You are on page 1of 2

ALEXCES: Hanna! Ikaw pala yan?

HANNA: Oo, Alexces, nakakapagod sa school ano? Buti nalang at Sabado ngayon, may bago na
naman tayong matututunan sa Bible Adventures natin!

ALEXCES: Pero teka, nasan si Andrew?

MAKIKITA SI ANDREW NA MALUNGKOT

HANNA: Ako lang ba o malungkot si Andrew ngayon?

ALEXCES: Oo nga eh, bakit kaya?

ANDREW: Kanina kasi, habang naglalakad ako, may nakita akong bat ana nadapa siya sa may
putikan, tapos pinagtawanan siya nung mga kasama niya, kaya ayon nilapitan ko tapos tinulungan
kong tumayo.

ALEXCES: Tinulungan mo naman pala, eh bakit ka malungkot?

ANDREW: Naisip ko lang pano kung satin nangyari yon? May tutulong din kaya sakin o
pagtatawanan lang din ako tapos di papansinin?

SUPERBOOK TRANSITION IF MERON

HANNA: Ang kwentong natin ngayon ay nakasulat sa Lucas 10:25-37. Ito ay kwento ng isang
mabuting samaritano, na

May isang Hudyo na naglalakbay mula Jerusalem patungong Jerico. Isang gabi, habang siya
ay naglalakbay, siya ay hinarang ng isang grupo ng mga tulisan. Kinuha ng mga masasamang-loob
ang lahat ng kanyang dala, pati na rin ang kanyang damit na suot. Pagkatapos pagnakawan ay
binugbog pa ng mga tulisan ang Hudyo at iniwan sa gilid ng daan na halos wala nang buhay.

Ilang minuto pagkatapos maiwan ang kawawang nilalang, may isang paring Hudyo na
dumaan. Nakita nito ang taong nakahandusay sa lupa. Nagmamadaling lumihis ang pari na parang
walang nakita. Mabilis siyang naglakad papalayo.

Hindi nagtagal ay isang Levita naman ang dumaan. Napansin din niya ang dumadaing na
Hudyo. Tulad ng pari, mabilis ring lumihis nang daan ang Levita at nagpatuloy sa kanyang
paglalakbay.

Matapos ang matagal na panahon, may napadaang isang Samaritano. Nakita niya ang
kawawang Hudyo na noon ay halos hindi na umiimik sa kanyang pagkakahandusay. Dali-daling
lumapit ang Samaritano at tinulungan ang lalaking makaupo. Binuhusan nito ng langis at alak ang
mga sugat ng biktima. Nang malinis na ang mga sugat nito, marahang binendahan ng Samaritano
ang mga sugat. Isinakay nito ang Hudyo sa kanyang asno at inihatid sa isang malapit na bahay-
panuluyan. Duon ay hiningi ng Samaritano sa may-ari na pakainin at painumin ang kawawang
biktima.

Kinabukasan, bago umalis ang Samaritano upang magpatuloy sa kanyang paglalakbay,


binigyan niya ang may-ari ng bahay ng dalawang pirasong pilak at sinabing alagaan nito ang
kawawang lalaki. Dinagdag pa nito na kung lalabis ang magagastos ng may-ari sa pag-aalaga sa
lalaki ay kanya itong babayaran sa kanyang pagbabalik. Namalagi sa bahay-panuluyan ang
kawawang Hudyo hanggang sa gumaling nang

You might also like