, hwag kang magpahuli sa batang mapanghi
■ Bulong- karunungang bayan na ayon sa matatandang paniniwala ay
ginagamit bilang pangontra sa engkanto at kulam at paggalang sa
mga lamang lupa.
Hal. Tabi tabi po,makikiraan po.

You might also like