You are on page 1of 3

ARALIN 16: ANG PILIPINAS SA ILALIM NG BATAS MILITAR

MGA PANGYAYARING NAGBIGAY-DAAN SA PAGTATAKDA NG BATAS MILITAR


SETYEMBRE 23, 1972 - Idineklara ni PFM ang pagpapasailalim ng buong Pilipinas sa Batas Militar.
BATAS MILITAR - isang marahas na hakbang na maaaring isagawa ng pamahalaan upang maiwasan ang mga
panganib katulad ng paghihimagsik, rebelyon, paglusob at karahasan.
COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES (CPP) – itinatag noong 1968 ni Jose Maria Sison, dating propesor ng UP.
- Ang simulain nito ay hango sa ideolohiya ni Mai Tse Tung, pinuno ng komunistang Tsina.
NEW PEOPLE’S ARMY (NPA) – itinatag noong 1969 nina Bernabe Buscayno at Lucio Manlapuz.
- Binubuo ng mga magsasakang nakikipaglaban dahil sa hindi kanais-nais na gawain ng
mga may-ari ng lupang kanilang sinasaka.
MORO NATIONAL LIBERATION FRONT (MNLF) – itinatag ni Nur Misuari, isang dating propesor sa UP.
- Binubuo ng mga Muslim nan ais magtatag ng hiwalay na pamahalaang tinatawag na
Republika ng Bangsamoro.

Mga Paaralang madalas na nagrarali dahil sakawalan ng tiwala sa pamahalaan:


1. Philippine Normal University (PNU)
2. University of the Philippines (UP)
3. Polytechnic University of the Philippines

Enero 26, 1970 – isang malaking rally ang idinaos ng National Union of Students of the Philippines (NUSP)
- hinihiling nila ang pagkakaroon ng kumbensyon para sa Saligang Batas (Constitutional Convention)

Enero 30, 1970 – isa pang rally na isinagawa ng NUSP ngunit higit na magulo na naging sanhi ng pagkamatay ng ilang
raliyista.

Agosto 21, 1971 – pagbomba sa Plaza Miranda habang isinasagawa ang pagpapahayag ng mga kandidato ng Partido
Liberal.
Proklamasyon Blg. 889 – nagsuspinde o pumipigil sa karapatan o pribilehiyo sa writ of habeas corpus.
WRIT OF HABEAS CORPUS – nagbibigay karapatan sa mamamayang sumailalim sa tamang proseso ng paglilitis.
- Ang pribiliheyong nangangalaga sa mga karapatan ng mga mamamayan upang hindi sila
makulong nang labag sa batas.

ARALIN 17: REAKSYON NG MGA PILIPINO SA MGA PATAKARAN NG BATAS


MILITAR
Mga Pangyayari sa Bans ana nagbigay-wakas sa Batas Militar

BATAS MILITAR - umiral sa bansa nang mahigit walong (8) taon.

SENADOR BENIGNO AQUINO JR. - isa sa maraming hindi sumang-ayon kay Marcos na gamitin ang kanyang
kapangyarihan sa pagdedeklara ng Batas Militar.
Ilan pa sa mga tumuligsa kay Marcos:
1. Sen. Jose Diokno
2. Cong. Roque Ablan, Rafael Aquino, David Puzon
3. Delegado ng ConCon na sina Napoleon Rama, Teofisto Guingona Jr., Alejandro Lichaoco, Ramon Mitra at
Jose Concepcion
4. Joaquin “Chino” Roces – patnugot ng The Manila Times
5. Teodoro Locsin Jr. – patnugot ng Philippine Free Press
6. Mga Mamamahayag sa Diyaryo na sina Maximo Soliven at Arnando Doronilla.
Pinangasiwaan ni Marcos ang:
1. PLDT – Philippine Long-Distance Telephone, Co.
2. MERALCO – Manila Electric Company

Mga Samahang Nabuo na tumututol sa Diktadurang Marcos


1. NPA - New People’s Army
2. MNLF - Moro National Liberation Front
3. Student Council – Sangguniang Mag-aaral

Mga mabubuting bagay na naidulot ng paghahari ng BM sa bansa:


1. Naging sapat ang suplay ng bigas at nakapag-eksport pa sa unang taon ng BM.
2. Sumigla ang larangan ng Agrikultura at iba pang industriyang pangkabuhayan
3. Paglaganap ng Infrastructure Projects
4. NAkontrol ang subersyon at kilusang komunismo
5. Lumawak anag pakikipagkaibigan sa ibang bansa
6. Nabigyang-halaga ang kulturang Pilipino
7. Nakapagpatayo ng mga paaralang pambayan, pagamutan at health center
8. Nabigyan ng pabahay ang mga maralitang tagalungsod

Di-mabuting dulot ng BM:


1. Paglaganap ng Nepotismo
2. Pagtaas ng antas ng katiwalian sa pamahalaan
3. Pagsasara ng mga himpilan ng pahayagan, radio at telebisyon
4. Pagpapatigil sa operasyon ng mga kagamitang pampubliko at mahahalagang industriya
5. Pagsikil sa mga karapatang Pantao
6. Pagpapahirap at pagpatay sa mga bilanggong political

Hunyo 16, 1981- halalang pampanguluhan kung saan nanalong pangulo si FEM.
ENERO 17, 1981- ipinahayag ang PROKLAMASYON BLG. 2045 o ang pagwawakas ng BM sa buong Pilipinas
SETYEMBRE 21, 1972 – ipinatupad sa buong bansa ang BM.

ARALIN 18: ANG PILIPINAS SA PANAHON NG BAGONG REPUBLIKA


IKAAPAT NA REPUBLIKA – ang bagong republika
- Naghari ang PAMAHALAANG PARLAMENTARYO sa bansa

PAMAHALAANG PARLAMENTARYO – uri ng pamahalaang nasa PUNONG MINISTRO ang mga tungkuling
pampamahalaan samantalang ang pangulo ay gumaganap lamang ng mga
panseremonyang gawain.
- Si CESAR VIRATA ang naihalal bilang punong ministro.

MGA DAHILAN NG PAGBAGSAK NG EKONOMIYA


 Sa unang taon ay nagkaroon ng bahagyang pag-usad ang ekonomiya na bunga umano ng pangungutang ni
Marcos sa mga industriyalisadong bansa
 1983 – tuluyang sumadsad ang ekonomiya

Mga dahilan na nagbunsod sa labis na paghihirap ng mga Pilipino.


1. Pagpaslang kay dating Senador Ninoy Aquino Jr. at ang pagkawala ng tiwala ng mga dayuhang
Mamumuhunan sa Pilipinas
- ang nagpasidhi sa galit ng mga Pilipino sa pamahalaan na nagbunsod sa pagsagawa ng mga kabi
kabilang kilos protesta
* AGOSTO 21, 1983 – pinatay si Ninoy Aquino sa tarmac ng Paliparan ng Manila International Airport
* ROLANDO GALMAN – sinasabing isang bayarang mamamaril ng NPA ang pinagbintangang pumatay kay
Ninoy.
 AVSECOM - Aviation Security Command
- Inatasang magprotekta kay Ninoy sa anumang panganib.

2. DEBALWASYON NG PISO o Pagbaba ng halaga ng Piso – nagbigay-daan sa pagtaas ng halaga ng mga


pangunahing bilihin at ng langis na nagpapatakbo sa mga industriya at transportasyon.

3. Pag-iral ng NEPOTISMO at ang Maluhong Pamumuhay ng Pamilyang Marcos


* NEPOTISMO at CRONYISM– Sistema ng pagbibigay ng pabor sa mga kamag-anak at kaibigan ng Unang
Pamilya

4. Pagpapatayo ng mga Gusaling di Kailangan

PANGUNGUTANG – tanging paraan upang matugunan ang pangangailangan ng pamahalaan dahil sa patuloy na
paghina ng ekonomiya.
IMF - International Monetary Fund
WB - World Bank
- Dalawa sa pangunahing pinagkakautangan ng bansa.

Mga proyektong imprastruktura na nagawa ng pamahalaan


(upang maipakitang sumusulong na at matatag ang ekonomiya ng bansa)
1. San Juanico Bridge (Barrio Cablawan) – kinikilalang pinakamahabang tulay sa Pilipinas (2,163 metro) na nag-
uugnay sa mga probinsiya ng Samar at lete.
2. Don Mariano Marcos Bridge (Abra)
3. Lucban Bridge sa Cagayan
4. Light Rail Transit (LRT)
5. Pinagbuti ang Sistema ng komunikasyon at koreo.
6. Pagtatatag ng Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS)
- Naglalayong mapaayos ang mga tirahan ng mahihirap na pamilyang naninirahan sa slum
areas.
7. Pambansang Pangasiwaan ng Elektripikasyon – nangangasiwa sa elektrisidad ng mga tahanan, paaralan,
pabrika at kompanya.

You might also like