You are on page 1of 1

FILIPINO 10 (Mapagtimpi at Mapagbigay)

Panuto:
 Basahin ang kabanata 1 (Sa Kubyerta) ng akdang El Filibusterismo.
 Isagawa ang mga sumusunod na gawain sa isang ½ crosswise na papel.

PAG-UNAWA SA BINASA:
I. Panuto: Gaano ang iyong nalalaman sa kabanatang ito? Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.
1. Aling bahagi ng barko ang naging pook-tagpuan ng mga tauhan sa kabanata?
2. Bakit inihahambing sa isang nag-hahari-hariang ibig mag-utos nang pabulyaw ang sasakyang pantubig na ito?
3. Ano ang sinisimbulo ng itaas ng kubyerta? Palawakin ang sagot
4. Sino-sino ang mga tauhang ipinakilala sa kabanata?
5. Isa-isahin ang mga panukala ng bawat tauhan ukol sa pagpapalalim ng ilog.
6. Sa inyong palagay, sino sa kanila ang may katwiran? Bakit?
7. Makatutulong ba nang Malaki ang pag-aalaga ng pato para mapalalim ang ilog upang mabilis ang mga paglalakbay
ng mga barko? Ipaliwanag ang sagot.

II. Punan ng wastong sagot ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
1. Si _________________ na hindi marunong mapagod ay natutlog nang mahimbing at nasisiyahan sa lahat ng
kanyang ipinahahayag.
2. Ang kanonigong si __________ ay nagbigay ningning sa mga pari dahil sa kanyang panlabas na kaanyuhan.
3. Hindi sang-ayon si Donya Victorina sa mungkahi ni Don Custodio dahil siya ay nandidiri sa _______
4. Si __________ ay nag-ala-Ulises na tumakas matapos hambalusin si Donya Victorina.
5, Bukod sa pangalang bapor Tabo ito ay tinatawag ding __________ ng pamahalaan.
6. Ang panukalang yankee ay tumutukoy sa isang mag-aalahas na si __________
7. Si Simoun ay tinatawag ding __________
8. Si Donya Victorina ay nagsisilbing tagapangasiwa kay __________ na napakaganda at napakayamang dalaga.
9. Ang __________ ay inihalintulad na lamang sa isang beterano na nag-aalaga na lamang ng isang batang
sumpungin.
10. Ang tinutukoy na paring mukhang artilyero ay si __________.

You might also like