You are on page 1of 1

Isang mapagpalang araw mula sa Pamahalaang Bayan ng Bocaue

Ang Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman ay nais magbigay paalala sa lahat ng


nagmamay-ari ng Real Property tulad ng lupa, bahay, gusali at makinarya ukol sa
iskedyul ng pagbabayad ng buwis.

Para sa Unang Quarter ng taong 2024, hinihikayat ang lahat na magbayad ng


buwis upang matamasa ang 13.75% na diskwento hanggang sa ika-27 ng Marso,
2024 (Miyerkules).

Makalipas ang buwan ng Marso, mapapatawan na ng interes o multa ang halaga


ng buwis na inyong nakatakdang bayaran na siyang aabot sa 2% sa kada buwan
na hindi ito mababayaran. Kung kaya’t hinihikayat ang pagbabayad ng maaga
upang maiwasan ang pagkakaroon ng multa.

Para sa mga katanungan, maaaring mag-iwan ng inyong mesnahe dito sa aming


Official Facebook Page o di kaya ay tumawag o mag-text sa aming numero:

Isang paalala mula sa Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman:


“Bahagi ng pagiging isang responsableng mamamayan ang pagbabayad ng
tamang buwis”

Ito ay nakatutulong sa pagsasakatuparan ng mga hangarin ng ating mahal na


punong bayan, Mayor Jon-Jon Villanueva at Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna
tungo sa inaasam na kaunlaran.

Mabuhay ang dakilang Bayan ng Bocaue!

You might also like