You are on page 1of 3

BLOOMRIDGE INTEGRATED SCHOOL

248 Gen. Luiz St., Novaliches, Quezon City


UNANG KABUUANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

PANGALAN _____________________________________ Marka _________


Baitang / Section _________________________________ Petsa __________

I.Piliin sa loob ng kahon ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng sumusunod na


salita.

Mahina lasa malupit


Bata tatay pangyayari
Panlaman-tiyan pagdiriwang kaligayahan
Pakiramdam Damdamin Lumpo

Salita Denotasyon Konotasyon


Okasyon 1. 6.
Paslit 2. 7.
Pagkain 3. 8.
Timpla 4. 9.
Ama 5. 10.

II. Basahin ng mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

11. Ito ay maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa
o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
a. sanaysay b. alamat c. maikling kwento d. tula
12. Ang “Ang Ama” mula sa bansang Singapore ay anong uri ng maikling kwento?
a. kwento ng tauhan c. kwentong makabanghay
b. kwento ng katatawanan d. kwento ng pag-ibig
13.Ano ang ibig sabihin ng salitang denotatibo?
a. mga salitang may kahulugan ng literal na bagay
b. mga salitang nagpapahiwatig ng kasalungat
c. mga salitang nagsasabi ng mga totong pangyayari.
d. mga salitang may kahulugan ayon sa paggamit nito sa pangungusap
14.Ano naman ang konotatibong kahulugan?
a. mga salitang may kahulugan ng literal na bagay
b. mga salitang nagpapahiwatig ng kasalungat
c. mga salitang nagsasabi ng mga totong pangyayari.
d. mga salitang may kahulugan ayon sa paggamit nito sa pangungusap
15. Ito ay isa sa mga elemento ng maikling kwento kung saan dito nakasalalay ang kawilihan ng
mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang mga tauhan ng kuwento.
a. panimula c. saglit na kasiglahan
b. suliranin d. tunggalian
16. Ito ay tumutukoy sa panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
a. panimula c. saglit na kasiglahan
b. suliranin d. tunggalian
17. Ito ay isang pang-ugnay na nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay.
a. pang-angkop b. Pangatnig c. Pang-ukol d. Pamukod
18. Tumakbo nang tumakbo ang usa ____________ nakarating ito sa gitna ng gubat.
a. Hanggang b. habang c. samantalang d. dahil
19. Tumawag ako sa bahay ni Tess ___________ hindi pa raw siya umuuwi galling
eskuwelahan.
a. upang b. ngunit c. kapag d. kaya
20. Alin ang mas gusto mong gawin, manoood ng sine ______ kumain sa labas?
a. habang b. o c. kung d. subalit
21. Ito ay isang papapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang
panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala.
a. pag-uusap b. pagsang-ayon c. pangangatwiran d. pakikialam
22. Punan ng tamang pahayag ang pangungusap na ito, “__________________, hindi ko
gagawin ang mali. Pipiliin ko paring gawin ang tama”.
a. Lubos kong paniniwalaan c. Kung ako ang tatanungin
b. Kumbinsido akong d. Labis akong naninindigan
23. Ibigay kung anong tunggalian ang ipinapakita sa sumusunod na pahayag, “Hinarap ni Juan
si Pedro para magkaliwanagan kung sino ang may sala sa kanilang dalawa.”
a. tao laban sa tao c. tao laban sa sarili
b. tao laban sa lipunan d. tao laban sa kapaligiran
24.Ang sobrang init o lamig ng panahon ay dapat na labanan ng tao upang siya'y mabuhay ng
maayos at makaiwas sa sakit.
a. tao laban sa tao c. tao laban sa sarili
b. tao laban sa lipunan d. tao laban sa kapaligiran
25. Isang masining na pagpapahayag ng buhay hango sa guni-guni at ipinaparating sa ating
damdamin.
a. dula b. tula c. nobela d. pabula
26. Ito ang paglalahad ng mga bagay, damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng mga sagisag.
a. larawang-diwa b. kariktan c. simbolismo d. sukat
27. Tumutukoy sa pagkapare-pareho ng tunog sa mga hiling pantig sa bawat taludtod ng isang
saknong ng tula.
a. saknong b. tayutay c. tugma d. sukat
28. Ito ay tulang salaysay tungkol sa kagitingan ng isang tao, mga tagumpay niya sa digmaan o
pakikipagtunggali sa mga kaaway. Maraming tagpo ritong hindi kapani-paniwala sapagkat may
taglay na kababalaghan o salamangka at milagrong napapaloob.
a. epiko b. awit c. dalit d. alamat
29. Ito ay isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring
magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan. Halimbawa: Ipasok ang kamelyo sa butas
ng karayom
a. Pagtatao b. Pagwawangis c. Pagmamalabis d. Payak
30. Ito ang tawag sa sabay-sabay na pagbigkas sa tanghalan ng isang pangkat ng anumang
akdang pampanitikan.
a. Debate b. Sabayang pagbigkas c. Tula d. Pangangatwiran
III. Ibigay mo ang iyong opinyon sa mga sumusunod na sitwasyon sa 4 hanggang 5
pangungusap.

31-35. Usap-usapan sa barangay ni Mang Jose ang pagpapatayo ng malaking babuyan malapit sa
kanilang tirahan. Marami ang di sumasang-ayon dito dahil sa sakit na pwedeng makuha sa amoy
ng dumi ng mga alagang hayop. Ang sabi naman ng kanilang kapitan ay magkakaroon ito ng
sariling posonegro na siyang dadatnan ng dumi ng mga hayop kaya wala silang anumang
masangsang na amoy na maaamoy rito. Ano ang opinyon mo sa usaping ito?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

38-40. Hindi magkasundo ang dalawang panig tungkol sa pagbubukas ng klase sa panuruang
taong 2020-2021, kung itutuloy ba o hindi dahil sa pagkalat ng virus na Covid 19. Maraming
tutol sapagkat maaari daw magkahawaan sa paaralan ang mga guro at ng mga bata kaya mas
mainam daw na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase. Sa kabilang dako naman, nais nila na
ipagpatuloy ang pagbubukas ng klase dahil hindi lamang daw nangyayari ang pagkatuto ng mga
bata sa loob ng paaralan, bagkus ay maging sa paggamit ng gadget at iba pang material ay pwede
silang matuto. Giit pa nila, uunahin naman daw ng gobyerno ang kaligtasan ng mga guro at bata.
Ano ang masasabi mo?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

IV. 41-50. Sumulat ng buod ng inyong paboritong Maikling kuwento na pambata. Sa ibaba
ng buod isulat kung saan ito nagmulang bansa, tauhan at ang kaisipan na iyong nakuha sa
kuwento. Ito ay mayroong katumbas na sampung ( 10 ) puntos.

You might also like