Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan 7-Araling Asyano
Araling Panlipunan 7-Araling Asyano
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot mula
sa mga pagpipilian.
5. Ang mga kalupaan sa mundo ay nahahati sa pitong kontinente. Alin ang pinakamalaki sa mga ito?
A. Asya B.Aprika C.Timog Amerika D.Hilagang Amerika
6. Nasasakop ng Asya ang mula ____ Timog hanggang ____ Hilagang latitude at mula ___ hanggang ___
Silangang longitude
A. 9° to 90° at 10° to 180° C. 10° to 90° at 11° to 175°
B. 9° to 100° at 11° to 190° D. 11° to 100° at 11° to 180°
8. Kung may pitong kontinente ang daigdig, may ilan naming rehiyon ang Asya?
A. Tatlo B. Apat C. Lima D. Anim
10. Kung ang Timog Silangang Asya ay nakatatanggap ng sapat na patak ng ulan. Saang rehiyon naman ang
bihirang umulan?
A. Timog B. Hilagang C.Timog Silanagn D. Kanluran
11. Sinasabing sa Asya matatagpuan ang pinakatanyag na hanay ng mga bundok, ang Himalayas kung saan
matatagpuan din ang pinakamataas na bundok sa daigdig. Ano ito?
A. Mt. Everest B. Mt. Kanchenjunga C. Mt. Mayon D. Mt. McKinley
14. Kung ako ay pupunta mga lugar tulad ng Gobi at Taklamakan, ano ang dapat na una kong dalhin sa aking
paglalakbay.
A. Damit B. Pera C. Tubig D. Mapa
15. Karamihan sa mga kagubatan sa Hilagang Asya ay nabibilang sa tinatawag na coniferous. Ano ang
mainam na maging hanapbuhay dito ng mga tao?
A. Pagtatanim B. Pagpapastol C. Pagmimina D. Pagtotroso
16. Bakit tinawag na Pacific Ring of Fire ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya at Pasipiko?
A. Dahil sa mga aktibong bulkan C. Dahil sa madalas ang sunog dito
B. Dahil sa langis D. Dahil sa lupa
17. Isa sa mga salik na nakakaapekto sa klima ay ang altitude o ang taas ng isang lugar. Kung ako ay
nakatira sa bundok, ang klima dito ay _______.
A. Mainit B. Malamig C. Magihawa D. Maalinsangan
18. Sa mga bansang ang malaking bahagi ay damuhan, ano ang pangunahing kabuhayan ng mga tao?
A. pagtatanim ng palay C. pagtitinda ng mga damit
B. pagmimina ng langis D. pagpapastol ng hayop
19. Ang Siberia ay may epekto sa kabuhayan ng mga tao sa Hilagang Asya. Gayunpaman, anong likas na
yaman ang ipinagkaloob nito sa rehiyon?
A. Buhangin B. tubig C. karne D. langis
20. May iba’t ibang yamang mineral na matatagpuan sa Asya. Ano ang pangunahing yamang mineral
iniluluwas ng Kanlurang Asya?
A.Ginto at Pilak B. Langis at petrolyo C.Natural Gas D.Carbon at Copper
21. Makakapal ang Rain Forest ng Timog Silangang Asya partikular sa bansang Myanmar na tahanan iba’t
ibang punong kahoy. Alin sa mga sumusunod na punong kahoy ang makikita ditto?
A.Teak B.Palm C.Mahogany D.Narra
22. Bagamat salat sa lupang taniman ang Kanlurang Asya mayaman naman ang rehiyon na ito sa _______.
A. Ginto B. Bakal C. Langis D. Karbon
23. Kung ang pinakamalaking deposito ng ginto ay nasa Kyrgyztan, saan naman ang pinakamalaking
produksyon ng ginto?
A. Uzbekistan B. Tajikistan C. Kazakhstan D. Pakistan
24. Marami sa mga naninirahan sa Timog Asya ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagsasaka. Ano kaya ang
ipinapahiwatig nito tungkol sa lupain sa Asya?.
A. Mahilig sa mga prutas at gulay ang mga tao sa Asya.
B. Mataba at mainam pagtaniman ang lupain sa Asya.
C. Tamad ang mga tao sa Asya.
D. Pagsasaka lamang ang alam gawin ng mga tao sa Asya.
25. Ang Tsina ay isa sa mga bansang nagsu-supply ng mga yamang mineral sa Asya. Ano ang maaaring
kabuhayan ng mga taga-Tsina?
A. pagmimina B. pagsasaka C. pangingisda D. paghahayupan
26. Kung ikaw ay nasa Rehiyon ng Hilagang Asya anong uri ng kasuotan ang mayroon ka?
A.Sando B.Jacket C.T-shirt D.Blusa
27. Sa kabila ng limitasyon sa mga lupaing sakahan ng rehiyon, patuloy na umunlad ang mga bansa sa
Silangang Asya. Ano kaya ang maaaring dahilan?
A. Ipinagbibili sa napakataas na halaga ang mga produktong nakukuha sa rehiyon
B. Iniipon ng mga tao ang kanilang kinikita sa pagbibili ng mga produkto
C. Patuloy na umaani ng mga produktong agrikultural at nanghuhuli ng mga lamang dagat
D. Maayos na paggamit sa mga likas na yaman upang gawing kapaki-pakinabang na produktong
maipagbibili sa ibang bansa
28. Alin sa mga sumusunod ang higit na makapagpapatunay na malaki ang kaugnayan ng yamang likas sa uri
ng pamumuhay ng mga ito?
A. Ang mga hilaw na materyales mula sa saganang likas na yaman ay nakapagtutustos sa mga
pangangailan ng mga tao.
B. Ang tanging batayan ng kaunlaran ng isang bansa ay ang pagtataglay nito ng saganang likas na
yaman.
C. Ang saganang likas na yaman ay nagagamit ng tao sa pansarili nitong kapakanan.
D. Maituturing na hindi maunlad ang isang bansa kung ito ay hindi sagana sa mga likas na yaman
29. Ano ang pinakamahalagang papel na ginagampanan ng tao sa paghubog ng kabihasnang Asyano?
A. Ginagamit ng tao ang mga likas na yaman upang umunlad ang ekonomiya.
B. Nilinang at pinaunlad ng tao ng kapaligiran na nagbunsod sa pag-unlad ng kabihasnan.
C. Ginamit ng tao ang kanyang kapaligiran para sa kanyang pansariling pangangailangan.
D. Pinabayaan ng tao na mawasak ang kanyang kapaligiran
30. Ano ang dapat gawin ng mga taga-Silangang Asya para mapangalagaan ang kanilang mga likas na
yaman?
A. Gamitin at kunin ang lahat ng likas na yaman na makukuha sa rehiyon upang mas mabilis ang pag-
unlad ng mgabansa sa rehiyon
B. Gumamit ng dinamita o iba pang kemikal sa panghuhuli ng mga lamang dagat paramas marami
ang kanilang mahuli
C. Pagbili ang mga nakukuhang likas na yaman sa napakataas na halaga
D. Huwag abusuhin o gamitin nang labis ang mga likas na yaman upang hindi ito masira
33. Ano ang tawag sa talino, kakayahan, lakas, dami, at iba pang katangian ng tao na magagamit sa paggawa
ng mga produkto at serbisyo?.
A. yamang dagat B. yamang lupa C. yamang mineral D. yamang tao
34. Ano ang maaaring magandang implikasyon o epekto ng malaking populasyon ng Asya sa pag-unlad ng
rehiyon?
A. Marami ang taong pakakainin sa bawat bansa sa Asya
B. Marami ang kailangang makapagtapos ng pag-aaral sa Asya
C. Marami ang magrereklamo sa pamahalaan ng mga bansa sa Asya
D. Marami ang yamang tao at lakas paggawa na makapagpapaunlad sa Asya
35. Batay sa estadistika, normal ang hitsura ng population pyramid ng Pilipinas. Ibig sabihin, sapat ang dami
ng gitnang populasyon para matugunan ang mga pangangailangan ng buong populasyon. Ngunit sa kabila
nito ay mabagal pa rin ang pag-unlad ng bansa. Ano kaya ang maaaring dahilan?
A. Katamaran ng mga Pilipino C. Mataas na presyo ng mga bilihin
B. Kawalan ng trabahong mapapasukan D. Mabilis na paglaki ng populasyon
36. Ano ang tawag sa kakayahang magbasa, magsulat , at magbilang ng isang tao?
A. functional candidacy C. functional literacy
B. congenital literacy d. general education
38. Ano ang tawag sa pandarayuhan o paglipat ng tao ng tirahan upang humanap ng mas magandang
trabaho?
A. Aviation B. imbitasyon C. irigasyon D. migrasyon
39. Nagtapos sa kursong Nursing si Anton ngunit nagtatrabaho siya ngayon sa isang call center. Ano ang
tawag kay Anton?
A. Employed B. unemployed C. underemployed D. overemployed
40. Sa bansang Hapon ay mas marami na ang matandang populasyon kaysa gitna o batang populasyon.
Gayundin, mahaba ang inaasahang buhay ng populasyon nito. Ano ang maaring mangyari sa bansang
Hapon pagdating na araw?
A. Magkakaroon ng pagdiriwang C. Walang mangyayari
B. Magkakaroon ng krisis D. Magkakaroon ng mga bisita
41. Tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na may magkakaparehong wika, kultura at etnisidad.
A. Pangkat etnoliggwistiko B. Tribo C. Pangkat Asyano D. Katutubo
42. Alin sa mga sumusunod ang HINDI batayan sa pagpapangkat ng mga pangkat etnoliggwistiko?
A. Wika B. Kultura C. Etnisidad D. Relihiyon
43. Mangyan : Pilipinas :: Balinese : _____________
A. Japan B. Indonesia C. China D. India
44. Ang mga Arab ay nakikilala sa pagiging lalalag o nomadic sa Kanlurang Asya tinatawag ito bilang
____________.
A. Bedouin B. Oasis C. Tribal D. Desertification
45. Ayon sa mga arkeologo ang mga ________________ ang isa sa mga sinaunang tao sa daigdig.
A. Arab B. Manchu C. Tajik D. Ngalops
46. Anong wika ang may malaking impluwensiya sa mga wikang ginagamit sa Silangang Asya?.
A. Sinitic B. Semitic C. Samtic D. Intsik
48. Sa kabila ng pagkakaroon ng mga pangunahing pangkat na naninirahan sa rehiyon, mayroon pa ring
maliliit na pangkat ng tao sa bawat rehiyon ng Asya. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Pakalat-kalat ang mga Asyano sa buong rehiyon
B. Patuloy ang migrasyon o pandarayuhan sa Asya
C. Napakalaking populasyon ng Asya
D. Inaapi ng malalaking pangkat ang maliliit na pangkat ng tao sa Asya
49. Isang suliranin sa Asya ang diskriminasyon sa maliliit na pangkat ng tao. Ano ang maaaring gawin upang
maiwasan ito?
A. Pagbawalan ang malilit na pangkat ng tao na makihalubilo sa malalaking pangkat.
B. Hikayatin ang lahat na igalang ang bawat pangkat ng tao sa Asya, maliit man o malaki
C. Paalisin sa bansa o rehiyon ang maliliit na pangkat ng tao.
D. Paghiwalayin ang malalaki at maliit na pangkat ng mga tao.
50. Bagamat maraming lahing bumubuo sa Asya , isa sa mga minimithi ng mga Asyano ay ang
_____________ sa gitna ng pagkakaiba-iba.
A. Pagkakaisa B. Pagkakapantay-pantay C. Pag-uunawaan D. Pagtutulungan
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 8-KASAYSAYAN NG DAIGDIG
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot mula
sa mga pagpipilian.
3. Ang daigdig ay 70% tubig at 30% lupa. Ano ang ipinahihiwatig nito tungkol sa ugnayan ng tubig
at ng mga tao?
A.Mahilig sa tubig ang mga tao kaya maraming lugar kung saan maaaring lumangoy at
mangisda.
B.Madalas maligo ang mga tao kaya tama lang na malaking bahagi ng daigdig ay tubig.
C. Maraming tubig sa daigdig kaya maaari itong aksayahin.
D. Mahalaga ang tubig para mabuhay ang mga nilalang sa mundo kaya dapat itong gamitin
nang wasto.
4. Ayon kay Alfred Wegener, dati magkakaugnay ang mga kontinente sa isang superkontinente na tinatawag
na ________________.
A. Plate B.Gondwana C. Pangaea D. Laurasia
8. Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng mga sumusunod MALIBAN
Sa __________.
A.Wika B. Pangkat –etniko C.Klima D. Relihiyon
10. Ano ang pinaka hindi mabuting epekto ng pagkakaiba-iba ng wika sa isang bansa?
A.Naging maayos ang lipunan C.Humahantong sa hindi pagkakaunawaan
B.Umunlad ang ekonomiya nila D.Iba’t iba ang wikang ginagamit ng mga tao
11. Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang mga ninuno ng tao may 2.5 milyong
taon na ang nakalilipas. Sila ang _______________(nangangahulugang tao) nagtagumpay makiayon sa
kanilang kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang panahon.
A. Australopithecus B. Homo Erectus C. Homo Habilis D. Homo Species
12. Ang kontinente ng _______________ ay itinuturing ng lunduyan ng ebolusyon dahil dito natagpuan ang
mga labi ng species ng mga sinaunang tao?
A. Asya B. Aprika C. Europa D. Australia
13. Ayon sa kanyang aklat na Origin of Species, ipinapalagay na ang tao ay nagmula sa lahi ng unggoy at sa
proseso ng ebolusyon unti-unting nalinang ang kanyang pisikal na kaanyuan. Sino ang siyentistang ito?
A. John Dewey B. Galileo Galilei C. Charles Darwin D. Aristotle
15. Sa paglipas ng panahon, lumitaw ang taong nakakagawa ng mga bagay mula sa bato na mas kilala bilang
____________.
A. Australopithecine B. Homo Habilis C. Homo Erectus D. Homo Sapiens
17. Suriin ang larawan sa ibaba. Alin ang nagpapakita ng utak ng Homo Sapiens?
A B C D
18.Ang mga sumusunod ay uri ng pamumuhay ng taong neolitiko. Alin ang hindi kabilang dito?
A. Pag-aalaga ng hayop C. Pagsasaka
B. Paggamit ng makinis na kasangkapang bato D. Pangangalap ng pagkain
19. Sa anong yugto unang gumamit ng apoy at nangaso ang mga sinaunang tao?
A.Paleolitiko B. Panahon ng Tanso C.Neolitiko D. panahon ng Bakal
20. Sa panahong ito ang mga tao ay may kakayahan na gumawa ng gamit mula sa bato.
A. Mesolitiko B. Neolitiko C. Paleolitiko D.Metal
21. Bakit masasaning parasitiko sa kapaligiran ang mga tao sa panahong paleolitiko?
A. Umaasa lamang sila sa kung ano ang biyaya mayroon ang mga puno sa kapaligiran na
makapupuno sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
B. Natuto silang mag-alaga ng hayop at manirahan sa isang kugar
C. Umaasa lamang sila sa mga bunga ng punong kahoy na malalaglag bilang kanilang pagkain.
D. Sila ay natutong makipagkalakalan
22. Ito ang nagsilbing transisyon sa panahon ng lumang bato at bagong bato.
A. Paleolitiko B. Neolitiko C. Mesolitiko D.Metal
23. Bunsod ng patuloy na pagbabago sa llipunan, anong panahon ito kung saan ang mga tao ay nadiskubre
ang paggamit ng mga kasangkapang yari sa tanso at bakal?
A. Panahong Mesolitiko C. Panahon ng Metal
B. Panahon ng Bato D. Panahon Neolitiko
24. Alin ang hindi kabilang sa mga pangyayari noong panahong Neolitiko
A. Nadiskubre ng tao ang apoy C. Nagkaroon ng uri ang lipunan
B. Natutong magtanim ang tao D. Natanto ng tao ang kanyang kaganapan
25. Sa patuloy na pag-unlad ng kaalaman ng tao, nadiskubre niya ang paggamit ng metal. Alin sa mga
Sumusunod na metal ang nadiskubre ng mga Hititte?
A. Tanso B. Bronse C. Bakal D. Ginto
27. Sinasabing ang salitang kabihasnan at sibilisasyon ay magkasingkahulugan. Ano ang ibig sabihin ng
sibilisasyon?
A. Tumutukoy ito sa pamumuhay sa isang lungsod
B. Tumutugon ito sa pamumuhay sa mga lipunang umusbong sa lambak-ilog
C. Tumutukoy ito sa kultura ng mag sianunang tao
D. Tumutukoy ito sa urbanisasyon ng mga lugar
28. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan.
A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao.
B. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya.
C. Pamumuhay na nkagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lambak.
D. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran.
30. Alin sa mga sumusunod na pangugusap ang nagpapahayag na may umiiral na kabihasnan o sibilisasyon?
A. Kapag ang tao ay natutuong humarap sa hamon ng kapaligiran
B. Kapag ang tao ay marunong bumasa o sumulat
C. Kapag ang tao ay may hanapbuhay
D. Kapag ang tao ay may nalinang na relihiyon
31. May mga batayang salik sa pagbuo ng kabihasnan. Piliin sa mga sumusunod ang mga batayang
nakapaloob sa pagbuo nito
I. May organisado at sentralisadong pamahalaan
II. Espesyalisasyon sa paggawa at uring panlipunan
III. May mataas na kaalaman,sining,at arkitektura
IV. May masalimuot na relihiyon at sistema ng pagsulat
Para sa bilang 32-33, suriin ang mapa ng mga unang kabihasnan sa ibaba at sagutin ang mga kaukulang
tanong.
32. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasabi ng katotohanan tungkol sa mga unang kabihasnan
MALIBAN sa _______________.
A. Tatlo sa mga unang kabihasnan ay makikita sa Asya.
B. Ang mga kabihasnang Mesopotamia, Indus, Egypt at China ay nagsimula sa mga lambak-ilog
C. Lingid sa kaalaman ng lahat na may mga naging kabihasnan sa Mesoamerica
D. Nanatiling matatag ang mga unang kabihasnan magpahanggang ngayon
33. Bakit hindi kaagad nadiskubre ang mga unang kabihasnan sa Mesoamerica?
A. Dahil sa lokasyon nito sa karamihan C. Dahil magulo ang lipunan dito
B. Dahil hindi nila ito kasundo D. Dahil maynnatatago itong yaman
34. Ang kinilala bilang “cradle of civilization’ dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao sa
Asya.
A. Mesopotamia B. Shang C. Indus D. Greece
35. Sinasabing may pagkakatulad ang mga lugar kung saan umusbong ang mga sinaunang kabihasnan at isa
na dito ang pagkakaroon nila ng malalaking ilog. Anong kabihasnan ang naitatag sa sa ilog Indus?
A. Mesopotamia B. Indus C. Shang D. Roman
36. Naging tagpuan ng Kabihasnang China ang tinawag na Yellow River dahil pagkatapos ng pagbaha ang
tubig nito ay nag iiwan ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na malapit
dito.
A. Tigris at Euprates C. Indus B. Huang Ho D. Nile
37. Hindi man magkakasabay na lumitaw sa daigdig ang kabihasnang Mesopotamia, Indus, Egypt at China ay
magkakapareho naman itong umusbong sa ____________.
A. Bundok B. Lambak-ilog C. Kapatagan D. Dalampasigan
38. Sa mga kabihasnang naitatag sa daigidg, ano ang pagkakatulad sa kanilang pisikal na katangian?
A. Matabang lupa at malalaking ilog C. Tabing dagat at malawak na pangisdaan
B. Malalawak na damuhan at kagubatan D. Matataas na bundok at burol
39. Ipinapalagay ng mga dalubhasa na nagkaroon ng migrasyon ng tao mula Asya papuntang Mesoamerica
bago matapos ang Ice Age. Saan ipinapalagay na sila’y dumaan?
A. Bering Strait B. Atlantic Ocean C. Pacific Ocean D. Hudson Bay
41. Bakit kinilala ng mga arkeologo ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
A. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan
B. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan na may
42. Bakit lubhang limitado ang nakatalang impormasyon sa kasaysayan ukol sa kabihasnang Indus?
A. Dahil walang naisulat ukol sa kabihasnang Indus
B. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa lubusang nauunawaan ng mga eksperto ang
pictogram ng kabihasnang Indus
C. Dahil walang nahukay na ebidensya tungkol sa kanila
D. Dahil nalibing na sa limot ang kabihasnang ito
43. tinuturing na pinakauna at pinakamatandang kabihasnan sa daigdig ang Sumer. Alin sa mga sumusunod
ang nagpapatibay sa kaisipang ito?
A. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
B. Dahil kinilala silang unang sibilisasyon ng tao na nangibabaw bunga ng marami nitong kontribusyon
sa daigdig
C. Dahil nagkaroon sila ng matatag na sistemang political
D. Dahil sila ang may pinakamatatag na sistemang pangrelihiyon
44. Bakit itinuturing na isang mahalagang pamana ng Sinaunang Ehipto ang mga pyramid?
A. Dahil naging libingan ito ng mga pharaoh ng Ehipto.
B. Dahil natatangi at kahanga-hanga ang arkitektura at paraan ng pagtatayo ng mga pyramid.
C. Dahil napakalaki ng mga pyramid at halos umabot sa mga ulap.4
D. Dahil maraming ginto, alahas, at kayamanang nakatago sa loob ng mga pyramid.
45. Kung pagmamasdan sa mapa masasabing magkakalapit ang mga unang kabihasnang sumibol sa
daigdig, subalit ang kabihasnan sa Mesoamerica ay lubhang naging malayo sa isa’t- isa. Ano ang
maaaring mabuong implikasyon nito?
47. Ang Caste System sa India ay sinaunag paghahati ng lipunan na may iba’t-ibang antas o pangkat ng mga
tao. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay tungkol sa caste system?
A. May mahahalagang gawain sa bayan ang bawat pangkat.
B. Ang Sudras ang pinakamataas na uri ng lipunan.
C. May matataas na pinuno na bahagi rin ng Sudras
D. Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kaniyang antas at karapatan.
48. Ano ang mahalagang aral na iyong natutuhan sa pamumuhay ng mga katutubo sa mga sinaunang
kabihasnan sa Mesoamerica?
A. Matatagpuan ang mga sinaunang pamayanan ng Mesoamerica sa malaking bahagi ng
kasalukuyang Mexico
B. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga taga-Mesoamerica dahil sa sistematikong paraan ng
pagsasaka at pakikipagkalakalan.
C. Nararapat na makapamuhay ang tao ayon sa kaniyang kapaligiran at sa kakayahan niyang alagaan
at linangin ang taglay nitong yamang likas.
D. Muling ibalik ang kadakilaan ng sinaunang kabihasnang Mesoamerica sa pamamagitan ng muling
pagtangkilik sa naging paraan ng kanilang pamumuhay
49. Bilang isang Asyano, tunay na kahanga-hanga at maipagmamalaki na sa atin nagmula ang mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig. Ano ang kahalagahang nakapaloob sa damdaming ito?
A. Masasabi nating superyor ang ating lahi at namumukod-tangi sa iba
B. Mas angat tayo sa iba dahil sa atin nagmula ang sinaunang kabihasnan
C. Dapat nating ingatan ang kabihasnang ito upang di magaya sa iba
D. Mahalaga ang naging papel ng mga sinaunang kabihasnang ito na nagsilbing pundasyon ng
kasalukuyan
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot mula
sa mga pagpipilian.
4. Alin sa mga sumusunod ang higit na nagpapaliwanag kung bakit isang agham panlipunan
ang ekonomiks?
A. Pinag-aaralan nito ang mga epekto ng mga pinagkukunan sa lipunan
B. Pinag-aaralan nito ang ugnayan ng mag tao sa isa’t-isa, sa mga grupo, at sa mga institusyon
upang matugunan ang kanilang mga kagustuhan
C. Pinag-aaralan nito ang iba’t-ibang sistemang panlipunan
D. Pinag-aaralan nito ang pamilya bilang isang mahalagang institusyong panlipunan
5. Isa itong batayang katotohanan ng ekonomiya kung saan ang lahat ng mga kalakal na pangkabuhayan ay
limitado.
A. Kakulangan B. Kagustuhan C. Kakapusan D. Kailangan
7. Ang kakapusan ang pangunahing problema ng bansa dahil sa limitado ang mag pinagkukunang-yaman sa
paparaming kagustuhan ng tao. Alin sa mga sumusunod ang palatandaan ng kakapusan?
A. Pagkakaroon ng mahabang pila sa tindahan.
B. Pagkakaroon ng labis na produkto sa pamilihan.
C. Pagkakaroon ng labis na panustos sa pamilihan.
D. Pagkakaroon ng mabilis na paggawa ng mga produkto.
8. Ang kakapusan ay ang pangunahing suliranin ng Ekonomiks. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang
nagpapahiwatig ng kakapusan sa pamilihan?
A. Dumadami ang mga mangangalakal sa black market.
B. Madalas ang sale ng mga tindahan.
C. Laganap ang panic-buying at hoarding.
D. Bumababa ang presyo ng mga bilihin.
Para sa bilang 10-11, suriin ang graph sa ibaba upang masagot ang mga sumusunod na tanong:
10. Sa pangkalahatan, ano ang ipinapakita ng graph kapag ginamit ang lahat ng pinagkukunan sa produksyon
ng baril at bigas?
A. Kapag dinaragdagan ang produksyon ng baril, nababawasan ang produksyon ng bigas.
B. Kapag binabawasan ang produksyon ng baril, nababawasan din ang produksyon ng bigas.
C .Kapag tumataas ang produksyon ng baril, tumataas din ang produksyon ng bigas.
E. Kapag tumataas ang produksyon ng baril, walang pagbabago sa produksyon ng bigas.
F.
11. Kapag ginagamit ang lahat ng pinagkukunan, ilang libong baril ang magagawa kapag ang produksyon ng
bigas ay dalawang milyong kilo?
A. 15 B. 12 C. 9 D. 6
12. Halimbawang ang lipunan ay kasalukuyang nagproprodyus ng 9 na libong baril at 3 milyong kilong bigas,
ilang milyong kilong bigas ang isasakripisyo kung ipinasiya ng lipunan na magprodyus ng 12 libong baril?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
14. Mahihirapang mabuhay ang mga tao kung wala silang pagkain, damit at tirahan. Ano ang tawag sa mga
bagay na ito?
A.Luho C.Kagustuhan
B.Pangangailangan D.Kagamitan
15. Bakit itinuturing na kagustuhan ang pagkakaroon ng cell phone, kotse at alahas?
A. Sapagkat mahal ang mga bagay na ito
B. Sapagkat hindi kayang bilhin ang mga ito ng maraming tao
C. Sapagkat hinahangad ang mga ito ng isang tao upang magkaroon siya ng kasiyahan
D. Sapagkat gusto ang mga bagay na ito ng maraming tao
17. Ang pangangailangan ay mga bagay na ginagamit ng tao upang mabuhay. Ano naman ang kagustuhan?
A. Mga bagay na nakukuha sa madaling paraan.
B. Mga bagay para sa pansariling kapakanan.
C. Mga bagay na pansamantalang naaangkin ng mga tao.
D .Mga bagay na nagdudulot ng kasiyahan sa tao
18. Kung ang pagkain at tirahan ay mga pangunahing pangangailangan, ano naman ang kagustuhan.
A. Mga bagay na itinuturing na luho ng tao.
B. Mga bagay na kathang-isip lamang ng tao.
C. Mga bagay na mabilis maubos.
D. Mga bagay na kailangan ng tao upang mabuhay.
19. Sa Herarkiya ng mga Pangangailangan ni Abraham H. Maslow, alin sa mga pangangailangan ang
pinakamataas?
A. Physilogical B. Actualization C. Love/Belonging D. Safety
21. Alin ang may wastong pagkakaayos ng hirarkiya ng pangangailangan ayon sa teorya ni A.H. Maslow?
A. Security, Social, Self-esteem, Actualization, Physiological
B. Physiological, Security, Social, Self-esteem, Actualization
C. Self-esteem, Security, Physiological, Social, Actualization
D. Social, Security, Physiological, Actualization Self-esteem]
22. Si Cris ay isang guro sa elementarya. Malapit nang magbukas ang klasekaya kailangan na niyang bumili
ng mga gamit para sa paaralan. Alin sa sumusunod ang kailangan niyang bilhin?
A. helmet B. tuwalya C. cellphone d. class record
23. Si Lloyd ay isang mag-aaral ng engineering. Alin sa sumusunod ang kakailanganin niya sa kaniyang pag-
aaral?
A. paintbrush B. gunting C. calculator D. microscope
25. Si Rita ay nagtatrabaho sa bangko. Kumikita siya ng 30,000 piso kada buwan. Dahil dito, nabibili niya ang
lahat ng kaniyang mga pangangailangan at nakatutulong din siya sa kaniyang pamilya. Anong salik ang
nakakaimpluwensiya rito?
A. Panlasa B. Kita C. Edad D. Trabaho
26. Si Paul ay isang pintor. Dahil dito, kailangan niyang bumili ng canvass, mga pintura, at iba't ibang brush.
Anong salik ang nakakaimpluwensiya sa mga pangangailangan niyang ito?
A. Kita B. kasarian C. edukasyon D. hanapbuhay
27. Tuwing may okasyon ay nagpapaluto si Andrea ng spaghetti samantalang si Lola Ana ay nagpapaluto ng
pansit. Anong salik ang nakakaimpluwensiya sa pagkakaiba nila ng gustong pagkain?
A. kita B. panlasa C. kasarian D. trabaho
28. Ito ay tumutukoy sa mekanismo ng pamamahagi o distribusyon ng mga likas na yaman, yamang tao, at
yamang pisikal sa iba’t-ibang paggamitan upang masagot ang mga suliraning pang-ekonomiya.
A. Konserbasyon B. Produksyon C. Alokasyon D. Implasyon
29. Upang masagot ang mga suliraning ito may mga katanungang nauugnay sa suliraning ito. Alin ang HINDI
kabilang?
A. Ano B. Paano C. Gaano D. Bakit
31. Kung ikaw ay isang matalinong mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?
A. Isinasaalang-alang ang relihiyon, paniniwala at tradisyon.
B. Isinasaalang-alang ang hilig at kagustuhan.
C .Isinasaalang-alang ang magiging bunga ng desisyon.
D. Isinasaalang-alang ang itsura at porma
32. Ang lumalaking populasyon ng Pilipinas ay isang suliranin. Ano ang maaaring gawin para mapigilan ito?
A. Bigyan ng pagkaingmakakain ang mga mamamayan.
B. Bigyan ng wasto at sapat na kaalaman ang mga mamamayan tungkol sa family planning.
C. Bigyan ng libreng sakay sa mga pampublikong sasakyan ang mga mamamayan.4
D. Bigyan ng kabuhayang mapagkakaabalahan ang mga mamamayan.
33. Sa mga sumusunod na sistemang pang-ekonomiya, alin ang naniniwala sa pribadong pamumuhunan at
pagmamay-ari?
A. Market Economy B. Mixed Economy C. Traditional Economy D. Command Economy
34. Sa command economy, ano ang may komprehensibong kontrol at regulasyon ng ekonomiya ng bansa?
A. Prodyuser B. Konsyumer C. Pamahalaan D. Pamilihan
35. Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa sistemang
tradisyunal na ekonomiya?
A. Wala, sapagkat iyong katungkulan ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa plano nito.
B. Malaya kang makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes.
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakinabang ng mga pinagkukunang yaman.
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol sa ibang gawain.
36. Sa ekonomiks, ano ang tawag sa paggamit ng kalakal o serbisyo upang matugunan ang
pangangailangan?
A.Distribusyon B. Produksyon C. Pagkonsumo D. Alokasyon
38. Anong uri ng pagkonsumo ang ipinapakita sa pagbili at pag-inom ng tubig pagkatapos tumakbo o mag
ehersisyo?
A. Maaksayang Pagkonsumo C. Mapanganib na Pagkonsumo
B. 3Produktibong Pagkonsumo D. Tuwirang Pagkonsumo
39. Anong salik ng pagkonsumo ang maaaring maging sanhi ng maaksayang pagkonsumo?
A. presyo B. panahon C. panggagaya D. okasyon
40. Bakit mahalagang malaman at maunawaan ang pagkonsumo, mga uri nito, at mga salik na
nakakaimpluwensiya sa pagkonsumo?
A. Dahil nakatutulong ito sa pagtukoy ng mga negosyong maaari pang simulan ng mga negosyante
para matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao
B. Dahil nakatutulong ito sa pagtukoy sa uri, dami, at kalidad ng mga produkto o serbisyong gagawin
at ipagbibili sa pamilihan
C. Dahil nakatutulong ito sa pagpaparami ng trabahong mapapasukan ng mga tao sa iba;t ibang
bahagi ng bansa
D. Dahil nakatutulong ito sa pagpaparami ng produkto o serbisyong maipagbibili sa mga pamilihan
42. Ayon sa Law of Diminishing Marginal Utility, ano ang mangyayari sa kasiyahang matatamo habang
ginagamit ang isang kalakal?
A. Tumataas B. Bumababa C. Walang Pagbabago D. Pabago-bago
44. Anong tungkulin ng mamimili ang nagsasaad na dapat siyang humingi ng resibo sa bawat produktong
kaniyang binili o serbisyong kinuha?
A. pag-uulat ng pandaraya sa pamahalaan
B. paghingi ng resibo
C. pagiging mulat at mapagmasid sa kapabayaan ng mga prodyuser
D. pangangalaga sa kalikasan
45. Isang proseso ng pagpapalit anyo ng mga input para gawing output.
A. Produksiyon B. Pagkonsumo C. Alokasyon D. Kakapusan
48.Kung ang bayad sa paggawa ay sahod, ano naman ang bayad sa lupa?
A. Interes B. Renta C. Kita D. Tubo
49. Nang lumakas ang benta ni Mario, inalok niya si Pedring na mamuhunan sa kanyang negosyo. Anong uri
ng negosyo ang itinayo nina Mario at Pedring?
A .Solong pagmamay-ari B. Sosyohan C. Korporasyon D. Kooperatiba
50. Bakit mahalagang malaman at maunawaan ng isang negosyante ang mga organisasyon ng negosyo?
.
A. Para makahanap siya ng magiging kasosyo sa gusto niyang itayong negosyo.
B. Para makapili siya ng angkop na organisasyon para sa gusto niyang pasuking negosyo at halaga
ng kaniyang puhunan.
C. Para makapili siya ng negosyong maaari niyang pagkakitaan.
D. Para malaman niya kung kailan siya malulugi at dapat nang magsara ng negosyo.