You are on page 1of 1

HUMADAPNON

Epikong Panay

Ang mag-asawang Musod Burubalaw at Anggoy Ginbitinan ay may mga anak na lalaki. Isa sa
kanilang mga anak ay itinuturing na bayani ng mga Sulod Pagandra ng Panay Sentral. Ito ay ang kanilang
panganay na si Humadapnon.

Nang siya’y magbinata, iginayak niya ang kanyang sarili sa paglalakbay. Nais niya’y matagpuan ang
babaeng kanyang pakakasalan. Ang babaeng nagngangalang Nagmalitong Yawa, nag-iisang anak nina
Labaw at VivaMatanayon ng Ilog Hulanod ang siyang nagpatibok sa puso ni Humadapnon. Kumuha muna
siya ng maliit na patalim at sinugatan nito ang maliit na daliri. Matapos iyon, siya ay naglakbay at nangyaring
si Buyung Dumalaplap ang naging kapatid niya sa dugo.
Habang siya’y naglalayag sakay ng kanyang ginintuang bangka, isang hindi inaasahang lakas ang dumating.
Natangay ang kanyang ginintuang bangka. Salamat na lamang at may dumating siyang kaibigang hindi
nakikita kaya nakaiwas siya sa pagkakaipit sa dalawang malalaking bato.

Matapos ang trahedyang ito’y muling nagpatuloy sa paglalakbay si Humadapnon hanggang sa


makarating siya sa dagat na ang tubig ay hindi gumagalaw, malagkit, maputik at maitim. Matagal pa sana
siyang aalis sa lugar na iyon ngunit muli na naman siyang tinulungan ng kanyang kaibigang di niya nakikita,
na nagngangalang Saragudon.

Sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, narating nila ang lupain ng Taraban. Ang lahat ng mga
namumuno sa lugar na ito ay pawang babae na naggagandahan. Sina Simalubay Hanginum, Simahuboli
Hubunan at Sinaghating Bulawan. Sa kagandahan ng magkapatid ay naakit si Humadapnon. Isa rin ito sa
dahilan kung bakit nananatili pa silasa lugar na ito sa kabila ng pinagbantaan siya ng kapatid sa dugo na si
Dumalaplap. Nabilanggo siya rito ng halospitong taon. Sa kabutihang-palad, may nagligtas muli sa kanya.
Ito ay si Nagmalitong-Yawa na matapos siyang makawala ay bigla itong nawala.

Muli niyang ipinagpatuloy ang paghahanap kay Nagmalitong Yawa. Napadaan siya sa isang madilim
na lupain na kinakitaan ng mga kaluluwa ng kanyang mga ninunong yumao na. Ang lupaing ito’y nagtataglay
ng sampung ilog. Lulan ng kanyang bangka, mula sa bulubunduking ito, nagkaroon sila ng paglalaban at
agad naman niyang nagapi ang mga ito. Mula sa ilog na ito ay nadako siya sa ilalim ng lupa at dito’y
nakasagupa niya ang isang hayop na may walong ulo. At nagapi niya ang hayop. Sa maraming taon niyang
paglalakbay, narating niya ang Ilog ng Holawod. At dito niya nakita si Nagmalitong Yawa. Ito ay kanyang
pinakasalan. Sa gitna ng pagdiriwang may dumating na isang grupo mula sa kalawakan. Mabilis na kinuha
si Nagmalitong Yawa at ito ay napatay. Buong tapang na nakipagsagupa si Humadapnon sa pinuno ng
grupo. Sapagkat kapwa may angking lakas ay umabot sa pitong taon ang kanilang sagupaan. Ipinaalam ni
Launsina kay Humadapnon na kulang sa pag-iisip ang nakalaban ni Humadapnon sa Namurata sa
himpapawid upang bigyan ng buhay si Nagmalitong Yawa.

Nang muling mabuhay si Nagmalitong Yawa ay saka nila napag-alaman na ang kalahating katawan
nito ay napangasawa ni Amurutha at ang kalahati ay napangasawa ni Humadapnon. Mula nang
magkaliwanagan ay nanaog sina Humadapnon at Nagmalitong Yawa sa naging pinuno ng mga tao sa Sulod
ng Panay.

You might also like