You are on page 1of 10

BULONG NG BIGONG PAG IBIG / WHISPER OF FAILED LOVE

Chapter 1: Prologue
"What?!" hindi napigilan ni Louise ang pagtaas ng boses kasabay ng pagtayo sa narinig niyang tinuran ng
lalaki.
She tried to calm herself down nang mapansing nakuha niya ang atensyon ng ilang mga guests sa
restaurant na iyon. She breathed slowly at muling umupo. "what did you say Mr. Aragon?" she asked
again looking straight into the man's eyes. Kung nagbubuga lamang ng apoy ang mga mata niya, tiyak
niyang natupok na ito.
He chukled a bit as he leaned towards her, amusement in his eyes, tila ba nag e- enjoy ito sa nakikitang
galit at disbelief sa mukha niya. "just like how you heard it Ms.Saavedra. Marry me and I will make sure
your father gets back all of his properties...including Hacienda Saavedra" idiniin nito ang pagbitaw sa
huling
salita.
"Sira na siguro ang ulo mo para maisipan iyan!" she said gritting her teeth "what makes you think I am
desperate enough to even consider this?"
"are you not?" he challenged, amusement still in his eyes. He is clearly enjyoying this.
She gathered her bag ang gracefully stood up. Nanatili lamang roon si Gael na nakaupo,
boredom on his face.
"thank you for the wonderful dinner, Mr. Aragon. I don't think I will be seeing you again." tumalikod na
siya at nagsimulang lisanin ang lugar na iyon.
Sinundan ng tingin ni Gael si Louise. She was wearing a tight fitting black dress and is as elegant and
beautiful as he remembered.
we'll see about that Louise... we'll see about that.

Chapter 2: Chapter One


Mahinang tapik sa kanyang balikat ang gumising kay Louise. Nakangiting mukha ng flight stewardess
ang kanyang namulatan. "Please fasten your seatbelt, we'll be touching down in Manila shortly".
Umayos ng pagkakaupo si Louise at ikinabit ang seatbelt sa kanyang bewang. She opened the window to
look outside and gave out a sigh. 6 years. It's been 6 years since she decided to leave the Philippines.
Kung hindi lamang dahil sa ama ay hindi niya maiisip na bumalik ng Pilipinas lalo na ng Santa Martha.
2 araw na ang nakalilipas ng matanggap niya ang tawag ng kanyang yaya Adela. Her dad had suffered a
heart attack at kritikal ang kalagayan nito. She shivered a bit just thinking about that night. For the first
time in her life, she was so scared that she was mentally blocked. For a few minutes she couldn't even
respond sa kausap sa telepono.
"hello? hija, nandiyan ka pa ba? hello?" humihikbi pa din ang yaya Adela niya sa kabilang linya.
Ang yaya Adela niya ang mayordoma sa mansyon at para na rin niyang pangalawang ina. Her mom,
Eloisa, passed away when Louise was only 5 years old. Plane crash. Her mother was a doctor and she was
attending a conference in Japan. Hindi na ito nakabalik pa ng buhay sa kanila nang mag crash ang
eroplanong sinasakyan nito pabalik ng Pilipinas. She couldn't really remember a lot of things about her
mom, all she ever had growing up were pictures of them together.
Mas natatandaan niya how devastated her dad was. For a few months, halos hindi man lamang niya ito
malapitan. When he finally passed the mourning stage, ibinuhos naman nito ang buong atensyon sa mga
negosyo nila, perhaps to distract himself. While she was growing up, she remembered that it was her yaya
Adela who has always been there for her, hindi na ito nakapag asawa at sa halip ay iniukol na ang buhay
sa kanilang mag-ama. Hindi naman niya masasabing naging
masamang ama si Enrique sa kaniya, hindi naman siya nito pinabayaan. Lahat ng kanyang
pangangailangan o gusto ay ibinigay lahat nito. Oras nga lamang siguro ang naging pagkukulang nito sa
kanya. Despite her father's shortcomings, mahal niya ito, afterall, ito na lamang ang nag-iisang kadugo
niya. She couldn't bear the thought of losing another parent.

"ye..yes yaya... I'm here" pinahid niya ang mga luha. "magpapa book po ako ng flight right away yaya. I
will be home the soonest I can."
Ibinaba niya ang receiver ng telepono at umiyak. She feels guilty. For the last year or so ay hindi sila
nagkita ng ama. Enrique always makes it a point na puntahan siya nito sa San Francisco at least twice a
year, dahil na rin sa
palagian niyang pagtangging umuwi. Last year ay nakiusap ang amang siya naman ang umuwi, wala daw
sa kundisyon ang katawan nitong magbyahe lalo pa at nagkakaedad na ito.
Kahit ano pang pakiusap ng ama ay nanatiling
matigas si Louise sa desisyong huwag nang bumalik sa Santa Martha. Alam ng ama ang dahilan kung
bakit hindi niya gustong bumalik ng bayan nila pero ganoon pa man ay umaasa itong naghilom na sa
anim na taon ang anumang sugat na mayroon siya.
Kinabukasan ay walang inaksayang oras si Louise at inasikaso ang lahat ng mga bagay na maiiwan niya
sa San Francisco. She asked her good friend and colleague Rhea, na siya na munang tumingin tingin sa
kanyang apartment habang wala siya. She filed for an indefinite leave of absence sa pinapasukang
publishing house. She actually wanted to resign pero mahigpit itong tinanggihan ni Lloyd. Lloyd is the
CEO and owner of the small publishing house she's been working for since she moved to LA 6 years ago.
She considers herself really lucky dahil kahit fresh from college at walang experience ay binigyan siya ni
Lloyd ng opportunity. She started off as a copy writer and after 2 years, Lloyd decided to give her a try
and write on her own little column on the SF Herald. Mainit ang naging pagtanggap ng mga
mambabasa sa kanyang column which was about fashion and lifestyle, kaya naman napagpasiyahan ng
management na gawing regular ang column niya. Although she respects Lloyd, alam din niyang matagal
na itong may gusto sa kanya.
Hindi iilang beses siyang sinubukang yayain nito na lumabas. Rhea thinks she is crazy for always turning
him down. Kahit daw sinong babae sa kanilang opisina ay tiyak
na hindi palalagpasin ang pagkakataon, well maliban nga sa kanya. Tanging
ngiti na lamang ang naisasagot niya sa kaibigan kapag tungkol na sa dating ang usapan. Baliw nga siguro
siya for turning Lloyd down. Mabait, gwapo, mayaman. Ano pa nga ba ang hinahanap niya sa isang
lalaki?

A memory suddenly flashed in her mind. Those piercing set of eyes, passionately staring at her. Ipinilig
niya ang ulo. stop it! saway niya sa sarili.
*******
6 years ago...
"Louise!!!" patakbo siyang sinalubong ng kaibigang si Cindy. Iniangkla nito ang braso sa kanya, kaylapad
ng ngiti nito na animo ba'y nanalo sa lotto. "Ano bang meron at ganyang ang aura mo ngayon" tanong
niya rito, kipkip niya ang mga libro sa dibdib.
"nakita ko na kanina yung guwapong bagong transfer sa Engineering department na pinag uusapan ng
lahat" kilig na kilig na balita nito sa kanya.
She rolled her eyes "akala ko naman kung ano na at para kang bulateng nakuryente diyan!"
"Ang KJ mo talaga!" padabog na inalis nito ang pagkakaangkla ng kamay sa kanya "paano ka magkaka
boyfriend niyan? 4th year na tayo hanggang ngayon NBSB ka pa din" inirapan siya nito
"anong NBSB?"
"hay naku! eh di no boyfriend since birth!" muli nitong ikinawit ang braso sa kanya at excited na
bumulong sa kanya "ayun oh! ayun" sabay nguso nito sa lalaking nakatayo hindi kalayuan, kausap nito
ang isa sa mga kaklase nilang babae, si Marcie.
Sinipat niya ang lalaking itinuro ng kaibigan. He's sporting faded blue jeans na medyo may punit sa mga
hita, plain white shirt and...leather black boots? Who the hell wears boots anyway? Sino to? Si Antonio
Banderas? Gusto niyang matawa sa naisip nang hindi sinasadyang napatingin sa gawi nila ang
lalaki. This will sound totally overacting pero totoo pala yung sa mga pelikula yung parang nag slow
motion ang paligid. Napahinto siya sa paglakad at nanatili lamang nakatayo at nakatingin dito. There's
something about him. She can't exactly explain but she felt mesmerized. She can't help but examine his
features more.

Humigit kumulang ay isang dipa lamang ang layo nito sa kanya. Mahaba ang buhok nito na sa tantiya
niya ay jaw length. He tied it back in a pony tail. Louise hates guys with long hair, but somehow this guy
actually pulled off the look effortlessly. He is rugged and very manly in every way - moreno, matangkad
na sa tingin nya ay nasa humigit kumulang 6 na talampakan, bakat sa suot nitong t-shirt ang malapad na
dibdib at
matitipunong braso.
Matamis sya nitong nginitian ng mapansing nakatingin sya dito. Embarassed to death, she looked away,
sigurado niyang mapula pa
sa kamatis ang mukha niya.
"see! I told you" kinikilig na bulong ni Cindy.
"halika na" halos kaladkarin niya ang kaibigan, mabilis ang lakad and with her head still down, she
walked past the man.
"Hi Louise" napatigil at bigla ang paglingon niya sa likod pagkarinig sa baritonong tinig na iyon. Sa
biglang lingon ay halos nabangga siya sa dibdib ng lalaki na naroroon na pala sa likod niya.
"oopps" mabilis ang pag alalay ng mga kamay nito sa kanyang braso. Just by that mere touch, for the very
first time in her 16 years of existence, pakiramdam ni Louise ay may kuryenteng naglandas sa kanyang
mga braso. Tinabig niya ang kamay nito "h..how di..did you know my...my name?"
damnit Louise! why did you have to stammer and look like an idiot even more? she cursed herself
silently.
She looked up to his face only to see his charming smile, she gasped. gosh! this man is truly devilishly
handsome! no wonder almost everyone in high school department and even college department are
already talking about him kahit pa isang linggo pa lamang itong naka transfer sa Saint Martha University.
"Sino ba naman ang hindi may kilala sa isang Louise Saavedra?" nakangising sagot nito.
She opened her mouth only to close it again dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot doon. It's true.
Who doesn't know her in this school? Everyone knows who she is, even the whole town of Santa Martha
knows her and her clan. Siya ang unica hija ng pinaka maipluwensyang tao sa bayan na iyon.

Her family owns at least 40% of the entire town's businesses, from the rural bank to cafes. Most
importantly, the Saavedras own the biggest hacienda in the region. Hacienda Saavedra is the largest
producer of sugar cane in the country and provides most of the jobs for the people in their town. Even
their school's largest shares are owned by their family. So right, who will not know her?
"I'm Gael... Gael Aragon. It's nice to meet you" inilahad nito ang kamay sa kanya.
Gustong sipain ni Louise ang sarili dahil tila siya tangang nakitingin lamang sa kamay nito.
Isang kurot sa tagiliran ang nagpabalik sa huwisyo niya "Girl, nakikipagkamay yung tao" disimuladong
bulong ni Cindy, habang nakangiti.
"Nice to meet you Gael, ako nga pala si Cindy" iniabot ng kaibigan ang kamay to save her from
embarassment. "Pasensiya ka na, masama kasi pakiramdam nitong kaibigan ko eh" palusot nito.
"ayos ka lang ba?" tanong ni Gael sa kanya.
"ah..o - oo" alanganing tango niya "s..sorry, I'm Louise. Nice to meet you" sa wakas ay nasabi niya.
Tinanggap niya ang kamay nitong kanina pa nakalahad sa kanya. Sa kanyang pagkabigla, he lowered his
head to kiss her hand softly, not taking his gaze off her face. Nag-init ang pisngi ni Louise at biglang
binawi ang kamay.
"late na kami sa klase. bye!" and like an idiot, she turned and ran away.
Sa halip na dumeretso sa kanilang klase ay nagtungo sya sa banyo and locked herself in one of the
cubicles. Sumandal sya sa pintuan, breathless, dinama niya ng mga kamay ang puso what was that?

Chapter 3: Chapter Two


Matuling lumipas ang araw na iyon na hindi man lamang halos namalayan ni Louise. Tila
lumilipad maghapon ang isip niya sa mga pangyayari kaninang umaga. His face keeps crossing her mind.
Yes, he is very attractive indeed. Strong square jaws, mga matang tila matutunaw ka kapag tinitigan ka,
full sensous lips. He exudes sexiness and... danger? She somehow felt a tingle of fear sa lalaking ito.
Meanwhile, hindi matigil tigil ang kaibigang si Cindy sa katatanong sa kanya kung na love at first sight
daw ba siya kay Gael. She fiercely said no! How could Cindy even think of that?
Sino ba naman hindi mag iisip ng ganon sayo eh mukha kang engot kanina! bulong ng tinig sa isip niya.
Nagulat lang ako sa ginawa niya. hmp! may pagka presko! katuwiran naman ng kabilang bahagi ng isip
nya.
Marahan niyang ipinilig ang ulo na tila naiingayan sa nagsasagutang tinig sa sariling utak. She gave a
sigh. Napatingin sa kanya ang kaibigan na noon ay abalang nag b-browse sa facebook habang hinihintay
sunduin ng nobyong si Renz. Siya naman ay hinihintay ang sundo niya. Ewan ba kasi sa Papa niya, ilang
ulit na nilang pinag awayan ang kagustuhan nitong ipa sundo at ipahatid pa siya kay mang Erning, she
knows how to drive already pero she's not yet in the legal age to have her full license kaya't hindi pa niya
madala ang pulang top down Benz na iniregalo ng ama for her 16th birtdhay. She begged her dad to let
her drive the car since meron naman siyang student license and she will only use it in town, she swore
she'll be careful pero hindi niya ito mapapayag. In the end, nagbigay na rin siya sa kagustuhan ng ama
dahil alam naman niyang walang patutunguhan ang pakikipagtalo tutal naman, 2 taon na lang ang
hihintayin niya then the car is all hers to drive.
Hindi nagtagal ay dumating na si Renz upang sunduin ang kaibigan.
"Hatid ka na kaya namin?" tanong ng kaibigan habang inabot ang pintuan ng passenger side ng sasakyan
"mukhang late si mang Erning ngayon ah". "Naku huwag na, baka may dinaanan lang. For sure, maya
maya andito na yun"
"sigurado ka ba? mukhang uulan oh"
Tiningala ni Louise ang kalangitan. Medyo makulimlim nga pero hindi naman siguro biglaang bubuhos
ang ulan. Panigurado maya maya lang ay narito na si Mang Erning. He was always on time, minsan nga
ay mas maaga pa kesa sa dapat na oras.
"okay lang ako. Sige na mauna na kayo at alam ko may date pa kayo eh"

Kilig na napatawa si Cindy. "Ewan ko kung ano daw sorpresa nitong si Renz ngayon. Ayaw sabihin kung
saan eh!" lumabi ito at humalukipkip
"kaya nga surpresa" sagot naman ni Renz "hi Louise" nakangiting bati nito sa kanya. Renz is a 2nd year
Business Administration student sa kabilang unibersidad.
"O sige bes kung hindi kita mapipilit eh mauuna na kami. See you" isang kaway ang itnugon ni Louise sa
kaibigan. Tinanaw niya ang papalayong kotse ng mga ito.
Kinse minutos pa ang matuling lumipas ngunit wala pa rin si Mang Erning.
Dinukot ni Louise ang telepono mula sa bulsa. Mabuti pa ay tawagan niya ang yaya Adela. She groaned
in dismay ng makitang patay ang telepono, empty battery pala. She glanced at her watch, 6:45 na.
Madilim dilim na rin ang pailigid at tila gusto nang bumagsak ng ulan. Well, at this rate mukhang hindi na
yata darating si Mang Erning, kung bakit ito naantala ng sobra ay hindi niya alam pero sana naman ay
walang masamang nangyari dito. Nagsimula siyang maglakad patungong paradahan ng tricycle, hindi
naman ito kalayuan mula sa kanilang eskuwelahan.
Binilisan ni Louise ang paglakad ng maramdaman ang maliliit na patak ng ulan sa kanyang balat. Nagulat
pa si siya nang biglang may humintong motorsiklo sa kanyang harapan. Naka helmet ang sakay nito
kaya't hindi niya agad makilala. Sinakmal ng kaba ang dibidb niya, Diyos ko kidnapper ba to? Hapon na
kaya't wala na halos mga estudyanteng naglalakad sa kalyeng iyon. Nakaakma na sanang tatakbo pabalik
si Louise nang magsalita ang sakay nito and for some reason, she only heard that voice once pero
pakiramdam niya ay kilalang kilala niya ito.
"Louise, hatid na kita" baritono ang tinig na iyon, her heart skipped a beat hearing that voice again.
Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig. There he was, looking like a modern day greek god. Hinubad
nito ang helmet na suot, at hinagod ang buhok pasuklay sa likod.
"mag t-tricyle na lang ako" nilagpasan niya ito kahit pa matindi ang kabog ng kanyang dibdib.
Hinawakan nito ang braso niya na nagpatigil sa kanyang paglakad.
Pakiramdam niya ay nakuryente siya dahilan upang biglaan niyang binawi ang braso mula rito. He
chuckled, seeming to enjoy her reaction. Tiningala nito ang kalangitan and softly smiled at her, revealing
a set of perfectly white teeth.
Seriously! Is there anything not good looking about this guy?!

"Relax, hindi ako masamang tao Louise. Lumalakas na ang patak ng ulan, malamang abutan ka ng buhos
bago ka pa makarating sa paradahan" he stated matter of factly.
Totoo naman ang sinabi nito, mas bumilis na nga ang pagpatak ng ulan. Hindi malaman ni Louise kung
ano ang isasagot. She doesn't want to be soaking wet pagdating sa paradahan, medyo manipis pa naman
ang puting blusang suot niya. Besides, karaniwan na ay naarkila na halos lahat ang mga tricyle pag
ganitong masama ang panahon at nagmamadaling makauwi ang lahat ng tao sa bayan, so who knows
kung mayroon ba siyang daratnan doon.
"It's okay, you can wear my helmet" itinaas nito ang itim na helmet na hawak sa kanang kamay
and charmingly smiled at her. She glanced at the watch on her wrist, almost 7:00. Siguradong nag aalala
na ang ama at yaya Adela niya lalo pa at hindi makokontak ng mga ito ang kanyang telepono. Alanganin
niyang inabot ang helmet mula kay Gael ang wore it.
"okay lang bang wala kang helmet?" tanong niya rito matapos makaupo sa likod ng motorsisklo
"don't worry sweetheart" nilingon siya nito "I'm a pro" and winked at her. Naipagpasalamat ni Louise na
suot niya ang helmet upang hindi makita nito ang pamumula ng kanyang pisngi. He called her sweetheart.
No one has ever called her that, and for goodness sake! why does it sound so perfectly good coming from
him? Mahinang ipinilig ni Louise ang ulo. ano bang nangyayari sayo Louise? she remembered how one
of her suitors tried calling her babe and she actually grimaced and turned him down right then and there.
Ang muling pagkabuhay ng makina ng motorsiklo ang nagpabalik ng huwisyo niya sa kasalukuyan.
"Hold on tight, sweetheart" and he softly reached out for her hands na nasa mga balikat nito and placed it
around his waist. Napasinghap si Louise sa ginawa nito. She is practically hugging him! She could smell
his scent, muscular with a hint of cologne.
"h-hindi ba pwedeng sa balikat na lang ako h-humawak?" she gulped.
Gael chuckled "it's safer this way, lalo na medyo bumpy ang daan patungong hacienda niyo" he glanced at
her again over his shoulders "don't worry, I'm harmless. I've never done anything to a woman...unless she
wants it".
Nag init ang pisngi ni Louise and again, she was thankful for the helmet na suot.

For the next 15 minutes ay nanatili si Louise na nakayapos sa baywang nito, all the while the rain was
pouring down like crazy. Hindi niya mapigilan ang mapatili kapag sumusulpot ang matalim na kidlat at
malakas na kulog. After a few minutes, he turned left onto an unfamiliar road. Dapat ay matakot si Louise
lalo na at hindi naman niya ito talaga kilala except that he's a the hot transferee at SMU, but for some
reason, hindi niya makapa ang takot sa dibdib. Makalipas ang ilan pang minuto ay nasa harap na sila ng
isang lumang bahay kastila.
Ipinarada nito ang motorsiklo sa harap ng bahay "I think it's better na palipasin ang lakas ng ulan, Louise"
he helped her get down the motorcycle at hinubad mula sa kanya ang helmet.
He held her hand at tinakbo maliit na distansya patungo sa bahay, walang nagawa si Louise but to run
with him towards the house.
"This is where I live. Tara sa loob at makapag punas" he was still holding her hand but she refused to
move. Natigilan ito at nilingon siya.
"I-ikaw lang mag isa dito sa bahay?" alanganing tanong niya habang
sinulyapan ang papasok sa kabahayan, trying to see if there's anyone else in the house.
"Nandito rin ang tiyahin ko, siguro ay hindi lamang narinig ang pagdating natin dahil sa buhos ng ulan"
humarap ito sa kanya at itnukod ang dalawang kamay sa pader sa likod niya, niyuko siya nito so that their
faces meet. Louise was trapped between Gael and the wall behind her.
Hindi niya malaman ang gagawin ng ilapit nito ang mukha sa kanya, she could smell his breath
fanning her face.
"I told you sweetheart... I'm harmless and I won't do anything to you...na hindi mo gusto" he was looking
at her with those piercing eyes. Sa kabila ng lamig na nararamdaman ni Louise dala ng basang damit,
dama niya ang pag iinit ng mga pisngi. She clutched her handbag on her chest, as if to protect her from
him. He gave out a soft laugh, enjoying her reaction ngunit hindi nito inalayo ang mukha mula sa kanya at
hindi rin inalis ang mga kamay na nakatukod sa pader.
Halo halo ang emosyon niya at tila lalabas na yata ang puso niya mula sa kanyang dibdib sa lakas ng
kabog nito. Tila nahihipnotismo din siyang hindi maialis ang tingin mula rito.
"Andito ka na pala Gael" napapitlag si Louise sa tinig na nagmula sa
kabahayan. Gael didn't seem to be concerned kahit pa naroon pa rin sila sa ganoong posisyon.

Louise finally found the courage na itulak ito palayo sa kanya. Bahagya lamang itong natinag but he gave
way so she could pass through.
"G-good evening po" nauutal niyang bati sa babaeng nakatayo sa entrada ng kabahayan.
She's porbably in her 60's, balingkinitan ito at may kaputian. Despite her age, mababakas pa rin ang
kagandahan nito.
"Magandang gabi naman hija" the lady greeted her back kahit na naroroon sa mga mata nito ang
pagtataka. Pinaglipat lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa ni Gael.
Lumapit si Gael dito at nagmano "tiyang, siya ho si Louise... Louise Saavedra" Hindi alam ni Louise
kung imahinasyon lamang ba niya ang nakitang reaksyon mula sa tiyahin ni Gael. Sa tingin kase ni
Louise, she became uneasy upon hearing her name.
"S-Saavedra?" ulit nito sa apelyido niya. Tingnan nito ang pamangkin and Louise almost saw disbelief in
the lady's eyes.
"Tiyang, maaari niyo ho bang bigyan ng mapagpapalitang damit si Louise?" pag-iiba nito ng usapan.
Mahinang tango ang itinugon ng matandang babae.
"Halika hija, sumunod ka sa akin" at nauna na ito papasok sa kabahayan. She looked at Gael
uncertainly. Isang ngiti at tango ang isinagot nito sa kanya.
Tahimik siyang sumunod sa tiyahin nito.
"Naku eh sana kasya sa iyo ito" inilapag nito sa harap niya ang isang bestidang kulay puti. Cotton iyon at
may eyelet design.
"Pasensya na po kayo sa abala" tugon ni Louise " nagmagandang loob lamang po kase si Gael na ihatid
ako pero bumuhos naman po ang malakas na ulan"
"Walang abala iyon hija... doon nga pala ang banyo, naglagay na rin ako doon ng bagong tuwalya para
makapag patuyo ka" itinuro nito ang direksyon ng banyo. Muling nagpasalamat si Louise at tingungo na
ang banyo upang makapag palit. Matapos makapag palit at patuyuin ang buhok ay itinklop niya ang
basang damit na hinubad.
She looked at herself in the mirror, the dress fits her perfectly. Simple lamang iyon, may disenyong pa
ribbon sa harapan, short sleeved at ang laylayan nito ay lampas ng tuhod niya.
She combed her hair at matapos ay lumabas na ng paliguan, bitbit sa isang kamay ang damit na hinubad.
Hindi mapigilan ni Louise na igala ang mga mata sa loob ng kabahayan. Luma na ito ngunit naalagaang
mabuti. Puro antigo na ata ang gamit sa kabahayan ngunit malinis lahat. Makintab ang Narrang sahig. She
can't help but admire the beauty of the old house.
Napahinto si Louise nang mapatapat siya sa isang kwarto na bahagyang nakabukas ang pinto. Curiosity
got the best of her and she slowly walked towards the room to gently peek. She very carefully pushed the
door.
This must be Gael's room. Simple lamang iyon. Nasa isang gilid ang kama na natatakpan ng asul na kobre
kama, asul din ang mga punda ng unan. She noticed there's a guitar hanging on one wall.
She knows it's not right but she can't help but step in the room. She wanted to find out more about this
guy. She's being a creep now, but she can't even help it. It feels like there's a strong force pulling her in.
She carefully went in the room, almost on a tiptoe. Iginala ang mga mata sa loob ng kwarto. Hindi siya
nagkamali, silid nga ito ni Gael. Nasa ibabaw ng bedside table nito ang isang larawang naka frame, must
be taken when he was just 16 or so. He was smiling so widely sa larawan habang naka akbay ang kamay
sa isang babae, who was equally smiling so bright. It was taken under a a tree, mukhang stolen shot lang
dahil wala ni isa sa dalawa ang nakatingin sa camera.
She picked up the photo to look at it more carefully. Hindi niya maipaliwanang kung bakit pero may
bahagyang kirot siyang naramdaman. She must be an ex- girlfriend. They looked sweet in the photo.
"You know the saying curiosity killed the cat?"
Muntik nang mabitawan ni Louise ang larawang hawak sa gulat. Awtomatiko siyang napatingin sa
direksyong pinanggalingan ng tinig, and there he was, standing by the door. Magka krus ang mga kamay
nito sa dibdib, at ang likod ay nakasandal sa hamba ng pinto. Nakapag palit na rin ito ng damit. He was
wearing faded blue jeans and a white V neck shirt. He was barefoot like her kaya siguro hindi niya
namalayan ang pagdating nito.
Louise was embarassed, agad niyang ibinalik sa bedside table ang larawan. She panicked a little nang
makitang nagsimula itong lumakad papasok ng kwarto, closing the door behind him.
Chapter 4: Chapter Three
Louise tried to hide the slight panic she was feeling dahil patuloy ito sa paglapit sa kanya
"sorry!" naibulalas niya sa pagkapahiya. "ah ano kase.. uhmm..." c'mon Louise think of something to say!
giit ng isip niya
"well?" untag ni Gael nang wala pa siyang maidugtong sa sentence niya.
"ah ano kase..nakita ko yung gitara. Tama! yung..yung gitara na yun oh" itinuro niya ang gitarang
nakasabit sa dingding.
phew! buti may naisip siyang palusot because she'd rather die than tell him she was curious as hell about
him.
Tumango tango si Gael but he looked unconvinced sa palusot niya. May isang dipa na lamang ang layo
nito sa kanya. Pinag ekis nito ang braso sa harap ng dibdib, and looked at her from head to foot,
admiration evident in his eyes.
"I never knew an old dress can look so pretty. Then again, kahit yata basahan ang isuot mo, sweetheart,
you will still look lovely" he complimented
"s-salamat" she replied trying to ignore his gaze.
"sorry ulit, mauuna na ako" she tried to pass through and head for the door pero mabilis na ihinarang nito
ang kanang braso sa kanyang dadaanan.
"not so fast miss curiosity" Gael said in a low voice.
Louise's heart started beating more erratic, heto at kaylapit na naman ng lalaking ito sa kanya. Gael
slowly walked towards her, closing the small distance between them. Hindi malaman ni Louise ang
gagawin kundi umurong upang makaiwas sa paglapit pa nito sa kanya. Sa kakaiwas ay hindi niya
napansing nasa likuran na niya ang kama. Isang mahinang tili ang kumawala mula sa kanyang lalamunan
nang mapaupo siya sa kama.
Before she knew it, naroon na si Gael sa kanyang harapan, both his hands were on her sides, trapping her
again. He was atop of her, staring at her face so
intently that she thought she would melt.
Awtomatikong naiharang ni Louise ang dalawang kamaya sa pagitan nila, pushing them against his chest.
He could feel his heart beating beneath her palm. Napatingin siya sa mukha nito nang maramdaman ang
puso nitong tila nagwawala sa pagtibok, nasa mga mata ni Louise ang pagkalito at tanong. Gael was
staring at her face intently yet with such tenderness na lalo lamang dumagdag sa pagkalito niya.
He surveyed her face, his eyes landed on her lips. "You're gonna drive me mad sweetheart" he said, his
breathing was heavy.

Napasinghap si Louise sa sinabi nito and unkowingly parted her lips. He let out a groan at muling ibinalik
ang tingin sa kanyang mga mata, their eyes met, sa mga mata ni Louise ang pinaghalong pagkalito,
excitement at takot habang ang kay Gael ay... hindi niya maipaliwanag. Nakatingin ito sa kanya
na tila galit " be careful, Louise" babala nito "Hindi ko alam kung kaya kong pigilan ang sarili ko if you
do that again" he inhaled
deeply before moving his body away from her.
Damang dama ni Louise ang pag iinit ng mga pisngi. She gently got up from the bed and sat there silently
habang si Gael ay tinungo ang pintuan ng silid upang lumabas. "I'll wait for you outside to take you
home. Huminto na ang ulan" he said without even looking at her.
It took a few minutes bago siya tumayo mula sa pagkakaupo. May nagawa ba siya para magalit ito sa
kanya? His words still echoed in her head be careful, Louise... it gave her goosebumps.
Ipinilig niya ang ulo, huminga ng malalim at nilisan ang silid na iyon.

You might also like