You are on page 1of 1

Ang Mabuting Samaritano

(Parabula / Parable)

Isang lalaki Hudyo ang naglalakbay pababang Jerusalem at


patungong Jeriko. Mula sa kanyang kinatatayuanay abot-tanaw pa rin niya
ang huling bahay sa Jerusalem. Naabutan siya ng sikat ng araw at
nagpahinga sa ilalim ng punungkahoy at doon na rin niya kinain ang
kanyang pananghalian. Nang siya ay makapanghalian muli niyang isinabit
sa kanyang balikat ang sako. Nanatili pa rin siyang nag-iisa sa kanyang
paglalakbay. Mataas pa rin ang araw kaya naniniwala siya na makakarating
siya sa kanyang pupuntahan. Nang walang anu-ano isang grupo ng
kalalakihan ang nakita niya at ginulpi siya at inagaw lahat ang kanyang
mga dala. Iniwan siyang halos wala ng buhay. Nagkataong dumaan doon
ang isang Saserdoteng Hudyo at pagkakita sa taong nakahandusay, siya'y
lumihs at nagpatuloy sa kanyang lakad. Dumaan din ang isang Levita,
ngunit tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy ng kanyang lakad. Ngunit
may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang
hinarang at siya nahabag. Lumapit siya, binuhusan ng langis at alak ang
mga sugat nito at tinalian. Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang
hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at inalagaan doon. Kinabukasan,
dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-
panuluyan at sinabi, “Alagaan mo siya, at kung magkano man ang
kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik.”

You might also like