You are on page 1of 8

apa AP-Q4-W3-4

8 I

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan-Modyul 2
Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
• Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng
Ikalawang Digmaang Pandaidig.( AP8AKD-IVb-2)

Aralin 1 Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

lin Week 7
1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria
Ang agresyon ng Japan sa Manchuria noong 1931 ay kinundena ng Liga ng
mga Bansa dahil sa ginawang pananlakay, tumiwalag ang Japan sa samahan noong
1933. Itinuloy ang kanyang pananakop, pagkaraan ng anim na taon, sinalakay ang
bansang China at napaurong ang puwersa plano ng Japan na idagdag ang mainland
upang mabuo ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Ang Sphere na ito
ang mag bibigay sa Japan ng supply ng goma, langis, at lata para sa industriya
nito, bigas para sa mga Haponesni Chiang Kai-skeksa kanlurang China.
Inagaw ng Japan ang lungsod Manchuria noong 1931. Dahil dito, kinundena
siya ng Liga ng mga Bansa at sinabing mali ang kanyang ginawang paglusob.
Kasunod ng pagkundena ay itiniwalag sa Liga ng mga Bansa ang Japan.

2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa (1933)


Umalis ang Germany sa liga dahil para sa kanya ay isang paglabag sa karapatan
nila ang pagbabawal ng Liga na sila ay muling magsandata. Nais din niyang labagin
ang probisyon ng Kasunduang Versailles na naglagay sa kanya sa kahiya-hiyang
kalagayan. Muling nagsandata ang Germany sa pamumuno ni Adolf Hitler sa ilalim
ng pamahalaang Nazi. Nakipag alyansa naman ang France sa Russia upang
paghandaan ang muling pagpapalakas ng Germany.

3. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia


Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng Italy ang Ethiopia noong 1935.
Tuwiran niyang nilabag ang Kasunduan sa Liga ( Covenant of the League). Ang
krisis sa ekonomiya ay nagpasidhi sa mga radikal. Si Mussolini ay isang peryodista
ay nagtatag ng isang kilusang kung tawagin ay Pasismo. Noong 1922, inagaw niya
ang pamahalaan at ginawang diktadok ang sarili. Silang dalawa ni Hitler ay bumuo
ng tinawag na Rome-Berlin Axis.

4. Digmaang Sibil sa Spain


Ang digmaan ay nagsimula noong 1936, dalawang panig ang naglaban:
Fascistang Nationalist Front at ang Sosyalistang Popular Army. Nanalo ang
mga Nationalista. Maraming nadamay sa digmaan sibil ng Spain dahil sa pakikialam
ng ibang bansa. Ang mga kasama sa Axis ay hayagang sumuporta sa mga rebelde
samantala tinutulunagn ng Russia ang pamahalaan nito.

5. Pagsanib ng Austria at Germany ( Anschluss)


Nais ng Austria na maisama ang kanilang bansa sa Germany. Ito ay tinutulan ng
mga kasapi ng Allied Powers ( France, Great Britain at United States). Tinutulan rin
ng Italy, subalit nawalan ng bisa ang kanyang pagtutol noong 1938 dahil sa
Kasunduang Rome-Berlin-Tokyo Axis.
6. Paglusob ng Germany sa Czechoslovakia
Hinikayat ni Adolf Hitler ang mga German sa Sudeten noong Setyembre 1938 na
pagsikapan nilang matamo ang kanilang awtonomiya. Dahil dito, hinikayat naman
ng England si Hitler na magdaos ng pulong sa Munich. Ngunit nasakop ni Hitler ang
Sudeten, gayundin ang mga natitira pang teritoryo sa Czechoslovakia.

7. Paglusob ng Germany sa Poland


Ang tuluyang nagpasiklab ng Ikalawang Digmaan sa Europe ay ang malakidlat
na paglusob ng Germany sa Poland noong 1939. Tinawag itong blitzkrieg. Ang
pagsakop na ito ay ang paglabag ng Germany sa kasunduang Ribbentrop-
Molotov nila ng Russia na hindi na muling makikidigma. Ginawa ito ng Germany
dahil sa hindi pagsali ng Russia sa negosasyon sa krisis ng Czechoslovakia at
ikalawa ay nang mainis ang Russia sa England nang ang ipinadalang negosyador
ng England sa Kasunduan ng Pagpupulungan ( Mutual Assistance Pact) ay hindi
isang importanteng tao.

Ang Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Noong tag-araw ng 1939, sinalakay ni Hitler at ng kanyang hukbo ang Austria at
Czechoslovakia upang gawing teritoryo ang mga ito. Tinangka rin niyang kunin mula sa
Poland ang Baltic Port at ang Polish Corridor. Tumanggi ang Poland kayat nagkakrisis.
Unang araw ng Setyembre 1939, nang ang puwersa ng Nazismo sa lupa at himpapawid
ay sumalakay sa Poland. Ipinaglaban ng magigiting na taga-Poland ang kanilang
kalayaan. Nang mabatid ito ng Britain at France, sila ay nagpahayag ng pakikidigma sa
Germany. Noong ika-17 ng Setyembre, ang Russia na may lihim na kasunduan kay
Hitler ay sumalakay rin sa Poland sa gawing Silangan.
Hindi nagtagal, ang Poland ay nalupig. Ang Poland ay pinaghatian ng Germany
at Unyong Sobyet nang walang labanan.
MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARING NAGANAP SA IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG
Ang Digmaan sa Europe
Sa kanlurang Europe, ang mga hukbong Pranses at Ingles ay nag-abang sa likod
ng Maginot Line. Hindi agad sumalakay ang mga German pagkatapos nilang masakop
ang Poland. Walang gaanong operasyong militar sa Europe matapos masakop ng
Germany ang Poland, tinawag itong Phony War dahil sa pananahimik ng digmaan.
Tinawag naman ito ni Winston Churchill na Twilight War at ng mga German na
Sitzkrieg na nangangahulugang Sitting War.
Noong Abril 1940, ang Phony war ay natapos sapagkat tinuloy na ni Hitler ang mga
biglaang paglusob na walang babala.
Ang mga taga Norway ay lumaban subalit sila ay madaling natalo samantalang ang
mga taga-Denmark ay hindi lumaban. Noong ika-10 ng Mayo 1940, biglang sinalakay
ng mga Nazi ang neutral na mga bansa ng Belhika, Holland At Luxembourg. Binomba
ng mga eroplanong German ang mga bansang ito na kung tawagin ay low countries at
sinira ang mga paliparan, pahatiran at tulay.
Umurong sa tabing-dagat ng Dunkirk ang hukbong Pranses. Sa ganitong gipit na
kalagayan ay nagpasya na si Winston Churchill, ang Punong Ministro ng England na
umurong ang kanyang hukbo. Ang kagitingang ipinamalas ng mga sundalo laban sa
German ay itnuring na Epiko ng Dunkirk.
Samantala, ang France na umasa sa Maginot Line bilang kanyang tanggulan ay
nabigla nang dumating na lamang sa pintuan ng Paris ang mga German noong ika-10
ng Hunyo, 1940. Bumagsak ang Paris at ang pamahalaan ay inilipat sa Bordeaux.
Ang United States at ang Digmaan
Nangamba ang Amerika sa pagkapanalo ng Nazi sa Europe. Nabahala sila sa
kaligtasan ng England pati na sa layunin ng Demokrasya. Bilang tugon, pinagtibay ng
Kongreso ng United States ang batas na Lend Lease kung saan magbibigay ang
America ng mga kagamitang pandigma sa lahat ng lalaban sa mga kasapi ng Axis
Powers. Noong 1941, naging miyembro ng Allied Powers ang United States of
America.
Battle of Britain
Tinangka ng Germany na sakupin ang Great Britain. Nagsagawa ito ng matinding
pagbobomba sa mga base ng Royal Air Force, ang hukbong panghimpapawid ng
Great Britain noong Agosto 1940.
Nagpatuloy ang pambobomba ng Luftwaffe, ang hukbong pamhimpapawid ng
Germany. Sa loob ng 57 gabi, naging tuon ng pagbobomba ang London, kabisera ng
Great Britain.
Labanan sa Mediterranean
Naganap ang First Battle of El Alamein noong Hulyo 1940. Dito napigilan ang
Germany sa pagsakop sa Alexandria at sa Suez Canal sa Egypt. Natalo ang Germany
sa Second Battle of El Alamein noong Oktubre hanggang Nobyembre 1942.
Sinakop naman ng Italy ang Greece mula sa base nito sa Albania noong Oktubre
1940. Lumaban ang mga Greek at napalaya ang ¼ ng Albania noong Disyembre 1940.
Samantala, nagsimula ang North African Campaign sa taon ding iyon at inatake ng Italy
ang puwersang British sa Egypt. Pagdating ng Agosto 1940, nasakop ng Italy ang East
Africa.
Ang Atlantic Charter at Arcadia Conference
Noong Agosto 1941, nagpulong sa baybayin ng Newfoundland sina Pangulong
Theodore Roosevelt ng United States, at si Winston Churchill ang Punong Ministro ng
England. Doon nila isinagawa ang Atlantic Charter, na nagbigay ng isang tiyak na
kasunduan na “pagkatapos wasakin ang tiraniya ng Nazi, lahat ng mga bansa ay
mabubuhay sa kapayapaan, malaya sa takot, at di na muling gagamit ng puwersa”.
Noong Disyembre 1941 hanggang Enero 1942, nagkaroon ng Arcadia Conference
kung saan napagpasyahan ng mga lider ng Allies na unahing talunin ang Germany
kaysa Japan. Napagpasyahan din na ang petsa ng paglapag ng pwersang Allies sa
Africa ay Hulyo 1942.
Inilunsad ng Allies ang Operation Torch noong Nobyembre 1942 sa pamumuno ni
Heneral Dwight Eisenhower, upang makontrol ang Morocco at Algiers. Sa Battle of
Kasserine Pass, tinalo ni Heneral Erwin Rommel ng Germany ang mga Allies sa
pamumuno ng U.S.
Ang Digmaan sa Pasipiko
Samantala, habang abala ang hukbong German ( Nazi) na namiminsala sa Europe,
ay naghahanda naman ang hukbo ng Japan sa paglusob sa Pasipiko. Upang ito ay
masugpo, pinatigil ng United States ang pagpapadala ng langis sa Japan.
Nagpunta si Hideki Tojo ( Punong Ministro ng Japan) kay Embahador Saburu
Kurusu upang tulungan si Admiral Kichiburu Nomura sa pakikipagtalastasan sa
Amerika upang maiwasan ang krisis. Subalit pataksil na binomba ng Japan ang Pearl
Harbor, ang himpilan ng hukbong dagat ng U.S. sa Hawaii noong Disyembre 7, 1941.
Tinawag itong “ Day of Infamy” Ito ang naghudyat ng pagsiklab ng digmaan sa Asya-
Pasipiko.
Bagama’t nag-atubili ang U.S. na sumali sa digmaan noong una, ito ay napilitang
lumahok bilang reaksiyon sa pagbomba ng Japan sa Pearl Harbor.
Ang Germany at Italy ay tumulong sa Japan at nagpahayag rin ng pakikipagdigma
laban sa United States noong ika-11 ng Disyembre, 1941. Ilang oras matapos salakayin
ng Japan ang Pearl Harbor, ang mga eroplano ng Japan ay sumalakay din sa Pilipinas
at winasak ang hukbong panghimpapawid ng Clark Field sa Pampanga. Dumaong ang
Japan sa Hilagang Luzon. Magiting na lumaban ang Pilipinas sa pamumuno ni
Pangulong Manuel L. Quezon ng Pamahalaang Komonwelt at Heneral Douglas
McArthur. Tuluyang nasakop ng Japan ang Maynila noong ika-2 ng Enero, 1942. Ang
pinakahuling pananggalang ng demokrasya ay ang Bataan at Corregidor. Sa
pagbagsak ng Bataan noong Abril 9, 1942 at Corregidor noong Mayo 6, 1942, ganap
nang nasakop ng Japan ang Timog Silangang Asya.
Kasabay ng pagsalakay sa Pilipinas ay ang pananalakay ng Japan sa Thailand,
British Malaya, Hongkong, Guam, at Wake Islands. Narating ng Japan ang tugatog ng
tagumpay sa pananakop sa Pasipiko noong 1942 at nagtatag sila ng Greater East
Asia-Co Prosperity Sphere.
Nagpahayag ng pakikidigma sa Japan ang U.S., gayundin ang Great Britain.
Samantala, nakapaghanda ang Austria at nabigo ang Japan na masakop ito.
Unti-unti namang nakabangon ang United States mula sa pagkatalo nito sa Pearl
Harbor at sa Pilipinas. Gumawa agad ang mga Amerikano ng mga kagamitang
pandigma bilang kapalit sa mga nawasak ng Japan. Tinipon nila ang mga puwersang
Allies na pinamumunuan ni Heneral Douglas McArthur na nakatakas mula sa
Corregidor at nangako sa mga Pilipino ng “ I Shall Return”.
Tagumpay ng Mga Alyadong Bansa
Noong Hulyo 1943, nabawi ng Allies ang Sicily sa Italy. Nilusob nila ang kabuuan
ng Italy at napasakamay din nila ang Hilagang Africa. Dahil dito napaalis sa
kapangyarihan si Benito Mussolini sa pamamagitan ni Pietro Badoglio.
Nakatakas mula sa bilangguan si Mussolini at nagtungo sa hilagang Italy.
Nagtatag siya ng bagong pamahalaang Fascista, ngunit di ito tinangkilik ng mga tao.
Doon siya nahuli at pinatay kasama ng babaeng kanyang kinakasama na si Clara
Peracci noong ika-2 ng Abril ,1945. Kasunod nito ay ang paglusob ng mga Allies sa
France upang mabawi ito mula sa Germany.

Ang Tagumpay ng Alyado sa Europe


Ang Tagumpay ng Alyadong Bansa sa Europe at sa Hilagang Africa noong taong
1943, nagsimulang magbago ang ihip ng digmaan. Noong ika 6 ng Hunyo ,1944, ang
mga hukbong Alyado ay lumapag ang puwersa ni Heneral Eisenhoower sa Normandy,
nagkaroon ng ilang linggong labanan at napalaya ang Paris noong Agosto 25,
samantalang sa Silangang Europe ay nilumpo ng mga Ruso ang mga hukbong Nazi at
nasakop ang Berlin. Nagsimula ang pagpagkapanalo ng Allied Powers, sa Battle of the
Bulge. Noong Enero 1945 natalo nila ang mga Nazi naitaboy sa ang mga Germans sa
kanlurang hangganan, tumawid sila sa Siegfried Line. (West Wall).
Sa huling araw ng Abril 1945, gumuho na ang mga Nazi sa ilalim ng Allies mula
sa kanluran at ng mga Russo mula sa silangan. Napagtanto ni Hitler na tapos na ang
laban. Humingi ng kapayapaan si Admiral Karl Doenitz. Noong umaga ng ika -30 ng
Abril 1945 nagpakamatay si Hitler. Na bihag ng mga Ruso ang Berlin kaya’t noong ika
– 7 ng Mayo 1945 sumuko ang Aleman. Tinawag ang araw na ito na “V- E Day “Victory
in Europe”.

D-Day at V-E Day sa Europe


Nagsimula ang pagbawi ng Allies sa Kanlurang Europe ng lumapag sa Normandy,
France ang puwersa ni Heneral Eisenhower noong Ika-6 ng Hunyo, 1944 ( D-Day).
Tinawag ang labanang ito na Battle of Normandy. Isinagawa ng mga Amerikano,
British, Canadian at French na umabot sa 120,000 na tropa ang amphibious assault,
isang uri ng pag-atake sa kalabang nasa lupa mula sa puwersang nanggaling sa mga
sasakyang pandagat. Pagkaraan ng ilang linggong labanan ay natalo ang mga Nazi.
Matapos mabawi ang France, isinunod ng mga Allies ang Germany. Noong
Disyembre 1944, sinubukang pigilan ng Germany ang napipintong pagbagsak nito sa
pamamagitan ng paglusob sa hangganan nito sa Belgium at Luxembourg na
kinahihimpilan ng puwersang Amerikano. Tinawag itong Battle of the Bulge noong
Disyembre 1944. Hindi nagtagumpay ang Germany at kumontra atake ang mga
Amerikano. Magkasanib na puwersa ng Russia at Amerikano ang pumasok sa
Germany. Noong Abril 30, 1945, pinili ni Hitler na magpakamatay kaysa sumuko sa mga
Allies. Noong Mayo 8, 1945, sumuko ang Germany sa mga Allies. Tinawag nila itong
V-E Day ( Victory in Europe Day).
Bagama’t nagtapos na ang digmaan sa Europe, patuloy pa rin sa Asya. Inatake
ng puwersang Amerikano at Australian ang mga lugar sa Asya-Pasipiko na nasakop ng
Japan. Unti-unting natalo ang Japan sa labanan sa Pacific, sa Midway, at sa
Guadalcanal noong 1942; sa Solomon Isalands noong 1943; sa New Guinea noong
1943 at 1944. Napalaya rin ang mga bansa sa Timog Silangang Asya. Ang Battle of
Leyte Gulf sa Pilipinas noong Oktubre 24-26, 1944 ang sinasabing pinakamalaking
digmaang pandagat sa kasaysayan. Napilitang sumuko ang Japan matapos ibagsak ng
U.S. ang atomic bomb sa Hiroshima noong Agosto 6, 1945 at sa Nagasaki noong
Agosto 9, 1945. Sumuko ang Japan Agosto 15, 1945. Nilagdaan nito ang pormal na
pagsuko noong Setyembre 2 ,1945 sa barkong USS Missouri na nakadaong sa
Tokyo Bay.

Mga Bunga/Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


1. Tinatayang umabot sa 50 milyong katao ang namatay. Sa bilang ito, halos 20
milyon ay Russian.
2. Malaking bilang ng aria-arian ang nasira ng digmaan. Tinatayang 60 bansa ang
naapektuhan ng digmaan .
3. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng
agrikultura, industriya, transportasyon, at pananalapi ng maraming bansa.
4. Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo ni Mussolini,
at Imperyong Japan ni Hirohito.
5. Nahati ang daigdig sa dalawang nagtutunggaliang ideolohiya-ang Demokrasya
ng United States at ang Sosyalismo ng U.S.S.R. Pumasok ang sa daigdig sa
panahon ng Cold War, isang nakagigimbal na panahon ng paramihan ng armas
at takutan.
6. Naging daan ng pagsilang ng malalayang bansa- ang East Germany, West
Germany, Nasyonalistang China, Pulahang China, Pilipinas, Indonesia,
Malaysia, Ceylon,India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq, at iba pa.

You might also like