You are on page 1of 1

DISASTER MANAGEMENT NOTES

I. Definition of Terms
1. Ang hazard ay tumutukoy sa mga banta na kung hindi maiiwasan ay maaaring magdulot ng panganib o pinsala sa
buhay, ari-arian, at kalikasan.
2. Ang Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao.
3. Ang Natural Hazard ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng kalikasan.
4. Ang disaster ay tumutukoy sa pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing
pang-ekonomiya.
5. Ang bagyo ay nabuo sa karagatan ay tinatawag na Hazard.
6. Disaster ang tawag sa pinsala na dulot ng bagyo pagkatapos maglandfall at maminsala.
7. Ang Vulnerability ay tumutukoy sa tao, lugar, o imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga
hazard.
8. Ang Disaster Risk ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad.
9. Ang Resilience ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.

II. Facts
1. Mas vulnerable ang bahay na gawa sa hindi matibay na materyales kung ang hazard ay bagyo. Ito ay Tama.
2. Mas vulnerable and bahay sa tabi ng dagat kung ang hazard ay tsunami. Ito ay Tama.
3. Mas vulnerable ang matataas na gusali kapag ang hazard ay lindol. Ito ay Tama.
4. Ang Hazard ay banta pa lamang. Kapag wala pa itong napipinsala mananatili lamang itong Hazard. Ito ay Tama.
5. Magkaiba ang Hazard sa Disaster. Ito ay Tama.

III. Enumeration
A. Limang halimbawa ng Natural Hazard?
1) Bagyo
2) Lindol
3) Pagsabog ng Bulkan
4) Landslide
5) Tsunami
B. Apat na mahahalagang bagay upang malaman ang Disaster Risk?
1) Hazard
2) Exposure
3) Vulnerability
4) Capacity
C. Apat na halimbawa ng Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard?
1) Usok mula sa pabrika
2) Usok mula sa sasakyan
3) Nakakalasong kemikal
4) Digmaan

You might also like