You are on page 1of 4

Summative Test

Test.I
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag bago sagutin ang mga tanong. Piliin at isulat ang
titik ng pinakatamang sagot.

1. Bakit tinatawag na “ ina ng mga birtud “ ang prudentia ?


a. Dahil mas mataas ang halaga nito sa ibang birtud
b. Nailalagay nito sa konteksto ng panahon at kasaysayan ang pamimili
c. Ito ang sagot sa pagpili sa dalawang dulo ng pagpipilian
d. Hindi kailangan ang ibang birtud sa pagbuo ng mabuting pagpasiya
2. Tinatawag ng pilosopong si Aristotles ang kinikilala nating birtud ng prudential bilang____.
a. Angkop na makatarungan
b. Kahinahunan
c. Karunungang Praktikal
d. Ang kilos ng Pamimili
3. Ito ay pagpikit ng mata sa mga tawag ng halaga.
a. Kahinahunan
b. Karuwagan
c. Takot
d. Angkop
4. “ Ang pagpapakatao ay pagiging maingat na paghuhusga “ Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
a. Mahalaga ang maingat na paghuhusga upang maiwasan ang mga maling pagpapasiya na
makakasama sa ating sarili.
b. Ang maingat na paghuhusga ang nagbibigay hudyat ng matalinong pagpapasiya na mangangalaga
sa kapakanan ng tao.
c. Laging tandaan na ang unang hakbang sa paggagawa ng kabutihan ay maingat na paghuhusga.
d. Nagiging ganap ang pagpapakatao kapag hindi nanghuhusga ng kapuwa kahit may matibay na
katibayan.
5. “ Ang karuwagan ay pagpapikit ng mata sa tawag ng halaga. Yuyuko at titiklop ang isang duwag sa
kaniyang sariling kahinahan.” Ano pahayag na ito ay:
a. Mali, dahil batid ng isang duwag ang halaga ng mga nakapaligid sa kaniya.
b. Mali, dahil tiyak na susubukan harapin ng isang duwag ang hamon kahit walang kasama.
c. Tama, dahil nakikita ng isang duwag ang wala sa kaniya sa halip ng napakaraming mayroon siya.
d. Tama, dahil hindi umaatras sa anumang hamon ang isang duwag.
6. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
a. Katatagan at kasipagan
b. Kabayanihan at katapangan
c. Pinagkopyahan o pinagbasehan
d. Pinagmulan o pinanggalingan
7. Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan ay nangangahulugang______.
a. Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan
b. Pagggamit sa kalikasan na may pananagutan
c. Paggamit sa kalikasan ay pagpapakita ng paggalang sa kabutihang panlahat na siya naming layunin
d. Paggamit sa kalikasan na hindi isinaalang alang ang ibaT
8. Alin sa sumusunod ang tinaguriang “ina” ng mga birtud?
a. Prudentia
b. Kahinahunan
c. Katapangan
d.Katarungan
9. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng karuwagan?
a. Si Belle na takot sa Lumilipad na ipis
b. Si Carl na takot na mahulog kung sasabit sa jeep
c. Si Ana na nahihiyang mag-ulat sa harap ng klase
d. Si Lucy na takot maglakad sa madilim na kalye
10. Paano inilarawan ni Bernard haring ang ang maingat na paghuhusga?
a. Eyes of love
b. Puppy love
c. Eyes of love
d. Wings of love
11. Ang maingat na paghuhusga ay tinatawag na “Karunungang Praktikal”na ang ibig sabihin ay
isinagawang karunungan. Kaninong akda ito?
a. Pieper
b. Isaac’s
c. Keenan
d. Aristotle
12. Kung ang maingat na paghuhusga ay pagiging rasyonal ng isang tao. Ano ang kanyang
pamantayan sa kaniyang mga kilos ?
a. Kumikilos nang Malaya upang hubugin ang kaniyang mga kakayahan
b. Ginagamit ang talion at tamang katuwiran sa pagtugon sa mga sitwasyon
c. Nagpapahalaga sa dignidad at karapatan ng kaniyang kapuwa
d. Mahinahon sa pagpapahayag ng kaniyang kaisipan at damdamin
13. Ano ang maaaring epekto ng global warming?
a. Magiging madalas ang pagulan,pagguho ng lupa at paginit ng panahon
b. Unti unting mababawasan ang bilang ng tao dahil sa gutom at mga trahedyang mangyayari.
c. Matutunaw ang mga yelo, lalawak ang dagat at magkakaroon ng malawakang pagbaha.
d. Unti unting mararamdaman ng tao ang pagiiba iba ng klima na maaaring magdulot magdulot ng
pinasala.
14. Ang sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa;
a. Hindi maayos na pagtatapon ng basura
b. Paghihiwalay nang basura bilang nabubulok at di nabubulok
c. Pagtatapon ng basura sa anyong tubig
d. Pagsusunog ng basura
15. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang kasangkapan?
a. Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli ng mga bagong binhi
b. Paggamit ng lupain na may pagsasaalang alang sa tunay na layunin nito.
c. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha nang maraming ani.
d. Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapiligiran.
16. Ito ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos.
a. Espiritwalidad
b. Pananampalataya
c. Panalangin
d. Pagsamba
17. Ang pagsasabuhay ng pananampalataya ng mga muslim ay nakabatay sa Limang Haligi ng Islam.
Ang sumusunod ay sakop nito maliban sa isa;
a. Pagdarasal
b. Pag aayuno
c. Pagninilay
d. Pagsamba
18. Ito ang tinatawag na Apat na Uri ng Pagmamahal maliban sa isa;
a. Affection
b. Salah
c. Philia
d. Agape
19. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?
a. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay
b. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos
c. Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos
d. Upang lalo pang makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang kayang mga salita
20. Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay na pananampalataya maliban sa;
a. Kumikilala at nagmamahal sa Diyos
b. Naglilingkod at palagiang nananalangin sa Diyos
c. Nagmamahal at tumutulong sa kapuwa
d. Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapuwa

Test. II
Tama o Mali.

_____21.Duwag ang taong sumusuko sa hamon dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili o sa iba.
_____22.Ang paggawa ng makatarunga ay ang angkop.
_____23.Mahalagang husgasan ang sitwasyon nang may pagmumulat sa natanging kalagayan ng mga
tauhan.
_____24.Ang pananampalatay ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam.
_____25.Kapag kinalimutan ng tao ang Diyos ang kalikasan ay mawawalan ng kahulugan at mauwi sa
kahirapan.
_____26.Tayo ay hindi binubuhay ng kalikasan.
_____27.Inuutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan.
_____28.Ang pagiging Pilipino ay isang biyaya.
_____29.Ang dignidad ng persona tao ay hindi kasama sa kaniyang karapatan.
_____30.Pinagbubuklod ng pagmamahal sa bayan ang tao sa lipunan.

Test. III
Suriin ang sumusunod;

____31.Ito ang kapanatagan sa mga bagay na inaasam.


____32.Ito ang hindi reaksiyon lamang sa mga bagay na inaasam.
____33.Ang pagiging duwag ay pagsuko sa hamon.
____34.Ito ang pagmamahal bilang magkakapatid.
____35.Ito ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa diyos.
Test. IV
Ibigay ang mga sumusunod;

36-38. Apat na Uri ng Pagmamahal


39-41. Ibat-ibang uri ng relihiyon
42-45. Mga maling pagmaltrato at paglabag sa kalikasan
46-50. Limang Haligi ng Islam

You might also like